Home / Romance / His Scarred Heart / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of His Scarred Heart: Chapter 11 - Chapter 20

55 Chapters

CHAPTER 10

Maya't maya ang sulyap ni Jossa sa kanyang ama habang nasa harap sila ng hapag-kainan. Gabi at oras ng kanilang hapunan. Pang-sampuan ang mesa sa kanilang komedor pero sila lamang mag-ama ang naroon. Ilang putahe rin ang nakahain sa kanilang harapan na mistula bang may selebrasyong kailangang ipagdiwang.Sa tuwina ay ganoon ang senaryo kapag kakain sila. Kahit nang nabubuhay pa ang kanyang ina ay laging maramihan kung magluto ang mga katulong. And yes, money was never a problem for them. Nakakain nila kung ano man ang gustuhin nila. Kumpara sa ibang pamilya, hindi problema para sa kanila ang kakainin sa araw-araw.Ganoon pa man, masasabi niyang hindi siya masaya sa kung ano ang mayroon siya. Not that she was not thankful with all the blessings that they have. Of course, pinagpapasalamat niya ang lahat ng iyon. Ang hindi niya lang ikinakasaya ay ang mga pagkakataong katulad na lang ngayon. Napakaraming pagkain sa harap nila ng kanyang ama pero halos hindi naman sila nagkikibuang dalawa
last updateLast Updated : 2024-03-16
Read more

CHAPTER 11

Agad na binalot ng kakaibang kaba si Jossa nang basta na lamang may humila sa kanyang braso at dalhin siya sa likurang bahagi ng kanilang sasakyan. Sa gulat na naramdam ay gusto niya pa sanang mapatili ngunit naging maagap ang may hawak sa kanya. Mabilis nitong tinakpan ang kanyang bibig gamit ang isang palad nito.Tuluyan na sana siyang matatakot kung hindi niya lang nakilala ang boses nito nang magsalita."Huwag kang sisigaw, Jossa. Baka akalain ng iba, eh, dudukutin kita.""Lemuel!" gilalas niyang sabi nang alisin nito ang kamay sa kanyang bibig. Isinandal din siya ng binata sa kanilang sasakyan upang magkaharap silang dalawa."Did you miss me, love?" tanong nito nang may ngiti sa mga labi.She was stunned, at samu't sari ang naging dahilan kung bakit siya natigilan. Una, ang labis na pagka-miss sa lalaking kaharap. Dahil nga sa pagpunta niya sa Manila at pagiging abala sa kampanya ng kanyang ama ay naging bihira ang pagkikita nila. She missed him so much and seeing him now overwhe
last updateLast Updated : 2024-03-18
Read more

CHAPTER 12

Marahang isinara ni Jossa ang pinto sa may driver's seat nang makababa siya ng kanyang sasakyan. Iginala niya pa ang kanyang paningin sa paligid bago dahan-dahan nang naglakad palapit sa bahay na kanyang sadya, ang kina Lemuel. Tulad nga ng sinabi niya sa kanyang kasintahan kahapon ay sinadya niya ang bahay ng mga ito. Sinamantala niyang hindi siya isinama ng kanyang ama sa lakad nito sa araw na iyon.She roamed her eyes around the shop of Tatay Simeon. Katulad ng karaniwang senaryo, nagkalat ang mga kahoy at iba pang kagamitang ginagamit nina Lemuel sa pagtatrabaho. Ang kaibahan lang, walang tao sa mismong shop.Her eyes darted on the entrance of their house. Walang tao sa may shop ngunit bukas naman ang pinto ng mismong kabahayan kaya nasisiguro niyang may tao roon. And it was when she started walking towards their house. Dahil sa nakabukas naman iyon ay nais niya na lang sanang dumiretso sa loob.Ngunit agad nang natigilan si Jossa nang sa paglapit niya sa pintuan ay siya namang pa
last updateLast Updated : 2024-03-19
Read more

