Home / Romance / BITTER SWEET LOVE STORY OF US / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of BITTER SWEET LOVE STORY OF US: Chapter 21 - Chapter 30

79 Chapters

Chapter 21

BrainnaKung malamig ang hangin sa araw ay doble naman ang lamig sa gabi. Nakasuot na nga akong makapal na sweater ay nararamdaman ko pa rin ang lamig sa aking katawan. Ngunit kahit nakakapanginig ang lamig ay masarap pa rin sa pakiramdam. Hindi kasi mararamdaman sa kapatagan ang ganitong pakiramdam.Nakabawas sa malamig na pakiramdam ang apoy na ginawa ng mga estudyanteng lalaki. Apat na grupo kami at sa bawat grupo ay nakapalibot sa apoy para kahit paano ay mabawasan ang lamig na nararamdaman ng bawat isa.Tahimik lamang kaming lahat habang ninanamnam ang init ns ibinibigay sa amin ng apoy mula sa naglalagablab na mga tuyong kahoy. Nakaka-bored pero walang nais na magsalita kahit isa sa amin. Kahit si Ivy na nasa grupo namin at katabi ni Dean sa pag-upo ay walang kibo lamang sa kinauupuan nito."Ma'am, ang boring naman kung mauupo lang tayo sa harapan ng at magtititigan lamang. Walang excitement," hindi nakatiis sa katahimikan na wika ni Carlo, isa sa mga kaklase ni Dean."Anong gus
last updateLast Updated : 2024-02-20
Read more

Chapter 22

BriannaWalang imik lamang ako habang sakay kami ng bus pabalik sa school namin. Katabi ko pa rin sa upuan sina Dean at Ivy. Katulad ko ay tahimik lang din si Dean sa upuan niya. Kahit na kinakausap siya ni Ivy ay tango at iling lamang ang kanyang sagot kaya nanahimik na rin si Ivy sa upuan niya habang nakasimangot.Gusto ko sanang lumipat ng upuan at tumabi na lamang kay Peter kanina pag-akyat namin sa bus ngunit ang sabi ni Ma'am Salve ay kung sino ang katabi namin pagpunta ay siya ring katabi namin pabalik para masigurado na walang naiwan na estudyante. Kaya no choice ako kundi ang maging katabi ang dalawa sa upuan.Nang magsipagbabaan na kami pagkarating namin sa school ay tinulungan ako ni Peter sa pagdala ng bag ko at inalalayan niya ako pagbaba ng bus. Tinukso tuloy kami ng mga Marites at Mario naming mga kasama. Marites at Mari ang tawag ko sa kanilang mga tsismosang lalaki at babae. Ginaya ko lamang ang napanuod ko sa tv noong isang araw."Confirm na ba, Peter? Kayo na ni Bri
last updateLast Updated : 2024-02-20
Read more

Chapter 23

Brianna"Mom, isama ninyo ako sa Manila. Ayokong maiwan dito nang mag-isa," nakikiusap na sabi ko sa Mommy ko. Pupunta sila ngayon sa Manila para makiramay at makipaglibing na rin sa pinsan ng mommy ko na namatay dahil sa atake sa puso. Ang Daddy ko ay naroon na at doon na lamang sila magkikita. Si Bryle ay isasama ni Mommy samantalang ako lamang mag-isa ang maiiwan sa bahay. May pasok kasi next day kaya hindi ako puwedeng isama nila. Ayaw ni Mommy na mag-absent ako sa klase samantalang ang kakambal ko ay wala namang pasok sa Lunes kaya puwedeng sumama. Ang kaso ako lamang ang maiiwan sa bahay namin. Nakakatakot kayang mag-isa lamang ako."Huwag kang mag-alala, Brianna. Sinabi ko na kay Amalia na sa bahay ka nila muna matutulog habang wala pa kami," nakangiting sagot ni Mommy sa akin. Nahinto ako sa pagmamarakulyo nang marinig ko ang sinabi niya."O 'ayan Ate Brin. Huwag ka nang malungkot diyan. Dapat magsaya ka pa nga dahil magkakaroon ka ng chance na makipaglapit kay Kuya Dean," nan
last updateLast Updated : 2024-02-20
Read more

