Home / Romance / Chained in Love / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of Chained in Love: Chapter 41 - Chapter 50

59 Chapters

Chapter 41

Chapter 41Wala akong sinabi na kahit ano dahil nakatuon lang ang isip ko kay Tehm na nasa loob ng emergency room. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ako nagdasal para bumuti lang si Tehm. Hindi ko alam kung makakaya ko ba kung sakaling may mangyaring masama.Hindi ko kakayanin. Mababaliw ako. Nakasandal ako sa pader sa gilid ng pinto ng emergency room at katabi ko si Kayla na tahimik lang rin. Si Third ay sa pader sa harapan namin nakasandal habang nakayuko. Kung sa ibang pagkakataon ay manginginig at matatakot akong maghanap ng mga salitang magpapaliwanag sa lahat.Pero ngayon ay nanganganib pa ang anak ko sa loob at iyon ang importante sa akin.“Yen, pasensya ka na talaga. Sorry sa mga nangyari,” biglang basag ni Kayla sa katahimikan.Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at marahan na tumango.“Ako ang dapat mag-sorry dahil palagi ka na lang nadadamay sa problema ko,” nanghihinang sambit ko sabay hinga ng malalim.Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa amin sa lugar na it
last updateLast Updated : 2024-07-09
Read more

Chapter 42

Chapter 42“Tehm,” kaagad na sita ko pero mabilis lang siyang yumakap sa akin para itago ang mukha niya sa leeg ko.“Gosh, what kind of parenting did you do?” nang-iinsultong tanong ni Bella kaya mariin akong pumikit saka marahan na hinimas ang buhok ni Tehm.“Mama, umuwi na tayo. I don’t like this place,” bulong ni Tehm sa akin at mas humigpit lang ang pagkakayakap niya sa akin.“Third, we must leave first because he’s not probably ready to see us. Just update me about this. Kakausapin ko rin si Doctor Mariano mamaya,” rinig kong sambit ng Mommy ni Third.“I think I’ll stay here, Tita,” sagot ni Bella.“Hija, we must leave. Third can manage this,” pilit ni Mrs. Lizares kaya wala nang nagawa ang girlfriend ni Third kung hindi sumama palabas.At nang tatlo na lang kaming natira sa loob ay nakakabinging katahimikan pumaibabaw. Dahan-dahan akong kumalas mula sa pagkakayakap ni Tehm saka napatingin kay Third na nakatayo pa rin sa harap at diretso ang tingin sa amin.“Baka pwedeng lumipat
last updateLast Updated : 2024-07-10
Read more

Chapter 43

Chapter 43Nang dumalaw ang Doctor at nakita ng maayos naman si Tehm ay pinayagan kaming makalabas sa sumunod na araw. Pero ang gabing pananatili sa dito sa Hospistal ay mahirap isipin para sa akin. Umuwi si Kayla pero si Third nanatili lang dito.Hindi kami nag-uusap at kung hindi nagsasalita si Tehm ay nababalot ng katahimikan ang buong kwarto. At ngayon ay nasa tabi ako ni Tehm na natutulog na habang ako ay dilat na dilat pa. Panaka-naka kong nililingon si Third na may hawak na laptop na hinatid kanina dito ng isang lalaki pati na rin ang mga damit niya kaya nakapagpalit na siya ngayon.“Give me his birth certificate tomorrow,” malamig na sambit niya habang nakatutok pa rin ang tingin sa laptop niya na para bang ramdam niya na kanina pa aka palingon-lingon.Biglang kumabog ang puso ko sa kaba dahil sa nasabi niya. Sana hindi niya totohanin na kukunin niya sa akin si Tehm. Hindi ko makakaya iyon at kung lalabanan ko man siya sa husgado ay wala lang rin akong laban.“B-Bakit?” nangi
last updateLast Updated : 2024-07-11
Read more

