BriannaMagaan ang pakiramdam ko nang magising ako nang umagang iyon. Wala man kaming opisyal na usapan ni Dean ay tila may mutual understanding naman na kami. At kuntento na ako sa ganitong sitwasyon. Ang ganda ng mood ko ay hindi nakaligtas sa matalas na pakiramdam ng mommy ko."Ang ganda ng gising mo, Anak. Siguro nanaginip ka na naman kay Dean kagabi, 'no?" nakangiting tukso ni Mommy sa akin. Kahit hindi iyon totoo ay bigla pa rin akong pinamulahan ng aking mukha dahil sumagi sa isip ko ang halik na namagitan sa amin ni Dean kagabi."Mommy naman," nakanguso kunwaring sagot ko sa kanya. Umupo na ako sa hapag-kainan at kumain ng agahan. Sa ganda ng mood ko ngayon ay kahit anong ulam ay kakainin ko."Mamamanhikan na ba tayo sa kabilang bahay, Brianna?" nakangiting tukso namn ni Daddy sa akin."Daddy, anong akala mo sa akin lalaki?" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa daddy ko na ikinatawa niya ng malakas."Bakit, Ate Brin? Totoo naman ang itinatanong ni Daddy sa'yo, ah. Ikaw kasi a
BriannaNakasimangot ako at nagkukukot ang aking dibdib habang nakasakay ako sa likurang bahagi ng van na sinasakyan namin papuntang Batangas. Mago-overnight swimming kasi ang pamilya ko, pamilya ni at Ivy. Pagkatapos ng birthday ni Dean ay nagawang papagbatiin ni Tito Fred ang daddy ko at daddy ni Ivy. Kaya bilang selebrasyon ng kanilang pagkakasundo ay mag-out-of-town kaming lahat.Kaya ako nakasimangot ay dahil naunahan ako ni Ivy na maupo sa tabi ni Dean. Ngayon tuloy ay magkadikit sila sa upuan lalo na kapag medyo tumatagilid ang sinasakyan naming van nina Dean. Nginangatngat tuloy ako ngayon ng matinding selos. Mahaba-haba pa ang biyahe namin kaya nagbukas ng malalaking sitsirya muna ang mommy ni Dean para may ngatain kami habang nasa biyahe. Kumuha si Dean at iniabot sa akin."Bry, kain ka muna nito para hindi ka gutumin sa biyahe." Binuksan na niya ang sitsiryang malaki bago iniabot sa akin."Thanks but no thanks," hindi ngumingiting sabi ko sa kanya. Wala ako sa mood na tang
BriannaPakiramdam ko ay ako na ang pinakamaligayang babae sa mundo. Madalas na kaming magkasama ni Dean sa pagpasok sa school at madalas na rin siyang pumupunta sa bahay. Ganoon din ako sa kanya. Ngunit inilihim namin ang aming relasyon dahil gusto ko na kapag malaman ng mga magulang namin ang tungkol sa amin ni Dean ay tapos na ako ng Senior High School. Wala namang magiging problema sakaling malaman ng aming mga magulang ang relasyon naming dalawa dahil hindi naman tutol ang family ko kay Dean para sa akin at ako nsman para sa kanya.Parehong hindi tutol ang aming mga pamilya kung kaming dalawa ni Dean ang magkakatuluyan. Ngunit siyempre, mas gusto ng parents ko na makipag-boyfriend ako pagkatapos ko na ng Senior High."Napansin ko na malapit na kayo ni Dean sa isa't isa, Brianna. Meron ba akong hindi nalalaman tungkol sa inyong dalawa?" tanong ni Peter sa akin habang nakaupo ako sa aking upuan. Kaagad akong napalapit sa kanya at mabilis na tinakpan ang kanyang mga labi. Baka kasi m
BriannaMagmula nang araw na narinig ko ang mga sinabi ni Dean sa harapan nina Rhea at Ivy ay iniwasan ko na siya at hindi na kinausap pang muli. Kapag pumupunta siya sa bahay namin at hinahanap ako ay pinagtataguan ko siya sa loob ng aking kuwarto. Ang idinadahilan ko lamang ay busy ako sa pag-aaral. Pero totoo naman ang sinabi ko na busy ako sa pag-aaral. Dahil nang marinig ko na sinang-ayunan ni Dean ang sinabi ni Ivy na bobo ako ay ipinangako ko sa aking sarili na mag-aaral na akong mabuti. So that they will not look down on me anymore.Sobrang naging busy si Dean para s contest dahil balita ay puro top notch ang makakalaban niya kaya hindi na siya masyadong nakakalipat sa bahay namin para kausapin ako. Mas pabor iyon sa akin dahil hindi ko alam kung oaano ko siya haharapin. Baka masumbatan ko lamang siya at makapagsalita ako ng mga salitang hindi magaganda laban sa kanya. Kaya mas mabuti na lamang na hindi na siya nakakapunta sa amin. Ngunit hindi ko siya maiiwasan ng matagal. Al
Brianna10 years later,Abala ako sa pag-aasikaso sa maliit kong coffeeshop na nasa harapan ng malaking law firm company. Pinili kong doon magtayo sa harapan ng law firm dahil maraming nagtatrabaho lalo na ang mga inuumaga na ng uwi na mga employee ay tumatambay sa aking shop. May malaki ring school na malapit lamang sa shop ko at isang BPO company. Madalas ay napupuno ng mga call center agent ang maliit kong shop.It's been ten years magmula nang lumipat kami ng bahay mula Bulacan papuntang Maynila para dalawin ang aking ama na nakakulong pa rin hanggang ngayon.Nabigo kaming mag-piyansa kay Daddy para makalabas siya sa kulungan kaya hindi na kami bumalik pa sa Bulacan.Dito na kami ni Bryle nagtapos ng aming pag-aaral sa Maynila. Natuto kami ng kakambal ko na maging working student para makatulong sa mommy namin para sa mga pangangailangan namin sa bahay at sa school. Dahil likas na matalino ang kapatid ko ay nakakuha siya ng scholarship sa isang kilalang unibersidad dito sa Maynila.
