Home / Romance / Contractual Marriage With My Ex / Chapter 61 - Chapter 70

All Chapters of Contractual Marriage With My Ex: Chapter 61 - Chapter 70

95 Chapters

CHAPTER 60

THIRD POV Nang dumating si Chloe sa ospital ay nagpaalam muna si Trevor kay Emerald. Kailangan na niyang makausap ang kaniyang ama dahil sa mga nangyayari. Kailangan niyang makumpirma kung tama nga ba ang hinala niya na may relasyon ang ama niya at ang stepmother ni Emerald. Ngunit bago pa man siya makarating sa opisina ng kaniyang ama ay nakatanggap siya ng tawag mula sa investigator. “Mr. Carter, nahanap ko na po ang driver ng truck nanakabangga sa taxi noon.” Kaya imbes na puntahan ang ama ay mas inuna ni Trevor na puntahan ang driver na nakabangga sa sinasakyan ng ina ni Emerald. Nasa kalapit na probinsya lamang ito kaya wala pang isang oras ay nakarating siya sa isang barong-barong na bahay. Isang lalaki na may katandaan na ang nakita niyang nagwawalis sa harap ng bahay. Tiningnan niya ang litratong hawak niya at doon niya nakumpirma na ito na ang taong hinahanap niya na siyang makakasagot sa mga tanong niya. “Mr. Dela Cruz.” Nang makita siya ng lalaki ay akmang tatakbo ito
Read more

CHAPTER 61

THIRD POV Dahil sa sobrang pagkagulat sa kaniyang nalaman ay hindi na alam ni Trevor kung paano siya nakarating sa harap ng building ng TAC Group of Companies. Nakatayo lamang siya sa entrance habang nakatitig sa kawalan. “Good morning po, Sir Trevor.” Ang bati ng mga empleyado ang nakapagpagising sa kaniya. Ngumiti siya sa mga ito at saka lakas loob na naglakad papasok. Sigurado siyang nasa opisina nito ang kaniyang ama. Hindi siya sigurado sa gagawin niya ngunit hindi niya kayang itago lang sa ama ang mga nalaman niya. “Papa, busy ka po ba?” “Nope. Actually, papunta na ako sa ospital dahil nabalitaan ko ang nangyari kay Ricky. Teka, bakit nandito ka? Hindi mo sinamahan si Emerald?” nagtatakang tanong naman sa kaniya ng ama. “Papa, kailangan po nating mag-usap,” seryosong sabi pa niya. “Importante ba ‘yan, Hijo? Alam mo bang kinansela ng papa mo ang mga appointment niya ngayon dahil sa nangyari kay Ricky,” singit sa kanila ni Anna na kapapasok lang din ng opisina. Hindi luming
Read more

CHAPTER 62

FLASHBACK “Good morning po, Sir Ricky.” Tumango lamang si Ricky nang binati siya ng taong inutusan niya upang imbestigahan ang kaniyang asawa. Halos dalawang linggo na rin itong nakasubaybay kay Haidee at ngayon lamang ito nagpakita sa kaniya upang mag-report. Hindi man gusto ni Ricky ang ipinapagawa niya ngunit ilang linggo na siyang hindi mapakali. May ilang beses kasi niyang nahuli ang asawa na tila may kausap sa cellphone. Napapadalas din ang pag-alis nito at wala siyang ideya sa pinupuntahan nito. “Any news?” walang emosyong tanong niya sa tauhan niya. “Sir Ricky, madalas pong nagpupunta ang asawa niyo sa isang eksklusibong village. Hindi ko po ito masundan hanggang sa loob dahil sa sobrang higpit ng security. Ngunit sa tuwing lumalabas na sa village niyo ang asawa niyo, may kasunod po ito laging isang sasakyan na tinted ang bintana kaya hindi ko po masiguro kung lalaki ang nagmamaneho nito. Sinubukan ko pong sundan ang sasakyan ngunit nakahalata yata ito dahil nagawa nitong i
Read more

