Petchay POV
NAKATITIG ako sa hawak kong calling card ng lalaking iyon, sabay sa paghithit ng sigarilyo.
Tulad ng dati at madalas ko nang ginagawa, nakatambay na naman ako sa labas ng bahay ngayong gabi. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang sinabi ng lalaking iyon. Kung seryoso man siya sa kanyang sinabi, bakit ko ito papatusin?
"Ate, nandito ka na naman? Baka lamigin ka. Pumasok ka na sa loob."
Agad kong pinasok sa aking bulsa ang hawak kong calling card nang lumabas si Chay chay mula sa bahay.
"O-Oo, tapusin ko lang itong yosi ko," tugon ko sa kanya.
Napabuntonghininga siya sa aking harapan bago muling magsalita.
"Masama sa kalusugan mo ang sigarilyo, ate."
"Alam ko, alam ko, isa lang naman, eh," tugon ko sa kanya saka muling hinithit ang hawak ko.
"Tsk. Bahala ka nga," aniya.
Hinawakan ni Chay chay ang gulong ng kanyang wheelchair, saka tumalikod sa akin. May kung anong kirot ang naramdaman ko sa puso nang makita ko ito.
"One million pesos."
Nanlaki ang aking mga mata nang may kung anong bumulong sa aking isip at tila narinig ko ang boses ng lalaking si Troy. Pakiramdam ko ay minumulto niya ang utak ko ng halaga na sinabi niya sa akin.
Masiyadong malaki ang halagang iyon at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Sa perang iyon, maaari ko nang mapa-therapy ang kapatid ko.
"Chay chay," bigla kong wika, dahilan upang tumigil si Chay chay sa paglayo sa akin. Hindi ko rin alam sa sarili kung bakit bigla ko na lang siyang tinawag.
"Bakit, ate?" nagtatakang tanong niya.
"G-Gusto mo bang makalakad ulit?"
Nakakunot ang noo ni Chay chay habang nababakas ang maraming tanong sa kanyang mukha.
"S-Siyempre naman, ate. Gustong-gusto ko," naluluha pa niyang wika.
Nagsimulang sumikip ang aking dibdib nang makita ko ang pagkinang ng kanyang mga mata. Doon ako nagsimulang magkaroon ng lakas ng loob para matupad ang nais ng kapatid ko.
Ako ang dahilan ng nangyari sa kanya. Ako rin ang dapat umayos nito.
Matapos kong itapon at tapakan ang yosi sa sahig. Mabilis akong lumapit sa aking kapatid saka lumuhod sa kanyang harapan.
Marahan kong binalot ang kanyang katawan sa aking bisig at mahigpit siyang niyakap.
"A-Ate, may problema ba?" nagtataka niyang tanong.
"Wala naman, Chay chay. 'Wag kang mag-alala. Pinapangako kong makakalakad kang muli. Gagawin ko ang lahat para sa 'yo," wika ko sa kanya.
Hindi naman siya nakapagsalita dahil sa aking sinabi, bagkus, yumakap lang siya sa akin pabalik, animoy nagpapasalamat sa 'kin.
***
Nang gabing iyon, nang masigurado kong tulog na sina nanay at Chay chay, agad kong tinawagan ang lalaking nakausap ko kanina.
Hindi naman lumipas ang isang minuto nang sagutin niya ang tawag ko.
"H-Hello," panimula kong wika.
"Sino to?" bungad niya sa 'kin.
"Ako si Charmaine," tugon ko.
Sandaling bumalot ang katahimikan sa pagitan namin, ngunit maya-maya lang ay nagsalita na rin siya.
"Nakapagdesisyon ka na ba–"
"Sigurado ka ba sa isang milyong piso na sinasabi mo? Baka gusto mong gawing dalawa?" pagputol ko sa kanyang sinasabi.
Narinig ko pa ang malalim niyang paghinga mula sa kabilang linya bago muling nagsalita.
"Sige, kung iyan ang gusto mo."
Mariin akong napalunok dahil sa seryoso niyang pagsasalita. Kinuyom ko ang aking kamay saka hinugot ang lahat ng lakas ng loob na kayang ibigay ng aking puso.
Binukas ko ang aking labi, saka sinabi ang lahat ng detalye na nais ko. Nagsabi ako ng lugar kung saan kami maaaring magkita upang i-close ko ang deal sa kanya.
Matapos ang mahabang pag-uusap. Tiningnan ko ang aking cell phone at binuksan ang wifi. Tiningnan ko kung bukas ang wifi ng kapit bahay at doon ako naki-connect. Mabuti na lang at malakas ang pandinig ko dahil narinig kong pinag-uusapan nila ang password nito noong isang araw kaya agad kong na-save.
