Lahat ng Kabanata ng Millionaire Men's Club: Alexandros Ruffalo: Kabanata 101 - Kabanata 110

132 Kabanata

Chapter 101

"Sir, sigurado po ba kayo na hindi nyo sasabihin kay Miss Elaine ang tungkol sa kapatid nya?" Nilingon nya si Elliot na nasa likuran nya. Seryoso ang mukha nito pero mababakas ang pag-aalala sa boses. Huminto sya sa paglalakad at humarap dito. Nasa may helipad na sila at inaantay na sya ng helicopter na syang magdadala sa kanya sa manila. "Hindi na muna sa ngayon, Elliot. Hindi pa maganda ang kalagayan ni Elaine at ayaw ko mai-stress sya. Ako na lang muna ang bahala sa lahat. Basta bantayan nyo sya ng mabuti at siguraduhin nyong hindi sya mapapahamak. Wag nyo din hahayaan na malaman nya ang tungkol kay Sabrina. Ako ang magsasabi sa kanya kapag okay na ang lahat." Nakakaintindi tumango ito sa kanya. Tinapik-tapik nya ito sa balikat. "Call me kapag may kailangan si Elaine o may nangyari, okay? Salamat, Elliot. Kayo na muna bahala ni Joe kay Elaine." Naglakad na ulit sya at tuluyan ng sumakay sa loob ng helicopter. Binati pa sya ng piloto at tumango lang sya dito. Unti-u
Magbasa pa

Chapter 102

Ilang araw na din mula ng makalabas sya sa clinic ng isla. Dito agad sya idiretso sa main villa dahil sa utos raw ni Alexandros. Ayaw sana nya dahil mas komportable sya kung sa staff cabin sya magpapahinga. Pero mapilit ang si Mama Lenie, mas maaasikaso raw sya kung nasa main villa sya. Wala na syang nagawa, totoo naman na mas makakapag pahinga sya kung sa kwarto nila ni Alexandros. Bigla tuloy nya naalala ito. Asan na kaya si Alexandros? Hindi man lang sya tawagan nito para kamustahin o kaya ang baby nila na nasa sinapupunan nya. Para tuloy pakiramdam nya, wala na itong pakialam sa kanya. Baka ayaw na nito sa kanya kasi buntis na sya? O baka nagpapakasaya na ito sa tinatawag nitong Honey. Agad naman nyang pinunasan ang luha pumatak sa kanyang mga mata ng bigla may kumatok sa pintuan. Hindi pa man sya nakakasagot ay agad ng pumasok ang kumakatok. "Are you okay, Elaine? Bakit namumula yung ilong mo? Umiiyak kaba?" nag-aalalang tanong sa kanya nito. Agad naman itong lumapit
Magbasa pa

Chapter 103

"Kuya Alexandros!" agad syang niyakap ni Raven pagkakita pa lang sa kanya. Tinapik tapik naman nya ang likod nito para kahit paano gumaan-gaan ang pakiramdam nito. Kababalik lang ulit nya ng hospital, kinailangan kasi nyang puntahan ang isang ka business meeting dapat ni Marcus, pinasuyo na nito sa kanya na sya na ang kumausap kay Mr Suarez dahil sya naman ang may gusto na magkaroon ng maliit na pharmacy sa loob ng Isla. Dahil kasi sa nangyari kay Elaine, gusto nya na mag extend ang clinic na nasa isla at patayuan ng sarili nitong pharmacy. Mas maganda na 'yong kumpleto halos ang gamot na meron sila o ang iba pang pangangailan sa clinic. Para naman 'yon sa mga member, staff, at pati na ang guest. "Anong nangyari?" nag-aalalang tanong nya dito pagkatapos nitong humiwalay ng yakap sa kanya. Buti na lamang at agad nyang natapos ang deal sa ka-meeting kanina. Sakto kasi na tumawag ang isa sa tauhan nya na nagbabantay sa mga ito. Inilipat sa ICU si Sabrina dahil hindi padin umaayos
Magbasa pa