Chapter 44

Chapter 44Hindi ko alam kung aayain ko ba si Third na pumasok o hindi na. Hindi ko mahanap ang mga salitang gusto kong sabihin pero kung ayain ko man siya papasok ay huli na. Mukhang hindi na yata kailangan dahil nang pumasok sa loob si Kayla habang hawak-hawak ang kamay ni Tehm ay walang pasabi na sumunod si Third dala ang mga gamit namin.Wala na akong nagawa kung hindi sumunod na rin at pagkapasok ay nakita ko kaagad si Third na tila pinapadaanan ng mga mata niya ang bawat sulok ng bahay.Si Tehm naman ay sumama na kay Kayla sa kusina para kumain kaya dumiretso na lang ako sa kwarto namin mi Tehm. At pagkapasok ko ay nakarinig ako kaagad ng yapak niya sa likuran ko kaya kaagad ko siyang nilingon.“Nandoon si Tehm sa labas,” sabi ko pero patuloy siya sa paghakbang at sa takot na magkalapit kami ng husto ay umatras rin ako hanggang sa makarating ako sa pader at wala na akong maatrasan.Kaagad na kumabog ang puso ko at hindi na ako nakagalaw.“I want my son in my place,” seryosong sa
last updateLast Updated : 2024-07-12
Read more

Chapter 45

Chapter 45Buong araw nanatili si Third sa apartment namin at hindi ko naman siya makwesyon. Nag-uusap lang sila ni Tehm at naglalaro sa sala buong araw. At nang bandang alas siyete ng gabi nang makatulog si Tehm ay doon ko lang siya nakitang humawak ng cellphone niya.Si Kayla ay nasa loob na ng kwarto niya dahil masakit raw ang ulo at matutulog kaagad kaya kaming dalawa na lang ang gising ngayon. Hindi ko alam kung dito matutulog si Third o uuwi siya. Sobrang liit ng kama, at kung dumito siya ay baka sa sahig ako matulog.Nang pumasok siya sa kwarto matapos ang katawagan sa cellphone ay dahan-dahan ko siyang nilingon.“Is he asleep?” mahinang tanong niya na marahan kong tinanguan.“Oo, a-aalis ka na? Maraming salamat,” mahinang sambit ko at doon nagkasalubong ang noo niya.“Aalis? What? Saan ako pupunta?” tanong niya kaya napalunok ako.“Pasensya ka, a-akala ko kasi uuwi ka sa bahay mo,” tarantang sambit komkaya mas lalong dumaan ang inis sa mukha niya.“What?” inis ma tanong niya s
last updateLast Updated : 2024-07-14
Read more

Chapter 46

Chapter 46 “Tehm,” matigas na saway ko kaya inosente siyang tumingin sa akin at nang makita na nagagalit na ako ay bahagya siyang yumuko. “I am going to buy your milk, toys, foods, and anything you want now,” mahinang sagot ni Third na tila nanghihina pero alam kong narinig iyon ni Tehm. Naiintindihan ko na hindi nasanay si Tehm dito. Nasanay siya na kami lang at si Kayla pero hindi ko gustong lumaki siyang ganito. Hindi ko nagugustuhan ang mga tanong niyang walang respeto. Natahimik si Third matapos niyang sabihin iyon pero napatingin ako sa kamay niyang na sobrang higpit ang hawak sa steering wheel ng kotse. Napalunok na lang ako ay lubos na nagpasalamat sa loob ng utak ko na tumigil na si Tehm sa kakatanong. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa harap ng apartment. Maayos na nag-park si Third sa harap ng bahay kaya bumaba ako para pagbuksan ng pinto si Tehm. Kakaagad ko itong pinauna papasok habang yakap-yakap niya ang mga pinamili nila ni Third na mga pagkain kanina. Ila
last updateLast Updated : 2024-07-15
Read more

Chapter 47

Chapter 47“Wala, teka, ipapasa ko ang number ni Kayla para sa kanya ka tumawag,” sabi ko matapos ang biglang pagkagulat.“Fine, gagabihin ako dito. I’ll just call again later. I still have someone to talk,” sabi niya at hindi ko alam kung bakit parang biglang naging kalmado ang boses niya na hindi ko inaasahan.“Sige,” mahinang sambit ko saka ako na mismo ang pumutol sa tawag para i-text sa kanya ang numero si Kayla para makausap niya si Tehm.Matapos iyon ay sandali akong natulala bago ako kumain ng tanghalian. At pagkatapos kong kumain ay muli akong bumalik sa trabaho at mapayapa naman iyong natapos. Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko si Tehm na mag-isang naglalaro sa sala habang si Kayla ay kausap si Ward sa phone, ang boyfriend niya, habang nagluluto. Kaagad akong lumapit kay Tehm at masigla naman siyang yumakap sa akin kaya ilang beses kong hinalikan sa noo.“Behave ka ba ngayon?” tanong ko at tatlong beses siyang tumango bago ako hinalikan sa labi.“Mama, he called Ninang
last updateLast Updated : 2024-07-16
Read more

