Hindi kami tumuloy papuntang Portugal. Mas inuna ko ang kalagayan ni Lena. She died upon arrival. Maraming dugo ang nawala sa kaniya. Namamaga na ang mga mata ko sa kaiiyak. Mahigit dalawang oras na akong nakatunganga habang pinagmamasdan ang malamig na bangkay ni Lena. Sinisisi ko ang sarili ko sa biglaang pagkamatay niya. Hindi ko man lang siya maprotektahan. "Ma'am, kami po muna ang magbabantay sa kaniya kung wala pong ibang magbabantay para makapagbihis na po kayo," sabi ng nurse. Pangatlong beses niya na akong kinukulit na magbihis. Hindi ko pa rin sila pinapansin. Para akong naging pepe at bingi pagkatapos ng nangyari. Hindi ko maibuka ang bibig ko. Hinang-hina ang buong katawan ko. Nahihirapan akong kumilos. Sinulyapan ko ang anak ko. Nakatulog siya sa kaiiyak. Ayaw niyang maniwala na wala na si Lena - ang tumatayong Ate niya sa tuwing wala ako. Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. Agad akong nag-iwas ng tingin nang nakita kong pumasok si Miguel kasama si Don Ernesto.
Pinunit ko ang marriage contract sa harap nila mismo. Binawi ko si Kalix sa kaniya. Wala akong pakialam kung nandito ang ama niya. Nagtatagis ang bagang ni Miguel. "This is unfair, Miguel! Bakit marriage contract ang pinirmahan ko? Ang sabi mo pipirma ako sa papel na 'yon para makasiguro kayo na susunod ako sa usapan. Pero bakit -" "Caroline, we have something to tell you -" "Leave. Kung ano man ang sasabihin ninyo, wala akong pakialam." Naglakad ako patungo sa pinto at binuksan ito. "Umalis na kayo. Huwag kayong mag-aalala dahil susunod ako kung ano man ang napag-usapan natin. Pagkatapos ng libing ni Lena, aalis na kami. Just leave us alone. Gusto kong bigyan ng tahimik at mapayapang buhay ang anak ko." Tumayo si Don Ernesto. Agad naman umalalay si Miguel sa kaniya. "Hijo, umuwi muna tayo. Nasa gitna pa ng pagluluksa si Caroline. Baka pwede kayong mag-usap pagkatapos ng libing." Bumuntong hininga si Miguel. "Fine. But I want to talk my son. Hindi ako papayag na ilayo niya sa aki
Pinunasan ko ang labi ko gamit ang kamay ko. Sinubokan kong buksan ang pintuan ngunit naka-lock ito. "Open this damn door!" sigaw ko. "Hindi mo ba talaga ako kakausapin ng maayos? Anak natin ang pag-uusapan dito, Caroline." "Ang sabi mo mag-uusap lang tayo? Bakit ka nanghahalik?" "To shut your mouth." Nahuli ko na naman siyang nakatingin sa akin habang dinidilaan ang labi niya. Mas lalo akong nainis nang nakita ko siyang ngumisi. "What? Bakit ganiyan ka na naman makatingin sa akin? Namimiss mo ang halik ko?" "Bubuksan mo 'tong pintuan o papuputokin ko ang labi mo?" pagbabanta ko. "Paano kung ayoko?" pagmamatigas niya. "Ang hirap-hirap mong pasamohin." "Ang hirap mo makaintindi," pagmamaktol ko. "Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin? Ano ang pag-uusapan natin?" "Huwag kayong umalis ng bansa." Ngumisi ako. "Why? Kahit alam mo na ang tungkol sa pagkatao ni Kalix, aalis pa rin kami. Nakapagdesisyon na ako, Miguel. Hindi kami titira rito." "Sasama ako." "Ano?! Sasama ka? Nabab
Para akong naging estatwa ng ilang minuto. Nakabukas ang bibig at nangangatog ang mga tuhod ko. Hindi ko alam kung nananaginip o namamalikmata lang ba ako. Sariwang-sariwa pa sa isipan ko ang sinabi nila na wala na siya at dalawang taon na ang nakakaraan. Nakabalik lang ako sa sarili ko nang naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Kinapa ko ito sa bulsa ko at tiningnan kung sino ang tumatawag. Kumunot ang noo ko nang nakita ang pangalan ni Miguel. Paano ako nagkaroon ng number niya? Hindi ko maalala na humingi ang ng number niya. "Dumating na ba ang regalo ko sa 'yo?" diretsong tanong niya nang sagotin ko ang tawag niya. "R-Regalo?" "Yes. Regalo. Dumating na ba si Tita Roxanne?" "Anong ibig mong sabihin?" "I'm on my way patungo sa condo mo." "Miguel -" "Anak..." Napaigtad ako nang bigla niya akong yakapin. "M-Mommy?" Humigpit ang pagyakap niya. Parang pinipiga ang puso ko nang narinig ko ang pag-iyak niya. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na yakapin siya. Kung