Chapter 104

Katatapos lang tumawag sa kanya ni Amari para ibalita na naging successful ang operasyon ni Sabrina. Pakiramdam nya, bigla syang nabunutan ng tinik sa kanyang dibdib. Hindi naging madali sa kanya na hanapin ang kaibigang doktor dito sa america, inabot sya ng ilang araw bago nahanap ang bago nitong address. Nagpalit pala ito ng apelyido kaya maski ang mga tauhan nya ay medyo nahirapan itong hanapin agad. Pasalamat na lang din talaga sya at nakita nya ang isa pang dating kaklase sa universidad na kanyang pinasukan noon habang bumibili sya ng kape. Ibinigay nito ang detalye na kailangan nya. Hindi naman na sya nag-aksaya pa ng oras at agad-agad pinuntahan ang address na binigay nito. Pagka dating nya sa bahay ng kaibigang doktor, nasa pintuan pa lang sya nito agad na nyang sinabi ang dahilan kung bakit nandoon s'ya. Pumayag naman ito sa pakiusap nya nang malamang hindi na maganda ang kondisyon ng kapatid ni Elaine. Nagalit pa nga ito. Bakit hindi raw tinanggap ng mga dok
Magbasa pa

Chapter 105

Hinablot nya ang braso nito at madiin na hinawakan. Napangiwi ang babae. Wala na syang pakialam kung gumagawa sila ng eksena sa loob ng restaurant. Matagal na syang nagtitimpi dito! Simula ng saktan nito si Elaine sa yate at ang pagpapalagay nito ng spy sa loob ng isla para masaktan ulit ang dalaga, pinaghahanap na nya ito. Pero dahil mayaman din ito at ang angkan, protektado ito. Kaya malakas ang loob ni Nicole na gumawa ng mga kalokohan, alam nitong hindi ito pababayaan ng magulang. We'll, subukan ulit ng mga ito protektahan ang anak. Sisiguraduhin nyang aalisan nya ng yaman at yabang ang mga ito. Ano pa at isa sya sa member ng Millionaire Men’s Club kung hindi nya gagamitin ang yaman para protektahan ang kanyang minamahal. Idagdag pa na anak sya ng bilyonaryong si Greg Ruffalo. Kung kinakailangan na durugin nya ang buong angkan ni Nicole maprotektahan lang si Elaine at ang kanyang magiging anak ay gagawin nya. Nagkakamali ito ng binabangga! "A-aray! Nasasaktan ako
Magbasa pa

Chapter 106

Kanina pa sya hindi mapakali, pakiramdam nya kasi may mali. Nakailang palit na sya ng posisyon sa kama kung saan sya nakahiga ng magdesisyon syang bumangon. Naiinis na ginulo-gulo nya ang kanyang buhok. Iritable sya ilang araw na dahil hindi padin tumatawag si Alexandros. Iniikot nya ang kanyang mga mata sa malaking silid nito. Ibang-iba na sa itsura nung una syang makapasok dito. Tinotoo kasi ni Alexandros ang sinabi nito sa kanya noon. Kinabukasan agad may mga nagpuntang tauhan at interior designer para ayusin ang kwarto nito, kahit pa nga sinabi nya na hindi naman na kailangan at okay lang sa kanya na panlalaki ang desenyo ng kwarto nito ay hindi ito pumayag. Ayon dito, hindi na lang nito 'yon kwarto, kwarto na nilang dalawa.Hindi na sya nakatiis pa at dahan-dahan bumangon. Ma-ingat ang bawat kilos nya dahil hindi pa dapat sya naggagalaw. Mahigpit na ipinagbilin ni Doktora Honey na bedrest lamang sya dahil medyo mahina ang kapit ng baby nila ni Alexandros.Todo bantay nga sa kany
Magbasa pa

Chapter 107

Umupo sya sa harap ng kanyang make-up table at kumuha ng tissue para punasan ang kanyang mga luha. Masakit padin sa kanya ang nalaman pero tanggap na nya. Iniisip nya na baka hanggang dun na lang talaga ang buhay ng kanyang ama. "Elaine may dala ako-" si Selena na kapapasok pa lang sa pintuan habang may dala-dalang tray ng pagkain. Agad nitong ibinaba 'yon sa mesa na malapit at pinuntahan agad sya ng makita umiiyak sya. "Anong nangyayari? Bakit ka umiiyak? May masakit ba?" sunod-sunod na tanong nito. Umiling lang sya at nagpunas ulit ng luha. "Wala.. okay lang ako. Napuwing lang." pagdadahilan nya dito. Pero mukhang hindi kumbinsado si Selena sa sinabi dahil tiningnan lang sya nito at pinag krus pa ang mga braso sa tapat ng dibdib. Sa ilang buwan na nakasama nya ito, masasabi nyang kahit papaano kilala na nya ang ugali nito. Hindi ito titigil hangga't hindi sya magsabi ng totoo. "Naalala ko lang yung past..." pag-amin nya dito. "Elaine.." Tumayo sya at hinarap ito. "I
Magbasa pa