Gamit ang internet, nag-search ako at hinanap ang pangalang Troy Montreal. Mabilis na nanlaki ang aking mga mata nang mabasa ko ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya. Hindi siya nagbibiro, isa nga siyang mayamang tao at mukhang barya lang sa kanya ang dalawang milyon. Dapat pala mas nilakihan ko pa ang presyo ng Kiffy ko.
Nakatakip pa ng kamay ang aking labi upang hindi marinig nina nanay ang malakas kong paghinga dahil sa gulat sa mga bagay na aking nababasa.
‘Grabe pala talaga ang yaman ng lalaking iyon.’
Halos hindi na ako makatulog kaiisip sa mga nakasulat na article tungkol sa kanya. Wala siyang asawa at higit sa lahat, never siyang nagkaroon ng girlfriend.
Thirty-years old, halos ka-edaran lang namin ni Chay chay. May height siyang five eleven, kaya pala halos nakatingala na ako habang tinitingnan siya. five seven lang ang height ko, hindi naman maliit.
Ngunit isang bagay ang tumatakbo sa aking isip. Kung five eleven ang height niya, ilang inches kaya ang nakatagong b****a sa likod ng pantalon niya?
Mariin kong iniling ang aking ulo dahil sa mga kalokohang bagay na naiisip ko.
‘Hindi ito ang panahon para sa ka-manyakan, Petchay! Focus tayo sa goal,’ bulyaw ko sa sarili.
Nagmadali na akong humiga sa higaan at pilit na natulog.
***
Sa pagsapit ng umaga, hindi na ako nagpaalam pa kay nanay at kay Chay chay. Naglinis na ako ng katawan at nag-ayos ng sarili, saka sumakay sa taxi at nagtungo sa restaurant na sinabi ni Troy.
Patungo palang ang sinasakyan kong taxi sa lugar kung saan kami magkikita, namamangha na ako sa paligid dahil mga sosyal na sasakyan ang nakakasalubong ko.
Hanggang sa maya-maya lang, tuluyan na kaming nakarating sa patutungohan.
Mariin akong napalunok habang minamasdan ang malaki at mamahaling restaurant na nasa aking harapan. Kita ang loob nito dahil glass wall lang ang paligid. Walang tao sa loob at tila nirentahan ang buong lugar.
Sa paglibot ng aking paningin sa loob, natamaan ng aking mata ang lalaking naghihintay sa 'kin – si Troy.
Kinuyom ko ang aking kamay saka mariing napalunok ng laway.
Wala nang atrasan ito, Petchay. Nandito na tayo. Marami na tayong sinakripisyo at kailangan kong gawin ito para sa kapatid ko.
Hinawakan ko ang aking dibdib. Sa dami ng pagsubok na pinagdaan ko, ngayon lang ako kinabahan nang ganito.
Sinimulan kong ihakbang ang aking paa at naglakad papasok sa loob ng restaurant.
"I'm here," panimula kong sabi kay Troy nang makalapit ako sa kanyang kinaroroonan.
Marahan namang tumaas ang kanyang ulo at nagtama ang tingin namin sa isa't isa.
"Seat down," ma-otoridad niyang utos.
Umupo naman ako at nagpakita ng malaking ngiti sa labi.
"So, paano ko malalaman na totoo ang mga sinasabi mo?" panimula kong tanong sa kanya.
Maya-maya lang, may kung anong papel ang kinuha niya sa loob ng bag at nilapag sa lamesa na nasa aming harapan.
Tumaas ang aking kilay nang makita ang nakasulat sa papel na ito, ang halagang aming napag-usapan.
‘Seryoso nga talaga siya,’ wika ko sa sarili.
Nilapat ko ang aking hintuturong daliri sa cheque na nilapag niya at aktong kukunin na ito. Ngunit nang hilahin ko ang papel na ito, agad niya rin itong binawi at nilabas ang isa pang papeles.
"Sign this contract first. Kailangan mong sumunod sa gusto ko kapalit ng perang ito."
Kunot-noo akong nakatingin sa kanyang mukha, saka muling titingin sa papel na nasa aming harapan.
"Tsk. Sigurista ka rin, ano?"
Napa-smirk na lang siya sa aking sinabi, saka tumaas ang gilid ng labi. Muntik nang matunaw ang aking puso sa ngiti niyang iyon. Hindi talaga ako makapaniwalang hindi pa nagkakajowa ang lalaking ito.
He's perfect. His eyebrows, hawkish nose, concrete jawline, red lips like apple. Ano pang hahanapin mo sa lalaking ito? Pwera na lang talaga kung maliit si totoy.
