Home / Romance / His Scarred Heart / Kabanata 31 - Kabanata 40

Lahat ng Kabanata ng His Scarred Heart: Kabanata 31 - Kabanata 40

55 Kabanata

CHAPTER 30

Ipinarada ni Lemuel ang kanyang sasakyan sa harap ng apartment na tinitirhan nina Jossa. Alas-tres na ng hapon at matapos ng mga kailangan niyang gawin sa shop ay nagtungo siya roon. Pinatay na niya ang makina ng kanyang kotse pero nanatili pa muna siya sa loob. Nakahawak pa ang dalawang kamay niya sa manibela habang ang kanyang mga mata ay matamang nakatitig sa bahay na tinitirhan ng kanyang mag-ina.Kanyang mag-ina--- waring may humaplos sa kanyang dibdib pagkaisip sa bagay na iyon. Sa loob ng sampung taon, ni hindi pumasok sa isipan niya na may anak na siya... na nagbunga ang minsang naging relasyon nila ni Jossa.He heaved out a deep sigh. Nasabi niya na kay Masha ang tungkol sa bagay na iyon. Nabigla ito at inaasahan na niyang iyon ang magiging reaksiyon ng kanyang kasintahan. Nang una kasing magkakaharap-harap sila nina Jossa ay hindi niya naman nabanggit na dati niyang nobya ang dalaga. Ang buong akala ni Masha ay kababayan niya lamang ang naging kliyente nito.Ni hindi agad na
Magbasa pa

CHAPTER 31

Dama ni Jossa ang pananakit ng ilang parte ng kanyang katawan dahil sa biglaang pagdapa ni Lemuel na kasama siya. Humahapdi ang kanyang kaliwang siko at braso na alam niyang may gasgas dahil sa pagkakatama sa sementadong kalsada. Ngunit lahat ng iyon ay hindi na niya alintana pa sapagkat mas nanaig ang takot at kaba sa kanyang dibdib matapos ng ginawang pagpapaputok ng kung sino mang sakay ng motorsiklong bagong dating.Mariing naipikit ni Jossa ang kanyang mga mata habang mahigpit siyang yakap ni Lemuel. Nakahiga na siya sa gilid ng daan samantalang ang kalahati ng katawan ng binata ay nakadagan sa kanya, intensiyon upang maprotektahan siya sa kung sino mang umatake sa kanilang dalawa.Mayamaya'y tumigil saglit ang pagpapaputok ng lalaki. Lahat ng balang pinaulan nito ay sa sasakyan ni Lemuel tumama. Dahil sa biglaang pagdapa ng binata ay nakailag sila sa naturang pamamaril.Nakiramdam pa muna si Lemuel hanggang sa maingat itong bumangon. Kasabay ng pagkilos nito ay ang pagmulat ni J
Magbasa pa

CHAPTER 32

"K-Kaninong bahay ito?" hindi mapigilang itanong ni Jossa kay Lemuel. Naglalakad na sila papasok sa bahay na pinagdalhan nito sa kanila ni Lianna. Iginala niya pa ang kanyang paningin sa kabuuan niyon nang nagtanong siya.Lemuel shrugged his shoulders. "Sa kakilala ko," anito sa seryosong tinig. "Ipapakilala ko kayo sa kanya."Hindi na nito dinugtungan pa ang mga sinabi. Patuloy lang ito sa paglalakad habang nakasunod sila nina Lianna. Hawak niya sa kanyang kanang kamay ang kanyang anak, sa kaliwa naman si Darlene. Si Brix ay marahang nakasunod sa kanyang likuran.Bago pa man mag-alas singko ng umaga ay gumayak sila sa pag-alis. Walang nagawa si Jossa kundi ang sumama kay Lemuel sapagkat determinado itong dalhin sila sa lugar, na ayon dito ay ligtas sila ni Lianna. Napahinuhod niya rin sina Brix na sumama. Nag-aalala rin siya para sa kaligtasan ng mga ito, lalo na ni Darlene. Ngayong alam na ng kanyang Daddy Eduardo na may alam ang kaibigan niya kung nasaan siya ay malamang na balikan
Magbasa pa

