Home / Romance / BITTER SWEET LOVE STORY OF US / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of BITTER SWEET LOVE STORY OF US: Chapter 31 - Chapter 40

79 Chapters

Chapter 31

BriannaPakiramdam ko ay ako na ang pinakamaligayang babae sa mundo. Madalas na kaming magkasama ni Dean sa pagpasok sa school at madalas na rin siyang pumupunta sa bahay. Ganoon din ako sa kanya. Ngunit inilihim namin ang aming relasyon dahil gusto ko na kapag malaman ng mga magulang namin ang tungkol sa amin ni Dean ay tapos na ako ng Senior High School. Wala namang magiging problema sakaling malaman ng aming mga magulang ang relasyon naming dalawa dahil hindi naman tutol ang family ko kay Dean para sa akin at ako nsman para sa kanya.Parehong hindi tutol ang aming mga pamilya kung kaming dalawa ni Dean ang magkakatuluyan. Ngunit siyempre, mas gusto ng parents ko na makipag-boyfriend ako pagkatapos ko na ng Senior High."Napansin ko na malapit na kayo ni Dean sa isa't isa, Brianna. Meron ba akong hindi nalalaman tungkol sa inyong dalawa?" tanong ni Peter sa akin habang nakaupo ako sa aking upuan. Kaagad akong napalapit sa kanya at mabilis na tinakpan ang kanyang mga labi. Baka kasi m
Read more

Chapter 32

BriannaMagmula nang araw na narinig ko ang mga sinabi ni Dean sa harapan nina Rhea at Ivy ay iniwasan ko na siya at hindi na kinausap pang muli. Kapag pumupunta siya sa bahay namin at hinahanap ako ay pinagtataguan ko siya sa loob ng aking kuwarto. Ang idinadahilan ko lamang ay busy ako sa pag-aaral. Pero totoo naman ang sinabi ko na busy ako sa pag-aaral. Dahil nang marinig ko na sinang-ayunan ni Dean ang sinabi ni Ivy na bobo ako ay ipinangako ko sa aking sarili na mag-aaral na akong mabuti. So that they will not look down on me anymore.Sobrang naging busy si Dean para s contest dahil balita ay puro top notch ang makakalaban niya kaya hindi na siya masyadong nakakalipat sa bahay namin para kausapin ako. Mas pabor iyon sa akin dahil hindi ko alam kung oaano ko siya haharapin. Baka masumbatan ko lamang siya at makapagsalita ako ng mga salitang hindi magaganda laban sa kanya. Kaya mas mabuti na lamang na hindi na siya nakakapunta sa amin. Ngunit hindi ko siya maiiwasan ng matagal. Al
Read more

Chapter 33

Brianna10 years later,Abala ako sa pag-aasikaso sa maliit kong coffeeshop na nasa harapan ng malaking law firm company. Pinili kong doon magtayo sa harapan ng law firm dahil maraming nagtatrabaho lalo na ang mga inuumaga na ng uwi na mga employee ay tumatambay sa aking shop. May malaki ring school na malapit lamang sa shop ko at isang BPO company. Madalas ay napupuno ng mga call center agent ang maliit kong shop.It's been ten years magmula nang lumipat kami ng bahay mula Bulacan papuntang Maynila para dalawin ang aking ama na nakakulong pa rin hanggang ngayon.Nabigo kaming mag-piyansa kay Daddy para makalabas siya sa kulungan kaya hindi na kami bumalik pa sa Bulacan.Dito na kami ni Bryle nagtapos ng aming pag-aaral sa Maynila. Natuto kami ng kakambal ko na maging working student para makatulong sa mommy namin para sa mga pangangailangan namin sa bahay at sa school. Dahil likas na matalino ang kapatid ko ay nakakuha siya ng scholarship sa isang kilalang unibersidad dito sa Maynila.
Read more

