Millionaire Men's Club: Alexandros Ruffalo
Alexandros
I am the third son of the billionare, Greg Ruffalo. Ever since i was young, I could get whatever or whoever I wanted. Everything to me is just like a toy that I can play and dispatch it after i get tired of it. But then everything changed when I first saw her,
The image of her face,
Her pinkish lips,
The warmth of her body in my arms
And
I want her...
But she doesn't want me.
And I'll do everything just to have her.
Elaine
Kayod dito, kayod doon. Hindi uso sa akin ang pahinga lalo na't sa akin nakaasa ang pamilya ko. Pero kahit dalawa na ang trabaho ko ay hindi padin sapat ang nakukuha kong sahod. Kaya ng magkaroon ako ng pagkakataon na makapasok sa Millionare Men's Club, isang private club na para lang sa mayayaman ay ginawa ko ang lahat para makapag trabaho sa loob dahil malaki ang sahod.
Trabaho lang ang habol ko,
Pero hindi ko akalain na magugulo ng isang lalaki ang tahimik kong buhay.
Basahin
Chapter: Author’s NoteReaders I’m sorry for not updating Alexandros and Elaine story for almost one month now. Katulad po ng sinabi ko sa last update ko, hindi po maganda ang lagay ng aking lola. Kinailangan ko pong umuwi ng pinas para makasama sya dahil sa kahilingan nya. But sad to say, tuluyan na po kaming iniwan ng aking lola last Saturday (September 14, 2024) Sana po ay inyong maintindihan kung bakit hindi po ako makapag sulat sa ngayon. Sobrang bigat at sakit po ng aking nararamdamam at ayaw ko pong pilitin ang aking sarili magsulat dahil ayaw ko pong hindi nyo magustuhan ang ending ng kwento nila Elaine at Alexandros. Kapag nakabalik na po ako ng UK ay susubukan ko pong magsulat agad para matapos na ang kwento nila Alexandros at Elaine. Para din po maipost kona ang susunod na kwento ng isa sa member ng Millionaire Men’s Club. Again, sana po ay maintindihan nyo.
Huling Na-update: 2024-09-17
Chapter: Chapter 131"Ma!! Sabrina! Raven!" malakas na tawag nya habang pumapasok sila ni Alexandros sa loob ng bahay nila. Susunduin kasi nila ang mga ito dahil pupuntahan nila kung saan nakalibing ang kanyang ama. Gusto kasi ni Alexandros na madalaw ito para na rin makilala."Andito kami sa taas ate!!" sigaw ni Raven."Bumaba na kayo at tinatamad na akong umakyat." sigaw nya pabalik sabay upo sa sofa. Kanina pa kasi sumasakit ang paa nya kakalakad. Kahit pa nga hindi naman malayo ang nilalakad nila dahil sumasakay naman sila sa sasakyan ni Alexandros.Hinubad nya ang suot na doll shoes at akmang yuyuko para masahihin ang paa ng pigilan sya ni Alexandros. Bigla itong umupo sa sahig nila at ito ang nagmasahe sa paa nya. Pinagmasdan nya ang ginagawa nito, seryosong-seryoso na para bang may alam talaga ito sa pagmamasahe gayong anak mayaman ito. Maski nga pagkaka salampak nito sa sahig ay wala itong pakialam kung madumihan ang mamahalin nitong damit.Mas lalo tuloy s'yang nainlove dito. Talagang ginagawa ni
Huling Na-update: 2024-08-08
Chapter: Chapter 130Mahinang tapik ang nagpabalik sa kanyang sarili. Tiningnan nya ang kaharap na si Alexandros na bakas sa mukha ang pag-aalala para sa kanya. Ngumiti sya ng pilit para hindi na ito mag-alala pa sa kanya. Pero dahil kilalang-kilala sya nito, alam n'yang alam nito na hindi sya okay at kung ano ang nasa isip nya. Isa lang naman ang rason kung bakit sya nagkaka ganito pagkatapos ng insidente nangyare isang buwan na ang nakakalipas.Bumuntong-hininga ito at hinawakan ang kamay nya. "She'll be fine." Alexandros said with sincere voice."Isang buwan na.. bakit hindi pa rin sya nagigising? paano kung hindi na sya magising?" mahinang tanong nya.Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay nya. "She will. Her body just need some rest. Tsaka kilala mo naman ang kaibigan mong 'yun, malakas. Kaya wag kana mag-alala pa kay Melody." Hinaplos ng isa nitong kamay ang umbok n'yang tyan. "Baka mamaya magising 'yun at mapagalitan kapa dahil pinapabayaan mo ang inaanak nya."Umingos naman sya sa sinabi nito. "
