Katatapos ko lang mag-impake ng mga gamit namin. Hindi na ako makapaghintay na umalis ng Pilipinas kasama sina Kalix at Lena. Dalawang araw na ang nakalipas mula nang nalaman ni Miguel ang totoo. Kinaladkad ko pa talaga siya palabas ng condo ko para lang umalis. Ngayon ang press conference nila at ngayon din ang flight namin pabalik ng Portugal. Hindi ko alam kung para saan ang press conference. Hindi rin kasi ako nagbabasa ng mga balita. Nangako siya sa akin na papatunayan niya talaga na hindi siya kalaban. Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako sa kaniya. She's dating my cousin and everyone knows it. At hindi pa rin naglalabas ng statement si Cecile tungkol sa pinapakalat kong scandal videos nila. Wala rin akong balak burahin 'yon. Gusto kong maranasan rin nila ang pagpapahiyang ginawala nila sa akin noon nang pinagkalat nila na may relasyon kaming dalawa ni Miguel. Worst, bodyguard ko pa siya noon. "Nandito ba lahat ng mga gamit na dadalhin natin?" tanong ko kay Lena nang pumaso
Nagkakagulo na sa loob ng hotel. Hindi na namin makita ng maayos ang live stream. May ibang videos pa na pinlay sa malaking screen. Naagaw ni Daddy ang atensiyon ko nang itutok sa kaniya ang camera. Nakahawak siya dibdib niya na para bang nahihirapan na naman siya sa paghinga. Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa posibleng mangyari kay Daddy kapag hindi siya madadala agad sa hospital. May nakita akong mga pulis na pumasok. May dala itong warrant of arrest. Ang ibang mga pulis ay lumapit kay Daddy at inalalayan itong makatayo saka pinainom ng tubig. Hindi na namin makita ang sumunod na nangyari dahil natatabonan na ng ibang mga media at reporters ang lugar. May parte sa akin na natutuwa dahil hinuli sila ng mga pulis. Nalaman ng lahat ang ilang mga ginagawa nilang mali. May parte rin sa akin na naawa para sa kanila. Lalong-lalo na kay Daddy. May sakit siya sa puso. Baka hindi niya kayanin ang pangbabatikos ng mga tao. Nang nagising si Kalix, pumunta muna kami sa isang
Hindi kami tumuloy papuntang Portugal. Mas inuna ko ang kalagayan ni Lena. She died upon arrival. Maraming dugo ang nawala sa kaniya. Namamaga na ang mga mata ko sa kaiiyak. Mahigit dalawang oras na akong nakatunganga habang pinagmamasdan ang malamig na bangkay ni Lena. Sinisisi ko ang sarili ko sa biglaang pagkamatay niya. Hindi ko man lang siya maprotektahan. "Ma'am, kami po muna ang magbabantay sa kaniya kung wala pong ibang magbabantay para makapagbihis na po kayo," sabi ng nurse. Pangatlong beses niya na akong kinukulit na magbihis. Hindi ko pa rin sila pinapansin. Para akong naging pepe at bingi pagkatapos ng nangyari. Hindi ko maibuka ang bibig ko. Hinang-hina ang buong katawan ko. Nahihirapan akong kumilos. Sinulyapan ko ang anak ko. Nakatulog siya sa kaiiyak. Ayaw niyang maniwala na wala na si Lena - ang tumatayong Ate niya sa tuwing wala ako. Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. Agad akong nag-iwas ng tingin nang nakita kong pumasok si Miguel kasama si Don Ernesto.
