Share

Chapter 111

Hindi ko na alam kung ano ang mga pinagsasabi ni Miss Yollie. Para akong nabingi. Nanatili lang akong nakatitig kay Miguel. Nag-iwas lang ako ng tingin nang tumikhim siya.

Ibinigay ni Miss Yollie ang aking biodata sa kaniya. Napapikit ako habang pinagmamasdan siyang basahin ang laman no'n. Napakagat-labi ako nang napansin ang pagkunot ng noo niya.

"Siya ang magiging boss mo, Miss Caroline. Sa kaniyang kompanya ka namin in-assigned dahil -"

"Wala na po bang ibang kompanya ang nangangailangan ng accountant, Ma'am?"

Gumuhit ang pagkagulat sa mukha ni Miss Yollie. Para siyang biglang natameme sa tanong ko. Hindi siya agad makasagot.

"For the meantime, you will work sa hotel na pagmamay-ari nila -"

"Bigyan niyo na lang ako ng ibang accountant kung ayaw niyang magtrabaho sa hotel namin, Miss Yollie. Hindi naman po kami namimilit ng taong ayaw sa amin."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya nang may pagdiin ang huling salitang sinabi niya bago niya ibinalik kay Miss Yollie ang biodata ko.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status