Chapter 34

BriannaPagkatapos ng hindi sinasadyang pagkikita namin ni Peter sa loob bg aking coffeeshop ay kaagad niya akong tinawagan para makipagkita sa akin matapos kong ibigay sa kanya ang aking phone number. Sa halip na makipag-meet ako sa kanya sa labas ay sinabi ko na lamang sa kanya ang address ng bahay ko. Ang bahay na tinitirahan ko ay ang dating apartment na tinirahan namin noong bago pa lamang kami sa Maynila. Binili ko ang apartment sa may-ari at pagkatapos ay ipina-renovate naman ni Bryle. Ang kapatid ko ang gumastos para pampa-renovate sa binili kong apartment na ginawa kong sariling bahay. Siya naman kasi ang mas malaki ang naipon at saka doon din naman siya uuwi kapag bumalik na siya sa Pilipinas"Dito ka lang pala nakatira, Brianna? Malapit lamang ang bahay ko rito," wika ni Peter matapos bumaba sa kotse nito. Napangiti ako habang tinitingnan ko siya. Ang laki na ng ipinagbago niya physically. Lumaki ang dating payat niyang pangangatawan at nagkaroon ng mga muscles pati s dibd
Read more

Chapter 35

BriannaAbala kaming lahat sa loob ng aking maliit na coffee shop. Marami kasing mga customers ang pumasok sa araw na ito. Nakakatuwa na kahit hindi kalakihan ang aking shop ay maraming pumapasok sa loob para mag-kape o mag-snack. May maliit na room ang coffee shop ko kung saan puwedeng mag-meeting ang mga two to five persons."Ma'am Brianna, kanina pala may pumunta rito na taga diyan po sa tapat na building. Nag-order pala 'yon sila ng sampung coffee latte. Binayaran na rin nila para hindi raw makalimutan," pag-iinform sa akin ng staff kong si Carla.Nakita kong busy silang lahat kaya walang magdi-deliver. No choice ako kundi ako na lang ang mag-deliver sa sinabi ni Carla na order sa katapat na building. Ang katapat naming building ay isang malaking law firm company. Ilang beses na rin akong nakapasok diyan kapag may meeting na kailangan nila ng kape ay sa coffee shop ko sila nago-order."Ma'am, sa may faculty five po ang nag-order po nito," sabi ni Carla habang inihahanda ang mga id
Read more

Chapter 36

BRIANNAIlang araw na akong hindi mapakali. Lagi akong balisa. Nag-aalala ako na baka isang araw ay bigla na lamang papasok sa loob ng aking coffeeshop si Dean. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin sakaling magkaharap kami. Alam ko naman kasi na hindi ko siya habambuhay na maiiwasan. Ngunit bakit ko nga ba siya iniiwasan? Wala na akong pag-ibig sa kanya. Nawala na iyon nang araw na narinig ang mga sinabi niya sa harapan nina Ivy. "Ma'am Brianna, masama po ba ang pakiramdam mo?" biglang tanong sa akin ni Pinky nang makita niyang nakahawak ako sa aking ulo habang nakapikit ang aking mga mata at nakaupo sa harapan ng aking mesa.Napadilat ako ng aking mga mata kasabay ng pagngiti ko sa kanya. "I'm okay, Pinky. Medyo sumakit lamang ang ulo ko. Lately kasi marami akong inaasikaso," pagsisinungaling ko sa kanya. Paano ko naman kasi sasabihin sa staff ko na kaya ako nagkakaganito ay dahil nakita kong muli ang lalaking nagparanas sa akin kung paano maging masaya at kung paano rin ang m
Read more

Chapter 37

BRIANNAAbsent ang cashier ng aking coffeeshop na si Carla kaya ako na lamang ang tumao sa cashier. Trinangkaso raw si Carla kaya hindi makakapasok ng ilang araw. Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa mga taong pumapasok sa loob ng coffeeshop. Tila may hinihintay ang aking mga mata na kung sinong taong papasok sa loob ng aking shop."Ma'am. Sino po ang hinihintay ninyong pumasok? Si Sir Peter po o iyong guwapong lalaki na kausap ninyo noong isang araw?" nakangiting tudyo sa akin ni Pinky. Ganoon ba ka-obvious ang hitsura ko? Hindi ko naiwasang mamula ang aking mga pisngi ngunit mabilis ko itong napagtakpan sa pamamagitan ng pagsusungit."Wala akong hinihintay, okay? Magtrabaho ka na diyan at baka wala akong maipang-sahod sa'yo," kunwari ay masungit kong wika kay Pinky. Tinawanan lamang niya ako at napapailing na umalis sa harapan ko para harapin naman ang mga bagong dating na customers. Sanay makipagbiruan sa akin ang mga staff ko kaya nabibiro nila ako kung ano lang ang mais
Read more

