BRENNA’S POV “Brenna, tama na ‘yan. Lasing ka na,” seryosong sabi sa akin ni Cheska na kanina pa ako pinipigilan sa pag-inom ko. Marahan akong napailing. Tanging ang alak ang sa tingin ko ay kakampi ko ngayon. Hindi ko alam kung paano humantong sa ganito ang buhay ko. Buong akala ko ay magiging maayos na ang lahat sa oras na mawala sa buhay ko si Emerald ngunit tila naging baligtad ang lahat. Lalong lumayo ang loob sa akin ni Papa at parang wala nang pakialam si Mama sa kaniya. Ang tanging mahalaga na lamang kay Mama ay ang kumpanya. Mas lalong hindi ko na rin nalapitan si Trevor. Kung noon ay may malaking harang na pumapagitna sa amin, ngayon naman ay tila may sarili na siyang mundo na mas lalong hindi ko na kayang abutin pa. Mas lalong naging imposible na mapansin niya ako. “Hindi ko alam kung nagce-celebrate ka ba o naghihinagpis,” iiling iling na sabi pa ni Cheska. Mapait akong napangiti. “Kung tutuusin nga ay dapat masaya ako dahil wala na si Emerald. Akala ko makukuha ko na
THIRD POV “Thank you, Trevor,” nakangiting sabi ni Brenna nang makarating silang dalawa sa harap ng bahay ng mga Villafuente. Inabot din ng halos tatlong oras ang pag-uusap nilang dalawa habang umiinom sa bar. Hindi ganoon nalasing si Brenna dahil sinamantala niya ang pagkakataon na makausap ng mahabang oras ang binata. Sa unang pagkakataon ay tila naging open ito sa kaniya na labis niyang ikinatuwa. Hindi rin gaano uminom si Trevor dahil may dala itong sasakyan at nagprisinta pa ito na ihatid siya. Iniwan na lamang ni Brenna ang kaniyang sasakyan sa kaibigan na si Cheska na siyang may-ari ng bar. “Brenna, I don’t want to rush things. Lalo na at kamamatay lang ng asawa ko. Ayokong paasahin ka,” seryosong sabi naman ni Trevor kay Brenna. Marahan namang umiling si Brenna. “Hindi naman ako nagmamadali, Trevor. Ang mahalaga ay kinakausap at pinapansin mo na ako. Siguro naging padalos dalos ako noon sa ‘yo kaya hindi mo ako nagustuhan. But I promise you, I will take it slowly” mabilis
THIRD POV“Really? Masyado namang natutuwa ang kapatid ko sa atensyon na ibinibigay mo,” baritonong sambit ni Emerald matapos na ibaba ni Trevor ang tawag.Bahagya namang napangiti si Trevor. “Hayaan mo na. Mas mabuti nga iyon na pinagkakatiwalaan niya ako,” sagot pa niya.Umirap naman sa kaniya ang asawa at tuluyang ibinaba ang kutsarang hawak. Kasalukuyan kasi silang kumakain dahil halos kakauwi lang ni Trevor sa bahay na pinagtataguan niya kay Emerald.“Hindi pa ba sapat ‘yong ilang oras kayong magkasama sa bar? Ni hindi na nga niya naisip na baka may makakita sa inyo, knowing na bayaw ka niya,” iiling iling na sambit pa ni Emerald.Mas lalo namang napangiti si Trevor. Natutuwa siyang nakikitang naiinis ang asawa dahil sa plano niyang pakikipaglapit sa kapatid nitong si Brenna. Ayaw niyang inisin ang asawa ngunit hindi niya mapigilan na inisin pa ito lalo.“Well, okay naman pala siyang kausap. I mean, hindi siya katulad ng dati na trying hard na magpapansin sa akin.”Padabog na tuma
