Chapter 43Nang dumalaw ang Doctor at nakita ng maayos naman si Tehm ay pinayagan kaming makalabas sa sumunod na araw. Pero ang gabing pananatili sa dito sa Hospistal ay mahirap isipin para sa akin. Umuwi si Kayla pero si Third nanatili lang dito.Hindi kami nag-uusap at kung hindi nagsasalita si Tehm ay nababalot ng katahimikan ang buong kwarto. At ngayon ay nasa tabi ako ni Tehm na natutulog na habang ako ay dilat na dilat pa. Panaka-naka kong nililingon si Third na may hawak na laptop na hinatid kanina dito ng isang lalaki pati na rin ang mga damit niya kaya nakapagpalit na siya ngayon.“Give me his birth certificate tomorrow,” malamig na sambit niya habang nakatutok pa rin ang tingin sa laptop niya na para bang ramdam niya na kanina pa aka palingon-lingon.Biglang kumabog ang puso ko sa kaba dahil sa nasabi niya. Sana hindi niya totohanin na kukunin niya sa akin si Tehm. Hindi ko makakaya iyon at kung lalabanan ko man siya sa husgado ay wala lang rin akong laban.“B-Bakit?” nangi
Chapter 44Hindi ko alam kung aayain ko ba si Third na pumasok o hindi na. Hindi ko mahanap ang mga salitang gusto kong sabihin pero kung ayain ko man siya papasok ay huli na. Mukhang hindi na yata kailangan dahil nang pumasok sa loob si Kayla habang hawak-hawak ang kamay ni Tehm ay walang pasabi na sumunod si Third dala ang mga gamit namin.Wala na akong nagawa kung hindi sumunod na rin at pagkapasok ay nakita ko kaagad si Third na tila pinapadaanan ng mga mata niya ang bawat sulok ng bahay.Si Tehm naman ay sumama na kay Kayla sa kusina para kumain kaya dumiretso na lang ako sa kwarto namin mi Tehm. At pagkapasok ko ay nakarinig ako kaagad ng yapak niya sa likuran ko kaya kaagad ko siyang nilingon.“Nandoon si Tehm sa labas,” sabi ko pero patuloy siya sa paghakbang at sa takot na magkalapit kami ng husto ay umatras rin ako hanggang sa makarating ako sa pader at wala na akong maatrasan.Kaagad na kumabog ang puso ko at hindi na ako nakagalaw.“I want my son in my place,” seryosong sa
Chapter 45Buong araw nanatili si Third sa apartment namin at hindi ko naman siya makwesyon. Nag-uusap lang sila ni Tehm at naglalaro sa sala buong araw. At nang bandang alas siyete ng gabi nang makatulog si Tehm ay doon ko lang siya nakitang humawak ng cellphone niya.Si Kayla ay nasa loob na ng kwarto niya dahil masakit raw ang ulo at matutulog kaagad kaya kaming dalawa na lang ang gising ngayon. Hindi ko alam kung dito matutulog si Third o uuwi siya. Sobrang liit ng kama, at kung dumito siya ay baka sa sahig ako matulog.Nang pumasok siya sa kwarto matapos ang katawagan sa cellphone ay dahan-dahan ko siyang nilingon.“Is he asleep?” mahinang tanong niya na marahan kong tinanguan.“Oo, a-aalis ka na? Maraming salamat,” mahinang sambit ko at doon nagkasalubong ang noo niya.“Aalis? What? Saan ako pupunta?” tanong niya kaya napalunok ako.“Pasensya ka, a-akala ko kasi uuwi ka sa bahay mo,” tarantang sambit komkaya mas lalong dumaan ang inis sa mukha niya.“What?” inis ma tanong niya s
