Buong linggo akong nakakulong sa kwarto ko. Kahit pagpunas at pagligo sa sarili ay hirap na hirap akong gawin 'yon. Nawalan din ako ng ganang kumain. Tubig lang ang palagi kong iniinom. Nahihiya na nga ako kina Lena at sa dalawang katulong ko rito sa condo. Nagpapasalamat ako dahil nandito sila, naaalagaan nila si Kalix. "Ma'am Caroline, niluto ko po ang paborito niyong pagkain," nakangiting sabi ni Ate Belen nang nakita ko siyang pumasok sa loob ng kwarto. May bitbit siyang mga pagkain na nakalagay sa food tray. Amoy na amoy ko ang sinigang na karne ng baboy at iba pang mga pagkain na niluto niya raw para sa akin. But I lost my appetite. Kahit lutoin niya siguro lahat ng mga paborito kong pagkain, hindi pa rin gagana 'yon sa akin. "Pakilagay na lang po sa mesa, Ate Belen," saad ko habang nakatingin sa malayo. Napatingin ako sa kaniya nang ilagay niya sa ibabaw ng kama ang mga pagkaing hinanda niya para sa akin. "Kumain po muna kayo habang mainit-init pa ang sabaw. Baka hindi niyo
"Good morning, Kalix," bati ko sa kaniya nang nakita niya akong nagluluto sa kusina. "Mommy?" sambit niya. Mukhang nagulat siya sa akin dahil ilang araw akong nagkulong sa kwarto, umiiyak at hindi kumakain. "Good morning, Mommy!" abot tenga ang ngiti niya bago tumakbo papalapit sa akin. Sinalubong ko nang mahigpit na yakap ang anak ko. Ang sarap-sarap sa pakiramdam na marinig ulit ang pagtawa niya. Halos hindi rin makapaniwala sina Lena, Ate Belen, at Ate Norma nang nakita nila akong maagang nagising at nagluluto ng almusal namin. Paano ba kasi ako hindi magiging productive, nagsisimula ng kumalat ang in-upload kong mga videos. Hindi na ako makapaghintay pang tingnan si Ate Cecile na dinudumog ng mga media reporters at sapilitan siyang paaalisin sa posisyon niya. Kumakanta pa ako sa loob ng banyo habang naliligo at iniisip kung ano ang paano nila masosolusyonan ang iskandalong nagawa nina Ate Cecile at Alexander noon. Total, siya ang nagsimulang isali si Alexander sa usapan kahit
Isang malakas na tawa ang nakuha ko galing kay Cecile pagkatapos nilang palabasin ang mga kasama nilang importanteng tao sa kompanya. Inayos niya ang takas na buhok at tumingin ng masama sa akin. "Nagpapatawa ka ba? Wala ka bang ibang magawa sa buhay mo? Anong ginagawa mo rito? 'Di ba ikaw mismo ang nagsabi na kakalimotan mo kami bilang pamilya? Pero bakit ka nandito?" "Palabasin niyo nga ang babaeng 'to kung ayaw ninyong -" "Tita Glenda, hindi dapat ako ang lalabas dito." pagputol ko sa sasabihin niya. I smirked. "W-What? Tinawag mo akong Tita?" Napasinghap niya. Hindi makapaniwala. "Ano pala dapat ang itatawag ko sa 'yo?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Auntie? Pwede rin naman dahil kapatid mo naman si Mommy." "Caroline, what are you talking about?" sabat ni Daddy. "Kausapin mo ng maayos si Glenda. At sinong may sabi sa 'yo na magkapatid si Glenda at ang totoo mong ina?" "Bakit, Dad? May nasabi ba akong masama sa kaniya?" I smiled bitterly. "Tatawagin ko pa rin ba siyang Mommy pa
