THIRD POV “Mabuti na lamang na mas pinili ni Trevor na huwag mangialam sa kumpanya,” pagbasag ni Haidee sa katahimikan. Kasalukuyan silang kumakain ng hapunan ng kaniyang anak na si Brenna. At simula kaninang umaga ay ngayon lang sila magkakausap ulit ng anak. “Hindi ka na dapat pang mangamba dahil ikaw pa rin ang CEO,” sarkastikong sagot naman sa kaniya ni Brenna. “Brenna, sa halip na tayong dalawa ang magkakampi ngayon ay bakit parang kinakalaban mo na ako? Ano bang gusto mong mangyari?” hindi makapaniwalang sambit niya sa anak. Napailing naman si Brenna. “Honestly, hindi ko na rin po alam kung ano bang gusto ko. Kumpanya? Si Trevor? Si Papa? Ewan ko, Mama. Nawala nga si Emerald ngunit tila minumulto naman niya ako.” Napatigil sa pagkain si Haidee at saka takot na tumingin sa anak. “Minumulto ka rin niya?” hindi makapaniwalang tanong niya. “I mean, hindi siya tuluyang nawala dahil hindi ko pa rin makuha ang mga inagaw niya sa akin. Pero teka, what do you mean about minumulto ri
Magbasa pa