Sinamaan ito ng tingin ni Selena. “Excuse me! Talagang tatakbo ang mga lalaki kapag nakita ako. Sino ba naman stupid na lalaki ang tatanggihan ako? Sa ganda ‘kong ‘to? Of course! Magkakandarapa sila lumapit sa’kin.” Mataray na sabi ni Selena.“Grabe din ang hangin mo ‘no? Asan ba ‘yong sinasabi mong nagkakandarapa sa’yo?” amuse na lumingon lingon pa ito sa paligid na tila mo’y may hinahanap.Napailing na lang sya. Ganito talaga ang dalawa kapag nasa iisang lugar, daig pa ang aso’t pusa.Namula naman ang mukha ni Selena sa pagka-inis. “Abangan mong peste ka! Ipapakita ko sa’yo! Baka magulat ka na lang, buntis na ako at kunin kitang ninong!”Bigla naman naibuga ni Jaxon ang iniinom na tubig at umubo-ubo. Mukhang nasamid ito sa sinabi ni Selena.Nakita nyang tumaas ang gilid ng labi ni Selena at inakay na ulit sya maglakad palabas ng kusina. Iniwan nila si Jaxon sa kusina na ubong-ubo. Lagi na lang ang eksena ng dalawang ito. Minsan gusto na lang nyang ikulong ang mga ito sa isang kwar
"Anong ginagawa ng malanding babae na yan dito, Kuya Alexandros!?" Malakas na sabi ni Selena na syang nagpabalik sa kanyang sarili. Lahat sila nagulat dahil sa kasama ni Alexandros. "Hi!" nakangiting sabi ni Nicole. Ang laki ng pagkakangiti nito pero alam n'yang peke lamang 'yon. Anong ginagawa ng babae dito? Akala n'ya banned na ito sa isla ng dahil sa pangyayari sa yate. Mismong si Alexandros pa ang nagpa-utos nun. Pero bakit narito ito ngayon sa harapan nila? "Watch your mouth, Selena! Wag mong bastusin sa harapan ko ang girlfriend ko." matigas na sabi ni Alexandros. Kita nya sa gwapong mukha nito ang galit para sa kapatid. Humilig sa balikat nito si Nicole at maarteng hinaplos pa ang braso ng lalaki. "It's okay, babe. Wala lang naman sa'kin 'yon. Magkakasundo din kami ng sister in law ko, right, Selena?" maarteng wika nito sabay tingin kay Selena. Tumawa ng nakakaloka si Selena at hinawakan sya sa braso sabay angat sa kamay nya kung nasaan ang singsing na binigay ni Alexa
Kanina pa sya nakatayo sa harapan ng bintana sa kwarto nila ni Alexandros. Pinagmamasdan nya ang dagat habang hinahaplos ang tyan nya. Hindi nya alam, pero kapag nakikita nya ang hampas ng alon, kumakalma sya. Gustuhin man n'yang umiyak sa nasaksihan at pagtanggi sa kanya ni Alexandros kanina ay hindi nya magawa. Kailangan nyang maging matatag. Nang magpaalam sya sa mga tao sa ibaba na aakyat na muna at magpapahinga, nagpaalam na rin ang mga ito. Bigla raw sumama ang hangin na naaamoy ng mga ito at kaya mas mabuti pa raw na magpunta na lang sa floating restaurant. Atleast dun raw sariwa ang hangin at busog pa ang mga mata. Napailing pa sya ng pinaghahampas ni Selena ang mga ito at sinabing wag gawing tambayan ang restaurant nito para makakita lang ng mga babaeng naka swimsuit!Biglang nagbukas at sara ang pintuan sa kwarto. Hindi nya nilingon ang pumasok. Alam nyang si Alexandros 'yon dahil naamoy nya ang gamit nitong pabango. Nanigas sya bigla ng yumakap ito mula sa likuran nya a
Nakaramdam sya ng lungkot ng mag-iisang oras na wala pa rin si Alexandros. Kanina pa sila nag-aantay sa loob ng isang silid dito sa clinic kung saan iuultrasound sya. Kinailangan tuloy muna silang iwan ni Doktora Honey dahil may dumating na pasyente sa clinic na kailangan nitong tingnan. Mapait na ngumiti sya. Kahit pa nga ginagawa lang ni Alexandros ang pagpapanggap na hindi sya maalala nito para mahuli ang kasabwat ni Nicole dito sa isla ay hindi pa rin nya maiwas na makaramdam ng konting kirot sa puso. Ano kayang ginagawa ng dalawa at mukhang nakalimutan na ni Alexandros ang sinabi nito kanina na susunod ito sa clinic para sabay nilang makita ang first ultrasound ng baby nila? "Naiinis talaga ako kay kuya Alexandros! Bakit ba kasi kailangan pa n'yang magpanggap? Mas inuuna pa nya ang malanding Nicole na 'yon kesa sa inyo ni baby!" gigil na wika ni Selena sabay pabagsak na umupo sa upuan na katabi nya. "Di'ba nga, kaya nya ginagawa 'yon ay para protektahan ako at si baby. Haya