Inutosan ko ang tauhan ni Daddy na kumuha ng tubig para may mainom siya. Sinubokan nilang lapitan si Daddy pero pinigilan sila ng mga tauhan. "Samson, wala kaming relasyon -" "Hindi ka pa rin ba aamin kahit huling-huli ka na?" asik ko kay Glenda. Inalalayan ko si Daddy paupo. Mabuti na lang at hinayaan niya akong tulongan siya. Agad kong pinainom ng tubig si Daddy nang nakabalik na ang tauhan niya na inutosan ko. Nang umayos na ang pakiramdam ni Daddy, kinuha ko ang cellphone niya, at hinanap ang numero ng personal doctor niya. "Pumunta ka rito sa kompanya. Kailangan ka ni Daddy," utos ko at binaba ang tawag. "Kasalanan mo 'to kaya nahihirapan na naman siyang -" "Shut your mouth, Cecile!" Maawtoridad na saway ni Daddy sa kaniya. Palihim akong ngumisi. "Daddy, pinapaikot niya lang tayo! Bakit ba naniniwala ka sa babaeng 'yan? Kami ang pamilya mo!" sigaw ni Cecile. Naagaw ni Daddy ang atensiyon ko nang bigla siyang tumawa. "Pamilya? Matatawag pa bang pamilya 'to matapos kong mal
Napamura ako nang hilahin niya ako papalapit sa kaniya. Napasubsob ako sa dibdib niya. "What the hell are you doing?!" Itinulak ko siya papalayo sa akin. Napalingon ako sa pinto nang bumukas ito at may pumasok na mag-jowa. "S-Sorry. Akala kasi namin walang tao rito," nahihiyang sabi ng babae at itinulak palabas ang kasama niya. "You can use this room if you want," saad ni Miguel habang inaayos ang neck tie niya. "Big deal ba sa 'yo dahil nabuntis ako ng ibang lalaki?" Curious kong tanong sa kaniya nang hawakan niya ang door knob. "Why are you asking?" Hinarap niya ako. "Kung ikaw ang tatanongin ko, anong gagawin mo kung nakabuntis ako ng ibang babae?" Hindi agad ako makasagot sa tanong niya. Naiinis ako dahil binabalik niya ang tanong sa akin kahit hindi niya pa ito nasasagot. "I just want to know. Just answer the damn question." "Yes, Caroline. It's a big deal for me. I did everything naman pero bakit puro sakit ang binabalik mo sa akin?" Bumuntong hininga siya. "
Ipinarada ko ng maayos ang kotse pagkarating namin sa simbahan. Hindi ko alam kung bakit dito ko naisipang pumunta. Malapit lang ang simbahan sa condo namin. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago bumaba at pinagbuksan ng pintuan si Kalix. Ilang taon na rin skong hindi nakapagsimba. Kaya siguro nangyayari ang lahat ng 'to dahil pinaparusahan na ako. Nakakalimutan kong pumunta sa simbahan para magdasal, magpasalamat, at humingi ng kapatawaran sa lahat ng mga maling nagawa ko. "Mommy..." namamaos na tawag ni Kalix sa akin nang papasok na kami sa loob ng simbahan. "Ayos lang si Mommy. Don't worry..." Ngumiti ako at binuhat siya. "Let's stay here. Are you hungry?" Agad na umiling si Kalix. "I'm not. I want to know what happened inside the karaoke room." Napasinghap ako at itinuon ang paningin ko sa malaking cross sa loob ng simbahan. Ibinaba ko si Kalix sa malapad na upoan bago lumuhod. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko habang nagdarasal. Lalabas talaga sila. Pagkatapos kong
"I am the real father of Kalix Arkin Brooks..." Napaatras ako kasabay no'n ang pagbagsak ng mga balikat ko. Hindi ko maalis ang paningin ko sa papel na hawak niya ngayon. Isa lang ang nasa isip ko, DNA Test Results ang hawak niya. "Ako ba ang ama ng batang -" "You're not his father!" agap ko. "Paano mo ipapaliwanag 'to?" Ipinakita niya sa akin ang DNA Test Results. Hindi pa rin siya makapaniwala. "Ako ba ang ama ng anak mo?" Nilingon ko sina Seb at Monica. Hindi sila makatingin sa akin. Napabuga ako ng hangin. Wala na akong takas dahil alam na ni Miguel ang totoo. Nakita niya mismo ang DNA Test Results. Ito siguro ang ipinunta ng mag-asawa sa condo ko. "May magbabago ba kung sasabihin ko na ikaw ang ama niya, Miguel? Wala. Ngayong alam mo na ang totoo, pwede na kayong lumabas sa condo ko." "Caroline, hindi namin -" "The door is open, Seb. Ito naman ang gusto niyo, 'di ba? Ang malaman niya ang totoo. Nalaman niya na kaya umalis na kayo!" galit na sigaw ko. Nakaupo na sa sahig s
