Lahat ng Kabanata ng Millionaire Men's Club: Alexandros Ruffalo: Kabanata 111 - Kabanata 120

132 Kabanata

Chapter 111

Kanina pa sya nakatayo sa harapan ng bintana sa kwarto nila ni Alexandros. Pinagmamasdan nya ang dagat habang hinahaplos ang tyan nya. Hindi nya alam, pero kapag nakikita nya ang hampas ng alon, kumakalma sya. Gustuhin man n'yang umiyak sa nasaksihan at pagtanggi sa kanya ni Alexandros kanina ay hindi nya magawa. Kailangan nyang maging matatag. Nang magpaalam sya sa mga tao sa ibaba na aakyat na muna at magpapahinga, nagpaalam na rin ang mga ito. Bigla raw sumama ang hangin na naaamoy ng mga ito at kaya mas mabuti pa raw na magpunta na lang sa floating restaurant. Atleast dun raw sariwa ang hangin at busog pa ang mga mata. Napailing pa sya ng pinaghahampas ni Selena ang mga ito at sinabing wag gawing tambayan ang restaurant nito para makakita lang ng mga babaeng naka swimsuit!Biglang nagbukas at sara ang pintuan sa kwarto. Hindi nya nilingon ang pumasok. Alam nyang si Alexandros 'yon dahil naamoy nya ang gamit nitong pabango. Nanigas sya bigla ng yumakap ito mula sa likuran nya a
Magbasa pa

Chapter 112

Nakaramdam sya ng lungkot ng mag-iisang oras na wala pa rin si Alexandros. Kanina pa sila nag-aantay sa loob ng isang silid dito sa clinic kung saan iuultrasound sya. Kinailangan tuloy muna silang iwan ni Doktora Honey dahil may dumating na pasyente sa clinic na kailangan nitong tingnan. Mapait na ngumiti sya. Kahit pa nga ginagawa lang ni Alexandros ang pagpapanggap na hindi sya maalala nito para mahuli ang kasabwat ni Nicole dito sa isla ay hindi pa rin nya maiwas na makaramdam ng konting kirot sa puso. Ano kayang ginagawa ng dalawa at mukhang nakalimutan na ni Alexandros ang sinabi nito kanina na susunod ito sa clinic para sabay nilang makita ang first ultrasound ng baby nila? "Naiinis talaga ako kay kuya Alexandros! Bakit ba kasi kailangan pa n'yang magpanggap? Mas inuuna pa nya ang malanding Nicole na 'yon kesa sa inyo ni baby!" gigil na wika ni Selena sabay pabagsak na umupo sa upuan na katabi nya. "Di'ba nga, kaya nya ginagawa 'yon ay para protektahan ako at si baby. Haya
Magbasa pa

Chapter 113

"Kidding! Nasa loob na ng silid sila Elaine. Muntikan mona hindi maabutan ang first ultrasound ng baby nyo. Iche-check ko na nga sana ng bigla akong tawagin ng nurse dahil sa pasyente ko kanina." biglang bawi ni Doktora Honey at bahagya pa tumawa. Nakahinga naman sya ng maluwag. Akala talaga nya hindi sya nakaabot. Pinagpawisan tuloy sya bigla. "Dapat talaga hindi kita tinatawag na Doktora e, malakas masyado ang sapak mo para maging isang doktor." medyo inis na wika nya rito. Umingos naman ito sa kanya. "Tse! pasalamat ka nga at iniwan ko ang trabaho ko sa manila para mabantayan ang pagbubuntis ni Elaine." Inakbayan naman nya ito. "Suss! ang sabihin mo excited ka lang kasi ang baby namin ang unang magiging pamangkin mo." "Of course! Ano pa at ako ang kauna-unahang OB gyne doktor sa pamilya natin kung hindi naman pala ako ang magchecheck sa mga buntis sa pamilya na 'to?" Napatingin naman sya dito habang naglalakad sila papunta sa silid kung nasaan si Elaine. "Mga? may iba pa
Magbasa pa