Pinunit ko ang marriage contract sa harap nila mismo. Binawi ko si Kalix sa kaniya. Wala akong pakialam kung nandito ang ama niya. Nagtatagis ang bagang ni Miguel. "This is unfair, Miguel! Bakit marriage contract ang pinirmahan ko? Ang sabi mo pipirma ako sa papel na 'yon para makasiguro kayo na susunod ako sa usapan. Pero bakit -" "Caroline, we have something to tell you -" "Leave. Kung ano man ang sasabihin ninyo, wala akong pakialam." Naglakad ako patungo sa pinto at binuksan ito. "Umalis na kayo. Huwag kayong mag-aalala dahil susunod ako kung ano man ang napag-usapan natin. Pagkatapos ng libing ni Lena, aalis na kami. Just leave us alone. Gusto kong bigyan ng tahimik at mapayapang buhay ang anak ko." Tumayo si Don Ernesto. Agad naman umalalay si Miguel sa kaniya. "Hijo, umuwi muna tayo. Nasa gitna pa ng pagluluksa si Caroline. Baka pwede kayong mag-usap pagkatapos ng libing." Bumuntong hininga si Miguel. "Fine. But I want to talk my son. Hindi ako papayag na ilayo niya sa aki
Pinunasan ko ang labi ko gamit ang kamay ko. Sinubokan kong buksan ang pintuan ngunit naka-lock ito. "Open this damn door!" sigaw ko. "Hindi mo ba talaga ako kakausapin ng maayos? Anak natin ang pag-uusapan dito, Caroline." "Ang sabi mo mag-uusap lang tayo? Bakit ka nanghahalik?" "To shut your mouth." Nahuli ko na naman siyang nakatingin sa akin habang dinidilaan ang labi niya. Mas lalo akong nainis nang nakita ko siyang ngumisi. "What? Bakit ganiyan ka na naman makatingin sa akin? Namimiss mo ang halik ko?" "Bubuksan mo 'tong pintuan o papuputokin ko ang labi mo?" pagbabanta ko. "Paano kung ayoko?" pagmamatigas niya. "Ang hirap-hirap mong pasamohin." "Ang hirap mo makaintindi," pagmamaktol ko. "Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin? Ano ang pag-uusapan natin?" "Huwag kayong umalis ng bansa." Ngumisi ako. "Why? Kahit alam mo na ang tungkol sa pagkatao ni Kalix, aalis pa rin kami. Nakapagdesisyon na ako, Miguel. Hindi kami titira rito." "Sasama ako." "Ano?! Sasama ka? Nabab
Para akong naging estatwa ng ilang minuto. Nakabukas ang bibig at nangangatog ang mga tuhod ko. Hindi ko alam kung nananaginip o namamalikmata lang ba ako. Sariwang-sariwa pa sa isipan ko ang sinabi nila na wala na siya at dalawang taon na ang nakakaraan. Nakabalik lang ako sa sarili ko nang naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Kinapa ko ito sa bulsa ko at tiningnan kung sino ang tumatawag. Kumunot ang noo ko nang nakita ang pangalan ni Miguel. Paano ako nagkaroon ng number niya? Hindi ko maalala na humingi ang ng number niya. "Dumating na ba ang regalo ko sa 'yo?" diretsong tanong niya nang sagotin ko ang tawag niya. "R-Regalo?" "Yes. Regalo. Dumating na ba si Tita Roxanne?" "Anong ibig mong sabihin?" "I'm on my way patungo sa condo mo." "Miguel -" "Anak..." Napaigtad ako nang bigla niya akong yakapin. "M-Mommy?" Humigpit ang pagyakap niya. Parang pinipiga ang puso ko nang narinig ko ang pag-iyak niya. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na yakapin siya. Kung
Malapit ng gumabi at nandito pa rin sila sa condo ko. Marami kaming napag-usapan ni Mommy. Naikwento niya sa akin kung paano siya niligtas ni Miguel noon. Akala niya ay tauhan din si Miguel ng kapatid niya kaya tumakbo siya nang nagkita sila sa takot na baka bugbogin. Si Miguel ay nasa kwarto namin ni Kalix, naglalaro silang dalawa. Ayaw ko sana pero si Mommy na mismo ang nagsabi na hayaan ko na lang daw mag-bonding ang mag-ama. "Bakit mo pala inilihim sa kaniya ang totoo?" biglang tanong ni Mommy habang niluluto ko ang paboritong pasta ni Kalix. "I got carried away. Napahawak siya noon dahil sa akin. Naisip ko na sa tuwing kasama niya ako, palagi akong safe pero siya naman ang palagi nasa panganib. Kumplikado rin kasi dahil nalaman ko na dini-date niya ang anak ni Glenda." "He's not dating her. He's using her." Napahinto ako sa ginagawa ko at nilingon si Mommy. "Ano ang ibig niyo pong sabihin?" "Nang nagkaroon ako ng malay at unti-unting bumalik ang lakas ko, naikwento niya sa
Napabalikwas ako ng bangon nang narinig akong kumalampag sa labas. Tumingin ako sa wall clock, pasado alas sais pa ng umaga. Nilingon ko sina Kalix at Mommy na mahimbing pang natutulog. Hinalikan ko ang noo ni Kalix. Maingat kong binuksan ang pintuan para hindi ko madisturbo ang pagtulog nila. "Ate Belen? Ate Norma?" sambit ko nang naglakad ako patungo sa kusina. Napahawak ako sa tiyan ko nang maamoy ko ang mabangong pagkain. "Mukhang maaga yata kayong nagising ngayon kahit weekend - Miguel?" Napahinto ako sa paglalakad nang nakita siyang nagluluto sa kusina. Nakasuot pa ito ng apron at hairnet. "Anong ginagawa mo rito?" "Wala bang good morning kiss diyan?" Nakataas ang isa niyang kilay. "Good morning kiss mo ang mukha mo. Kung isubsob ko kaya ang labi mo riyan sa niluluto mong adobo!" asik ko habang nakahalukipkip ang mga braso ko. "Hindi ka naman mabiro. Ikaw na nga 'tong pinagluto ng paborito mong ulam, ikaw pa itong nagagalit." "Hindi naman kita inutosang ipagluto ako o kami.