Katatapos ko lang mag-impake ng mga gamit namin. Hindi na ako makapaghintay na umalis ng Pilipinas kasama sina Kalix at Lena. Dalawang araw na ang nakalipas mula nang nalaman ni Miguel ang totoo. Kinaladkad ko pa talaga siya palabas ng condo ko para lang umalis. Ngayon ang press conference nila at ngayon din ang flight namin pabalik ng Portugal. Hindi ko alam kung para saan ang press conference. Hindi rin kasi ako nagbabasa ng mga balita. Nangako siya sa akin na papatunayan niya talaga na hindi siya kalaban. Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako sa kaniya. She's dating my cousin and everyone knows it. At hindi pa rin naglalabas ng statement si Cecile tungkol sa pinapakalat kong scandal videos nila. Wala rin akong balak burahin 'yon. Gusto kong maranasan rin nila ang pagpapahiyang ginawala nila sa akin noon nang pinagkalat nila na may relasyon kaming dalawa ni Miguel. Worst, bodyguard ko pa siya noon. "Nandito ba lahat ng mga gamit na dadalhin natin?" tanong ko kay Lena nang pumaso
Hi, everyone! I just uploaded the epilogue. Balak ko sanang dagdagan ng special chapters, pero baka huwag na lang. Gusto niyo? HAHAHAHA I'm planning to write a novel sa mga anak kasi nila. Kung sisipagin, gagawan ko ng story sina Kalix, Marco, Morgan, at Maximo. So, bali naka-series po siya. What do you think? Kindly comment below your suggestions. Thank you!🥹🤍 To all my readers who read this book until the end, maraming salamat sa pagsubaybay ng kwentong pag-ibig nina Miguel at Caroline. Sana patuloy ninyo pa rin akong susuportahan sa mga susunod ko pang mga libro. Pasensiya na po sa mga typographical at grammatical errors. Love, Deigratiamimi 🤍
Abot langit ang sayang nararamdaman ko nang tumugma ang DNA Test Results naming dalawa ni Kalix. Lahat ng hinanakit ko para sa bata ay biglang naglaho. Mas lalo akong naging pursigidong makuha uli ang loob ni Caroline. I want to win her heart again. Itatama ko ang lahat ngayong alam kong may anak pala kami. Worth it lahat ng mga pagtitiis ko. Kaya siguro ako baliw na baliw sa kaniya dahil may koneksiyon pa rin kami sa isa't isa. At 'yon ay ang anak namin. Pinagmasdan ko si Caroline na nakikipagkulitan sa anak namin. Hindi ko mapigilang matawa sa tuwing naaalala ko kung paano ako nag-propose sa kaniya. Sa tindi ng selos ko ay hindi ko mapigilang mag-propose sa kaniya kahit nasa ganoong sitwasyon kami. Gusto kong patunayan sa buong mundo na pagmamay-ari ko lang siya. Wala akong pakialam kung obsess ako sa kaniya. "Dahan-dahan baka mabinat ka," saad ko pagpasok niya sa loob ng kotse. She's six months pregnant. I made sure she would get pregnant right after our wedding. I never expecte