CHAPTER 63

“Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Papa at Audrey ang mga nalaman ko,”mahinang sabi sa akin ni Trevor matapos niyang ikwento sa akin ang mga nalaman niya. Hindi ko na napigilan pa ang mapaluha. Sobra-sobra ang mga nalaman ko ngayon at hindi ko rin alam kung anong ire-react ko. Kagigising lang ni Papa at hindi pa siya makapagsalita. Wala siyang kakayahan na sabihin sa akin kung ano ba talagang dahilan ng atake niya. Hindi ko alam kung hanggang saan ang nalaman ni Papa tungkol kay Tita Haidee. At ngayon nga ay nalaman kong ang stepmother ni Trevor ang kalaguyo at kasabwat ni Tita Haidee sa aksidenteng nangyari kay Mama. Kung tutuusin ay malaking bagay ang driver ng truck upang madiin si Tita Haidee. Ngunit kaakibat noon ay ang pagkasira rin ng pamilya ni Trevor. At hindi ko alam kung paano iyon tatanggapin ni Audrey at ni Tito Ricky. Walang problema sa akin kung masira man ang pamilya ni Papa dahil hindi deserved ni Papa ang isang katulad ni Tita Haidee. Hindi ako mangingiming
Read more

CHAPTER 64

Halos dalawang oras din akong nakaupo lamang sa may puntod ni Mama. Kusa na lang ding tumigil ang mga mata ko sa pagluha. Sinadya ko ring patayin muna ang phone ko upang walang makaabala sa akin. Sinigurado ko naman kay Trevor na ayos lang ako para hindi siya mag-alala. Alam niyang pareho naming kailangan ng time at space para mas makapag-isip. We needed each other before, but for now, it might be better this way, ang magkalayo muna kami pansamantala.Nagpasya na akong tumayo sa pagkakaupo. Inayos ko rin ang sarili ko dahil babalik na ako sa ospital. My father needs me there.“Bibisita na lang po ulit ako, Mama. Mahal na mahal po kita at miss na miss na po kita.”Humakbang ako palayo ngunit dahil sa pagka-absentminded ko ay hindi ko napansin na may kasalubong ako. Bumalik lang ako sa huwisyo nang hawakan ng kasalubong ko ang braso ko.“Emerald.”Tumingin ako sa kaniya at bahagya akong nagulat. “Gino, ikaw pala ‘yan.”Si Gino, ang ka-teammate ni Trevor dati at ang lalaking tumulong sa
Read more

CHAPTER 65

"Where are you? Wala ka dito sa ospital," bungad sa akin ni Trevor nang sagutin ko ang tawag niya. Napabuntong hininga naman ako. "Pabalik na ako pero may kailangan lang akong kausapin. May gagawin ka pa ba?" balik tanong ko naman. "I canceled my other appointments. Gusto mo bang samahan kita?" seryosong tanong naman niya sa akin. "No, it's okay, Trev. Mabilis lang ako at babalik din ako agad dyan." "Okay sige. Mag-iingat ka at tawagan mo ako kung kinakailangan. I love you, Emerald." "I love you, Trevor." Ibinaba ko na ang tawag at nagsimula nang magmaneho. Pagkatapos kasi naming mag-usap ni Gino ay saktong may tumawag sa akin, ang abogado ni Papa. Hindi niya sinabi sa akin kung bakit gusto niyang makipagkita sa akin ngunit sinabi niyang wala dapat makaalam ng pagkikita namin. Wala akong ideya kung anong agenda niya dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakausap ko siya. Malapit lang ang lugar na pagkikitaan namin kaya wala pang kalahating oras ay nakarating na ako agad.
Read more

CHAPTER 66

“Are you ready?” Napatingin ako kay Trevor nang pumasok siya sa kwarto namin. Katulad ko ay nakabihis na rin siya dahil may mga meeting siya sa kumpanya nila. Ako naman ay nakabihis na rin dahil ngayong araw na ang board’s meeting para sa pag-elect ng bagong CEO ng kumpanya ni Papa. Katulad ng sinabi ni Attorney kahapon ay si Tita Haidee ang nagpatawag niyon dahil ayon sa kaniya ay wala nang kakayahan si Papa na patakbuhin ang kumpanya dahil sa kondisyon nito. Sa tuwing naiisip ko iyon ay mas lalo akong nakakaramdam ng galit sa stepmother ko. Sagad sagaran na ang panloloko niya kay Papa. “Hindi ako sigurado kung kakayanin ko ba ang responsibilidad ngunit kailangan kong gawin ito dahil mahalaga kay Papa ang pinaghirapan niya,” seryosong sabi ko. Lumapit sa akin si Trevor at mahigpit na niyakap. “Of course, you can do this, Emerald,” pagpapalakas ng loob niya sa akin. “Would you help me? I need your expertise in managing a business,” seryosong sabi ko pa. Isa rin sa dahilan kung baki
Read more

