Home / Romance / His Scarred Heart / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of His Scarred Heart: Chapter 21 - Chapter 30

55 Chapters

CHAPTER 20

Siniguro muna ni Jossa na mahimbing ang tulog ni Lianna bago niya dahan-dahang binuksan ang pinto ng kanyang silid. Karga niya ito at maya't maya ang marahan niyang paghele sa kanyang anak upang hindi ito magising. Mabilisan niya rin itong pinalitan ng damit kanina upang masiguro na hindi ito lalamigin kapag nailabas niya sa bahay na iyon.Maingat siyang sumilip sa labas. Hindi niya alam kung ano ang ginawa ni Brix pero wala nga ang dalawang tauhan ng kanyang ama sa labas ng kanyang silid. Slowly, as if making sure that she won't make any noise, Jossa started to walk. Dahan-dahan ang ginawa niyang paghakbang sa pasilyo hanggang sa marating niya ang hagdan. Iginala niya pa muna ang kanyang paningin sa paligid bago tuloy-tuloy nang bumaba.Ang sabi ni Brix ay sa may lanai siya dumaan. Hindi niya gustong pagdudahan ang kanyang kaibigan. Talagang malapit naman sila ng binata kahit pa maraming pagkakataon niyang tinanggihan ang pag-ibig nito. Siguro naman ay hindi siya nito magagawang ipah
last updateLast Updated : 2024-03-31
Read more

CHAPTER 21

Napabuntong-hininga si Jossa bago humakbang patungo sa kusina. Naramdaman niya ang pagsunod ni Brix at alam niyang naghihintay ito ng mga sasabihin niya. Hindi siya agad nakapagsalita. Sa halip na magkuwento ay pinagtuunan niya muna ang pagkuha ng dalawang tasa saka humarap ulit sa binata."You want some coffee?" alok niya kahit pa nagsisimula na rin naman siyang magtimpla para sa kanilang dalawa.Brix just shrugged his shoulders. "What happened, Jossa? Saan mo siya nakita?""Sa restaurant kung saan kami kumain ni Lia," tugon niya. "Si Lia ang una niyang nakita. Nagkabungguan sila nang pauwi na kami.""And? Did the two of you talk?"Nahinto siya sa ginagawa at napatitig dito. "Kung pag-uusap man ngang matatawag iyong halos paasik niyang pakikitungo sa akin, then yes, we talked.""What do you mean paasik?"Nabitawan ni Jossa ang kutsaritang hawak niya saka nanghihinang napaupo sa silyang katabi. Hindi niya itinago kay Brix ang sakit na lumarawan sa kanyang mukha nang maalala niya kung
last updateLast Updated : 2024-04-01
Read more

CHAPTER 22

Marahas na napalingon si Masha kay Lemuel nang marinig nito ang sinabi ng binata. Bakas pa sa mukha ng babae ang pagkagulat dahil doon. "You know her, hon?" she asked in amazement.Matagal bago sumagot si Lemuel. For a moment, he just stared at Jossa's face. Hindi man siguro napansin ni Masha, pero sa kanya ay hindi nakaligtas ang malamig na pagtitig nito. Wala pa man sinasabi ang binata ay parang damang-dama na ni Jossa ang galit na mayroon ito para sa kanya.Hanggang sa disimuladong hinamig ni Lemuel ang sarili. Tumayo ito nang tuwid at hinawakan ang isang kamay ni Masha. Awtomatiko pa ngang napatuon doon ang mga mata ni Jossa. Halos hindi na niya kayang ilarawan ang kanyang nadarama nang makita ang ginawa ng binata. Masuyong ikinulong ni Lemuel sa mga palad nito ang isang kamay ni Masha. And for Jossa, that was a very sweet gesture."Yes. Taga-Santa Monica rin siya, hon," seryosong sagot ng binata na naging dahilan para mapatitig ulit siya sa mukha nito."Oh, really? Kaya pala magaa
last updateLast Updated : 2024-04-02
Read more

