Hindi na mabilang ni Masha kung ilang beses na niyang sinubukang tawagan ang numero ni Lemuel. Katunayan ay kagabi niya pa iyon ginagawa ngunit hindi man lang sumasagot ang binata. Ilang araw niya na ring hindi nakikita ang kanyang kasintahan. Hindi niya alam kung ano ba ang pinagkakaabalahan nito maliban sa mga gawain sa pag-aaring shop. Nang huli kasi silang nagkausap sa cell phone ay may importante lang daw itong aasikasuhin.And it was so unusual for him not to tell her what he's doing. Basta ang sinabi lang ni Lemuel ay may kailangan lang daw itong alamin. Kung ano man iyon ay hindi na nito sinabi sa kanya. Hindi niya maiwasang manibago. Kahit gaano kasi ito kaabala sa shop at siya naman sa kanyang trabaho ay hindi maaaring hindi sila magkita. Ngayon lang nangyari na inabot ng ilang araw na hindi sila nagkakausap nang personal.Sinubukan rin ni Masha na puntahan ang shop ni Lemuel pero ayon sa empleyadong nakausap niya ay hindi pumapasok ang kanyang kasintahan. Pupunta lang daw i
Agad na iginala ni Jossa ang kanyang paningin sa kabuuan ng bahay na nasa harapan niya. It was a simple townhouse na sa hinuha niya ay kasinglaki lamang ng apartment na tinitirhan nila ni Lianna. Moderno ang disenyo niyon at tamang-tama lamang ang laki para sa isang pamilya.Napalingon siya kay Lemuel. Kapwa pa rin sila nasa loob ng sasakyan nito at halos hindi nagkikibuan. Seryoso ang ekspresyon ng mukha ng binata habang sa harap ng sasakyan nakatuon ang mga mata. Kung bakit doon nito inihinto ang sasakyan ay hindi niya alam. Ni wala din siyang ideya kung kanino ang bahay na nasa harapan nila.Mula nga sa eskuwelahang pinapasukan ng kanyang anak ay natagpuan na lamang ni Jossa ang kanyang sariling sumama sa binata. Hindi niya maipaliwanag ang kabang naramdaman nang banggitin nitong tungkol kay Lianna ang pag-uusapan nilang dalawa. Una nang nasabi ni Lemuel na nakausap nito ang kanyang anak. May alam na ba ito kung sino ito sa buhay ni Lianna?"W-Why are we here? K-Kanino... Kaninong
Halos mapasinghap si Jossa nang lumapat ang mga labi ni Lemuel sa kanya. Hindi niya inaasahang gagawin iyon ng binata. Hawak nito ang kanyang batok dahilan para hindi niya maiiwas dito ang kanyang mukha. Ang isang kamay naman nito ay nakatukod sa kinauupuan niyang sofa na wari bang doon kumukuha ng balanse.Mariin ang halik na iginawad sa kanya ni Lemuel. Hindi siya agad nakakilos at aaminin ni Jossa na nakadagdag sa panghihina ng kanyang mga tuhod ang pagdampi ng labi nito sa kanya. She was trembling while they were talking a minute ago and that doubled because of the kiss that after ten years, she has experienced again.Yes, ten years.... Walang sino mang lalaki ang pinahintulutan niyang gawin ang mga bagay na tanging si Lemuel pa lamang ang nakagawa sa kanya.Slowly, she closed her eyes. May ilang butil pa ng luha ang tumakas mula sa kanyang mga mata ngunit hindi na iyon pag-iyak dahil sa pagkakaalala ng mga nangyari noon. Luha na iyon na dulot ng labis na pangungulila niya sa lala