BriannaPagkatapos ng hindi sinasadyang pagkikita namin ni Peter sa loob bg aking coffeeshop ay kaagad niya akong tinawagan para makipagkita sa akin matapos kong ibigay sa kanya ang aking phone number. Sa halip na makipag-meet ako sa kanya sa labas ay sinabi ko na lamang sa kanya ang address ng bahay ko. Ang bahay na tinitirahan ko ay ang dating apartment na tinirahan namin noong bago pa lamang kami sa Maynila. Binili ko ang apartment sa may-ari at pagkatapos ay ipina-renovate naman ni Bryle. Ang kapatid ko ang gumastos para pampa-renovate sa binili kong apartment na ginawa kong sariling bahay. Siya naman kasi ang mas malaki ang naipon at saka doon din naman siya uuwi kapag bumalik na siya sa Pilipinas"Dito ka lang pala nakatira, Brianna? Malapit lamang ang bahay ko rito," wika ni Peter matapos bumaba sa kotse nito. Napangiti ako habang tinitingnan ko siya. Ang laki na ng ipinagbago niya physically. Lumaki ang dating payat niyang pangangatawan at nagkaroon ng mga muscles pati s dibd
BriannaAbala kaming lahat sa loob ng aking maliit na coffee shop. Marami kasing mga customers ang pumasok sa araw na ito. Nakakatuwa na kahit hindi kalakihan ang aking shop ay maraming pumapasok sa loob para mag-kape o mag-snack. May maliit na room ang coffee shop ko kung saan puwedeng mag-meeting ang mga two to five persons."Ma'am Brianna, kanina pala may pumunta rito na taga diyan po sa tapat na building. Nag-order pala 'yon sila ng sampung coffee latte. Binayaran na rin nila para hindi raw makalimutan," pag-iinform sa akin ng staff kong si Carla.Nakita kong busy silang lahat kaya walang magdi-deliver. No choice ako kundi ako na lang ang mag-deliver sa sinabi ni Carla na order sa katapat na building. Ang katapat naming building ay isang malaking law firm company. Ilang beses na rin akong nakapasok diyan kapag may meeting na kailangan nila ng kape ay sa coffee shop ko sila nago-order."Ma'am, sa may faculty five po ang nag-order po nito," sabi ni Carla habang inihahanda ang mga id
BRIANNAIlang araw na akong hindi mapakali. Lagi akong balisa. Nag-aalala ako na baka isang araw ay bigla na lamang papasok sa loob ng aking coffeeshop si Dean. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin sakaling magkaharap kami. Alam ko naman kasi na hindi ko siya habambuhay na maiiwasan. Ngunit bakit ko nga ba siya iniiwasan? Wala na akong pag-ibig sa kanya. Nawala na iyon nang araw na narinig ang mga sinabi niya sa harapan nina Ivy. "Ma'am Brianna, masama po ba ang pakiramdam mo?" biglang tanong sa akin ni Pinky nang makita niyang nakahawak ako sa aking ulo habang nakapikit ang aking mga mata at nakaupo sa harapan ng aking mesa.Napadilat ako ng aking mga mata kasabay ng pagngiti ko sa kanya. "I'm okay, Pinky. Medyo sumakit lamang ang ulo ko. Lately kasi marami akong inaasikaso," pagsisinungaling ko sa kanya. Paano ko naman kasi sasabihin sa staff ko na kaya ako nagkakaganito ay dahil nakita kong muli ang lalaking nagparanas sa akin kung paano maging masaya at kung paano rin ang m