Huling Na-update: 2024-08-08
Chapter: Chapter 129-ELAINE- *1 month ago* Akmang sasaksakin sya ni Nicole gamit ang basag na baso ng biglang sumulpot si Melody kung saan at niyakap sya. Napaigik ito sa sakit ng pagbaon ng basag na baso sa likurang bahagi nito. Nanlaki naman ang kanyang mga mata sa gulat dahil sa ginawa nito pagsalo ng saksak para sa kanya. "M-melody!" "I'm sorry, Bff.." nangingilid ang mga luha nito sa gilid ng mga mata dahil sa sakit pero nagawa pa rin ngumiti sa kanya. Hinugot ni Nicole ang basag na baso na may dugo ni Melody at akmang sasaksakin sya ng umalingawngaw ang isang putok ng baril. Tumama ang bala sa isang kamay ni Nicole na ikinahiyaw nito sa sakit at nagpabitaw sa hawak nitong panaksak. Mas lalo naman napadiin ang hawak ng isa nitong kamay sa buhok nya na s'yang ikinapikit nya dahil rin sa sakit.Nawalan ng balanse si Nicole at dahil hawak sya nito sa buhok at nakayakap sa kanya si Melody, tatlo silang nalaglag sa dagat. Mas lalo naman s'yang niyakap ng mahigpit ni Melody na para bang pino-protekta
Huling Na-update: 2024-08-08
Chapter: Chapter 128"Yes, Babe! That's right! The reason kung bakit ko kayo pinapunta dito ng pamilya mo ay para masaksihan nila ang proposal ko sayo." Pakikisakay pa rin ni Alexandros sa iniisip ni Nicole. Ang lahat ng tao na nakakasaksi sa nangyayari ay sobrang kabado. Isang maling galaw lang kasi ay maaari mapanganib ang buhay ni Elaine at ng magiging anak nila.Iniikot nya ng pasimple ang mga mata para hanapin kung nasaan sila Elliot at Joe. Inihabilin nya sa mga ito na wag hihiwalay sa dalaga pero bakit hindi ata nya makita ang mga ito? Ang nakangiting mukha ni Nicole ay biglang nagbago at naging mabagsik. Hinablot ulit nito si Elaine sa buhok na nagpahiyaw sa dalaga. Maski sila ay napasigaw ng mas lalo diniinan ni Nicole ang hawak na basag na wine glass sa leeg ni Elaine."You think you can fool me again!?" tumawa ng nakakaloka si Nicole. "I'm not stupid, Alexandros!" Itinaas nya ang dalawang kamay at dahan-dahan naglakad papalapit kay nicole. "Please.. let her go." nagmamakaawang sambit nya hab
Huling Na-update: 2024-08-02
Chapter: Chapter 127Lahat sila napatingala sa itaas at napahawak sa kani-kanilang kasuotan dahil sa lakas ng hangin na nagmumula sa helicopter na pababa sa helipad ng pinaka tuktok na floor ng yate. Maagap n'yang nahawakan si Elaine ng muntikan pa itong matumba.Nang tuluyan ng makababa 'yun ay hinarap na nya ang pamilyang Sandejas. Nakita pa nya ang matalim na tingin ni Nicole sa kamay nya na nasa bewang ni Elaine. "Anong ibig sabihin nito, Alexandros?" si Nicole na hindi pa rin inaalis ang tingin sa kamay nya. Bakas sa mukha nito ang galit at halatang gusto ng sugurin si Elaine kung hindi lang ito hawak ng ama.Mas lalo nya hinapit papalapit sa kanya si Elaine. "Ito?" ngumisi sya ng nakakaloko. "You think hindi talaga ako nakakaalala? I know everything, Nicole! Nilaro ko ang larong inumpisahan mo at sisiguraduhin kong lahat kayo makukulong!" Tigagal ang pamilyang Sandejas, hindi agad nakapag-salita sa sinabi nya. Si Nicole naman ay nanlaki ang mga mata.Umiling-iling si Nicole. "B-babe.. ano bang sin
Huling Na-update: 2024-07-29