Malapit ng gumabi at nandito pa rin sila sa condo ko. Marami kaming napag-usapan ni Mommy. Naikwento niya sa akin kung paano siya niligtas ni Miguel noon. Akala niya ay tauhan din si Miguel ng kapatid niya kaya tumakbo siya nang nagkita sila sa takot na baka bugbogin. Si Miguel ay nasa kwarto namin ni Kalix, naglalaro silang dalawa. Ayaw ko sana pero si Mommy na mismo ang nagsabi na hayaan ko na lang daw mag-bonding ang mag-ama. "Bakit mo pala inilihim sa kaniya ang totoo?" biglang tanong ni Mommy habang niluluto ko ang paboritong pasta ni Kalix. "I got carried away. Napahawak siya noon dahil sa akin. Naisip ko na sa tuwing kasama niya ako, palagi akong safe pero siya naman ang palagi nasa panganib. Kumplikado rin kasi dahil nalaman ko na dini-date niya ang anak ni Glenda." "He's not dating her. He's using her." Napahinto ako sa ginagawa ko at nilingon si Mommy. "Ano ang ibig niyo pong sabihin?" "Nang nagkaroon ako ng malay at unti-unting bumalik ang lakas ko, naikwento niya sa
Napabalikwas ako ng bangon nang narinig akong kumalampag sa labas. Tumingin ako sa wall clock, pasado alas sais pa ng umaga. Nilingon ko sina Kalix at Mommy na mahimbing pang natutulog. Hinalikan ko ang noo ni Kalix. Maingat kong binuksan ang pintuan para hindi ko madisturbo ang pagtulog nila. "Ate Belen? Ate Norma?" sambit ko nang naglakad ako patungo sa kusina. Napahawak ako sa tiyan ko nang maamoy ko ang mabangong pagkain. "Mukhang maaga yata kayong nagising ngayon kahit weekend - Miguel?" Napahinto ako sa paglalakad nang nakita siyang nagluluto sa kusina. Nakasuot pa ito ng apron at hairnet. "Anong ginagawa mo rito?" "Wala bang good morning kiss diyan?" Nakataas ang isa niyang kilay. "Good morning kiss mo ang mukha mo. Kung isubsob ko kaya ang labi mo riyan sa niluluto mong adobo!" asik ko habang nakahalukipkip ang mga braso ko. "Hindi ka naman mabiro. Ikaw na nga 'tong pinagluto ng paborito mong ulam, ikaw pa itong nagagalit." "Hindi naman kita inutosang ipagluto ako o kami.
Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Pakiramdam ko, lahat ng galit na nararamdaman ko ay unti-unting naglalaho. Hinawakan niya ang batok ko. Napahinto siya sa paghalik nang napansing hindi ako gumagalaw. Nakatingin lang ako sa kaniya na para bang nanunuod ng pelikula. Nakabalik lang ako sa sarili ko nang bigla niya akong buhatin at pinaupo sa mesa habang hinahalikan. Napadaing ako nang bumaba ang halik niya sa dibdib ko habang hinihimas ang mga suso ko. Gusto ko siyang pigilan sa binabalak niyang gawin pero nawawalan ako ng lakas sa bawat pagdampi ng labi niya sa balat ko. May halong panggigil ang mga kamay niya nang hawakan niya ang aking mga suso. Hindi ko mapigilang mapaungol sa bawat pagpisil niya sa mga 'yon. Nang bumalik ang halik niya sa labi ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pilit kong sinasabayan at hinahabol ang paggalaw ng kaniyang labi. Para siyang uhaw na uhaw sa halik. Halos hindi ko maigalaw ng maayos ang labi ko. Hindi ako makapag-focus dah
"Caroline?" sambit ni Mommy habang kumakatok sa ito pinto. Ngumisi si Miguel nang huminto siya sa paghalik sa akin. "Why are you hiding?" natatawang bulong niya. Itinulak ko siya papalayo sa akin. "Shut up!" Hindi ko maitago ang iritasiyon na nararamdaman ko at takot na baka mahuli kami. "Tita Roxy, wala po rito si Caroline," saad ni Miguel at nagkunwaring bagong gising. "Miguel? Nandiyan ka pala. Pasensiya na sa disturbo, hijo." Hindi makapaniwalang saad ni Mommy. Nagulat din siya siguro dahil maaga siyang pumunta sa bahay. "Pwede na ba natin ipagpatuloy kung ano man ang nasimulan natin?" he teased me. Ipinulupot niya ang mga kamay niya sa baywang ko. Bumaba ang paningin ko sa alaga niya na nakatayo at naninigas pa rin. "Manigas ka!" saad ko at inalis ang mga kamay niya sa baywang ko. Luminga-linga ako sa labas ng kwarto nang nabuksan ko na ito, baka makita ako ni Mommy na lumabas sa kwartong ginamit ni Miguel. Nakita ko si Mommy na pumasok sa kwarto ko. Binilisan ko ang pag