Umiyak ako nang umiyak pagkaalis ko sa hotel dala-dala ang urn na sinasabing, abo raw 'yon ni Mommy. Binuksan ko ito. May nakita akong isang maliit na box sa loob. Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago ito kinuha upang tingnan kung ano ang laman no'n. A customized photo locket necklace. May kalumaan na ito. Naagaw ang atensiyon ko sa pendant nito. Maingat ko itong binuksan, bumuhos ulit ang luha ko nang makita ang maliit na litrato sa loob ng pendant. Umiiyak ako nang kinunan nila ng larawan at nakangiti naman si Mommy. Bumaba ang paningin ko sa loob ng box nang may napansin akong mga larawan. "Mommy..." sambit ko nang nakita ang mga larawan namin noong bata pa lang ako. Walang kamuwang-muwang sa mundo. Habang tinitingnan ko isa-isa ang mga larawan, mas lalong sumisikip ang dibdib ko. Para akong mauubosan ng hininga. Ang sakit-sakit para sa akin na malamang wala na siya. All these years, hindi ko naranasang mahalin ng isang ina. Palagi kong hinahanap ang aruga at pagmamahal galing
Buong linggo akong nakakulong sa kwarto ko. Kahit pagpunas at pagligo sa sarili ay hirap na hirap akong gawin 'yon. Nawalan din ako ng ganang kumain. Tubig lang ang palagi kong iniinom. Nahihiya na nga ako kina Lena at sa dalawang katulong ko rito sa condo. Nagpapasalamat ako dahil nandito sila, naaalagaan nila si Kalix. "Ma'am Caroline, niluto ko po ang paborito niyong pagkain," nakangiting sabi ni Ate Belen nang nakita ko siyang pumasok sa loob ng kwarto. May bitbit siyang mga pagkain na nakalagay sa food tray. Amoy na amoy ko ang sinigang na karne ng baboy at iba pang mga pagkain na niluto niya raw para sa akin. But I lost my appetite. Kahit lutoin niya siguro lahat ng mga paborito kong pagkain, hindi pa rin gagana 'yon sa akin. "Pakilagay na lang po sa mesa, Ate Belen," saad ko habang nakatingin sa malayo. Napatingin ako sa kaniya nang ilagay niya sa ibabaw ng kama ang mga pagkaing hinanda niya para sa akin. "Kumain po muna kayo habang mainit-init pa ang sabaw. Baka hindi niyo
"Good morning, Kalix," bati ko sa kaniya nang nakita niya akong nagluluto sa kusina. "Mommy?" sambit niya. Mukhang nagulat siya sa akin dahil ilang araw akong nagkulong sa kwarto, umiiyak at hindi kumakain. "Good morning, Mommy!" abot tenga ang ngiti niya bago tumakbo papalapit sa akin. Sinalubong ko nang mahigpit na yakap ang anak ko. Ang sarap-sarap sa pakiramdam na marinig ulit ang pagtawa niya. Halos hindi rin makapaniwala sina Lena, Ate Belen, at Ate Norma nang nakita nila akong maagang nagising at nagluluto ng almusal namin. Paano ba kasi ako hindi magiging productive, nagsisimula ng kumalat ang in-upload kong mga videos. Hindi na ako makapaghintay pang tingnan si Ate Cecile na dinudumog ng mga media reporters at sapilitan siyang paaalisin sa posisyon niya. Kumakanta pa ako sa loob ng banyo habang naliligo at iniisip kung ano ang paano nila masosolusyonan ang iskandalong nagawa nina Ate Cecile at Alexander noon. Total, siya ang nagsimulang isali si Alexander sa usapan kahit
Isang malakas na tawa ang nakuha ko galing kay Cecile pagkatapos nilang palabasin ang mga kasama nilang importanteng tao sa kompanya. Inayos niya ang takas na buhok at tumingin ng masama sa akin. "Nagpapatawa ka ba? Wala ka bang ibang magawa sa buhay mo? Anong ginagawa mo rito? 'Di ba ikaw mismo ang nagsabi na kakalimotan mo kami bilang pamilya? Pero bakit ka nandito?" "Palabasin niyo nga ang babaeng 'to kung ayaw ninyong -" "Tita Glenda, hindi dapat ako ang lalabas dito." pagputol ko sa sasabihin niya. I smirked. "W-What? Tinawag mo akong Tita?" Napasinghap niya. Hindi makapaniwala. "Ano pala dapat ang itatawag ko sa 'yo?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Auntie? Pwede rin naman dahil kapatid mo naman si Mommy." "Caroline, what are you talking about?" sabat ni Daddy. "Kausapin mo ng maayos si Glenda. At sinong may sabi sa 'yo na magkapatid si Glenda at ang totoo mong ina?" "Bakit, Dad? May nasabi ba akong masama sa kaniya?" I smiled bitterly. "Tatawagin ko pa rin ba siyang Mommy pa