Marahang napalingon si Jossa nang maramdaman niya ang paglapit ni Brix. Bitbit nito ang isang basong tubig na agad nitong inilapag sa ibabaw ng center table. Narinig niya pa nang mapabuntong-hininga ang kaibigan niya bago ito nagsalita."Uminom ka muna, Jossa, para kumalma ka," wika nito sa banayad na tinig.Sinunod niya ang sinabi ng binata. Uminom siya mula sa basong ibinigay nito saka iyon muling inilapag sa ibabaw ng mesa. "S-Salamat," halos pabulong niyang saad.Ilang minuto matapos niyang tawagan si Brix ay dumating ito upang sunduin siya. Agad pang rumihestro ang pag-aalala sa mukha ng kanyang kaibigan nang makita nito ang kalagayan niya. Bakas na bakas kasi sa kanyang mukha ang labis na pag-iyak.Agad siyang nilapitan ni Brix at inalalayang makasakay sa kotse nito. Kinailangan niya na ngang tawagan ang kanyang kaibigan dahil pakiramdam niya'y hindi na niya makakaya pang umuwing mag-isa. Damang-dama niya ang paninikip ng kanyang dibdib. Halos manghina rin ang kanyang mga tuhod
Ipinarada ni Lemuel ang kanyang sasakyan sa harap ng apartment na tinitirhan nina Jossa. Alas-tres na ng hapon at matapos ng mga kailangan niyang gawin sa shop ay nagtungo siya roon. Pinatay na niya ang makina ng kanyang kotse pero nanatili pa muna siya sa loob. Nakahawak pa ang dalawang kamay niya sa manibela habang ang kanyang mga mata ay matamang nakatitig sa bahay na tinitirhan ng kanyang mag-ina.Kanyang mag-ina--- waring may humaplos sa kanyang dibdib pagkaisip sa bagay na iyon. Sa loob ng sampung taon, ni hindi pumasok sa isipan niya na may anak na siya... na nagbunga ang minsang naging relasyon nila ni Jossa.He heaved out a deep sigh. Nasabi niya na kay Masha ang tungkol sa bagay na iyon. Nabigla ito at inaasahan na niyang iyon ang magiging reaksiyon ng kanyang kasintahan. Nang una kasing magkakaharap-harap sila nina Jossa ay hindi niya naman nabanggit na dati niyang nobya ang dalaga. Ang buong akala ni Masha ay kababayan niya lamang ang naging kliyente nito.Ni hindi agad na
Dama ni Jossa ang pananakit ng ilang parte ng kanyang katawan dahil sa biglaang pagdapa ni Lemuel na kasama siya. Humahapdi ang kanyang kaliwang siko at braso na alam niyang may gasgas dahil sa pagkakatama sa sementadong kalsada. Ngunit lahat ng iyon ay hindi na niya alintana pa sapagkat mas nanaig ang takot at kaba sa kanyang dibdib matapos ng ginawang pagpapaputok ng kung sino mang sakay ng motorsiklong bagong dating.Mariing naipikit ni Jossa ang kanyang mga mata habang mahigpit siyang yakap ni Lemuel. Nakahiga na siya sa gilid ng daan samantalang ang kalahati ng katawan ng binata ay nakadagan sa kanya, intensiyon upang maprotektahan siya sa kung sino mang umatake sa kanilang dalawa.Mayamaya'y tumigil saglit ang pagpapaputok ng lalaki. Lahat ng balang pinaulan nito ay sa sasakyan ni Lemuel tumama. Dahil sa biglaang pagdapa ng binata ay nakailag sila sa naturang pamamaril.Nakiramdam pa muna si Lemuel hanggang sa maingat itong bumangon. Kasabay ng pagkilos nito ay ang pagmulat ni J
"K-Kaninong bahay ito?" hindi mapigilang itanong ni Jossa kay Lemuel. Naglalakad na sila papasok sa bahay na pinagdalhan nito sa kanila ni Lianna. Iginala niya pa ang kanyang paningin sa kabuuan niyon nang nagtanong siya.Lemuel shrugged his shoulders. "Sa kakilala ko," anito sa seryosong tinig. "Ipapakilala ko kayo sa kanya."Hindi na nito dinugtungan pa ang mga sinabi. Patuloy lang ito sa paglalakad habang nakasunod sila nina Lianna. Hawak niya sa kanyang kanang kamay ang kanyang anak, sa kaliwa naman si Darlene. Si Brix ay marahang nakasunod sa kanyang likuran.Bago pa man mag-alas singko ng umaga ay gumayak sila sa pag-alis. Walang nagawa si Jossa kundi ang sumama kay Lemuel sapagkat determinado itong dalhin sila sa lugar, na ayon dito ay ligtas sila ni Lianna. Napahinuhod niya rin sina Brix na sumama. Nag-aalala rin siya para sa kaligtasan ng mga ito, lalo na ni Darlene. Ngayong alam na ng kanyang Daddy Eduardo na may alam ang kaibigan niya kung nasaan siya ay malamang na balikan
