Umupo sya sa harap ng kanyang make-up table at kumuha ng tissue para punasan ang kanyang mga luha. Masakit padin sa kanya ang nalaman pero tanggap na nya. Iniisip nya na baka hanggang dun na lang talaga ang buhay ng kanyang ama. "Elaine may dala ako-" si Selena na kapapasok pa lang sa pintuan habang may dala-dalang tray ng pagkain. Agad nitong ibinaba 'yon sa mesa na malapit at pinuntahan agad sya ng makita umiiyak sya. "Anong nangyayari? Bakit ka umiiyak? May masakit ba?" sunod-sunod na tanong nito. Umiling lang sya at nagpunas ulit ng luha. "Wala.. okay lang ako. Napuwing lang." pagdadahilan nya dito. Pero mukhang hindi kumbinsado si Selena sa sinabi dahil tiningnan lang sya nito at pinag krus pa ang mga braso sa tapat ng dibdib. Sa ilang buwan na nakasama nya ito, masasabi nyang kahit papaano kilala na nya ang ugali nito. Hindi ito titigil hangga't hindi sya magsabi ng totoo. "Naalala ko lang yung past..." pag-amin nya dito. "Elaine.." Tumayo sya at hinarap ito. "I
Kanina pa sya pabalik-balik ng lakad. Nasa may likuran sya ng main villa kung saan kitang-kita nya ang dagat. Hindi sya mapakali sa ideyang uuwi na ngayon araw si Alexandros pagkatapos nitong magpagaling ng halos isang buwan sa america.Tama nga ang hinala nya nung huling nakausap ito. Sakto kasing nakatanggap ng tawag ang ama ni Alexandros galing sa tauhan nito na nagbabantay sa binata. Sumalpok ang sasakyan nito sa poste dahil sa pag-iwas nito sa ibang sasakyan. Ayon sa bantay nito, galit na galit raw si Alexandros ng umalis sa restaurant kung saan ito nagpunta. Kinailangan pa raw ayusin ng dalawang bantay nito ang naging eksena para walang lumabas sa publiko. Nang maiayos na ang lahat, agad naman ng mga ito tinarack kung nasaan na si Alexandros. Pagdating ng mga ito, nakita na lamang na wala ng malay si Alexandros at pinapasok na sa loob ng ambulansya.Nang malaman ng mag-asawang Ruffalo ang naging kalagayan ni Alexandros, sumunod agad ang mga ito sa america. Gusto sana nyang sumam
Sinamaan ito ng tingin ni Selena. “Excuse me! Talagang tatakbo ang mga lalaki kapag nakita ako. Sino ba naman stupid na lalaki ang tatanggihan ako? Sa ganda ‘kong ‘to? Of course! Magkakandarapa sila lumapit sa’kin.” Mataray na sabi ni Selena.“Grabe din ang hangin mo ‘no? Asan ba ‘yong sinasabi mong nagkakandarapa sa’yo?” amuse na lumingon lingon pa ito sa paligid na tila mo’y may hinahanap.Napailing na lang sya. Ganito talaga ang dalawa kapag nasa iisang lugar, daig pa ang aso’t pusa.Namula naman ang mukha ni Selena sa pagka-inis. “Abangan mong peste ka! Ipapakita ko sa’yo! Baka magulat ka na lang, buntis na ako at kunin kitang ninong!”Bigla naman naibuga ni Jaxon ang iniinom na tubig at umubo-ubo. Mukhang nasamid ito sa sinabi ni Selena.Nakita nyang tumaas ang gilid ng labi ni Selena at inakay na ulit sya maglakad palabas ng kusina. Iniwan nila si Jaxon sa kusina na ubong-ubo. Lagi na lang ang eksena ng dalawang ito. Minsan gusto na lang nyang ikulong ang mga ito sa isang kwar
"Anong ginagawa ng malanding babae na yan dito, Kuya Alexandros!?" Malakas na sabi ni Selena na syang nagpabalik sa kanyang sarili. Lahat sila nagulat dahil sa kasama ni Alexandros. "Hi!" nakangiting sabi ni Nicole. Ang laki ng pagkakangiti nito pero alam n'yang peke lamang 'yon. Anong ginagawa ng babae dito? Akala n'ya banned na ito sa isla ng dahil sa pangyayari sa yate. Mismong si Alexandros pa ang nagpa-utos nun. Pero bakit narito ito ngayon sa harapan nila? "Watch your mouth, Selena! Wag mong bastusin sa harapan ko ang girlfriend ko." matigas na sabi ni Alexandros. Kita nya sa gwapong mukha nito ang galit para sa kapatid. Humilig sa balikat nito si Nicole at maarteng hinaplos pa ang braso ng lalaki. "It's okay, babe. Wala lang naman sa'kin 'yon. Magkakasundo din kami ng sister in law ko, right, Selena?" maarteng wika nito sabay tingin kay Selena. Tumawa ng nakakaloka si Selena at hinawakan sya sa braso sabay angat sa kamay nya kung nasaan ang singsing na binigay ni Alexa