"Charmaine?" pagtawag niya sa aking pangalan na nagpaputol sa mga bagay na aking iniisip.
"H-Ha? Ah. Oo, sige," nauutal ko pang wika.
Kinuha ko ang papel na nasa kanya saka mabusising binasa ito. Sunod-sunod ang pagtaas ng aking kilay at pagkunot ng noo habang binabasa ang mga bagay na nakasulat dito.
Nakasaad sa papeles na kailangan kong sumama sa kanya, manirahan kasama siya hanggang sa araw na magkaroon kami ng anak. Nakasaad din dito na kung magkakaroon kami ng anak, sa kanya mapupunta ang bata sa oras na nais ko nang humiwalay sa kanya.
‘Anong klasing kontrata to? Parang halos lahat ay pabor sa kanya?’
Ang totoo, wala naman akong pakialam kung magkaroon kami ng anak o sa kanya mapunta ang bata. Importante sa akin ang pera na magpapagaling sa kapatid ko. Hindi ko lang talaga alam kung handa na ba ang katawang lupa ko para maging isang ina. Isipin ko palang, kinikilabutan na ako.
Wala pa kasi talaga sa aking isip ang magka-anak. Pero bahala na, ayoko ring matali sa isang relasyon kaya mas okay na siguro ang ganito.
Nilagdaan ko ang papeles na nasa aking harapan, saka marahang tinulak ito patungo sa kanya gamit ang mapilantik kong daliri.
Pinag-intertwined ko ang daliri sa aking kamay saka pinatong ang aking baba rito. Isang ngiti ang binigay ko sa kanya saka nagtapon ng may mapang-akit na tingin.
"Now tell me, can you satisfy my need as a woman?" tanong ko sa kanya. Tila napuno naman ng pagtataka ang kanyang mukha na nagpakunot din sa aking noo. "Sandali, don't tell me you're a virgin?" natatawa ko pang tanong.
Nagsimulang mamula ang kanyang mukha hanggang sa kanyang tainga.
Bumulalas ako ng tawa nang makita ko ito dahil alam ko na agad ang sagot.
"Oh em gee! Seryoso?!"
"Sa tingin ko ay hindi mo na kailangan i-bring up ang bagay na iyan," pag-iwas niya ng tingin sa akin saka inayos ang necktie niya.
Pigil ang aking pagtawa habang tinitingnan ko si Troy.
"Okay, I'm sorry," saad ko sabay pahid sa butil ng luha na tumakas sa aking mata dahil sa aking pagtawa. "By the way, now that the deal is closed, pwede ko na bang makuha iyan?" pagtukoy ko sa cheque na nasa kamay niya."
"Okay," maiksi niyang tugon sabay bigay nito sa akin. "Huwag kang magkakamaling takasan ako. Kayang-kaya kitang kasuhan," pananakot niya.
"Yeah! I know." Sabay sa pagtango-tango ng aking ulo.
Tila kumikinang naman ang aking mga mata habang nakatingin sa cheque na nasa aking kamay.
Sa wakas, matutupad ko na lahat ng pangarap ko.
Petchay's POV"Chay-chay, kapag kailangan ni nanay ng pera bigyan mo ng piso. Charot lang, bigyan mo nang kaunti. Once a day lang, ha? Makinig ka sa ate," sunod-sunod kong utos kay Chay-chay habang naglalagay ng damit sa isang malaking maleta.Inikot niya ang gulong ng inuupuang wheelchair, saka kunot-noong lumapit sa akin."Ate, bakit nag-eempake ka? Aalis ka ba? Iiwan mo na ba kami?" malungkot na wika ni Chay-chay."Ano ka ba, girl. Kailangan natin to. May nakuha na kasi akong trabaho kaso stay in, kaya kailangan kong mag-empake.""B-Bakit wala ka namang sinabi sa 'kin, ate? Paano ako? Paano kami ni nanay?"Natigilan ako sa paglalagay ng damit sa bag, saka bumuntonghininga. Marahan kong hinakbang ang aking mga paa patungo sa kinaroroonan ni Chay-chay, saka lumuhod sa kanyang harapan.Ang totoo, masakit para sa akin na iwan sila, pero anong magagawa ko, hindi ba? Kailangan kong gawin ito para sa kanya. Para tuluyan siyang makalakad.Isang matipid na ngiti ang binigay ko kay Chay-chay