CHAPTER 33

Pagkatapos makausap ni Jossa si Lemuel ay umakyat na siya sa ikalawang palapag upang sundan sina Lianna. Ang binata naman ay nakita niyang pinuntahan sa study room si Trace. Kung ano man ang pag-uusapan ng mga ito ay hindi na niya inalam pa.Sa pag-akyat ni Jossa ay nakasalubong niya si Manang Tess. Nagtanong siya kung saan ang silid na ookupahin nilang mag-ina na agad namang itinuro ng matandang babae. Nagpasalamat siya rito at pinuntahan na si Lianna. Hindi niya pa maiwasang humanga nang makita ang naturang kwarto. It was huge and screaming elegance. Mas malaki pa nga iyon kaysa sa silid niya sa bahay ng mga Lodado.Hindi rin mawala sa isipan ni Jossa ang mga pinag-usapan nila ni Lemuel kanina. Patay na pala ang Tatay Simeon nito. Nasa kulungan pa lamang ang binata nang inatake ito sa puso at mamatay. And the worst of all, nawala ang matandang lalaki dahil hindi nito nakayang tanggapin ang lahat ng nangyari kay Lemuel--- lahat ng nangyari na sila ang naging dahilan.Hindi niya maiwa
Magbasa pa

CHAPTER 34

Sunod-sunod ang naging paglunok ni Jossa nang tuluyang makalapit sa kinaroroonan nila sina Lemuel at Masha. Napaupo pa siya nang tuwid nang sa may mismong likuran nila tumayo ang dating kasintahan."Hello..." sambit ni Lemuel na laan para kay Lianna. May masuyong ekspresyon pang nakarehistro sa mga mata nito habang nakatitig sa kanilang anak."Nariyan ka na pala, Lemuel," saad ni Brix. Ito ang gumawa ng hakbang para maputol ang nakaiilang na sitwasyon."Brix, I-I... sinundo ko lang si Masha, my girlfriend---""We've met," mabilis na sansala ng kaibigan niya. "She's the event coordinator in Darlene's birthday, remember?"Lemuel cleared his throat. "Anyway, Mash, s-si... si Lianna, my daughter," saad ni Lemuel. Nakatukod pa ang dalawang kamay nito sa sandalan ng kinauupuan ni Lianna.For a moment, no one spoke among them. Sila ni Brix ay waring kapwa naghihintay kung ano ang sasabihin ni Masha, kung ano ang magiging reaksyon nito ngayong kaharap na ang anak nila ni Lemuel.Pero hindi ag
Magbasa pa

CHAPTER 35

Napatayo nang tuwid si Jossa habang nakasunod siya ng tingin kay Masha. Dire-diretso itong humakbang patungo sa may lababo at doon ay nagdududuwal. Sa wari niya pa ay wala namang inilalabas ang dalaga. Sadyang hinalukay lang ang sikmura nito nang maamoy ang niluluto nina Manang Tess.Sunod-sunod ang naging paglunok ni Jossa. Babae rin siya at kahit wala pa mang nakapagsasabi ay parang nahuhulaan na niya ang dahilan ng pagkakaganoon ni Masha. Naranasan niya rin iyon nang pinagbubuntis niya si Lianna at halos matigilan pa siya dahil sa reyalisasyong agad na pumasok sa kanyang isipan.Buntis ba si Masha? Iyon ba ang rason kung bakit ayaw nito sa amoy ng ginisang may bawang?Mabilis nang nilapitan ni Lemuel ang kasintahan nito. Nakita pa ni Jossa ang marahang paghawak ng binata sa likod ni Masha na wari ba ay pinapakalma ang dalaga."Are you okay? Masama ba ang pakiramdam mo?" narinig niyang tanong ni Lemuel.Hindi sumagot si Masha at sa halip ay binuksan na ang gripo upang maghugas ng ka
Magbasa pa