Pagkatapos makausap ni Jossa si Lemuel ay umakyat na siya sa ikalawang palapag upang sundan sina Lianna. Ang binata naman ay nakita niyang pinuntahan sa study room si Trace. Kung ano man ang pag-uusapan ng mga ito ay hindi na niya inalam pa.Sa pag-akyat ni Jossa ay nakasalubong niya si Manang Tess. Nagtanong siya kung saan ang silid na ookupahin nilang mag-ina na agad namang itinuro ng matandang babae. Nagpasalamat siya rito at pinuntahan na si Lianna. Hindi niya pa maiwasang humanga nang makita ang naturang kwarto. It was huge and screaming elegance. Mas malaki pa nga iyon kaysa sa silid niya sa bahay ng mga Lodado.Hindi rin mawala sa isipan ni Jossa ang mga pinag-usapan nila ni Lemuel kanina. Patay na pala ang Tatay Simeon nito. Nasa kulungan pa lamang ang binata nang inatake ito sa puso at mamatay. And the worst of all, nawala ang matandang lalaki dahil hindi nito nakayang tanggapin ang lahat ng nangyari kay Lemuel--- lahat ng nangyari na sila ang naging dahilan.Hindi niya maiwa
Six months later:Pinasadahan ni Lemuel ng tingin ang kanyang ginagawa. Kasalukuyan niyang pinipinturahan ang bakod ng bahay nila sa may Sta. Monica. Matapos ng ilang buwan ay ngayon lamang siya ulit nakabalik doon. Kaya naman, kinuha na niya ang naturang pagkakataon para asikasuhin ang ilang bagay na dapat ayusin sa bahay, na sa loob ng ilang taon ay naging tirahan nila ng kanyang Tatay Simeon.Kahapon siya dumating sa Sta. Monica kasama si Jossa at ang dalawang bata. Dahil sa weekend naman ay naisipan nilang umuwi sa probinsiyang kilakihan niya. The house was well-maintained. Kompleto na rin doon ng mga kagamitan na ang iba ay sadyang binili niya pa para sa bahay na iyon. Sa kabila kasi ng katotohanang sa Manila na sila naninirahan, gusto niya pa rin namang balik-balikan ang bahay kung saan siya lumaki.May kapitbahay sila na kinuha niyang tagabantay ng naturang bahay. Namamantini naman ang kalinisan niyon ngunit may mangilan-ngilan pa ring bahagi na kailangan nang palitan at ayusin
Masigabong palakpakan ang pumailanlang sa paligid nina Jossa at Lemuel matapos sabihin ng pari na opisyal na silang mag-asawa. Agad pa siyang hinawakan ni Lemuel sa kanyang braso at marahang iniharap dito nang sabihing maaari na siyang halikan ng kanyang asawa.Her lips broke into a smile. Asawa--- kaysarap banggitin ng naturang salita. Matapos ng lahat ng pinagdaanan nila ni Lemuel, ngayon ay opisyal na nga silang mag-asawa. Pagkalipas ng halos limang buwan ay naidaos din ang kanilang kasal. Madaliang preparasyon lamang ang naganap. Hindi na rin kasi nais patagalin pa ni Lemuel. Ang gusto nito ay maikasal na sila agad at magsama sa iisang bubong kapiling ang kanilang anak.Everything was okay between them. Tuluyan na ring natapos ang lahat ng pagsubok na pinagdaanan nila. Pati ang tungkol kay Masha ay naayos na rin. They filed a case against her. Katunayan ay kinausap siya ni Lemuel tungkol sa bagay na iyon at sa kanya nito binigay ang pagpapasya sa kung ano ang dapat gawin, bagay na
