Napamura ako nang hilahin niya ako papalapit sa kaniya. Napasubsob ako sa dibdib niya. "What the hell are you doing?!" Itinulak ko siya papalayo sa akin. Napalingon ako sa pinto nang bumukas ito at may pumasok na mag-jowa. "S-Sorry. Akala kasi namin walang tao rito," nahihiyang sabi ng babae at itinulak palabas ang kasama niya. "You can use this room if you want," saad ni Miguel habang inaayos ang neck tie niya. "Big deal ba sa 'yo dahil nabuntis ako ng ibang lalaki?" Curious kong tanong sa kaniya nang hawakan niya ang door knob. "Why are you asking?" Hinarap niya ako. "Kung ikaw ang tatanongin ko, anong gagawin mo kung nakabuntis ako ng ibang babae?" Hindi agad ako makasagot sa tanong niya. Naiinis ako dahil binabalik niya ang tanong sa akin kahit hindi niya pa ito nasasagot. "I just want to know. Just answer the damn question." "Yes, Caroline. It's a big deal for me. I did everything naman pero bakit puro sakit ang binabalik mo sa akin?" Bumuntong hininga siya. "
Ipinarada ko ng maayos ang kotse pagkarating namin sa simbahan. Hindi ko alam kung bakit dito ko naisipang pumunta. Malapit lang ang simbahan sa condo namin. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago bumaba at pinagbuksan ng pintuan si Kalix. Ilang taon na rin skong hindi nakapagsimba. Kaya siguro nangyayari ang lahat ng 'to dahil pinaparusahan na ako. Nakakalimutan kong pumunta sa simbahan para magdasal, magpasalamat, at humingi ng kapatawaran sa lahat ng mga maling nagawa ko. "Mommy..." namamaos na tawag ni Kalix sa akin nang papasok na kami sa loob ng simbahan. "Ayos lang si Mommy. Don't worry..." Ngumiti ako at binuhat siya. "Let's stay here. Are you hungry?" Agad na umiling si Kalix. "I'm not. I want to know what happened inside the karaoke room." Napasinghap ako at itinuon ang paningin ko sa malaking cross sa loob ng simbahan. Ibinaba ko si Kalix sa malapad na upoan bago lumuhod. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko habang nagdarasal. Lalabas talaga sila. Pagkatapos kong
"I am the real father of Kalix Arkin Brooks..." Napaatras ako kasabay no'n ang pagbagsak ng mga balikat ko. Hindi ko maalis ang paningin ko sa papel na hawak niya ngayon. Isa lang ang nasa isip ko, DNA Test Results ang hawak niya. "Ako ba ang ama ng batang -" "You're not his father!" agap ko. "Paano mo ipapaliwanag 'to?" Ipinakita niya sa akin ang DNA Test Results. Hindi pa rin siya makapaniwala. "Ako ba ang ama ng anak mo?" Nilingon ko sina Seb at Monica. Hindi sila makatingin sa akin. Napabuga ako ng hangin. Wala na akong takas dahil alam na ni Miguel ang totoo. Nakita niya mismo ang DNA Test Results. Ito siguro ang ipinunta ng mag-asawa sa condo ko. "May magbabago ba kung sasabihin ko na ikaw ang ama niya, Miguel? Wala. Ngayong alam mo na ang totoo, pwede na kayong lumabas sa condo ko." "Caroline, hindi namin -" "The door is open, Seb. Ito naman ang gusto niyo, 'di ba? Ang malaman niya ang totoo. Nalaman niya na kaya umalis na kayo!" galit na sigaw ko. Nakaupo na sa sahig s
Katatapos ko lang mag-impake ng mga gamit namin. Hindi na ako makapaghintay na umalis ng Pilipinas kasama sina Kalix at Lena. Dalawang araw na ang nakalipas mula nang nalaman ni Miguel ang totoo. Kinaladkad ko pa talaga siya palabas ng condo ko para lang umalis. Ngayon ang press conference nila at ngayon din ang flight namin pabalik ng Portugal. Hindi ko alam kung para saan ang press conference. Hindi rin kasi ako nagbabasa ng mga balita. Nangako siya sa akin na papatunayan niya talaga na hindi siya kalaban. Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako sa kaniya. She's dating my cousin and everyone knows it. At hindi pa rin naglalabas ng statement si Cecile tungkol sa pinapakalat kong scandal videos nila. Wala rin akong balak burahin 'yon. Gusto kong maranasan rin nila ang pagpapahiyang ginawala nila sa akin noon nang pinagkalat nila na may relasyon kaming dalawa ni Miguel. Worst, bodyguard ko pa siya noon. "Nandito ba lahat ng mga gamit na dadalhin natin?" tanong ko kay Lena nang pumaso
