Home / Romance / One Rebellious Night / Chapter 111 - Chapter 120

All Chapters of One Rebellious Night: Chapter 111 - Chapter 120

161 Chapters

Chapter 111

Hindi ko na alam kung ano ang mga pinagsasabi ni Miss Yollie. Para akong nabingi. Nanatili lang akong nakatitig kay Miguel. Nag-iwas lang ako ng tingin nang tumikhim siya. Ibinigay ni Miss Yollie ang aking biodata sa kaniya. Napapikit ako habang pinagmamasdan siyang basahin ang laman no'n. Napakagat-labi ako nang napansin ang pagkunot ng noo niya. "Siya ang magiging boss mo, Miss Caroline. Sa kaniyang kompanya ka namin in-assigned dahil -" "Wala na po bang ibang kompanya ang nangangailangan ng accountant, Ma'am?" Gumuhit ang pagkagulat sa mukha ni Miss Yollie. Para siyang biglang natameme sa tanong ko. Hindi siya agad makasagot. "For the meantime, you will work sa hotel na pagmamay-ari nila -" "Bigyan niyo na lang ako ng ibang accountant kung ayaw niyang magtrabaho sa hotel namin, Miss Yollie. Hindi naman po kami namimilit ng taong ayaw sa amin." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya nang may pagdiin ang huling salitang sinabi niya bago niya ibinalik kay Miss Yollie ang biodata ko.
Read more

Chapter 112

Napabuga ako ng hangin pagkaalis ni Manager Amelita. Gusto ko ng umuwi sa condo pagkatapos sabihin ni Manager Amelita na katabi ko ang opisina ni Miguel. Sa sobrang inis, sinimulan ko na lang basahin ang mga financial records ng hotel. Sa kalagitnaan ng pagbabasa, bigla akong dinalaw ng antok. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid, naghahanap ako ng coffee maker, ngunit wala akong nakita. Kaunti lang ang mga gamit sa loob. Napatingin ako sa pinto nang may narinig akong pagkatok. Inayos ko muna ang skirt ko nang napansin ang pagtaas nito. Humigpit ang paghawak ko sa door knob nang nakita ko si Miguel. Agad na kumunot ang noo niya nang nakita niya ako. Inabot niya sa akin ang sandamakmak na mga dokumento. Napalunok ako bago ito tinanggap. "Good day, Sir -" "Read and review these documents. Make a financial reports. I need it tomorrow before ten in the morning." "Pero ang dami-dami nito? Paano ko matatapos ito ng -" "If you cannot do your work, I'll call the manager and give
Read more

Chapter 113

Nang lumabas ang babae ay lumabas na rin ako. Hinahabol ko ang paghinga ko pagbalik sa opisina. Uminom ako ng tubig. Hindi ko alam kung bakit ako pinagpapawisan. Malakas naman ang air conditioner nila rito. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng mga dokumento para matapos ko ngayong araw ang hinihingi niyang reports. Mag-a-alas sais na ng gabi pero hindi ko pa rin natapos ang pinapagawa niya. Hanggang alas singko lang ako rito pero hindi muns ako umuwi dahil hinihintay ko si Manager Amelita. Hindi siya dumaan ngayong araw. May itatanong pa ako sa kaniya. Ayokong magkamali sa pinapagawa ni Miguel baka pagtawanan at insultohin niya ako. Napatingin ako sa cellphone ko nang napansing may tumatawag dito. Nakita ko ang pangalan ni Ate Belen kaya agad ko itong sinagot. "Mommy, what time will you be here? I'll be waiting for you so we can eat our dinner."I glanced at the wall clock again. "Hi, Kalix. How's your day? Sorry, I wasn't able to call you earlier because Mommy had a lo
Read more