Chapter 46 “Tehm,” matigas na saway ko kaya inosente siyang tumingin sa akin at nang makita na nagagalit na ako ay bahagya siyang yumuko. “I am going to buy your milk, toys, foods, and anything you want now,” mahinang sagot ni Third na tila nanghihina pero alam kong narinig iyon ni Tehm. Naiintindihan ko na hindi nasanay si Tehm dito. Nasanay siya na kami lang at si Kayla pero hindi ko gustong lumaki siyang ganito. Hindi ko nagugustuhan ang mga tanong niyang walang respeto. Natahimik si Third matapos niyang sabihin iyon pero napatingin ako sa kamay niyang na sobrang higpit ang hawak sa steering wheel ng kotse. Napalunok na lang ako ay lubos na nagpasalamat sa loob ng utak ko na tumigil na si Tehm sa kakatanong. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa harap ng apartment. Maayos na nag-park si Third sa harap ng bahay kaya bumaba ako para pagbuksan ng pinto si Tehm. Kakaagad ko itong pinauna papasok habang yakap-yakap niya ang mga pinamili nila ni Third na mga pagkain kanina. Ila
Chapter 47“Wala, teka, ipapasa ko ang number ni Kayla para sa kanya ka tumawag,” sabi ko matapos ang biglang pagkagulat.“Fine, gagabihin ako dito. I’ll just call again later. I still have someone to talk,” sabi niya at hindi ko alam kung bakit parang biglang naging kalmado ang boses niya na hindi ko inaasahan.“Sige,” mahinang sambit ko saka ako na mismo ang pumutol sa tawag para i-text sa kanya ang numero si Kayla para makausap niya si Tehm.Matapos iyon ay sandali akong natulala bago ako kumain ng tanghalian. At pagkatapos kong kumain ay muli akong bumalik sa trabaho at mapayapa naman iyong natapos. Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko si Tehm na mag-isang naglalaro sa sala habang si Kayla ay kausap si Ward sa phone, ang boyfriend niya, habang nagluluto. Kaagad akong lumapit kay Tehm at masigla naman siyang yumakap sa akin kaya ilang beses kong hinalikan sa noo.“Behave ka ba ngayon?” tanong ko at tatlong beses siyang tumango bago ako hinalikan sa labi.“Mama, he called Ninang
Chapter 48Natuon ang atensyon ni Tehm sa mga bago niyang laruan at masaya akong pinapanood siyang nagugustuhan iyon. Makalipas ang isang oras ay nagpasya akong bumangon para maghanda na ng agahan namin. Hindi pa gising si Kayla kaya mabilis akong naghilamos at tumuloy na sa pagluluto para makapaghanda na rin ako para sa trabaho mamaya.“Mom and Dad wants to meet Artehm on Sunday including Lolo,” biglang rinig ko sa boses ni Third habang naglalabas ako ng mga iluluto ko.Kaagad ko siyang nilingon dahil nakuha ng mga sinabi niya ang atensyon ko.“Si Don Frederick?” tanong ko at mula sa kalmado ay bumakas ang inis sa mukha niya.“Yes, sino pa bang Lolo ko?” sarkastikong tanong niya saka kumuha ng malamig na tubig at diretso iyong ininom.Marahan naman akong tumango at hindi na sumagot pa. Pinagpatuloy ko ang paghahanda ko at buong akala ko matapos niyang uminom ay babalik siya sa kwarto dahil nandoon si Tehm pero nanatili siya doon.Wala siyang suot. Tanging boxers niya lang ang suot n
Chapter 49“Magtatrabaho pa ako!” Hindi ko na napigilang isigaw nang makalabas kami.Mabilis na pinasok ni Third si Tehm sa loob ng kotse saka inis akong binalingan.“Then don’t work!” inis na sagot niya kaya napasinghap ako ng malakas.“Sa ginawa mo pwede akong mapaalis sa trabaho. Sana siya na lang ang kinausap mo,” sabi ko. Hindinko na talaga mapigilan ang inis. Importante sa akin ang trabahong ‘to dahil tutulong pa ako sa bayad ng renta ng bahay at may gatas at gamot pa ni Tehm na kailangan kong bilhin.“Then stop working!” inis na sambit niya kaya huminga ako ng malalim.“Hindi mo naiintindihan—”“Of course I do, so get in now and we’ll leave,” matiga na sabi niya pero umiling qko.“Magtatrabaho ako,” sabi ko pero hindi niya ako hinayaang makabalik sa loob dahil muli niya akong hinawakan ng malakas at sapilitan na pinasok sa lkuran. Wala na akong nagawa nang lagyan niya ako ng seatbelt at pinaharurot niya ang sasakyan paalis matapos iyon.“Mama, were you hurt?” marahan na tanong
