"Kuya Alexandros!" agad syang niyakap ni Raven pagkakita pa lang sa kanya. Tinapik tapik naman nya ang likod nito para kahit paano gumaan-gaan ang pakiramdam nito. Kababalik lang ulit nya ng hospital, kinailangan kasi nyang puntahan ang isang ka business meeting dapat ni Marcus, pinasuyo na nito sa kanya na sya na ang kumausap kay Mr Suarez dahil sya naman ang may gusto na magkaroon ng maliit na pharmacy sa loob ng Isla. Dahil kasi sa nangyari kay Elaine, gusto nya na mag extend ang clinic na nasa isla at patayuan ng sarili nitong pharmacy. Mas maganda na 'yong kumpleto halos ang gamot na meron sila o ang iba pang pangangailan sa clinic. Para naman 'yon sa mga member, staff, at pati na ang guest. "Anong nangyari?" nag-aalalang tanong nya dito pagkatapos nitong humiwalay ng yakap sa kanya. Buti na lamang at agad nyang natapos ang deal sa ka-meeting kanina. Sakto kasi na tumawag ang isa sa tauhan nya na nagbabantay sa mga ito. Inilipat sa ICU si Sabrina dahil hindi padin umaayos
Katatapos lang tumawag sa kanya ni Amari para ibalita na naging successful ang operasyon ni Sabrina. Pakiramdam nya, bigla syang nabunutan ng tinik sa kanyang dibdib. Hindi naging madali sa kanya na hanapin ang kaibigang doktor dito sa america, inabot sya ng ilang araw bago nahanap ang bago nitong address. Nagpalit pala ito ng apelyido kaya maski ang mga tauhan nya ay medyo nahirapan itong hanapin agad. Pasalamat na lang din talaga sya at nakita nya ang isa pang dating kaklase sa universidad na kanyang pinasukan noon habang bumibili sya ng kape. Ibinigay nito ang detalye na kailangan nya. Hindi naman na sya nag-aksaya pa ng oras at agad-agad pinuntahan ang address na binigay nito. Pagka dating nya sa bahay ng kaibigang doktor, nasa pintuan pa lang sya nito agad na nyang sinabi ang dahilan kung bakit nandoon s'ya. Pumayag naman ito sa pakiusap nya nang malamang hindi na maganda ang kondisyon ng kapatid ni Elaine. Nagalit pa nga ito. Bakit hindi raw tinanggap ng mga dok
Hinablot nya ang braso nito at madiin na hinawakan. Napangiwi ang babae. Wala na syang pakialam kung gumagawa sila ng eksena sa loob ng restaurant. Matagal na syang nagtitimpi dito! Simula ng saktan nito si Elaine sa yate at ang pagpapalagay nito ng spy sa loob ng isla para masaktan ulit ang dalaga, pinaghahanap na nya ito. Pero dahil mayaman din ito at ang angkan, protektado ito. Kaya malakas ang loob ni Nicole na gumawa ng mga kalokohan, alam nitong hindi ito pababayaan ng magulang. We'll, subukan ulit ng mga ito protektahan ang anak. Sisiguraduhin nyang aalisan nya ng yaman at yabang ang mga ito. Ano pa at isa sya sa member ng Millionaire Men’s Club kung hindi nya gagamitin ang yaman para protektahan ang kanyang minamahal. Idagdag pa na anak sya ng bilyonaryong si Greg Ruffalo. Kung kinakailangan na durugin nya ang buong angkan ni Nicole maprotektahan lang si Elaine at ang kanyang magiging anak ay gagawin nya. Nagkakamali ito ng binabangga! "A-aray! Nasasaktan
Kanina pa sya hindi mapakali, pakiramdam nya kasi may mali. Nakailang palit na sya ng posisyon sa kama kung saan sya nakahiga ng magdesisyon syang bumangon. Naiinis na ginulo-gulo nya ang kanyang buhok. Iritable sya ilang araw na dahil hindi padin tumatawag si Alexandros. Iniikot nya ang kanyang mga mata sa malaking silid nito. Ibang-iba na sa itsura nung una syang makapasok dito. Tinotoo kasi ni Alexandros ang sinabi nito sa kanya noon. Kinabukasan agad may mga nagpuntang tauhan at interior designer para ayusin ang kwarto nito, kahit pa nga sinabi nya na hindi naman na kailangan at okay lang sa kanya na panlalaki ang desenyo ng kwarto nito ay hindi ito pumayag. Ayon dito, hindi na lang nito 'yon kwarto, kwarto na nilang dalawa.Hindi na sya nakatiis pa at dahan-dahan bumangon. Ma-ingat ang bawat kilos nya dahil hindi pa dapat sya naggagalaw. Mahigpit na ipinagbilin ni Doktora Honey na bedrest lamang sya dahil medyo mahina ang kapit ng baby nila ni Alexandros.Todo bantay nga sa kany