"Mabuti naman at nandito ka na. We should talk about something."Halos lumundag ang puso ko nang marinig ang tinig ni Troy, dahilan upang mapalingon ako sa kanya. Nanlaki ang aking mga mata nang makitang nakatapis lang siya ng tuwalya."B-Bakit hindi ka muna nagbihis?" tanong ko saka tumalikod.Nakapagtataka. Sa totoo lang, ilang beses na akong nakakita ng talong, pero ngayon lang ako nahiya nang ganito. A-Ano ba ang mayroon sa lalaking ito?Hinawakan ko ang aking dibdib, saka naramdaman ang mabilis na tibok ng aking puso.Kumunot ang noo ni Troy habang kamot ulong nakatingin sa akin."I'm sorry, akala ko kasi ay sanay ka na sa mga ganito bagay," aniya.Narinig ko ang paglakad ni Troy. Lihim akong sumilip sa kanya at nakita kong pumasok siya sa isang walk-in closet. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang wala na siya sa aking harapan."Ano bang nangyayari sa 'yo, Petchay? Feeling virgin ang peg? Kasya na nga yata limang talong sa kuweba mo," pagsermon ko sa sarili dahil sa inakto ko
Petchay POVWALANG gana kong nilagay ang chewing gum sa bibig upang mawala ang amoy ng laway ng huling lalaki na aking naikama. Nag-toothbrush naman na ako ngunit sadyang makapit ang kanyang amoy. Mariin kong ninguya ang bubblegum at walang ano-anong umupo sa harap ng counter kung saan nandoon ang lalaking bartender nitong bar na aking pinagtatrabahuhan.Ang mga tao sa paligid ay nagsisipagsayawan at tuluyang hinayaan ang sarili na malunod sa espirito ng alak. Ganito ang araw-araw na eksena ng aking buhay, maingay, magulo, at puno ng init sa katawan."Oh, para kang nalugi, Petchay. Hindi ka ba nag-enjoy sa customer mo?"Tinapunan ko ng matalas na tingin ang lalaking nagsalita sa aking harapan. Animoy nang-aasar pa ang kanyang mga ngiti at alam na alam niya ang sinisigaw ng aking mukha."G*go! Sinong mag-eenjoy sa jutay, aber!? Bwisit na 'yon! Five inches na nga lang, hindi pa marunong dumila," iritable kong wika sabay buntonghininga.Isang malakas na tawa ang aking narinig. Sasapakin
Petchay POV ISANG hithit at buga ang ginawa ko sa hawak na sigarilyo. Nakatingin ako sa malayo habang ninanamnam ang lamig ng gabi. Buwan lang ang nagsisilbing liwanag sa paligid kasabay ng malalim kong iniisip. "Ate, hindi ka pa ba papasok?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig na iyon, saka ko nakita ang kakambal kong si Charmaine ngunit madalas ko siyang tawagin sa palayaw niyang chay chay. Tinatawag niya akong ate dahil mas una akong nilabas mula sa kikiam ni nanay, pero ang totoo ay kambal talaga kami. "Pumasok ka na sa loob, baka mahamugan ka pa," pagtataboy ko sa kanya. Ngunit imbis na lumayo, mas lumapit pa siya sa 'kin. Hinawakan niya ang gulong ng bagay na kanyang kinauupuan, saka ito pinaikot patungo sa aking harapan. Oo. Ang kakambal ko ay hindi nakakalakad at ako ang may kasalanan. Tanging wheelchair na lang ang nagsisilbing paa niya, kaya kung minsan, ayoko na lang siyang tingnan dahil naaalala ko lang ang masakit na araw na iyon "Ano bang iniisip mo, ate?"
Petchay POV "Ang sikip mo naman, baby. Ilang beses na kitang nilawayan ayaw pa ring pumasok." Muli kong dinilaan ang dulo at sinubukang itutok sa butas ang hawak ko. "Ooh~" with feelings kong pag-ungol nang sa wakas ay maipasok ko ito. "Aray!" Halos masubsob ang aking mukha nang batukan ako ng kapatid kong si Chay chay. "Ate, magsusuot ka lang ng sinulid sa karayom. Kailangan talaga may ungol?" wika ni Chay chay saka inikot ang gulong ng kanyang wheelchair at nagtungo sa harap ng hapag-kainan. "Ang KJ nito. Hindi ba pwedeng nilalagyan ko lang ng emosyon ang lahat ng bagay na ginagawa ko?" sarkastikong tugon ko sa kanya. Matapos kong tahiin ang napunit kong panty, agad na rin akong nagtungo sa kusina at naghanda nang mag-ayos ng makakain. Ang hinayup*k kasi ng last customer ko kahapon. Pwede namang hindi wasakin ang panty ko at marahang tanggalin. Bakit kasi dalang-dala sa emosyon niya at may pagpunit pang naganap? Akala ba niya mura ang panty? Hindi naman niya binayaran matapos