CHAPTER 23

"W-Why, hon? May mali ba sa itinawag ko sa kanya?" nagtatakang tanong ni Masha kay Lemuel.He composed himself. He tried so hard to speak naturally, kahit pa nahahati na ang isipan niya sa pakikipag-usap sa kanyang kasintahan at sa pag-iisip kay Jossa. Hindi niya kasi maiwasang magtaka kung bakit Lodado pa rin ang ginagamit nitong apelyido gayung kasal na ito kay Brix. Iyon naman ang naging usap-usapan noon--- ikakasal ang mga ito kaya nga galit na galit sa kanya ang ama ng dating kasintahan.Pakiramdam nga ni Lemuel, ang pagpapakulong sa kanya ang pinakamabisang paraan ng mga ito para layuan niya si Jossa. And he can't help but to be mad for thinking that Jossa really did it. Sana ay hiniwalayan na lang siya nito at sinabing ikakasal kay Brix. Hindi na sana nangyari ang eskandalong iyon na naging dahilan pa ng pagkawala ng kanyang Tatay Simeon.He cleared his throat before answering Masha. "I-I was just wondering. Lodado kasi ang apelyido niya sa pagkadalaga. The last time I heard, i
last updateLast Updated : 2024-04-04
Read more

CHAPTER 24

"So, everything is settled? Wala na bang kailangan gawin o bilhin pa kaya?" wika ni Brix habang nakatitig ito sa screen ng kanyang laptop. Ipinakita niya kasi sa binata ang mga detalyeng pinadala sa kanya ni Masha para sa birthday party ni Darlene. Those were the balloon designs, logo para sa ilalagay sa makeshift stage, designs ng invitations at iba pa.Hindi umimik si Jossa. Narinig niya namang nagsalita si Brix pero hindi siya sumagot. Okupado kasi ng ibang bagay ang kanyang isipan."Jossa, nakikinig ka ba sa akin?" untag ni Brix sa kanya. "May problema ba?""Kailan ba ako nawalan ng problema, Brix?" balik-tanong niya, pabiro pa ang pagkakasabi niyon."Tell me, tungkol na naman ba sa kanya?" usisa pa nito. Hindi man nito pangalan ay alam ni Jossa kung sino ang tinutukoy ng binata. "Ang sabi mo'y nagkita na kayo ulit, hindi ba? He's occupying your mind again?""Remember Masha, the event coordinator? Kasintahan siya ni Lemuel, Brix. Nang magkita kami nang isang araw, si Lemuel mismo
last updateLast Updated : 2024-04-05
Read more

CHAPTER 25

Matamang pinagmasdan ni Lemuel ang anak ni Jossa. Nakatayo lang ito sa may waiting area at halos magkandahaba pa ang leeg sa pagtanaw sa labas ng gate. Malamang na naghihintay na ito ng sundo. Sinulyapan pa ni Lemuel ang relong suot niya. Maaga pa para sa uwian ng mga bata kaya hindi niya pa maiwasang magtaka kung bakit nagsilabasan na ang mga estudyante.Out of curiosity, he walked towards Jossa's daughter. Hindi niya pa maiwasang matamang pagmasdan ang bata. She's wearing a school uniform. She looked neat and prim and proper. Halos parehong-pareho ito ni Jossa kung tumindig.Tumikhim si Lemuel, sadyang intensiyong kunin ang pansin ng bata. Waring naging alerto naman ito at marahas na napalingon sa kanya. Sa una ay pagtataka ang rumihestro sa mukha nito. Iniisip marahil nito kung sino siya. Until moments later, recognition mirrored in her eyes. Hindi mahirap hulaan na naalala nito ang gabing iyon sa may restaurant."I know you," wika nito. "Ikaw ho ang lalaking bumunggo sa akin sa ma
last updateLast Updated : 2024-04-06
Read more

CHAPTER 26

Hindi na mabilang ni Masha kung ilang beses na niyang sinubukang tawagan ang numero ni Lemuel. Katunayan ay kagabi niya pa iyon ginagawa ngunit hindi man lang sumasagot ang binata. Ilang araw niya na ring hindi nakikita ang kanyang kasintahan. Hindi niya alam kung ano ba ang pinagkakaabalahan nito maliban sa mga gawain sa pag-aaring shop. Nang huli kasi silang nagkausap sa cell phone ay may importante lang daw itong aasikasuhin.And it was so unusual for him not to tell her what he's doing. Basta ang sinabi lang ni Lemuel ay may kailangan lang daw itong alamin. Kung ano man iyon ay hindi na nito sinabi sa kanya. Hindi niya maiwasang manibago. Kahit gaano kasi ito kaabala sa shop at siya naman sa kanyang trabaho ay hindi maaaring hindi sila magkita. Ngayon lang nangyari na inabot ng ilang araw na hindi sila nagkakausap nang personal.Sinubukan rin ni Masha na puntahan ang shop ni Lemuel pero ayon sa empleyadong nakausap niya ay hindi pumapasok ang kanyang kasintahan. Pupunta lang daw i
last updateLast Updated : 2024-04-08
Read more

