Nang ibaba si Serena ni Axel ay agad na tumakbo ang dalaga at yumakap sa ama. “Daddy!” Hindi ng dalaga mapigilan ang humagulgol habang yakap ito. Lahat ng masakit, nakakatakot at nakakagalit na pinagdaanan nilang mag ama sa kamay nila Stella at Stacey ay tapos na… hindi na sila masasaktan ng dalawa. Sumenyas si Apol sa anak, kina Charlotte at Alena upang bigyan ng oras na magkasarilinan ang mag ama. “S-S-Serena… a-anak…” maging si Baxia ay walang patid ang pagluha. Napakasaya niya na muli niyang nakita ang kanyang anak. “N-napakasaya kong malaman na b-buhay ka, anak. W-walang araw na hindi kita inisip, w-walang araw na hindi ako nangulila sa’yo… p-patwarin mo ako, anak, w-wala akong kakayahan na hanapin ka… p-patawad dahil isang inutil ang iyong ama.” “Daddy, wag kang magsalita nang ganyan. Nalaman ko kay Tito Norly na hindi ka pala sumuko na ipahanap ako,” tukoy ni Serena sa kaibigang doktor ng ama, “maraming salamat, dad. Akala ko talaga ay kinalimutan mo na ako… a-akala ko po
Read more