Chapter 50Sa sumunod na araw ay nagpasya na akong magpasa ng resignation letter dahil nahihiya na rin akong bumalik. Mabuti na lang at maayos iyong tinanggap ng manager kaya ang problema ko na lang ay kung paano makahanap ng bagong trabaho.At dahil wala na akong trabaho ay buong araw akong nasa bahay kasama ni Tehm. Si Third ay umaalis tuwing umaga pero tuwing gabi ay bumabalik rin siya at sa apartment namin natutulog kaya siksikan kaming tatlo sa kama.At si Kayla maraming pinoprosesong mga papeles dahil sa susunod na linggo ay dadating na si Ward. At bukod sa mga papeles ay nag-aayos rin siya ng kwarto at naglilinis ng buong bahay kaya iyon ang pinagkakaabalahan ko rin.Nang dumating ang araw ng linggo ay maaga akong nagising. Pagtingin ko sa mga katabi ko ay mahimbing pa rin ang tulog nila. Halos isang linggo na ito ang bumubungad sa umaga ko. Si Third na tulog na tulog at si Tehm na mahimbing rin ang tulog. Magkalapit ang mukha ng dalawa at isang kumot lang ang gamit. Bahagya pa
Epilogue “What? You impregnant her again without putting a ring on her finger?” nanliliit ang mga matang tanong sa akin ni Daddy. We just got here in Laveda after our Trip from Russia. At wala pa kaming nasasabihan tungkol sa engagement. But we need to plan as soon as possible. I don’t want her to walk down the aisle with her huge tummy. Natawa ako nang mahina pero hindi ko na siya nasagot dahil natanaw kong bumababa sa hagdanan ang mag-ina ko. Mabilis ko silang sinalubong at binuhat si Tehm na nakasuot na ng panligo. He’ll swim today and we’ll just watch. “Dad, sa baba lang kami,” paalam ko na tinanguan lang naman ni Daddy kaya bumaba na kami sa dalampasigan. “Papa, let’s go!” malakas na sigaw ni Tehm saka tumakbo na patungo sa dagat. I slightly touched Yen’s elbow before following Tehm just to make sure that he’s fine. “Slow down,” paalala ko dahil hindi siya pwedeng mapagod ng husto. Sinenyasan ko ang maraming mga katulong at ibang mga bodyguards na magbantay sa kanya bago bum
Chapter 58 Thank you for making this far! I know that the progress of this story was very slow yet you are still here. Thank you so much! This will be Third’s POV and will also be the last chapter before the epilogue. Thank you! *** Facing a lot of businesses gave me a headache. I am still learning yet there are already a lot of problems that I must solve and I have no choice but to deal with it. But I need to breathe. I need to clear my mind first before I deal with those problems again. The fresh air of Laveda isn’t helping, though. Mas lalo lang akong naiinis. Ang kaunting-kaunti na pasensya ko ay mas lalo pang nababawasan. “Stupid maid,” inis na sambit ko nang umalis ang baguhan na katulong na biglang pumasok. I smirked pissfully. May katulong bang ganoon ang itsura? Marunong ba iyon ng mga gawaing bahay? O baka kaya siya nandito para sa ibang rason? Maybe, using her face for easy money? I immediately feel disgusted by the desperate moves of commoners. “Third, hindi ka