CHAPTER 36

Nagsanhi ng malakas na ingay ang ginawang pagbato ni Eduardo sa kopita ng alak. Tumama iyon sa sementadong dingding bago bumagsak sa sahig at nagkapira-piraso. Tumilapon din ang natitirang inumin na nasa loob niyon."Damn it! Talaga bang lahat kayo ay walang silbi?! Para saan pa't binabayaran ko kayo kung hindi niyo magawa ang iniuutos ko?!" bulyaw niya sa tatlong tauhang nasa loob ng kanyang opisina.Pawang mga nakayuko lamang ito at hindi makaapuhap ng isasagot sa kanya. Ang tatlo ang itinuturing niyang pinakapinagkakatiwalaan sa lahat ng tauhang mayroon siya. Sa tuwing may ipapagawa siya ay ang mga ito ang kinakausap niya. Ang tatlo rin ang haharap sa kanya kung sakaling palpak ang ginawang plano ng mga ito.Katulad na lamang ngayon. Ang tatlo ang sumalo ng galit niya dahil, tulad ng mga naunang plano, palpak na naman ang tauhang pinadala ng mga ito para sundan si Brix. Sa mga nakalipas na taon ay makailang beses na siyang nag-utos na sundan ng mga ito si Brix sa tuwing babalik ng
Magbasa pa

CHAPTER 37

Marahang naglakad si Lemuel patungo sa bahay na bagong nilipatan nina Jossa at Lianna. Bitbit niya pa ang ilang plastic bags na naglalaman ng grocery items na pinamili niya para sa kanyang mag-ina.Kahapon nang tuluyang umalis ang mga ito sa bahay nina Trace. Hindi niya na pinigilan pa ang nais ni Jossa. Sa tulong ni Brix ay may nahanap agad itong malilipatan at kahit pakiramdam niya ay iniiwasan na siya ng dalaga ay iginiit pa rin ni Lemuel na ihatid ang mga ito sa bagong tirahan.The house was nice. Maayos naman at tamang-tama lamang para kina Jossa at Lianna. Naroon na rin sa naturang bahay ang ilang gamit ng mag-ina na maingat na kinuha ni Brix mula sa dating inuupahan ng mga ito. Siniguro pa ng binata na walang nakamanman sa dating apartment nina Jossa bago nito kunin ang ilang gamit ng mag-ina. Ang ilang hindi na masyadong importante ay iniwan na lamang roon.Pinindot na niya ang doorbell habang matamang nakatitig sa entrada ng bahay. Alas-siyete pa lang ng gabi kaya nasisiguro
Magbasa pa

CHAPTER 38

Kulang ang salitang gulantang para ilarawan sa nadarama ni Jossa nang mga sandaling iyon. Halos mapaawang ang kanyang bibig habang nakatitig kay Lemuel. Gusto niya pang isipin na pinaglalaruan lang siya ng kanyang pandinig, na baka mali lang ang pagkakaintindi niya sa mga sinabi nito. But Lemuel spoke again when she remained silent. Inulit nito ang mga sinabi na wari bang mas pinauunawa sa kanya."You heard me, Jossa," wika nito. "It has been years pero mahal pa rin kita. Sa loob ng sampung taon, akala ko'y tuluyan nang natalo ng galit ang pagmamahal ko para sa iyo, but it didn't. Gustuhin ko mang kamuhian ka dahil sa mga nangyari noon ay hindi ko magawa. Mas nangingibabaw pa rin iyong pagmamahal kaysa sa galit."Jossa swallowed an imaginary lump in her throat. Dama niya ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata dahil sa mga narinig mula sa binata."W-What... What are you talking about, Lemuel? I-Ikakasal ka na kay Masha. You proposed to her, right? Bakit---""I didn't," mabilis nit
Magbasa pa

CHAPTER 39

Agad na napatayo nang tuwid si Lemuel nang makita niyang naglalakad na si Masha pabalik sa kanyang kinaroroonan. Tapos na itong gumamit ng banyo at agad pang napangiti nang makita siyang naghihintay dito. Mag-isa na lang siya at wala na ang doktor na nakausap niya kanina. Nagpaalam na ito dahil sa may kailangan pang gawin.Kahit nakaalis na ang naturang doktor ay hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang mga sinabi nito. Totoong ikinabigla niya ang mga nalaman. Tatlong buwan na ang nasa sinapupunan ng kanyang kasintahan gayong isang buwan pa lang mula nang may namagitan sa kanila.He swallowed hard. His face hardened. Kung totoo man ang mga sinabi ng doktor, isa lang ang ibig sabihin niyon--- hindi siya ang ama ng pinagbubuntis ni Masha. Hindi niya anak ang nasa sinapupunan nito. She cheated! Napakalinaw na ganoon nga ang nangyari."Where do you want to eat? Gusto mo bang sa dati na lang nating kinakainan?" wika ni Masha nang makalapit sa kanya."Let's just go to your place. Ihahatid
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status