Chapter 48

Chapter 48Natuon ang atensyon ni Tehm sa mga bago niyang laruan at masaya akong pinapanood siyang nagugustuhan iyon. Makalipas ang isang oras ay nagpasya akong bumangon para maghanda na ng agahan namin. Hindi pa gising si Kayla kaya mabilis akong naghilamos at tumuloy na sa pagluluto para makapaghanda na rin ako para sa trabaho mamaya.“Mom and Dad wants to meet Artehm on Sunday including Lolo,” biglang rinig ko sa boses ni Third habang naglalabas ako ng mga iluluto ko.Kaagad ko siyang nilingon dahil nakuha ng mga sinabi niya ang atensyon ko.“Si Don Frederick?” tanong ko at mula sa kalmado ay bumakas ang inis sa mukha niya.“Yes, sino pa bang Lolo ko?” sarkastikong tanong niya saka kumuha ng malamig na tubig at diretso iyong ininom.Marahan naman akong tumango at hindi na sumagot pa. Pinagpatuloy ko ang paghahanda ko at buong akala ko matapos niyang uminom ay babalik siya sa kwarto dahil nandoon si Tehm pero nanatili siya doon.Wala siyang suot. Tanging boxers niya lang ang suot n
last updateLast Updated : 2024-07-17
Read more

Chapter 49

Chapter 49“Magtatrabaho pa ako!” Hindi ko na napigilang isigaw nang makalabas kami.Mabilis na pinasok ni Third si Tehm sa loob ng kotse saka inis akong binalingan.“Then don’t work!” inis na sagot niya kaya napasinghap ako ng malakas.“Sa ginawa mo pwede akong mapaalis sa trabaho. Sana siya na lang ang kinausap mo,” sabi ko. Hindinko na talaga mapigilan ang inis. Importante sa akin ang trabahong ‘to dahil tutulong pa ako sa bayad ng renta ng bahay at may gatas at gamot pa ni Tehm na kailangan kong bilhin.“Then stop working!” inis na sambit niya kaya huminga ako ng malalim.“Hindi mo naiintindihan—”“Of course I do, so get in now and we’ll leave,” matiga na sabi niya pero umiling qko.“Magtatrabaho ako,” sabi ko pero hindi niya ako hinayaang makabalik sa loob dahil muli niya akong hinawakan ng malakas at sapilitan na pinasok sa lkuran. Wala na akong nagawa nang lagyan niya ako ng seatbelt at pinaharurot niya ang sasakyan paalis matapos iyon.“Mama, were you hurt?” marahan na tanong
last updateLast Updated : 2024-07-18
Read more

Chapter 50

Chapter 50Sa sumunod na araw ay nagpasya na akong magpasa ng resignation letter dahil nahihiya na rin akong bumalik. Mabuti na lang at maayos iyong tinanggap ng manager kaya ang problema ko na lang ay kung paano makahanap ng bagong trabaho.At dahil wala na akong trabaho ay buong araw akong nasa bahay kasama ni Tehm. Si Third ay umaalis tuwing umaga pero tuwing gabi ay bumabalik rin siya at sa apartment namin natutulog kaya siksikan kaming tatlo sa kama.At si Kayla maraming pinoprosesong mga papeles dahil sa susunod na linggo ay dadating na si Ward. At bukod sa mga papeles ay nag-aayos rin siya ng kwarto at naglilinis ng buong bahay kaya iyon ang pinagkakaabalahan ko rin.Nang dumating ang araw ng linggo ay maaga akong nagising. Pagtingin ko sa mga katabi ko ay mahimbing pa rin ang tulog nila. Halos isang linggo na ito ang bumubungad sa umaga ko. Si Third na tulog na tulog at si Tehm na mahimbing rin ang tulog. Magkalapit ang mukha ng dalawa at isang kumot lang ang gamit. Bahagya pa
last updateLast Updated : 2024-07-18
Read more
PREV
123456
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status