Kanina pa sya nakatayo sa harapan ng bintana sa kwarto nila ni Alexandros. Pinagmamasdan nya ang dagat habang hinahaplos ang tyan nya. Hindi nya alam, pero kapag nakikita nya ang hampas ng alon, kumakalma sya. Gustuhin man n'yang umiyak sa nasaksihan at pagtanggi sa kanya ni Alexandros kanina ay hindi nya magawa. Kailangan nyang maging matatag. Nang magpaalam sya sa mga tao sa ibaba na aakyat na muna at magpapahinga, nagpaalam na rin ang mga ito. Bigla raw sumama ang hangin na naaamoy ng mga ito at kaya mas mabuti pa raw na magpunta na lang sa floating restaurant. Atleast dun raw sariwa ang hangin at busog pa ang mga mata. Napailing pa sya ng pinaghahampas ni Selena ang mga ito at sinabing wag gawing tambayan ang restaurant nito para makakita lang ng mga babaeng naka swimsuit!Biglang nagbukas at sara ang pintuan sa kwarto. Hindi nya nilingon ang pumasok. Alam nyang si Alexandros 'yon dahil naamoy nya ang gamit nitong pabango. Nanigas sya bigla ng yumakap ito mula sa likuran nya a
Nakaramdam sya ng lungkot ng mag-iisang oras na wala pa rin si Alexandros. Kanina pa sila nag-aantay sa loob ng isang silid dito sa clinic kung saan iuultrasound sya. Kinailangan tuloy muna silang iwan ni Doktora Honey dahil may dumating na pasyente sa clinic na kailangan nitong tingnan. Mapait na ngumiti sya. Kahit pa nga ginagawa lang ni Alexandros ang pagpapanggap na hindi sya maalala nito para mahuli ang kasabwat ni Nicole dito sa isla ay hindi pa rin nya maiwas na makaramdam ng konting kirot sa puso. Ano kayang ginagawa ng dalawa at mukhang nakalimutan na ni Alexandros ang sinabi nito kanina na susunod ito sa clinic para sabay nilang makita ang first ultrasound ng baby nila? "Naiinis talaga ako kay kuya Alexandros! Bakit ba kasi kailangan pa n'yang magpanggap? Mas inuuna pa nya ang malanding Nicole na 'yon kesa sa inyo ni baby!" gigil na wika ni Selena sabay pabagsak na umupo sa upuan na katabi nya. "Di'ba nga, kaya nya ginagawa 'yon ay para protektahan ako at si baby. Haya
"Kidding! Nasa loob na ng silid sila Elaine. Muntikan mona hindi maabutan ang first ultrasound ng baby nyo. Iche-check ko na nga sana ng bigla akong tawagin ng nurse dahil sa pasyente ko kanina." biglang bawi ni Doktora Honey at bahagya pa tumawa. Nakahinga naman sya ng maluwag. Akala talaga nya hindi sya nakaabot. Pinagpawisan tuloy sya bigla. "Dapat talaga hindi kita tinatawag na Doktora e, malakas masyado ang sapak mo para maging isang doktor." medyo inis na wika nya rito. Umingos naman ito sa kanya. "Tse! pasalamat ka nga at iniwan ko ang trabaho ko sa manila para mabantayan ang pagbubuntis ni Elaine." Inakbayan naman nya ito. "Suss! ang sabihin mo excited ka lang kasi ang baby namin ang unang magiging pamangkin mo." "Of course! Ano pa at ako ang kauna-unahang OB gyne doktor sa pamilya natin kung hindi naman pala ako ang magchecheck sa mga buntis sa pamilya na 'to?" Napatingin naman sya dito habang naglalakad sila papunta sa silid kung nasaan si Elaine. "Mga? may iba pa
"Pwede na ba namin malaman ang gender nya, Dok Honey?" tanong ni Alexandros sa doktora habang hindi inaalis ang mga mata sa monitor ng machine. Halata sa boses nito ang pagka excite. Mahina naman n'yang tinampal ang braso nito. "Wag ka nga excited! 3 months pa lang tyan ko. Tsaka napag-usapan na natin 'to di'ba? Gusto nila Mama Lenie na magkaroon tayo ng gender reveal kay baby. So hayaan na lang muna na'tin sila ang makaalam." Nguso naman si Alexandros. Bakas sa mukha nito na gustong-gusto na malaman kung little Alexandros nga ba ang nasa tyan nya o little Elaine. Paano ba naman, nung malaman nila na buntis sya, halos tumambay na ito sa online shops kaka-order ng kung anu-ano para sa baby nila. Hindi lang basta-basta ang pinagbibili nito, halos lahat ay manggagaling pa sa ibang bansa! Nang sitahin nya ito nung nakaraan, ang lagi palusot nito sa kanya ay gusto lang raw nito ng best para sa baby nila. Kung sya nga lang ang masusunod, dadayuhin na lang nya ang divisoria para