CHAPTER 13

Hindi malaman ni Jossa kung ano ang nag-udyok sa kanya para magpahinuhod sa nais mangyari ni Lemuel. Nang akayin siya ng binata patungo sa silid nito ay hindi na siya nagprotesta. May agam-agam sa simula ngunit nang mailapat ni Lemuel pasara ang pinto ng kwarto nito at agad siyang hinalikan ulit ay tinangay na ng hangin ang ano mang matinong katwirang mayroon siya sa kanyang isipan.Malalim, mapang-angkin at agresibo ang halik na pinagsasaluhan nilang dalawa. Magkalapat pa ang kanilang mga labi nang dahan-dahan siyang igiya ni Lemuel palapit sa pang-isahang papag nito. The moment her legs touched the edge of his bed, it should have been a wake up call for her. Dapat ay naalarma na siya sapagkat alam niyang oras na maihiga siya roon ng binata, hindi na niya mapipigilan ang nais nitong mangyari.But Jossa became submissive. Nagpadala siya sa init na nadarama at hinayaan si Lemuel na tuluyan siyang maihiga roon. Sumunod sa kanya ang binata at halos kalahati ng katawan nito ay nakadagan n
last updateLast Updated : 2024-03-20
Read more

CHAPTER 14

Naging mabagal ang paglalakad ni Jossa papasok sa kanilang bahay nang maulinigan niya ang masayang kuwentuhan sa may sala. Hindi niya pa man nakikita ngunit nakilala na niya ang tinig ng mga kausap ng kanyang Daddy Eduardo--- sina Brix at ang ama nitong si Danilo.Kung tutuusin ay sanay siyang naroon ang mag-ama. Dahil sa malapit na malapit sina Danilo at Eduardo ay madalas na magkasama ang mga ito. Pero nitong mga nakalipas na araw ay iba na ang pakiramdam ni Jossa sa tuwing nadadatnan niya sa kanilang bahay ang mag-amang Santiago. Alam niya kasi na may iba nang motibo ang dalawang matandang lalaki kung bakit nais lagi ng mga itong magkakasama-sama sila. Iyon ay ang mas ipaglapit pa sila ni Brix.She heaved out a deep sigh before she continued walking. Tulad ng inaasahan, natigil sa usapan ang mga ito nang bumungad siya sa may sala. Si Eduardo ang unang gumawa ng kilos. Mabilis itong tumayo mula sa pagkakaupo at nilapitan siya."Narito na pala si Jossa. We can now start talking, pare,
last updateLast Updated : 2024-03-21
Read more

CHAPTER 15

Hindi na mabilang ni Jossa kung makailang ulit na niyang sinubukang pihitin ang doorknob ng pinto sa kanyang kwarto. Sa muli ay bumagsak ang kanyang mga balikat nang mapagtantong naka-lock pa rin iyon mula sa labas.Tears suddenly formed in her eyes as the realization hit her. Talagang ikinulong siya ng kanyang ama sa sarili niyang silid!Matapos ng naging sagutan nila kahapon ay agad siyang umakyat. Hindi na niya alam kung anong oras umalis ang mag-amang Santiago. Hindi na siya nag-abala pang bumaba at hinayaan na lang ang sariling ilabas ang lahat ng sama ng loob niya sa pamamagitan ng pag-iyak.Ang akala ni Jossa ay hinayaan muna siya ni Eduardo na magpalipas ng hinanakit kaya hindi siya nito sinundan pero nagkamali siya. Nakarinig na lang siya ng ingay mula sa labas na wari ay may inilalagay sa may pintuan. She hurriedly stood up from her bed to know what was going on. Doon niya lang napagtantong naglalagay ng kandado sa labas ng kanyang kwarto upang mai-lock siya sa loob.Sinubuk
last updateLast Updated : 2024-03-23
Read more

CHAPTER 16

Dumiretso si Lemuel sa isang exit gate ng eskuwelahang kinaroroonan nila. Maliit lang iyon na tanging mga tao lamang ang puwedeng dumaan at hindi naman maraanan ng mga sasakyan. Tuloy-tuloy doong lumabas ang binata habang hawak pa rin siya nito sa kanyang kamay. Hindi na nagtanong ng ano pa si Jossa. Hinayaan niyang ito na ang mag-akay sa kanya paalis. Ang mahalaga para sa kanya ay makapag-usap sila ni Lemuel na sa loob ng ilang araw ay pinanabikan niyang makita ulit.Mula sa gate na kanilang nilabasan ay tinahak nila ang patungo sa kabilang kalsada. Dire-diretso silang naglakad hanggang sa marating nila ang isang eskinitang patungo pa yata sa maraming kabahayan. Bahagyang may kalayuan na rin iyon mula sa pinanggalingan nila. Doon na huminto si Lemuel at agad siyang hinarap. Puno ng maraming katanungan ang mukha nito pero kasabay niyon ay nasilip niya rin ang pag-alala."Ano ang nangyari, Jossa? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Bakit hindi ka na muling pumunta sa bahay namin
last updateLast Updated : 2024-03-25
Read more

