Kinabukasan ay wala ako sa sarili, hindi ako nakatulog ng maayos magdamag dahil sa kakaisip. Gusto kong makausap si Blake ngunit malalim na ang kaniyang tulog kagabi. May mga sandali pa na siya ay nagigising at iiyak ngunit ang kaniyang mga mata ay nananatiling nakapikit. Hindi ako mapakali at mapanatag sa kakaisip kung nasaan si Eva, kung kumakain ba siya, ayos lang ba siya at kung nasa maayos ba siyang lugar, wala akong alam. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nangyari ito, kung sana ay isinama ko na lang siya, kung sana ay hindi ako napanatag sa sinabi ni Blake, siguro ay masaya kami ngayon at kasama namin siya rito sa bahay. "Kamusta anak? Nakauwi na ba ang apo ko?" mahinang sambit ni papa umaga nang napag desisyunan kong bumangon na lang dahil hindi talaga ako dinalaw ng antok, nagtungo ako sa kusina at nag timpla na lamang ng kape. "Hindi pa po, pa." buntong hininga ko. Now that papa asked, bigla akong nakaramdam ng panghihina. Nangilid ang luha sa mga mata ko at unti unti
Read more