CHAPTER 67

Matapos ang meeting ay lumabas na ako agad ng conference room. Binigyan ng board ang management ng isang araw upang ayusin ang magiging opisina ko upang makapagsimula na ako sa Villafuente Corporation. Agad ko rin namang ipinaalam kay Trevor na ako na ang CEO ng kumpanya ni Papa, at katulad ko ay alam kong magkahalong tuwa at takot ang nararamdaman niya. Mas lalo kasing nalalagay sa alanganin ang kaligtasan ko dahil sa pangyayaring ito. “Emerald, binabati kita,” nakangiting sabi sa akin ni Attorney Aranza na kasabay ko sa paglalakad. Bahagya naman akong napangiti. “Hindi naman po mangyayari ito kung hindi rin dahil sa inyo. Maraming salamat po dahil isa kayo sa mapapagkatiwalaan ni Papa,” seryosong sabi ko pa. “Ginagawa ko lang ang trabaho ko bilang abogado niya, at bilang kaibigan niya,” nakangiting sabi naman niya sa akin. “Emerald!” Sabay kaming napalingon ni Attorney Aranza kay Brenna na humahangos palapit sa akin. Naroon pa rin ang galit sa mga mata niya kaya awtomatikong pum
Read more

CHAPTER 68

THIRD POVMatapos ang meeting ay naiwan sa conference room ang mag-ina. Pareho silang nanggagalaiti sa galit dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Inuli ulit pang basahin ni Haidee ang mga dokumentong nagpapatunay na si Emerald ang major shareholder ng Villafuente Corporation. Kahit anong gawin niyang pagbasa sa mga ito ay legal at totoo nga ang mga nakasaad dito.“Sinabi niyong hindi niya maaagaw sa akin si Trevor at naniwala ako doon. Ngayon naman, ang company ni Papa, nasa kaniya na,” walang emosyong sambit ni Brenna.“Hindi ko alam kung paanong nakalusot ito sa akin. Napakatagal kong niligawan ang mga investors na ibenta sa akin ang shares nila,” dismayadong sabi naman ni Haidee.“Hindi niyo po ba nakikita, Mama? Sinadya ni Papa na ipagkatiwala sa kaniya ang kumpanya,” naiiyak na sambit pa ni Brenna.Naikuyom ni Haidee ang kaniyang mga kamao. Marahil ay matagal nang alam ng kaniyang asawa na may karelasyon siyang iba kaya gumawa na ito ng hakbang bago pa siya nito komprontahin. Hi
Read more

CHAPTER 69

"Papa, nangyari na po ang gusto niyo. Ako na po ang CEO ng kumpanya niyo," nakangiting sabi ko kay Papa habang hawak ko ang kamay niya.Nakalabas na siya ng ospital at dito sa bahay niya siya nagpapahinga. Kumuha ako ng personal nurse niya at inatasan ko rin si Nanay Linda na bantayan si Papa. Palihim din akong naglagay ng CCTV sa kaniyang kwarto nang sa gayon ay mabantayan ko rin siya kahit nasa malayo ako. Noong una nga ay tinutulan ito ni Tita Haidee ngunit ang doctor na rin ang nagsabi na kakailanganin talaga ni Papa ng isang nurse.Ngumiti naman sa akin si Papa at kahit wala pa siyang kakayahan na makapagsalita ay alam kong masaya siya sa ibinalita ko. Gustong gusto ko nang makabalik ang kakayahan niyang makapagsalita dahil alam kong marami siyang nais sabihin sa akin.Dahil sa ikinabit kong camera sa kwarto niya, nakita ko kung paano siya sinigawan ni Tita Haidee dahil sa ginawa niya kaya ako ang CEO ngayon. Dinuro duro pa siya nito na halos ikadurog ng puso ko. Mabuti na lamang
Read more
PREV
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status