Matamang nakatutok ang mga mata ni Lemuel kay Masha habang naglalakad siya palapit dito. Kasalukuyang nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang dalaga. Nakaupo ito sa isang silya habang sa kanya rin nakatuon ang paningin, sadyang naghihintay na tuluyan siyang makalapit.Malalim siyang napabuntonghininga bago naupo sa silyang kaharap nito. Pinuntahan niya ang dating nobya upang makausap ito nang sarilinan. Jossa knew about it. Ipinaalam niya sa dalaga ang balak na pakikipag-usap kay Masha.Ngunit bago pa man siya umalis sa apartment ng kanyang mag-ina ay siniguro niya munang maayos na ang kalagayan ng mga ito. Naghintay muna siyang dumating ang dalawa pa sa mga tauhan ni Trace upang magbantay kay Jossa at sa mga bata.Jossa was against it. Iginiit nito na ayos lang ang mga ito at maaari na siyang umalis upang makipag-usap kay Masha. But Lemuel insisted what he wanted. Gusto niya lang masiguro ang kaligtasan ng kanyang mag-ina kaya kahit ayaw ni Jossa ng ideya na may magbabantay sa mga ito
Hindi mapigilan ni Lemuel ang mapangiti habang nagmamaneho. Hindi kasi mawala sa isipan niya si Jossa at ang mga nangyari sa kanila kahapon. Wari bang ang mga pangyayaring iyon ay nagdagdag ng sigla sa buhay niya. Masaya siyang malaman na maayos na nga ang lahat sa pagitan nilang dalawa.He inhaled an air as he sat up straight. Patuloy lang siya sa pagmamaneho habang tumatakbo sa isipan niya ang mga binabalak gawin. He wanted to propose to Jossa. Napag-usapan na nila iyon ng dalaga at nasabi na rin nitong tinatanggap nito ang kanyang alok. She loved him, he could feel it. At mahal na mahal niya rin ito. Kung maaari nga lang na ngayon pa lang ay magsama na sila agad ay ginawa na niya.But he wanted to give her the wedding proposal that she deserved. Gusto niya itong bilhan ng singsing na nararapat para rito. Alam niyang simpleng tao lamang si Jossa. Hindi mahalaga para sa dalaga ang mga materyal na bagay. Nevertheless, Lemuel still wanted to give her the wedding ring that every girl dr
Hawak ni Lemuel ang kamay ni Jossa habang naglalakad. Pasado alas-nueve na ng gabi at kababalik lang nila sa bahay nina Trace. Kaninang umaga pa sila umalis ng dalaga para katagpuin ang abogado ni Eduardo at iniwan nga nila roon sina Lianna at Darlene. Kung tutuusin ay kanina pa nag-aaya si Jossa na balikan na nila ang dalawang bata. Siya lang itong nagpumilit na manatili pa muna sa kanyang tinitirhan.And it was because of one reason. He can't get enough of her. Pakiramdam ni Lemuel ay kulang pa ang isang buong araw para makasama niya ang dalaga. Gusto niya pang makapiling ito nang sarilinan... nang silang dalawa lang talaga. And another thing, taking her once was not enough for him. He still wanted her... again and again.At iyon ang dahilan kung bakit sila natagalan sa pagbalik sa bahay nina Trace. Ang pagtatalik nila ni Jossa ay nasundan pa ng dalawang beses. Kung hindi lang nga dahil sa mga bata ay baka hindi niya gustuhing lumabas sila si Jossa sa kanyang silid. Gusto niyang ba
Halos mapugto ang hininga ni Jossa dahil sa ginagawa ni Lemuel sa kanyang katawan. The mind-blowing sensation brought by what he's doing almost made her forget anything else. Ang tanging laman na lang ng isipan niya ay ang ginagawa nito na halos nagpabaliw na sa kanya."L-Lemuel..." She sucked in her breath as she felt his tongue touching the portal of her femininity. Mahigpit pa siyang napahawak sa bedsheet ng higaan nito. Kung sakaling nakatayo lang siya ay baka kanina pa nanghina ang mga tuhod niya dahil sa ginagawa nitong pagpapala sa kanyang pagkababae.Something was building inside of her. Damang-dama niya iyon sa kanyang kaibuturan at alam niyang napuna ni Lemuel na malapit na niyang marating ang sukdulan. But instead to continue so she can reach her climax, Lemuel stopped what he was doing. Lumipat ang mga labi nito patungo sa kanyang kanang hita at doon ay pinaulan ng halik ang kanyang balat. Sa kung ano mang kadahilanan ay para siyang nakaramdam ng kakulangan nang abandonahi
