Petchay's POV"Chay-chay, kapag kailangan ni nanay ng pera bigyan mo ng piso. Charot lang, bigyan mo nang kaunti. Once a day lang, ha? Makinig ka sa ate," sunod-sunod kong utos kay Chay-chay habang naglalagay ng damit sa isang malaking maleta.Inikot niya ang gulong ng inuupuang wheelchair, saka kunot-noong lumapit sa akin."Ate, bakit nag-eempake ka? Aalis ka ba? Iiwan mo na ba kami?" malungkot na wika ni Chay-chay."Ano ka ba, girl. Kailangan natin to. May nakuha na kasi akong trabaho kaso stay in, kaya kailangan kong mag-empake.""B-Bakit wala ka namang sinabi sa 'kin, ate? Paano ako? Paano kami ni nanay?"Natigilan ako sa paglalagay ng damit sa bag, saka bumuntonghininga. Marahan kong hinakbang ang aking mga paa patungo sa kinaroroonan ni Chay-chay, saka lumuhod sa kanyang harapan.Ang totoo, masakit para sa akin na iwan sila, pero anong magagawa ko, hindi ba? Kailangan kong gawin ito para sa kanya. Para tuluyan siyang makalakad.Isang matipid na ngiti ang binigay ko kay Chay-chay
Read more