Chapter 38

BRIANNANadagdagan ang aking problema ngayon. Dahil hindi lamang si Dean ang iniisip ko kundi maging ang si Peter at ang muntik nang mangyari sa aming dalawa sa bahay ko. Kung hindi agad bumalik sa tamang pag-iisip ang aking sarili ay malamang na naganap ang isang bagay na labis kong pagsisisihan. Dahil wala naman akong nararamdamang pagtingin sa kaibigan ko kundi purong pagtinging kaibigan lamang. Talagang nadala lamang ako s kanyang halik dahil isa lamang akong tao. May kahinaan din. Ngunit dahil sa nangyari ay isa lamang ang nasiguro ko sa aking sarili. Na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin si Dean. Na hindi ko pa pala siya tuluyang nakakalimutan. Akala ko sa paglipas ng panahon ay nakalimutan ko na siya ngunit nagtago lang pala sa kaibuturan ng aking puso ang pag-ibig ko sa kanya. At ang muntik nang mangyari sa amin ni Peter ang biglang nagpagising sa natutulog kong pag-ibig sa lalaking inaakala kong niloko at sinaktan lamang ako. Ngunit kahit mahal ko pa siya ay dapat ko pa rin
Read more

Chapter 39

BRIANNAMagmula nang mangyari ang mainit na eksena sa pagitan namin ni Dean ay iniwasan ko na siya. Palaging alisto ang mga mata ko na tulad ng isang magnanakaw. Kapag nakikita ko na paparating pa lamang si Dean ay mabilis akong umaalis sa coffeeshop. Sa gilid ng opisina ko ay maliit na exit door for emergency. Dito ako dumadaan para maiwasan ko si Dean. Hindi lanag naman si Dean ang iniwasan ko kundi pati na rin si Peter. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Ayokong masaktan lalo siya kapag nalaman niya na hanggang ngayon ay si Dean pa rin ang itinitibok ng aking puso. Akala ko ay matagal ko silang maiiwasan ngunit hindi pala. Dahil sa araw na ito ay nakatakda pala kaming tatlo na magharap-harap.Maraming customers ngayon ang aking coffeeshop kaya naging busy ako sa pag-iistima sa kanila. Tinulungan ko si Pinky dahil hindi nito makakayang asikasuhin lahat ng mga customer kung mag-isa lamang ito.Dahil sobrang busy ako kaya nakaligtaan ko ang tungkol sa ginagawa kong pag-iwas
Read more

Chapter 40

BRIANNAPagkatapos ng eksena sa loob ng aking coffeeshop ay hindi na muling nagpakita pa sa akin si Dean. Mukhang tuluyan na siyang sumuko. Dapat ay matuwa ako dahil ito naman ang gusto ko. Ang layuan niya ako at huwag ng gambalain pa. Ngunit kabaliktaran ang nararamdaman ko. Dahil lungkot at kahungkagan ang nararamdaman ko magmula nang hindi na nagpakita sa akin si Dean. Si Peter naman ay hindi pa nagpunta sa coffeeshop ko pagkatapos ng pangyayaring iyon. Nag-text na lamang siya sa akin na magiging busy ito dahil sa pagpa-praktis para sa nalalapit nitong international racing competition na gaganapin sa India. Kasalukuyan itong nasa ibang bansa at puspusang nagti-training. Mabuti nga iyon dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano ko siya pakikiharapan pagkatapos ng mga nangyari."Ma'am, panay ang tingin mo sa pintuan. Sino po ba ang hinihintay ninyo? Ang guwapong racer o ang hot na lawyer?" nanunukso ang ngiti na tanong sa akin ni Pinky.Pinamulahan ako ng mukha dahil s
Read more
PREV
1234568
DMCA.com Protection Status