Marahang iginala ni Jossa ang kanyang paningin sa loob ng tinitirhan ni Lemuel. Pagkapasok sa loob ay agad na isinara ng binata ang pinto saka ito dumiretso sa kusina. Mula sa kanyang kinatatayuan ay nakita niya ang pagbukas nito ng ref at pagkuha mula roon ng tubig na nasa pitsel. Agad itong nagsalin sa isang baso at bago pa man uminom ay nagtanong pa muna ito sa kanya."Do you want to drink?"Umiling lang siya rito at nanatili lang sa may sala. Si Lemuel naman ay inubos muna ang tubig na nasa baso saka naglakad na pabalik sa kanya. Basta na lang din nito iniwan sa ibabaw ng lababo ang pitsel at basong pinag-inuman."Matagal ka na ba ritong nakatira?" usisa niya. Gusto niya lang na may mapag-usapan. Nababalot kasi siya ng pagkailang dahil sa kaalaman na silang dalawa lamang doon ni Lemuel. Mula nga sa shop na pag-aari ng binata ay doon na sila dumiretso."Ilang taon na rin," tugon nito. "Mas dito ko na piniling tumira. Katulad mo, gusto ko na rin lumayo sa Sta. Monica. Though, sinisi
"Are you sure about that, Miss Lodado? H-Hindi ka ba nabibigla lang sa pasya mo?" halos hindi makapaniwalang tanong kay Jossa ng abogado ng kanyang Daddy Eduardo. Kasama niya ito ngayon na sadyang nakipagkita sa kanya upang pag-usapan nila tungkol sa ilang mahahalagang bagay.Kasalukuyan silang nasa isang sikat na restaurant. Kaharap niya sa pagkakaupo ang matandang abogado habang katabi niya naman si Lemuel na hindi pumayag na lumakad siya nang mag-isa.Nang tawagan siya ng abogado ay agad siyang nagpasya na makipagkita rito. Ngunit sa halip na tanggapin ito bilang bisita sa inuupahan nilang apartment ay mas pinili na lamang ni Jossa na katagpuin ito sa ibang lugar. Hindi niya alam pero hindi niya gustong tumanggap ng ibang bisita sa bahay na inuupahan nila ng mga bata.When Lemuel learned about it, he initiated to come with her. Hindi na siya umangal pa. Alam niyang nag-aalala pa rin ang binata para sa kapakanan niya at nina Lianna at Darlene lalo na ngayong hindi pa rin nahahanap n
Maang na napatitig si Jossa kay Lemuel. Halos hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Nang makita ng binata ang naging reaksiyon niya ay mabilis itong humakbang palapit at agad na hinawakan ang kanyang mga kamay. Ramdam pa ni Jossa ang marahan nitong pagpisil doon."Makinig ka sa akin, Jossa," wika nito. "It's not what you think. I have no choice that time. Pinasok ko ang trabahong iyon kapalit ng pagtulong sa akin ni Alejandro na makalabas ng kulungan. He was my last resort.""G-Gaano ka katagal na nagtrabaho sa organisasyong iyon?" usisa niya."Maraming taon din, Jossa. Nahinto lang nang piliin ni Alejandro na tumiwalag sa organisasyon nila. Ang kanyang ama na muli ang namamahala niyon. Nang umalis siya sa grupo ay mas pinili kong mamuhay na rin nang tahimik. I started a shop just like what Tatay Simeon used to have when we were still in Sta. Monica. Iyon na lang ang pinagkakaabalahan ko ngayon.""Si... Si Trace? Parte rin siya niyon?""Ang aming ama ang mas naunang naging parte