CHAPTER 27

Agad na iginala ni Jossa ang kanyang paningin sa kabuuan ng bahay na nasa harapan niya. It was a simple townhouse na sa hinuha niya ay kasinglaki lamang ng apartment na tinitirhan nila ni Lianna. Moderno ang disenyo niyon at tamang-tama lamang ang laki para sa isang pamilya.Napalingon siya kay Lemuel. Kapwa pa rin sila nasa loob ng sasakyan nito at halos hindi nagkikibuan. Seryoso ang ekspresyon ng mukha ng binata habang sa harap ng sasakyan nakatuon ang mga mata. Kung bakit doon nito inihinto ang sasakyan ay hindi niya alam. Ni wala din siyang ideya kung kanino ang bahay na nasa harapan nila.Mula nga sa eskuwelahang pinapasukan ng kanyang anak ay natagpuan na lamang ni Jossa ang kanyang sariling sumama sa binata. Hindi niya maipaliwanag ang kabang naramdaman nang banggitin nitong tungkol kay Lianna ang pag-uusapan nilang dalawa. Una nang nasabi ni Lemuel na nakausap nito ang kanyang anak. May alam na ba ito kung sino ito sa buhay ni Lianna?"W-Why are we here? K-Kanino... Kaninong
last updateLast Updated : 2024-04-08
Read more

CHAPTER 28

Halos mapasinghap si Jossa nang lumapat ang mga labi ni Lemuel sa kanya. Hindi niya inaasahang gagawin iyon ng binata. Hawak nito ang kanyang batok dahilan para hindi niya maiiwas dito ang kanyang mukha. Ang isang kamay naman nito ay nakatukod sa kinauupuan niyang sofa na wari bang doon kumukuha ng balanse.Mariin ang halik na iginawad sa kanya ni Lemuel. Hindi siya agad nakakilos at aaminin ni Jossa na nakadagdag sa panghihina ng kanyang mga tuhod ang pagdampi ng labi nito sa kanya. She was trembling while they were talking a minute ago and that doubled because of the kiss that after ten years, she has experienced again.Yes, ten years.... Walang sino mang lalaki ang pinahintulutan niyang gawin ang mga bagay na tanging si Lemuel pa lamang ang nakagawa sa kanya.Slowly, she closed her eyes. May ilang butil pa ng luha ang tumakas mula sa kanyang mga mata ngunit hindi na iyon pag-iyak dahil sa pagkakaalala ng mga nangyari noon. Luha na iyon na dulot ng labis na pangungulila niya sa lala
last updateLast Updated : 2024-04-09
Read more

CHAPTER 29

Marahang napalingon si Jossa nang maramdaman niya ang paglapit ni Brix. Bitbit nito ang isang basong tubig na agad nitong inilapag sa ibabaw ng center table. Narinig niya pa nang mapabuntong-hininga ang kaibigan niya bago ito nagsalita."Uminom ka muna, Jossa, para kumalma ka," wika nito sa banayad na tinig.Sinunod niya ang sinabi ng binata. Uminom siya mula sa basong ibinigay nito saka iyon muling inilapag sa ibabaw ng mesa. "S-Salamat," halos pabulong niyang saad.Ilang minuto matapos niyang tawagan si Brix ay dumating ito upang sunduin siya. Agad pang rumihestro ang pag-aalala sa mukha ng kanyang kaibigan nang makita nito ang kalagayan niya. Bakas na bakas kasi sa kanyang mukha ang labis na pag-iyak.Agad siyang nilapitan ni Brix at inalalayang makasakay sa kotse nito. Kinailangan niya na ngang tawagan ang kanyang kaibigan dahil pakiramdam niya'y hindi na niya makakaya pang umuwing mag-isa. Damang-dama niya ang paninikip ng kanyang dibdib. Halos manghina rin ang kanyang mga tuhod
last updateLast Updated : 2024-04-10
Read more
PREV
123456
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status