Chapter 114

"Pwede na ba namin malaman ang gender nya, Dok Honey?" tanong ni Alexandros sa doktora habang hindi inaalis ang mga mata sa monitor ng machine. Halata sa boses nito ang pagka excite. Mahina naman n'yang tinampal ang braso nito. "Wag ka nga excited! 3 months pa lang tyan ko. Tsaka napag-usapan na natin 'to di'ba? Gusto nila Mama Lenie na magkaroon tayo ng gender reveal kay baby. So hayaan na lang muna na'tin sila ang makaalam." Nguso naman si Alexandros. Bakas sa mukha nito na gustong-gusto na malaman kung little Alexandros nga ba ang nasa tyan nya o little Elaine. Paano ba naman, nung malaman nila na buntis sya, halos tumambay na ito sa online shops kaka-order ng kung anu-ano para sa baby nila. Hindi lang basta-basta ang pinagbibili nito, halos lahat ay manggagaling pa sa ibang bansa! Nang sitahin nya ito nung nakaraan, ang lagi palusot nito sa kanya ay gusto lang raw nito ng best para sa baby nila. Kung sya nga lang ang masusunod, dadayuhin na lang nya ang divisoria para
Magbasa pa

Chapter 115

"You bitch!" naniningkit ang mga matang wika ni Nicole at akmang susugurin sya ng humarang sa harapan nito si Jaxon. Mukhang wala na itong pakialam kung makita man ng mga kapatid ni Alexandros ang tunay na ugali nito na pilit tinatago. Humalukipkip sya at ngumisi rito. "Oh? buti aware ka na isa kang bitch." Tumawa naman sa gilid nya si Selena. Mukhang hindi nito inaasahan na lalabanan nya si Nicole. Aba! dapat lang talaga na pinapatulan ito, sumosobra na ang kakapalan ng mukha e." Namula ang mukha ni Nicole sa galit, pilit nitong tinutulak si Jaxon pero hindi man lang natinag ang lalaki sa kinatatayuan. Dahil sa taas na 6'3, nagmukhang tuloy na nagwawalang bata si Nicole sa harap nito. "Malakas lang ang loob mo magsasalita kasi may kasama kang iba! Tayong dalawa ang magtuos, tingnan ko na lang kung hindi ka mamatay!" gigil na gigil na sigaw ni Nicole. May nadampot ito at agad na ibinato sa kanya. Bored naman s'yang umilag sa binato nito kaya hindi sya natamaan. Dahil s
Magbasa pa

Chapter 116

Para naman natauhan si Nicole sa sinabi. Natatawang humarap ito kay Alexandros, "Ha? Ano ulit 'yong sinabi ko?" "Sino ang nagsabi sa'yo na nandito ako?" Umiling-iling ito at awkward na tumawa. "Babe, mali ka ng narinig. Ang sabi ko, nakita kitang pumasok dito sa clinic." pagpapalusot nito. Pero alam nila ang totoo. Sa mismong bibig na nito lumabas na may nagrereport dito kung nasaan si Alexandros. Mukhang kailangan nila mag double ingat or else mabubuko silang lahat. Hinawakan nito sa braso si Alexandros na seryoso pa rin nakatitig dito. "Tara na, babe! Di'ba masakit ang ulo mo? tara samahan na kita." hinigit na nito palabas ng kwarto si Alexandros. Pagkasarado ng pintuan, agad naman inutusan ni Ethan si Jaxon na ipareview ang cctv papunta sa clinic at mismong sa clinic. Kailangan nilang malaman kung sino ba talaga ang spy dito ni Nicole. Para naman s'yang nauupos na kandila na napaupo sa kama. Medyo intense din ang sagutan nila ni Nicole. Ingat na ingat s'yang magbitaw n
Magbasa pa

Chapter 117

Nakaalis na't lahat sa harapan nya si Melody, hindi pa rin nya magawang kumilos mula sa kinatatayuan. Para s'yang binuhusan ng malamig na tubig sa nalaman. Habang s'ya nagpapakasarap dito sa isla, ang bunso naman n'yang kapatid ay nag-aagaw buhay ng wala s'yang kaalam-alam! Alexandros... Parang bigla nanlambot ang kanyang mga tuhod. Paano nito itinago sa kanya ang kalagayan ng kanyang kapatid? Kapatid nya 'yon! Kahit anong mangyari, dapat nasa tabi sya nito. "Elliot.." Walang lakas na tawag nya sa bantay. Alam n'yang nasa paligid lang ito at si Joe. Bigla naman itong lumabas mula sa kung saan. Seryoso ito at deretso ang pagkakatayo. Alert na alert. Tipong hindi ito magdadalawang isip na umatake kapag biglang may nangyari. "Please.. dalhin nyo ako sa manila. Kailangan ako ng kapatid ko." nakikiusap na sabi nya. Kailangan n'yang makita at makausap ang kanyang ina tungkol sa kalagayan ng kapatid. "Pasensya na, Ms Elaine. Kabilin-bilinan po ni sir Alexandros na hindi kay
Magbasa pa