She's happy with someone else now. Hindi ko kayang sirain ang pamilya niya. Nakita ko lang siyang masaya kasama ang ibang tao, bigla akong natakot. Umatras lahat ng katapangan kong bawiin siya. Pakiramdam ko, kapag binawi ko siya uli, sisirain ko lang ang binuo niyang pamilya. "Babalik na ako sa Pilipinas. Bantayan niyo siya ng maigi. Masaya na ako kapag alam kong nasa mabuti siyang kalagayan," mapait kong saad kay Seb bago siya tinalikuran. Years had passed. Hindi ko pa rin siya nakakalimutan kahit ilang babae naang naka-date ko. Araw-araw ko pa rin tinatanong sa mga tauhan ko ang tungkol sa buhay niya. I'm madly in love with her. I helped her family regain the popularity and increase their sales. Nag-invest ako sa kompanya nila ayon sa plano. Napag-alaman ko kasi na pagmamay-ari pala ng ina niya ang Brooks Industries. Nakasulat ito sa last will ng yumaong ama ni Tita Roxanne. Pero binago nila ang pangalan ng kompanya. Abala ako sa pagbabasa ng mga reports nang bigla na lang puma
Simula nang nakita ko ang sekretong kwarto na 'yon sa CR nila. Halos araw-araw ko ng binibisita si Cecile. Mas lalo ko pang ginalingan ang pagpapanggap na interesado ako sa kaniya para hindi niya mahalata na iba pala ang pakay ko. "Seb, I need your help," diretsong sabi ko nang sagotin niya ang tawag ko. "Mamayang gabi. Sabayan mo akong pumunta sa bahay nila Cecile. Gusto kong tingnan ang laman ng sekretong kwarto na 'yon. Baka nandoon si Caroline. Ikaw na ang bahala kung papaano mo patutulogin ang mga tauhan nila." Desidido na akong makita at mapasok ang kwarto na 'yon. Pakiramdam ko nandoon si Caroline. Baka itinago nila sa loob. Pagsapit ng gabi, dumiretso na ako sa bahay nila Cecile. Doon na ako naghaponan. Habang abala siya sa kinakain niya, palihim ko namang inilagay ang gamot pangpatulog sa juice niya. "How's the food?" tanong niya at inilagay sa mesa ang cellphone niya. Ininom niya ang juice niya. "Delicious," tipid kong sagot at hinawakan ang kamay niya. Hinaplus-haplos
Miguel's POV I am holding her hands habang naglalakad kami patungo sa puntod ni Mama. It's been five years since she passed away, pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Mula nang nawala siya, halos araw-araw ko siyang binibisita. "Bakit hindi mo sinabi sa akin ns matagal na pa lang patay si Tita Mary?" tanong ni Caroline pagkatapos niyang ayosin ang mga bulaklak. Humiga naman sa damohan si Kalix. "You never ask," tipid kong sagot. Napabuntong-hininga si Caroline at umupo sa tabi ko. "Can you tell me what happened?" Saglit akong napatitig sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaglaruan ito. "It was a long story, Caroline. But to make the story short, before she died she kept looking for you because she want to give you the last will of your grandfather. Ang buong akala kasi ni Mama, matagal na ring patay si Tita Roxanne. Sa kaniya kasi iniwan ang last will bago siya kinidnap ng sarili niyang kapatid. When I woke up, wala na si Mama. So, I promised her to find you no m
I glanced inside his room impatiently when I realized he had no plan of letting me in after we escorted Kalix to Don Ernesto's room."Aren't you going to let me in?" He looked pained as he opened the door wider. I glared at him, slightly offended that it seemed to pain him to let me in. I entered his room and sat on the bed. I furrowed my brow when I caught him staring at me."Why does it seem like you're forcing yourself to let me in here?" I couldn't hide my disappointment. I crossed my arms and walked towards him. Mas lalong kumunot ang noo niya habang palapit ako. The way he looked at me, even in his dimmed lights, made me realize that he was desiring something so much. He is fighting it so hard. He swallowed and open his mouth to speak but he didn't continue. "Miguel?" I probed. I saw how his eyes tore off from my body painfully. I smirked and started walking towards him. Pakiramdam ko gusto niyang umatras, pero nang nakita ang pagngiti ko, alam niyang gagamitin ko ang pag-at