Chapter 57Isang linggo muli ang lumipas at napakiusapan ko si Third para kamustahin ulit si Tita. Pinayagan niya ako pero hindi sila kasama ni Tehm dahil may importante siyang meeting at si Tehm ay sinundo ng Mommy ng Lola niya. Pumunta ako sa lugar kung saan ko huling nakita si Tita na maraming dalang mga bodyguards dahil iyon ang gusto ni Third kaya hindi na ako umangal.May dala akong iilang groceries para ibigay para makatulong kahit kaunti.“Tita, natagalan po akong makabalik kasi may inaayos lang,” sabi ko nang makalapit sa kanila. Ngumiti siya ng marahan saka napatingin sa mga bodyguards na kasama ko kaya bahagya akong nakaramdam ng hiya.“Salamat dito, Yen. Sa kabila ng mga ginawa namin sa’yo ay nagiging mabuti ka pa rin. Patawarin mo sana kami sa lahat-lahat,” sabi ni Tita at marahan naman akong napangiti doon saka tumango ng dahan-dahan.Hindi ako kailanman nagtanim ng galit pero iba talaga kapag nakarinig ng paghingi ng paumanhin.“Wala po iyon, Tita,” nakangiting sabi ko
Chapter 56Tuluyan ko nang naamin sa sarili ko na nandito pa rin si Third sa puso ko. Hindi ko matukoy kung nakalimutan ko na ba siya noon at muli lang akong nahulog ngayon o hindi ako totoong nakalimot at mas lumalim lang ang nararamdaman ko ngayon.Pero hindi nawawala ang takot sa akin. Takot ako sa posibilidad na baka pilit lang akong tinatanggap at pinakikisamahan ni Third dahil may anak kami. Na hindi naman niya nararamdaman ang nararamdaman ko.Sobrang aga nang magising ako kinabukasan at tulog pa ang dalawa kaya walang ingay akong lumabas at dumiretso sa ibaba para magluto ng pagkain. Pero hindi pa ako nakakapag-umpisa nang matanaw ko ang pagsunod ni Third na may antok pa ring mga mata at parang hindi pa nagigising ng tuluyan.“You get up so early,” marahang sambit niya saka ako niyakap mula sa likuran at siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko.“Magtatrabaho ka ba ngayon?” tanong ko at hinayaan ko na siya sa ganoong posisyon.“No,” tamad na sagot niya saka ilang beses na sinin
Chapter 55Hindi nawala sa isipan ko ang nakita ko. Hindi ako makapaniwala na sina Tita iyon. Sinabi ko kay Kayla pero natuwa pa siya hindi kagaya ko na nakakaramdam ng awa. Nahihirapan rin ako pero hindi tulad nila na halos namamalimos at walang matirhan.“Karma nila ‘yan. Hayaan mo,” inis na sabi ni Kayla kaya huminga ako ng malalim at hanggang sa gumabi ay dala-dala ko iyon.Paano ko ulit sila makikita?Nakatulog na si Tehm habang ako ay nanatili pa ring mulat. Si Third ay abala sa laptop niya sa kabila pero nang mapansin niyang galaw ako ng galaw ay sinara niya iyon para tingnan ako.“You’re not sleepy yet?” marahang tanong niya saka lumipat siya sa tabi ko ng hindi nagigising si Tehm.“Wala,” mahinang sagot ko pero tuluyan na niyang pinagkasya ang sarili niya sa tabi ko. Sobrang sikip na kinailangan ko pang iusog si Tehm para tuluyan siyang maskasya.“What is it?” muling tanong niya saka nagsimulang patakan ako ng halik sa noo pababa sa ilong.“Sina Tita kasi,” mahinang sambit ko
Chapter 54 Naramdaman ko ang lambot ng kama sa likuran ko at hindi nagtagal ay napaungol ako sa bigat niya nang pumaibabaw siya sa akin. Patuloy pa rin kami sa paghahalikan pero hindi na ako makatugon ng maayos dahil nagsimulang maglakbay ang mga kamay niya sa katawan ko. Napaungol ako ng malakas nang marahang padaanan ng kamay niya ang kabilang dibdib ko. Bumaba ang halik niya patungong leeg ko at ang isang kamay niya ay tuluyan nang natagpuan ang dibdib ko. Mas lalong sumabog ang init ng sensasyon sa buo kong katawan nang dahan-dahang paglaruan ng kamay niya ang dibdib. I moaned so hard. At hindi ko napigilan ang pagkalmot sa likuran niya dahil sa sensasyong umaapaw. “I missed these. These are mine,” bulong niya nang matagpuan ng mga labi niya ang mga dibdib ko. He alternately sucked my breasts and I pulled his hair so much for that. Hindi siya tumigil hangga’t hindi siya nakukuntento. At nang makuntento sa dibdib ko ay dahan-dahang gumapang pababa ang mga labi niya. Napau