Nagkakagulo na sa loob ng hotel. Hindi na namin makita ng maayos ang live stream. May ibang videos pa na pinlay sa malaking screen. Naagaw ni Daddy ang atensiyon ko nang itutok sa kaniya ang camera. Nakahawak siya dibdib niya na para bang nahihirapan na naman siya sa paghinga. Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa posibleng mangyari kay Daddy kapag hindi siya madadala agad sa hospital. May nakita akong mga pulis na pumasok. May dala itong warrant of arrest. Ang ibang mga pulis ay lumapit kay Daddy at inalalayan itong makatayo saka pinainom ng tubig. Hindi na namin makita ang sumunod na nangyari dahil natatabonan na ng ibang mga media at reporters ang lugar. May parte sa akin na natutuwa dahil hinuli sila ng mga pulis. Nalaman ng lahat ang ilang mga ginagawa nilang mali. May parte rin sa akin na naawa para sa kanila. Lalong-lalo na kay Daddy. May sakit siya sa puso. Baka hindi niya kayanin ang pangbabatikos ng mga tao. Nang nagising si Kalix, pumunta muna kami sa isang
Hindi kami tumuloy papuntang Portugal. Mas inuna ko ang kalagayan ni Lena. She died upon arrival. Maraming dugo ang nawala sa kaniya. Namamaga na ang mga mata ko sa kaiiyak. Mahigit dalawang oras na akong nakatunganga habang pinagmamasdan ang malamig na bangkay ni Lena. Sinisisi ko ang sarili ko sa biglaang pagkamatay niya. Hindi ko man lang siya maprotektahan. "Ma'am, kami po muna ang magbabantay sa kaniya kung wala pong ibang magbabantay para makapagbihis na po kayo," sabi ng nurse. Pangatlong beses niya na akong kinukulit na magbihis. Hindi ko pa rin sila pinapansin. Para akong naging pepe at bingi pagkatapos ng nangyari. Hindi ko maibuka ang bibig ko. Hinang-hina ang buong katawan ko. Nahihirapan akong kumilos. Sinulyapan ko ang anak ko. Nakatulog siya sa kaiiyak. Ayaw niyang maniwala na wala na si Lena - ang tumatayong Ate niya sa tuwing wala ako. Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. Agad akong nag-iwas ng tingin nang nakita kong pumasok si Miguel kasama si Don Ernesto.
Pinunit ko ang marriage contract sa harap nila mismo. Binawi ko si Kalix sa kaniya. Wala akong pakialam kung nandito ang ama niya. Nagtatagis ang bagang ni Miguel. "This is unfair, Miguel! Bakit marriage contract ang pinirmahan ko? Ang sabi mo pipirma ako sa papel na 'yon para makasiguro kayo na susunod ako sa usapan. Pero bakit -" "Caroline, we have something to tell you -" "Leave. Kung ano man ang sasabihin ninyo, wala akong pakialam." Naglakad ako patungo sa pinto at binuksan ito. "Umalis na kayo. Huwag kayong mag-aalala dahil susunod ako kung ano man ang napag-usapan natin. Pagkatapos ng libing ni Lena, aalis na kami. Just leave us alone. Gusto kong bigyan ng tahimik at mapayapang buhay ang anak ko." Tumayo si Don Ernesto. Agad naman umalalay si Miguel sa kaniya. "Hijo, umuwi muna tayo. Nasa gitna pa ng pagluluksa si Caroline. Baka pwede kayong mag-usap pagkatapos ng libing." Bumuntong hininga si Miguel. "Fine. But I want to talk my son. Hindi ako papayag na ilayo niya sa aki
Pinunasan ko ang labi ko gamit ang kamay ko. Sinubokan kong buksan ang pintuan ngunit naka-lock ito. "Open this damn door!" sigaw ko. "Hindi mo ba talaga ako kakausapin ng maayos? Anak natin ang pag-uusapan dito, Caroline." "Ang sabi mo mag-uusap lang tayo? Bakit ka nanghahalik?" "To shut your mouth." Nahuli ko na naman siyang nakatingin sa akin habang dinidilaan ang labi niya. Mas lalo akong nainis nang nakita ko siyang ngumisi. "What? Bakit ganiyan ka na naman makatingin sa akin? Namimiss mo ang halik ko?" "Bubuksan mo 'tong pintuan o papuputokin ko ang labi mo?" pagbabanta ko. "Paano kung ayoko?" pagmamatigas niya. "Ang hirap-hirap mong pasamohin." "Ang hirap mo makaintindi," pagmamaktol ko. "Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin? Ano ang pag-uusapan natin?" "Huwag kayong umalis ng bansa." Ngumisi ako. "Why? Kahit alam mo na ang tungkol sa pagkatao ni Kalix, aalis pa rin kami. Nakapagdesisyon na ako, Miguel. Hindi kami titira rito." "Sasama ako." "Ano?! Sasama ka? Nabab