Chapter 24

BriannaNakahiga na ako sa ibabaw ng aking kama nang pagbalikan ako ng malay tao. Maliban sa bahagi ng ulo ko na masakit at sa may tigiliran ay wala na akong ibang nararamdaman pa. Bahagya kong kinapa ang ulo ko. Napangiwi ako nang makapa ko ang isang maliit na bukol sa gilid ng aking ulo. Bunga siguro iyon ng pagkakabagok sa ulo sa matigas na bagay kanina nang madulas ako sa banyo. Teka, sino nga pala ang nagbuhat sa akin mula sa banyo papunta rito sa kuwarto ko? At sino ang nagbihis sa akin?Bilang sagot sa tanong ko ay pumasok si Dean sa loob ng aking kuwarto. Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa kanya."D-Dean? Don't tell me, ikaw ang nagbuhat sa akin mula sa banyo papunta rito?" namumula ang mukhang tanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin at pagkatapos ay biglang nag-iwas ng mga paningin. "Huwag mong sabihin na nakita mo ang kahubaran ko?" gusto ko ng maiyak at lumubog sa kinahihigaan ko sa sobrang kahihiyan. Hindi niya ako sinagot. Ang pananahimik niya ang nagpapatunay na
last updateLast Updated : 2024-02-20
Read more

Chapter 25

BriannaKinabukasan ay sinamahan ako ni Dean sa ospital para magpa-CT Scan. Lahat pala ay walang pasok at hindi lamang ang classroom ng kapatid ko. Kung alam ko lang sana ay nagpumilit ako kay Mommy na sumama sa kanila ni Bryle kahapon. Kung nakasama ako ay hindi sana ako mapapahiya ng sobra kahapon. Ngunit kung sumama naman ako ay hindi ko rin mararanasan ang aking first kiss. At kay Dean pa."Anong iniisip mo diyan? Bakit ang tahimik mo?" tanong ni Dean habang nakasakay kami ng taxi pauwi. Negative naman ang result ng CT Scan kaya hindi na kami nagtagal sa ospital. "Wala. Tinatamad lang akong magsalita," matipid kong sagot. Paano ko naman kasi aaminin sa kanya na hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako ng sobra dahil sa nangyari kahapon.Tinitigan niya ako bago muling nagsalita. "Hindi ka naman dating ganyan. Nakakapanibago," tila may bahid ng lungkot ang tono ng boses niya kaya napatingin ako sa kanya. "Dahil ba sa nangyari kahapo—""Inaantok ako. Matutulog na muna ako habang nasa
last updateLast Updated : 2024-02-20
Read more

Chapter 26

Brianna"Bakit nasa bahay ninyo kahapon ang Dean na iyon, Brianna?" Paulit-ulit na tanong sa akin ni Peter. Magmula pagpasok ko sa classroom kaninang umaga ay hindi na niya ako tinantanan sa katatanong. "Naghatid lang siya ng ulam na niluto ng mommy, satisfied?" Medyo naiinis kong sagot sa kanya para tigilan na niya ako. Ayokong sabihin sa kanya ang lahat ng mga nangyari dahil mas lalong hindi niya ako titigilan sa kakatanong. Lalo na kapag nalaman niya na sa bahay nila din ako pansamantalang natutulog. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya kapag nalaman niya iyon. Masyado kasi siyang protective sa akin pagdating kay Dean kasi alam niyang gusto ko nga ang kapitbahay namin."Mabuti naman. Akala ko kung ano na ang ginagawa niya sa bahay ninyo," anito na may nagdududang tingin sa akin.Inirapan ko siya. "Bakit? Ano ba ang iniisip mong gagawin ni Dean sa bahay namin?"Sa halip na magsalita at sagutin ako ay nginisihan lamang ako ni Peter. Pagkatapos ay tumayo siya sa kinauupuan niya at
last updateLast Updated : 2024-02-20
Read more

Chapter 27

Brianna"Kumusta ka naman habang wala kami ng kapatid mo, Brianna?" tanong ng mommy ko habang naghahanda ng aming hapagkainan.Wednesday morning nang dumating silang tatlo pero nasa school na ako nang dumating sila kaya pag-uwi ko ay sa hapon na kami nagkita-kita."For sure, tuwang-tuwa si Ate Brin, Mom. Baka nga nahiling niya na sana ay hindi pa tayo umuwi para mas matagal pa niyang makasama si Kuya Dean," nanunuksong wika ni Bryle. "Ikaw ang nais kong hindi na umuwi rito," nakairap kong sikmat sa kapatid ko bago ko sinagot ang tanong ni Mommy. "Okay lang po, Mom. Alagang-alaga nga ako ni Tita Amalia, eh. Pero ang tagal ninyong umuwi. Akala ko nga iniwan n'yo na talaga ako rito, eh.""Daddy, ang tagal mong hindi nakauwi, ah. Hindi mo yata ako na-miss, eh," nakangusong sabi ko kay Daddy. I'm a daddy's girl. Mas strict kasi si Mommy kaysa kay Daddy. Lumapit ako kay Daddy at naglalambing na niyakap ko siya."Naaalala mo pa kaya ako?Eh, buong atensiyon mo ay nakatuon naman kay Dean," ma
last updateLast Updated : 2024-02-20
Read more