Chapter 108

Kanina pa sya pabalik-balik ng lakad. Nasa may likuran sya ng main villa kung saan kitang-kita nya ang dagat. Hindi sya mapakali sa ideyang uuwi na ngayon araw si Alexandros pagkatapos nitong magpagaling ng halos isang buwan sa america.Tama nga ang hinala nya nung huling nakausap ito. Sakto kasing nakatanggap ng tawag ang ama ni Alexandros galing sa tauhan nito na nagbabantay sa binata. Sumalpok ang sasakyan nito sa poste dahil sa pag-iwas nito sa ibang sasakyan. Ayon sa bantay nito, galit na galit raw si Alexandros ng umalis sa restaurant kung saan ito nagpunta. Kinailangan pa raw ayusin ng dalawang bantay nito ang naging eksena para walang lumabas sa publiko. Nang maiayos na ang lahat, agad naman ng mga ito tinarack kung nasaan na si Alexandros. Pagdating ng mga ito, nakita na lamang na wala ng malay si Alexandros at pinapasok na sa loob ng ambulansya.Nang malaman ng mag-asawang Ruffalo ang naging kalagayan ni Alexandros, sumunod agad ang mga ito sa america. Gusto sana nyang sumam
Magbasa pa

Chapter 109

Sinamaan ito ng tingin ni Selena. “Excuse me! Talagang tatakbo ang mga lalaki kapag nakita ako. Sino ba naman stupid na lalaki ang tatanggihan ako? Sa ganda ‘kong ‘to? Of course! Magkakandarapa sila lumapit sa’kin.” Mataray na sabi ni Selena.“Grabe din ang hangin mo ‘no? Asan ba ‘yong sinasabi mong nagkakandarapa sa’yo?” amuse na lumingon lingon pa ito sa paligid na tila mo’y may hinahanap.Napailing na lang sya. Ganito talaga ang dalawa kapag nasa iisang lugar, daig pa ang aso’t pusa.Namula naman ang mukha ni Selena sa pagka-inis. “Abangan mong peste ka! Ipapakita ko sa’yo! Baka magulat ka na lang, buntis na ako at kunin kitang ninong!”Bigla naman naibuga ni Jaxon ang iniinom na tubig at umubo-ubo. Mukhang nasamid ito sa sinabi ni Selena.Nakita nyang tumaas ang gilid ng labi ni Selena at inakay na ulit sya maglakad palabas ng kusina. Iniwan nila si Jaxon sa kusina na ubong-ubo. Lagi na lang ang eksena ng dalawang ito. Minsan gusto na lang nyang ikulong ang mga ito sa isang kwar
Magbasa pa

Chapter 110

"Anong ginagawa ng malanding babae na yan dito, Kuya Alexandros!?" Malakas na sabi ni Selena na syang nagpabalik sa kanyang sarili. Lahat sila nagulat dahil sa kasama ni Alexandros. "Hi!" nakangiting sabi ni Nicole. Ang laki ng pagkakangiti nito pero alam n'yang peke lamang 'yon. Anong ginagawa ng babae dito? Akala n'ya banned na ito sa isla ng dahil sa pangyayari sa yate. Mismong si Alexandros pa ang nagpa-utos nun. Pero bakit narito ito ngayon sa harapan nila? "Watch your mouth, Selena! Wag mong bastusin sa harapan ko ang girlfriend ko." matigas na sabi ni Alexandros. Kita nya sa gwapong mukha nito ang galit para sa kapatid. Humilig sa balikat nito si Nicole at maarteng hinaplos pa ang braso ng lalaki. "It's okay, babe. Wala lang naman sa'kin 'yon. Magkakasundo din kami ng sister in law ko, right, Selena?" maarteng wika nito sabay tingin kay Selena. Tumawa ng nakakaloka si Selena at hinawakan sya sa braso sabay angat sa kamay nya kung nasaan ang singsing na binigay ni Alexa
Magbasa pa
PREV
1
...
91011121314
DMCA.com Protection Status