"Melody told me. Nagpunta sya dito kanina." Nangunot naman ang kanyang noo ng tumango-tango lang si Alexandros. Para bang hindi na ito nagulat pa na ang kanyang matalik na kaibigan ang nagsabi sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang dalawang kamay at pinakatitigan sya sa kanyang mukha. Seryosong-seryoso ito at mukhang hindi mabibiro ng kahit na sino man. Mas lalo tuloy s’yang nagtaka. “Are you mad at me?” ani ni Alexandros. “Bakit naman ako magagalit sa’yo?” balik tanong nya sa binata. “You know.. for keeping a secret.” Kabadong wika nito. Humugot sya ng malalalim na paghinga at tinitigan ang mga kamay nila na magka-hawak. “I was.. but now? I understand you… more on nasaktan ako na kailangan mo itago sa’kin ang kondisyon ng kapatid ko. Kapatid ko ‘yun e, deserve ko malaman kung ano bang nangyayari sa kanya, kung okay lang ba sya? kung alin ang masakit? Wala ako sa tabi nila nung kailangan-kailangan nila ako,” bumakas sa mukha ni Alexandros ang pagka guilty kaya hindi nya maiwasan
"Isang linggo kana nananatili sa clinic ng biglang sumulpot si Melody sa harapan ko. Umiiyak sya at sinabi sa'kin na sinugod si Sabrina sa hospital. Gusto n'yang malaman mo ang nangyayari pero dahil hindi pa maganda ang kalagayan mo. Pinigilan ko sya. Iniisip ko, kapag nalaman mo ang nangyari sa kapatid mo. Baka tuluyan ng malaglag ang baby natin." Tumikhim si Alexandros. Para bang nahihirapan 'tong alalahanin ang muntikan na pagkawala ng anak nila. Napapikit naman sya ng wala sa oras. Pilit n'yang winawaksi sa kanyang isipan ang nangyari ng araw na 'yon. Kung paano nya nakita ang pagdaloy ng dugo sa magkabila n'yang binti bago sya nawalan ng malay. "Kaya ng araw na 'yon. Nagdesisyon akong iwan ka kahit mahirap sa'kin. Hindi pa okay ang kalagayan mo pero kailangan ka ng pamilya mo, lalo na ni Sabrina. At dahil sa sitwasyon na'tin, ako na lang ang umayos ng lahat. Hindi na sila iba sa'kin, Elaine. Pamilya ko na din sila. Kaya ng malaman ko na walang tumatanggap na doctor para operaha
Nagising sya dahil pakiramdam nya may nakatitig sa kanya. Dahan-dahan n'yang iminulat ang kanyang mga mata at agad din naman napapikit dahil sa silaw ng araw na tumatama sa kanyang mukha dahil sa bukas na bintana ng kwarto nila ni Alexandros. Napaungòl sya ng wala sa oras at tinakpan ang mga mata. "Good morning, sleepy head." bati sa kanya ni Alexandros. Inalis naman nya ang braso na s'yang tumatakip sa kanyang mga mata at umupo. Hinanap nya kung asan ang binata dahil ramdam nya na wala ito sa kama. Nakasandal pala ito sa may piano at nakahalukipkip ang mga braso sa tapat ng dibdib nito. Nakangiti ito at pinagmamasdan sya. Napanguso sya ng wala sa oras. Bakit ang pogi-pogi pa rin nito kahit sa umaga? Samantalang sya hindi na nya kailangan humarap pa sa salamin para makita ang itsura. Panigurado naman kasi na gulu-gulo ang kanyang buhok. Baka nga may panis pa s'yang laway! Agad naman n'yang kinapa ang mukha kung meron nga s'yang panis na laway. Nakarinig sya ng tawa
Malaking ngisi ang ibinigay nya kay Nicole na nakaupo sa kabilang table malapit sa pwesto nila. Mukha kasi itong badtrip dahil kanina pa nag-aantay kay Alexandros. Nandito sya ngayon sa Floating Restaurant kasama si Selena at Olivia para kumain ng umagahan. Pagkatapos kasi ng 'harutan' na ginawa nila ni Alexandros sa banyo. Kinulit nya ang binata na hayaan s'yang lumabas ng main villa dahil bored na sya. Pumayag naman ito, basta kasama nila si Jaxon para double ang bantay nya. Matalim s'yang tiningnan ni Nicole pero agad rin naman inalis ang mga mata sa kanya dahil papasok na ng floating restaurant si Alexandros. Agad itong tumayo at sinalubong ang lalaki. Nakita pa n'yang inilagay ni Nicole ang kamay nito sa braso ni Alexandros. Malaki ang ngiting tiningnan sya ni delulu at bahagya pang ini-angat ang ulo na para bang nagmamalaki ito sa kanya. "Taas noo yarn?" wika nya sa kanyang isip. Hindi tuloy nya napigilan na mapahagikhik. Mahinang tapik sa kanyang kamay ang na
"Any update, Amari?" tanong ni Alexandros sa kanyang secretary sa kabilang linya. Nasa mini office nya sya sa loob ng kanyang silid. "Almost done, Sir! May mga kailangan lang po asikasuhin si attorney at matatapos na po ang lahat." magalang na sagot nito. Nasa Ruffalo Empire Building ito at nasa loob ng kanyang opisina. Dahil sa sitwasyon ngayon, hindi sya makapunta sa manila para asikasuhin ang lahat ng kailangan nya. Pasalamat na lamang at tinutulungan sya ng kanyang nakakatandang kapatid na si Marcus. Kailangan nila mag-ingat, lalo na si Elaine. Hindi sila pwede basta-basta na lang kumilos at baka masira ang lahat ng plano nila. Napangisi sya ng wala sa oras. Konting tiis na lang at mawawala na sa landas nila ng tuluyan si Nicole. Wala itong kamalay-malay sa mga nangyayari dahil masyado itong focus sa kanya. "Call me right away kapag natapos na si attorney. Siguraduhin nyo na wala na silang kawala." "Yes, Sir!" May mga binilin pa sya dito bago tuluyang nagpaalam.