CHAPTER 17

"She is what?!"Halos mapasigaw si Eduardo nang marinig niya ang resulta ng ginawang pagsusuri ng doktor kay Jossa. Marahas pa siyang napatayo mula sa kanyang kinauupuan dahil sa pagkagimbal na naramdaman. Ni hindi pa nga humuhupa ang galit na nadarama niya kanina, tapos hayun at sasalubong pa sa kanya ang balitang iyon ng doktor.Nakadama si Eduardo ng galit kanina nang malamang hindi na kasama ng kanyang tauhan si Jossa. Isang malaking katangahan para sa kanya na natakasan pa ito ng isang babae. Kung wala lang sila sa pampublikong lugar ay nakatikim na sa kanya ng matatalim na salita ang bantay ng dalaga.But Eduardo held himself. Maliban sa maraming tao at ayaw niyang maging laman ng usap-usapan, araw din iyon ng eleksiyon at hindi niya nais na masira ang kanyang pangalan sa kanilang bayan. Nagpigil siya ng galit at inaya na lang ang mga tao niya na hanapin si Jossa. Nasisiguro niya naman na hindi pa nakalalayo ang dalaga mula sa eskuwelahan.At hindi nga siya nagkamali. Dumoble an
last updateLast Updated : 2024-03-26
Read more

CHAPTER 18

Lumipas ang ilang araw na sa loob ng kulungan nanatili si Lemuel. Halos hindi niya mapaniwalaan na nasa ganoon siyang sitwasyon. Nahaharap nga siya sa kasong rape na kung paano nangyari ay hindi niya maproseso.Mismong si Jossa raw 'di umano ang nagsalita laban sa kanya. Ayon sa abogadong nakuha ng kanyang Tatay Simeon ay malakas ang laban ng kabilang kampo sapagkat may ilang ebidensiya raw na hawak ang mga Lodado. Mga ebidensiya iyon na hindi niya malaman kung saan nanggaling.Kasintahan niya si Jossa. Mahal niya ito at ramdam niyang ganoon din ang nadarama ng dalaga para sa kanya. Kaya naman hindi niya maintindihan kung bakit siya nahaharap ngayon sa ganoong krimen. Paano nito nasabing pinagsamantalahan niya ito gayung pareho nilang ginusto ang namagitan sa kanilang dalawa? Hindi niya ito ginamitan man lang ng dahas sapagkat may relasyon sila ng dalaga.Sa loob ng mga araw na nakakulong si Lemuel ay laging nariyan para sa kanya si Simeon. Dama niya ang labis na pag-aalala nito para
last updateLast Updated : 2024-03-28
Read more

CHAPTER 19

Matuling lumipas ang ilang buwan. Ni hindi pa malaman ni Jossa kung paano niya naitawid ang bawat araw na nagdaan. She's alive, she's breathing yet she didn't know how she was able to survive each day.Halos mag-iisang taon na mula nang mapilitan siyang magsalita laban kay Lemuel. Nahatulan ito ng korte at nakulong sa kasong hindi naman nito ginawa. Gustuhin man ni Jossa na itama ang lahat ay hindi niya magawa. Mula nang malaman ng kanyang ama ang tungkol sa kanila ni Lemuel ay hindi na siya nawalan ng bantay. Laging sinisiguro ni Eduardo na hindi na siya makakawala ulit mula sa mga tauhan nito.Yes, it has been almost a year. Matapos ng mga nangyari ay dinala siya ng kanyang ama sa Manila at kahit hindi siya pabor ay doon na siya nanatili hanggang sa makapanganak. She gave birth to her daughter--- to Lianna.True to Eduardo's words, hinayaan na siya nitong ipagpatuloy ang kanyang pagbubuntis kapalit ng pagsasalita niya laban kay Lemuel. Ngunit ganoon pa man, hindi pa rin siya pinayag
last updateLast Updated : 2024-03-30
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status