Inutosan ko ang tauhan ni Daddy na kumuha ng tubig para may mainom siya. Sinubokan nilang lapitan si Daddy pero pinigilan sila ng mga tauhan. "Samson, wala kaming relasyon -" "Hindi ka pa rin ba aamin kahit huling-huli ka na?" asik ko kay Glenda. Inalalayan ko si Daddy paupo. Mabuti na lang at hinayaan niya akong tulongan siya. Agad kong pinainom ng tubig si Daddy nang nakabalik na ang tauhan niya na inutosan ko. Nang umayos na ang pakiramdam ni Daddy, kinuha ko ang cellphone niya, at hinanap ang numero ng personal doctor niya. "Pumunta ka rito sa kompanya. Kailangan ka ni Daddy," utos ko at binaba ang tawag. "Kasalanan mo 'to kaya nahihirapan na naman siyang -" "Shut your mouth, Cecile!" Maawtoridad na saway ni Daddy sa kaniya. Palihim akong ngumisi. "Daddy, pinapaikot niya lang tayo! Bakit ba naniniwala ka sa babaeng 'yan? Kami ang pamilya mo!" sigaw ni Cecile. Naagaw ni Daddy ang atensiyon ko nang bigla siyang tumawa. "Pamilya? Matatawag pa bang pamilya 'to matapos kong mal
Napamura ako nang hilahin niya ako papalapit sa kaniya. Napasubsob ako sa dibdib niya. "What the hell are you doing?!" Itinulak ko siya papalayo sa akin. Napalingon ako sa pinto nang bumukas ito at may pumasok na mag-jowa. "S-Sorry. Akala kasi namin walang tao rito," nahihiyang sabi ng babae at itinulak palabas ang kasama niya. "You can use this room if you want," saad ni Miguel habang inaayos ang neck tie niya. "Big deal ba sa 'yo dahil nabuntis ako ng ibang lalaki?" Curious kong tanong sa kaniya nang hawakan niya ang door knob. "Why are you asking?" Hinarap niya ako. "Kung ikaw ang tatanongin ko, anong gagawin mo kung nakabuntis ako ng ibang babae?" Hindi agad ako makasagot sa tanong niya. Naiinis ako dahil binabalik niya ang tanong sa akin kahit hindi niya pa ito nasasagot. "I just want to know. Just answer the damn question." "Yes, Caroline. It's a big deal for me. I did everything naman pero bakit puro sakit ang binabalik mo sa akin?" Bumuntong hininga siya. "
Ipinarada ko ng maayos ang kotse pagkarating namin sa simbahan. Hindi ko alam kung bakit dito ko naisipang pumunta. Malapit lang ang simbahan sa condo namin. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago bumaba at pinagbuksan ng pintuan si Kalix. Ilang taon na rin skong hindi nakapagsimba. Kaya siguro nangyayari ang lahat ng 'to dahil pinaparusahan na ako. Nakakalimutan kong pumunta sa simbahan para magdasal, magpasalamat, at humingi ng kapatawaran sa lahat ng mga maling nagawa ko. "Mommy..." namamaos na tawag ni Kalix sa akin nang papasok na kami sa loob ng simbahan. "Ayos lang si Mommy. Don't worry..." Ngumiti ako at binuhat siya. "Let's stay here. Are you hungry?" Agad na umiling si Kalix. "I'm not. I want to know what happened inside the karaoke room." Napasinghap ako at itinuon ang paningin ko sa malaking cross sa loob ng simbahan. Ibinaba ko si Kalix sa malapad na upoan bago lumuhod. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko habang nagdarasal. Lalabas talaga sila. Pagkatapos kong
"I am the real father of Kalix Arkin Brooks..." Napaatras ako kasabay no'n ang pagbagsak ng mga balikat ko. Hindi ko maalis ang paningin ko sa papel na hawak niya ngayon. Isa lang ang nasa isip ko, DNA Test Results ang hawak niya. "Ako ba ang ama ng batang -" "You're not his father!" agap ko. "Paano mo ipapaliwanag 'to?" Ipinakita niya sa akin ang DNA Test Results. Hindi pa rin siya makapaniwala. "Ako ba ang ama ng anak mo?" Nilingon ko sina Seb at Monica. Hindi sila makatingin sa akin. Napabuga ako ng hangin. Wala na akong takas dahil alam na ni Miguel ang totoo. Nakita niya mismo ang DNA Test Results. Ito siguro ang ipinunta ng mag-asawa sa condo ko. "May magbabago ba kung sasabihin ko na ikaw ang ama niya, Miguel? Wala. Ngayong alam mo na ang totoo, pwede na kayong lumabas sa condo ko." "Caroline, hindi namin -" "The door is open, Seb. Ito naman ang gusto niyo, 'di ba? Ang malaman niya ang totoo. Nalaman niya na kaya umalis na kayo!" galit na sigaw ko. Nakaupo na sa sahig s