Limitado lamang ang imbitado para sa surpresang kanya ginawa para kay Nicole. Tanging mga member lamang ng MMC, ibang staff at ang mga taong importante sa buhay nito na kadarating lang kanina kasama ang kanyang sekretarya si Amari ang nasa yate. Pasalamat na lang talaga sya sa girls lalo na kay Elaine dahil natapos agad ng mga ito ang pag-aayos sa yate para sa gabing ito. Lahat sila naka suot ng puti. Suggest 'yon ni Olivia dahil nagpadala raw ito ng dress kay Nicole. Hindi nya 'yun inutos pero ito na mismo ang nag pumilit, bagay raw kasi ang dinesenyo nitong dress para sa babae. Isang tapik sa balikat nya ang nagpalingon sa kanya. Seryosong mga mukha ng member ang nalingunan nya, kanya-kanya hawak ang mga ito ng wine glass at ang iba naman ay may hawak na whiskey glass. Inabutan sya ni Dominic ng isang whiskey glass na tinanggap naman nya at inisang tungga. Napa woaah ang mga ito. Ang iba naman ay napailing na lang. Kinakabahan sya para sa gabing ito. Sana lang a
"Paakyat na raw ng yate si Nicole!" si Selena na nagpapanic. Agad naman inalis ni Elaine ang braso nya sa balikat nito at lumapit na kay Selena. Buti na lamang at hindi sila nakita ni Nicole. Nasa second floor sila ng yate kung saan magaganap ang surpresa. "Sige na, love. Maya na lang." pagpapaalam nito sa kanya. Mabilis naman nya itong hinalikan ulit sa labi. "Mag-iingat ka ha? I love you." bilin nya rito. Tumango ito. "I love you too." tanging nasabi lang nito bago ito tuluyan hilahin ni Selena palayo sa pwesto nila. Pinagmasdan nya ang mga ito na nakihalubilo sa ibang guest. Tumikhim naman sya at nagseryoso. Konti oras na lang.. pagpapaalala nya sa sarili. Nagpaalam naman sa kanya ang mga member ng MMC at tanging si Dominic lang ang naiwan sa gilid nya ng makita sila Nicole na papalapit. "Goodluck, bro." si Liam na tinapik rin sya sa balikat bago tuluyan umalis. Napatingin naman sya kay Nicole. Nakasuot ito ng isang pula tube dress na may snake print at may suo
Hindi nya namalayan na kumuyom na pala ang kanyang kamao at tumalin na ang kanyang tingin sa kaharap na si Mr. Sandejas kung hindi pa sya siniko ng katabing si Dominic at binulungan na kumalma. Aba't makapal rin pala ang mukha nito at balak pa s'yang gamitin!"Something wrong, hijo? Bakit masama ka ata makatingin?" Nakataas ang isang kilay na tanong sa kanya nito. Mukhang nahalata rin ang pagbabago ng kanyang mood. Ngumiti sya ng pilit rito at umiling. "Nothing, Mr. Sandejas. May bigla lang akong naalala.""I see. Akala ko sinasamaan mo 'ko ng tingin e. Ano ba ang naalala mo at parang gusto mo manuntok sa itsura mo kanina?""Ikaw." "Excuse me!?" Medyo malakas na sabi nito at mukhang nabigla sa sinabi nya. Pero dahil sa malakas na tugtog sa yate, sila lang tatlo ni Dominic ang nakarinig rito.Pilit na tumawa si Dominic na katabi nya. "Nagbibiro lang sya, Mr. Sandejas. Mapagbiro lang po talaga itong si Alexandros, right bro?" sabay baling sa kanya ni Dominic at binigyan sya ng warni