Chapter 114

Naramdaman ko ang panginginig ng buong katawan ko. Parang huminto saglit ang paghinga ko dahil sa sinabi ni Lena. "B-Buhay ang totoo kong ina?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Napasinghap ako nang tumango si Lena. "Makikita niyo rin po sa loob ng CD na 'yan ang ginagawa nilang pang-aabuso kay Ma'am Roxanne sa loob ng underground. Hindi ko po alam kung saang underground nila kinulong ang Mommy niyo, Ma'am." "No. Hindi totoo ang lahat ng 'to, Lena..." "Hindi po nila ako hahanapin kung nagsisinungaling lang po ako sa inyo, Ma'am Caroline. Hindi ko po kayo pipiliting maniwala. Panuorin niyo na lang po ang laman ng CD na 'yan. Ito po ang magpapatunay na hindi ako nagsisinungaling." Hinawakan niya ang kamay ko. "Noong una ay hindi ko alam kung bakit nila ako hinahanap. Pero nang patayin nila ang mga magulang ko, nag-iwan sila ng note sa bahay namin. Kung hindi ko raw ibabalik ang CD na ay papatayin din nila ako. Sa takot na mahuli nila, nagtago ako, at nagpakalayu-layo." Hindi ko pa ri
Read more

Chapter 115

Naghanap pa ako ng ibang mga artikulo. Nagbasa rin ako ng mga artikulo tungkol pamilyang Gutierrez. Nalaman ko na magkapatid sina Roxanne Gutierrez - ang totoo kong ina at si Glenda - ang kinalakihan kong ina. Si Daddy ang kanang kamay ni Chairman Ricardo Gutierrez noon at ang napangasawa ng panganay niyang anak. After reading the articles from the internet, even though it has been years, I analyzed everything that happened before. The fire in their mansion was not an accident. Everything was planned. There might be a possibility that Daddy married Mommy Glenda because he thought he would inherit the company from her. However, the company was given to Roxanne Gutierrez. Daddy had a relationship with Roxanne before because Daddy had evil intentions. I held my head as I felt it throb. I looked at the wall clock; it was past three in the early morning. I haven't finished my work yet. I didn't know what to focus on now. Should I finish my work or should I finish watching the videos insi
Read more

Chapter 116

Napasinghap ako. Gusto ko ng umalis. I smiled bitterly habang nasa mga kamay panrin nila ang paningin ko. "We are dating, Caroline. Kung may binabalak kang agawin si Miguel sa akin, alam mo kung saan ka pupulotin." Napatakip ako ng bibig habang tumatawa. She's acting like a jealous girlfriend kahit hindi pa naman sila. "Wala akong planong agawin siya sa 'yo, Ate. Masaya na ako sa buhay ko ngayon. I am free. I can do everything. Baka nakakalimutan mo, sa akin siya galing bago siya napunta sa 'yo." Inayos ko ang takas kong buhok. "Huwag mo akong pagsasabihan ng ganiyan, Ate Cecile. Hindi ko ugali ang mang-agaw. Magkapatid lang tayo pero hindi ako katulad mo na ang hilig-hilig manulot ng jowa ng iba." "Anong sabi mo?!" galit na sigaw ni Ate Cecile. Sinubokan niya akong sampalin ngunit mabilis kong nahuli ang braso niya. "Subokan mo akong sampalin. Makikita mo rin ang hinahanap mo!" pagbabanta ko. Binawi niya ang braso niya, ngunit mas lalo ko lang hinigpitan ang paghawak. "Sasampali
Read more

Chapter 117

Napaupo ako sa sahig at agad na niyakap ang urn. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi ni Don Ernesto. Kagabi lang sinabi sa akin ni Lena na buhay pa ang totoo kong ina."B-Buhay pa po ang totoo kong ina..." saad ko at tiningnan ang urn. "Kagabi lang nalaman ko na buhay pa siya."Huminga ng malalim si Don Ernesto. "She died peacefully two years ago, hija."Napahawak ako sa dibdib ko nang naramdaman ko ang pagsikip ng puso ko. Nahihirapan akong huminga. Umiling-iling ako."Buhay pa po si Mommy." Ngumiti ako at inilagay sa sahig ang urn. "Hindi pa po siya patay. Hahanapin ko pa po siya. Gagawa ako ng paraan para mahanap siya." Napasinghap ako para pigilan ang namumuong luha sa mata ko. "Nakita ko siya sa video kung paano siya inaabuso ng sarili kong pamilya. Hindi magandang biro 'to, Sir. Kung galit po kayo sa akin dahil nalagay sa panganib ang buhay ng anal niyo noon, patawarin niyo po ako. Pero sana huwag niyong idaan sa ganitong biro ang buhay ng totoo kong ina.""Hindi ako
Read more