''Elaine! Gumising kana dyan at late kana sa trabaho!'' sigaw ng kanyang Nanay Merlina. Nagmamadaling bumangon sa kama si Elaine at napatingin sa orasan na nakasabit sa dingding. Nanlaki ang mata nya nang makita mag aalasais na pala ng umaga! Alas otso ang pasok nya at bbyahe pa sya. Paniguradong magagalit sa kanya ang manager nila kapag nalate sya. May special occasion pa naman ngayon araw sa Escusina de Restaurant kung saan sya nagttrabaho bilang waitress. ''Ay kung sinuswerte ka nga naman! Bakit ba hindi gumana ang alarm ko sa cellphone!?'' Hinanap nya ito sa kama pero hindi nya makita. ''Asan na ba kasi yun!?'' naiiritang sabi nya. ''Elaine, etong telepono mo tumutunog,'' ani ng kanyang ina na pumasok sa loob ng kanyang kwarto habang hawak hawak neto ang cellphone nya na nag aalarm. ''Saan nyo po nakita?'' tanong nya at kinuha dito para patayin ang alarm. ''Naiwan mo yung bag mo kagabi sa sala. Siguro eh sa sobrang pagod mo di mona naalala at nakatulog ka kagabi ng hindi k
Itinaas nya ang bondpaper na may sulat ng pangalan nito. Maya maya pa ay may lumapit sa kanyang matangkad na lalaki na naka shade. ''Elaine, right?'' tanong nito. ''Yes Sir! You must be, Robert?'' nakangiting tanong nya dito. Tumango ito sa kanya. ''Tulungan ko na po kayo sa gamit nyo.'' Kinuha nya ang isang maleta na hawak nito. ''Wag na, mabigat ang gamit ko.'' Sinubukan nito kunin sa kanya ang maleta pero itinaas nya ang isang kamay na parang sinasabi dito tumigil. ''Kaya ko naman Sir, hihilahin lang naman ito. Tara na po at naghihintay sa inyo ang Tita nyo.'' Nauna na sya maglakad habang nakasunod ito sa likod nya. Hindi nya nakita ang pagngiti ni Robert sa likod. Pumara na sya ng taxi at sumakay sa likod. Pagkatapos maiayos lahat ng gamit sa likod ng compartment ng taxi ay tumabi sa kanya si Robert at nagpahatid na sila sa Escusina De Restaurant. ***''Amari?'' ''Yes sir?'' ''Find out kung sino yung babae kanina. Alamin mo lahat about her.'' Utos nya dito habang n
Napakagat labi na lamang si Elaine at medyo yumuko dahil sa sobrang kahihiyan. Napatitig naman si Alexandros sa mga labi ng dalaga. Dahil dun napahawak sya ng mahigpit sa mesa. He's stopping himself not to grab and kiss her! Biglang may lumapit sa kanilang lalaki at hinawakan sa balikat ang dalaga na ikinagulat ng huli at napatingin dito. Mula sa labi ng dalaga ay masamang tiningnan nya ang kamay na nakapatong sa balikat nito. Hindi nya gusto yung nararamdaman nya. Kailangan n'ya kumalma or else baka masuntok n'ya ang nag mamay-ari ng kamay na iyon. ''Is there's any problem here, Elaine?'' tanong ng bagong dating na lalaki. Tumingin pa ito sa kanya. Tinaasan nya lang ito ng isang kilay at bored na sumandal sa upuan. ''Wala po, Sir Robert! Nagulat lang po ako kanina.''sagot ng dalaga dito. ''I'm hungry, can we order already?'' agaw nya sa atensyon sa mga ito. Dali-dali naman inilabas ni Elaine ang maliliit na notebook at ballpen nito para makuha ang order nila. Pagkatapos isula
Sakay ng helicopter ay tanaw na ni Alexandros ang kabuuan ng islang pag mamay ari nila kung saan nakabase ang Millionaire Men's Club. Hindi sila nagsisisi na ginawa nila itong exclusive club dahil nakikita nya ang potensyal nito. Marami na pinagbago mula nung huli sya nakapunta dito, may mga villa syang nakikita na nakatayo sa may bundok at meron din naman nasa harap ng dagat. Mukhang inasikaso talaga ito ng nakakatanda nyang kapatid. ''Amari, what is my schedule for today?'' tanong nya sa secretary nya pagka lapag nila sa helipad ng club. Lumakad sya papunta sa golf cart at sumakay dito. Sumunod naman sa kanya si Amari at sumakay sa likod. Pinaandar na ito ng nakaabang na staff sa kanila. ''You have a meeting with the manager of the floating restaurant in 15 minutes, after that you need to visit the new cafe that's gonna operate soon. That's it, the rest of your day is free.'' dere-deretsong sabi nito habang nakatingin padin sa Ipad. Tumango tango lang sya at inilibot ang mata sa