"Isasama ko si Kalix sa opisina. Doon na rin kami kakain ng breakfast," sabi ni Miguel pagkatapos niyang ayosin ang necktie niya. Sinilip ko si Kalix sa kaniyang likuran. Nakapagbihis na rin ito. "Kalix, stay here. Your Dad won't be able to work properly if you go with him.""Mommy, I'll go with Dad," Kalix rolled her eyes. "No. Hindi ka pwedeng sumama sa kaniya," pag-uulit ko at inilagay sa ibabaw ng mesa ang gatas. "Drink your milk." "Drink your milk first, Kalix, so we can go," saad ni Miguel pagkatapos niyang ubosin ang kape niya. "Yes, Dad," tugon ni Kalix. Umupo siya sa harapan ko pero nasa kay Miguel pa rin ang paningin niya. "Miguel, baka makaabala si Kalix sa 'yo -" "Never siyang nakakaabala sa akin, Caroline. Gusto niya rin namang sumama," malamig niyang saad. Ngumiti na lang ako ng pilit at nilingon ang anak namin. "Huwag kang malikot doon. Pupuntahan kita roon mamaya para sabay na tayong mag-lunch." "Sa labas kami kakain ni Kalix. Huwag kang mag-aksaya ng oras para
Huminga ako ng malalim pagkatapos kong ligpitin ang mga gamit ko. Pasado alas sais na ng gabi pero hindi pa rin tumatawag si Miguel sa akin. Umuwi na rin ang ibang mga empleyado. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang numero niya. Ring lang ito nang ring. Nag-text na lang ako sa kaniya na magta-taxi na lang ako pauwi sa condo ko. Hindi ako pwedeng gabihin sa pag-uwi dahil naghihintay ang anak namin sa bahay. Hindi kakain ng haponan si Kalix ng wala ako o hindi niya kami kasama. Papasok na ako sa loob ng elevator nang pag-vibrate ang cellphone ko. Agad kong sinagot ang tawag nang nakita ang pangalan ni Ate Norma. "Mommy, where are you?" tanong agad ni Kalix sa akin. "I'm on my way home, Kal," I replied and pressed the ground floor button."Make it quick, Mom. I'm hungry," Kalix said."Yes, Kalix. If you can't wait any longer, go ahead and eat first. You might get a stomach ache again. I'll end the call now. I love you," I said. Napatingin ako sa labas nang napansing marami pang t
Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib ni Miguel matapos kong basahin ang liham ni Daddy para sa akin. Paulit-ulit siyang humihingi ng kapatawaran sa akin. Para akong nawalan ng tinik sa puso nang mabasa ko sa liham niya ang salitang mahal niya ako. Gusto niya lang ako bigyan ng magandang kinabukasan pero sa maling paraan niya ito nagawa. Hindi niya inisip kung ano ang mararamdaman ko. Nagsisisi siya dahil mas binigyan niya ng atensiyon si Cecile. Hindi ko rin siya masisisi dahil pareho naming hindi alam ang totoo na anak pala sa labas si Cecile. Bumuhos lalo ang mga luha ko nang naramdaman ang mahigpit na yakap ni Miguel habang hinahaplos niya ang likod ko. "At last, nakita ka niya bago siya namatay, Caroline," bulong ni Miguel at hinalikan ang buhok ko. "Baka ikaw lang ang hinihintay niya. Sa ngayon, makakapagpahinga na siya ng maayos. Hindi na siya masasaktan pa at magtitiis sa sakit niya. He died peacefully because you forgave him." "Ang hirap tanggapin. Hindi ko aakalain na 'yon n