Share

Chapter 125

Hindi nya namalayan na kumuyom na pala ang kanyang kamao at tumalin na ang kanyang tingin sa kaharap na si Mr. Sandejas kung hindi pa sya siniko ng katabing si Dominic at binulungan na kumalma.

Aba't makapal rin pala ang mukha nito at balak pa s'yang gamitin!

"Something wrong, hijo? Bakit masama ka ata makatingin?" Nakataas ang isang kilay na tanong sa kanya nito. Mukhang nahalata rin ang pagbabago ng kanyang mood.

Ngumiti sya ng pilit rito at umiling. "Nothing, Mr. Sandejas. May bigla lang akong naalala."

"I see. Akala ko sinasamaan mo 'ko ng tingin e. Ano ba ang naalala mo at parang gusto mo manuntok sa itsura mo kanina?"

"Ikaw."

"Excuse me!?" Medyo malakas na sabi nito at mukhang nabigla sa sinabi nya. Pero dahil sa malakas na tugtog sa yate, sila lang tatlo ni Dominic ang nakarinig rito.

Pilit na tumawa si Dominic na katabi nya. "Nagbibiro lang sya, Mr. Sandejas. Mapagbiro lang po talaga itong si Alexandros, right bro?" sabay baling sa kanya ni Dominic at binigyan sya ng warni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status