Chapter 53Napapikit ako ng mariin habang inaalala ang nangyari kanina. Kung hindi nagising si Tehm kanina ay hindi kami titigil sa paghahalikan. At ngayon ay hindi ko magawang makatingin ng diretso kay Third dahil doon.Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko. Ay hanggang sa ngayon ay tila ramdam ko pa rin ang lambot ng labi niya sa mga labi ko. Ramdam ko pa rin ang hapdi ng pagkagat niya sa ibabang labi ko. Nandito pa rin ang init at sensasyon na tila hindi mawala.Kahit kay Kayla ay nahihiya rin ako dahil nakita niya. At alam kong hindi siya titigil sa pang-aasar sa akin tungkol sa nangyaring iyon.“Pulang-pula ang labi mo. Halatang nakipaghalikan ka,” asar ni Kayla nang pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig.Bahagya ko siyang sinamaan ng tingin pero nginuso niya lang ang sala kung saan nandoon si Third ay Tehm. Bahagya naman akong lumingon doon pero kaagad ring nag-iwas ng tingin nang kaagad magsalubong ang mga mata namin ni Third.“Anong nararamdaman mo?” mahinang tanong ni Ka
Chapter 52“I’m hungry na,” dinig kong mahinang sambit ni Tehm at dahil doon ay unti-unti akong naalimpungatan pero sobrang lakas ng paghila sa akin ng antok kaya hindi ko tuluyang binuksan ang mga mata ko.“Breakfast isn’t cooked yet because it’s too early. Do you want to drink your milk while waiting?”“No, I want foods,” sambit ni Tehm at naramdaman ko ang pag-alog ng kama pero nanatili akong nakapikit dahil ayaw bumukas ng mga mata ko.“Fine, let’s find some food downstairs,” marahang sambit ni Third at rinig ko ang pagtalon ni Third mula sa kama at kasunod kong narinig ay ang pagbukas at pagsara ng pinto.Dahil doon ay unti-unti kong binuksan ang mga mata ko saka marahan kong nilibot ang tingin sa buong kwarto pero mag-isa na lang ako dito. Nakita ko ang maliit na orasan sa bedside table at nakita kong alas sais pa lang ng umaga.Dahan-dahan akong bumangon saka bahagya kong kinusot ang mga mata ko. At akma sana akong tatayo mula sa kama pero hindi natuloy dahil biglang bumukas an
Chapter 51Kakasimula pa lang kumain ay maraming ng mga tanong ang tinatanong nila kay Tehm. At halos kunot noo si Tehm na sinasagot iyon lahat na parang napipilitan pa.“How old are you, little guy?” marahan na tanong ng Daddy ni Third at inangat naman ni Tehm ang kamay niya at pinakita ang apat niyang daliri.“I hope you won’t grow up like your father. He’s masungit,” natatawang sambit ni Don Frederick.“I want to grow up like my Mama,” matigas na sagot ni Tehm habang kunot ang noo at natawa lalo si Don Frederick doon.Hindi ako makahinga ng maayos. Hindi ako kumportable sa mga nangyayari na halos hindi ako makakuha ng mga pagkain na nilalahad ng mga katulong. Gusto ko ng umuwi pero hindi ko pinahalata iyon. Nanatili na lang akong tahimik habang pinagmamasdan si Tehm.“By the way, inatake ba ulit ng asthma?” biglang tanong ni Mrs. Lizares sa seryosong boses saka siya tumingin sa akin ng diretso kaya napalunok ako ng mariin bago sumagot.“Hindi na po,” mahinang sagot ko na halos ibul