Chapter 28

BriannaDahil sa nangyari ay pinagbawalan muna ako nina Mommy at Daddy na makipag-usap kay Dean. Walang reklamo na sinunod ko ang kagustuhan nila. Alam ko naman kasi na hindi naman forever na pagbabawalan nila akong kausapin si Dean. Ngayon lang iyan na hindi maganda ang sitwasyon. Kaibigan kasi ng mga magulang ni Dean ang pamilya ni Ivy kaya ayaw ng mga magulang niya na malagay sa nakakailang na sitwasyon ang pamilya ni Dean."Sinaktan ka na naman ng Ivy na iyon?" galit na tanong ni Peter nang malaman niya ang nangyari sa akin. Pumasok kasi ako sa school na may benda ang aking kaliwang kamay kung saan natapunan at namaga ang aking kamay. "Sumusobra na siya. Halika, puntahan natin siya."Kaagad kong pinigilan si Peter nang bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya at akmang susugod sa classroom nila Dean."Stop it, Peter! Mas palalalain mo lang ang sitwasyon.""Nakita mo na kung ano ang nangyayari sa pagkakagusto mo sa lalaking iyon, Brianna? Walang nangyayaring maganda. Napapaaway ka la
last updateLast Updated : 2024-02-20
Read more

Chapter 29

BriannaMagaan ang pakiramdam ko nang magising ako nang umagang iyon. Wala man kaming opisyal na usapan ni Dean ay tila may mutual understanding naman na kami. At kuntento na ako sa ganitong sitwasyon. Ang ganda ng mood ko ay hindi nakaligtas sa matalas na pakiramdam ng mommy ko."Ang ganda ng gising mo, Anak. Siguro nanaginip ka na naman kay Dean kagabi, 'no?" nakangiting tukso ni Mommy sa akin. Kahit hindi iyon totoo ay bigla pa rin akong pinamulahan ng aking mukha dahil sumagi sa isip ko ang halik na namagitan sa amin ni Dean kagabi."Mommy naman," nakanguso kunwaring sagot ko sa kanya. Umupo na ako sa hapag-kainan at kumain ng agahan. Sa ganda ng mood ko ngayon ay kahit anong ulam ay kakainin ko."Mamamanhikan na ba tayo sa kabilang bahay, Brianna?" nakangiting tukso namn ni Daddy sa akin."Daddy, anong akala mo sa akin lalaki?" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa daddy ko na ikinatawa niya ng malakas."Bakit, Ate Brin? Totoo naman ang itinatanong ni Daddy sa'yo, ah. Ikaw kasi a
last updateLast Updated : 2024-02-20
Read more

Chapter 30

BriannaNakasimangot ako at nagkukukot ang aking dibdib habang nakasakay ako sa likurang bahagi ng van na sinasakyan namin papuntang Batangas. Mago-overnight swimming kasi ang pamilya ko, pamilya ni at Ivy. Pagkatapos ng birthday ni Dean ay nagawang papagbatiin ni Tito Fred ang daddy ko at daddy ni Ivy. Kaya bilang selebrasyon ng kanilang pagkakasundo ay mag-out-of-town kaming lahat.Kaya ako nakasimangot ay dahil naunahan ako ni Ivy na maupo sa tabi ni Dean. Ngayon tuloy ay magkadikit sila sa upuan lalo na kapag medyo tumatagilid ang sinasakyan naming van nina Dean. Nginangatngat tuloy ako ngayon ng matinding selos. Mahaba-haba pa ang biyahe namin kaya nagbukas ng malalaking sitsirya muna ang mommy ni Dean para may ngatain kami habang nasa biyahe. Kumuha si Dean at iniabot sa akin."Bry, kain ka muna nito para hindi ka gutumin sa biyahe." Binuksan na niya ang sitsiryang malaki bago iniabot sa akin."Thanks but no thanks," hindi ngumingiting sabi ko sa kanya. Wala ako sa mood na tang
last updateLast Updated : 2024-02-20
Read more
PREV
1234568
DMCA.com Protection Status