"Kidding! Nasa loob na ng silid sila Elaine. Muntikan mona hindi maabutan ang first ultrasound ng baby nyo. Iche-check ko na nga sana ng bigla akong tawagin ng nurse dahil sa pasyente ko kanina." biglang bawi ni Doktora Honey at bahagya pa tumawa. Nakahinga naman sya ng maluwag. Akala talaga nya hindi sya nakaabot. Pinagpawisan tuloy sya bigla. "Dapat talaga hindi kita tinatawag na Doktora e, malakas masyado ang sapak mo para maging isang doktor." medyo inis na wika nya rito. Umingos naman ito sa kanya. "Tse! pasalamat ka nga at iniwan ko ang trabaho ko sa manila para mabantayan ang pagbubuntis ni Elaine." Inakbayan naman nya ito. "Suss! ang sabihin mo excited ka lang kasi ang baby namin ang unang magiging pamangkin mo." "Of course! Ano pa at ako ang kauna-unahang OB gyne doktor sa pamilya natin kung hindi naman pala ako ang magchecheck sa mga buntis sa pamilya na 'to?" Napatingin naman sya dito habang naglalakad sila papunta sa silid kung nasaan si Elaine. "Mga? may iba pa
"Pwede na ba namin malaman ang gender nya, Dok Honey?" tanong ni Alexandros sa doktora habang hindi inaalis ang mga mata sa monitor ng machine. Halata sa boses nito ang pagka excite. Mahina naman n'yang tinampal ang braso nito. "Wag ka nga excited! 3 months pa lang tyan ko. Tsaka napag-usapan na natin 'to di'ba? Gusto nila Mama Lenie na magkaroon tayo ng gender reveal kay baby. So hayaan na lang muna na'tin sila ang makaalam." Nguso naman si Alexandros. Bakas sa mukha nito na gustong-gusto na malaman kung little Alexandros nga ba ang nasa tyan nya o little Elaine. Paano ba naman, nung malaman nila na buntis sya, halos tumambay na ito sa online shops kaka-order ng kung anu-ano para sa baby nila. Hindi lang basta-basta ang pinagbibili nito, halos lahat ay manggagaling pa sa ibang bansa! Nang sitahin nya ito nung nakaraan, ang lagi palusot nito sa kanya ay gusto lang raw nito ng best para sa baby nila. Kung sya nga lang ang masusunod, dadayuhin na lang nya ang divisoria para
"You bitch!" naniningkit ang mga matang wika ni Nicole at akmang susugurin sya ng humarang sa harapan nito si Jaxon. Mukhang wala na itong pakialam kung makita man ng mga kapatid ni Alexandros ang tunay na ugali nito na pilit tinatago. Humalukipkip sya at ngumisi rito. "Oh? buti aware ka na isa kang bitch." Tumawa naman sa gilid nya si Selena. Mukhang hindi nito inaasahan na lalabanan nya si Nicole. Aba! dapat lang talaga na pinapatulan ito, sumosobra na ang kakapalan ng mukha e." Namula ang mukha ni Nicole sa galit, pilit nitong tinutulak si Jaxon pero hindi man lang natinag ang lalaki sa kinatatayuan. Dahil sa taas na 6'3, nagmukhang tuloy na nagwawalang bata si Nicole sa harap nito. "Malakas lang ang loob mo magsasalita kasi may kasama kang iba! Tayong dalawa ang magtuos, tingnan ko na lang kung hindi ka mamatay!" gigil na gigil na sigaw ni Nicole. May nadampot ito at agad na ibinato sa kanya. Bored naman s'yang umilag sa binato nito kaya hindi sya natamaan. Dahil s
Para naman natauhan si Nicole sa sinabi. Natatawang humarap ito kay Alexandros, "Ha? Ano ulit 'yong sinabi ko?" "Sino ang nagsabi sa'yo na nandito ako?" Umiling-iling ito at awkward na tumawa. "Babe, mali ka ng narinig. Ang sabi ko, nakita kitang pumasok dito sa clinic." pagpapalusot nito. Pero alam nila ang totoo. Sa mismong bibig na nito lumabas na may nagrereport dito kung nasaan si Alexandros. Mukhang kailangan nila mag double ingat or else mabubuko silang lahat. Hinawakan nito sa braso si Alexandros na seryoso pa rin nakatitig dito. "Tara na, babe! Di'ba masakit ang ulo mo? tara samahan na kita." hinigit na nito palabas ng kwarto si Alexandros. Pagkasarado ng pintuan, agad naman inutusan ni Ethan si Jaxon na ipareview ang cctv papunta sa clinic at mismong sa clinic. Kailangan nilang malaman kung sino ba talaga ang spy dito ni Nicole. Para naman s'yang nauupos na kandila na napaupo sa kama. Medyo intense din ang sagutan nila ni Nicole. Ingat na ingat s'yang magbitaw n