Chapter 118

Umiyak ako nang umiyak pagkaalis ko sa hotel dala-dala ang urn na sinasabing, abo raw 'yon ni Mommy. Binuksan ko ito. May nakita akong isang maliit na box sa loob. Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago ito kinuha upang tingnan kung ano ang laman no'n. A customized photo locket necklace. May kalumaan na ito. Naagaw ang atensiyon ko sa pendant nito. Maingat ko itong binuksan, bumuhos ulit ang luha ko nang makita ang maliit na litrato sa loob ng pendant. Umiiyak ako nang kinunan nila ng larawan at nakangiti naman si Mommy. Bumaba ang paningin ko sa loob ng box nang may napansin akong mga larawan. "Mommy..." sambit ko nang nakita ang mga larawan namin noong bata pa lang ako. Walang kamuwang-muwang sa mundo. Habang tinitingnan ko isa-isa ang mga larawan, mas lalong sumisikip ang dibdib ko. Para akong mauubosan ng hininga. Ang sakit-sakit para sa akin na malamang wala na siya. All these years, hindi ko naranasang mahalin ng isang ina. Palagi kong hinahanap ang aruga at pagmamahal galing
Read more

Chapter 119

Buong linggo akong nakakulong sa kwarto ko. Kahit pagpunas at pagligo sa sarili ay hirap na hirap akong gawin 'yon. Nawalan din ako ng ganang kumain. Tubig lang ang palagi kong iniinom. Nahihiya na nga ako kina Lena at sa dalawang katulong ko rito sa condo. Nagpapasalamat ako dahil nandito sila, naaalagaan nila si Kalix. "Ma'am Caroline, niluto ko po ang paborito niyong pagkain," nakangiting sabi ni Ate Belen nang nakita ko siyang pumasok sa loob ng kwarto. May bitbit siyang mga pagkain na nakalagay sa food tray. Amoy na amoy ko ang sinigang na karne ng baboy at iba pang mga pagkain na niluto niya raw para sa akin. But I lost my appetite. Kahit lutoin niya siguro lahat ng mga paborito kong pagkain, hindi pa rin gagana 'yon sa akin. "Pakilagay na lang po sa mesa, Ate Belen," saad ko habang nakatingin sa malayo. Napatingin ako sa kaniya nang ilagay niya sa ibabaw ng kama ang mga pagkaing hinanda niya para sa akin. "Kumain po muna kayo habang mainit-init pa ang sabaw. Baka hindi niyo
Read more

Chapter 120

"Good morning, Kalix," bati ko sa kaniya nang nakita niya akong nagluluto sa kusina. "Mommy?" sambit niya. Mukhang nagulat siya sa akin dahil ilang araw akong nagkulong sa kwarto, umiiyak at hindi kumakain. "Good morning, Mommy!" abot tenga ang ngiti niya bago tumakbo papalapit sa akin. Sinalubong ko nang mahigpit na yakap ang anak ko. Ang sarap-sarap sa pakiramdam na marinig ulit ang pagtawa niya. Halos hindi rin makapaniwala sina Lena, Ate Belen, at Ate Norma nang nakita nila akong maagang nagising at nagluluto ng almusal namin. Paano ba kasi ako hindi magiging productive, nagsisimula ng kumalat ang in-upload kong mga videos. Hindi na ako makapaghintay pang tingnan si Ate Cecile na dinudumog ng mga media reporters at sapilitan siyang paaalisin sa posisyon niya. Kumakanta pa ako sa loob ng banyo habang naliligo at iniisip kung ano ang paano nila masosolusyonan ang iskandalong nagawa nina Ate Cecile at Alexander noon. Total, siya ang nagsimulang isali si Alexander sa usapan kahit
Read more
PREV
1
...
1011121314
...
17
DMCA.com Protection Status