Chapter 118

"Melody told me. Nagpunta sya dito kanina." Nangunot naman ang kanyang noo ng tumango-tango lang si Alexandros. Para bang hindi na ito nagulat pa na ang kanyang matalik na kaibigan ang nagsabi sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang dalawang kamay at pinakatitigan sya sa kanyang mukha. Seryosong-seryoso ito at mukhang hindi mabibiro ng kahit na sino man. Mas lalo tuloy s’yang nagtaka. “Are you mad at me?” ani ni Alexandros. “Bakit naman ako magagalit sa’yo?” balik tanong nya sa binata. “You know.. for keeping a secret.” Kabadong wika nito. Humugot sya ng malalalim na paghinga at tinitigan ang mga kamay nila na magka-hawak. “I was.. but now? I understand you… more on nasaktan ako na kailangan mo itago sa’kin ang kondisyon ng kapatid ko. Kapatid ko ‘yun e, deserve ko malaman kung ano bang nangyayari sa kanya, kung okay lang ba sya? kung alin ang masakit? Wala ako sa tabi nila nung kailangan-kailangan nila ako,” bumakas sa mukha ni Alexandros ang pagka guilty kaya hindi nya maiwasan
Magbasa pa

Chapter 119

"Isang linggo kana nananatili sa clinic ng biglang sumulpot si Melody sa harapan ko. Umiiyak sya at sinabi sa'kin na sinugod si Sabrina sa hospital. Gusto n'yang malaman mo ang nangyayari pero dahil hindi pa maganda ang kalagayan mo. Pinigilan ko sya. Iniisip ko, kapag nalaman mo ang nangyari sa kapatid mo. Baka tuluyan ng malaglag ang baby natin." Tumikhim si Alexandros. Para bang nahihirapan 'tong alalahanin ang muntikan na pagkawala ng anak nila. Napapikit naman sya ng wala sa oras. Pilit n'yang winawaksi sa kanyang isipan ang nangyari ng araw na 'yon. Kung paano nya nakita ang pagdaloy ng dugo sa magkabila n'yang binti bago sya nawalan ng malay. "Kaya ng araw na 'yon. Nagdesisyon akong iwan ka kahit mahirap sa'kin. Hindi pa okay ang kalagayan mo pero kailangan ka ng pamilya mo, lalo na ni Sabrina. At dahil sa sitwasyon na'tin, ako na lang ang umayos ng lahat. Hindi na sila iba sa'kin, Elaine. Pamilya ko na din sila. Kaya ng malaman ko na walang tumatanggap na doctor para operaha
Magbasa pa

Chapter 120

Nagising sya dahil pakiramdam nya may nakatitig sa kanya. Dahan-dahan n'yang iminulat ang kanyang mga mata at agad din naman napapikit dahil sa silaw ng araw na tumatama sa kanyang mukha dahil sa bukas na bintana ng kwarto nila ni Alexandros. Napaungòl sya ng wala sa oras at tinakpan ang mga mata. "Good morning, sleepy head." bati sa kanya ni Alexandros. Inalis naman nya ang braso na s'yang tumatakip sa kanyang mga mata at umupo. Hinanap nya kung asan ang binata dahil ramdam nya na wala ito sa kama. Nakasandal pala ito sa may piano at nakahalukipkip ang mga braso sa tapat ng dibdib nito. Nakangiti ito at pinagmamasdan sya. Napanguso sya ng wala sa oras. Bakit ang pogi-pogi pa rin nito kahit sa umaga? Samantalang sya hindi na nya kailangan humarap pa sa salamin para makita ang itsura. Panigurado naman kasi na gulu-gulo ang kanyang buhok. Baka nga may panis pa s'yang laway! Agad naman n'yang kinapa ang mukha kung meron nga s'yang panis na laway. Nakarinig sya ng tawa
Magbasa pa
PREV
1
...
91011121314
DMCA.com Protection Status