THIRD POVMasayang masaya si Brenna na umalis ng kanilang bahay dahil pumayag si Trevor na sabay silang mag-almusal. Isasangguni rin kasi niya ang mga kakaibang ikinikilos ng ina nitong mga nakaraang araw. Sasamantalahin niya ang pagkakataon at gagamitin ang dahilan na iyon upang magkaroon sila ng komunikasyon ni Trevor. Hindi rin niya maiwasan ang matuwa sapagkat sa kaniya personal na lumapit ang ina ni Trevor upang bantayan ang binata. Sisiguraduhin niyang mahuhulog na ang loob sa kaniya ni Trevor gaya ng matagal na niyang pinaplano.Nagpa-reserved siya sa isang restaurant upang doon sila magkita ni Trevor. Wala na siyang pakialam kung may makakita mang iba sa kanila. Hindi rin naman tumutol si Trevor tungkol doon na mas lalo niyang ikinatuwa. Pagkarating nga niya doon ay bahagya pa siyang nagulat dahil nandoon na pala si Trevor. Nang makita siya nito ay ngumiti at kumaway pa ito sa kaniya.“Sorry, pinaghintay ba kita?” alanganin niyang tanong sa binata nang makaupo siya.Mabilis nam
THIRD POVDahil sa napag-usapan nilang dalawa ay mabilis na pinuntahan ni Brenna ang kaniyang ina sa opisina nito. Ngayon kasi ay napagtanto niyang tanging si Trevor lang ang makakatulong sa kaniya. Ayaw man niyang maniwala na nagmumulto nga si Emerald ay wala na siyang ibang maisip na ibang dahilan sa mga kakaibang ikinikilos ng ina. Kaya kailangan na niyang makausap ang ina upang kumbinsihin ito na lumapit na sa albularyong nilapitan ni Trevor.Pagkarating niya sa opisina ng ina ay nagulat siya na nandoon ang ina ni Trevor na si Anna. Hindi niya maiwasan na magtaka dahil napapadalas ang pagkikita ng dalawang ginang. Nais niyang matuwa dahil tila nagkakasundo ang dalawa at malaking tulong sa kaniya iyon upang mas mapadali na mapasa-kaniya ang binata. Ngunit taliwas ang iniisip niya sa nararamdaman niya. Hindi siya masaya sa hindi niya malamang dahilan.“Anak, may kailangan ka ba?” gulat na tanong sa kaniya ng ina.Nagpalipat lipat ang tingin niya sa dalawang ginang. Ayaw niyang bigya
BRENNA’S POVHindi ko na alam ang mga nangyari dahil nakita ko na lang ang sarili ko na nakasakay sa sasakyan ko habang nakahinto ito hindi kalayuan sa building ng TAC. Nakatanaw lang ako sa entrance at exit nito. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ang mga nalaman ko kay Trevor. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang hindi aksidente ang pagkakamatay ni Emerald.Nagiging smooth na ulit ang takbo ng buhay ko. Nagiging maayos kami ni Trevor ngunit dahil sa inamin sa akin ni Mama, hindi ko alam kung maaapektuhan ba nito ang buhay ko. Hanggang sa hukay ay isang malaking kaguluhan lang ang ibinibigay sa akin ng half-sister ko. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi siya tuluyang mawala sa landas ko.Naputol ang pag-iisip ko nang makita kong lumabas si Trevor at dumeretso sa kaniyang sasakyan. Gusto ko siyang makausap ngunit tila nagmamadali siya. Sinubukan ko rin siyang tawagan ngayon ngunit hindi niya ako sinagot.“What the h*ll, Trevor?” kunot noong bul
THIRD POVLumipas ang maghapon at nakailang subok si Brenna na tawagan at kausapin si Trevor ngunit hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Maghapon lamang siyang nakatambay sa park dahil umaasa pa siyang tatawagan siya ng binata ngunit nabigo siya. Halos wala na rin siyang mailuha pa dahil sa sobrang pag-iyak niya nang umagang iyon. Hindi niya akalain na masasaktan siya ng ganito dahil buong akala niya ay umaayon na sa kaniya ang tadhana.Hindi niya maintindihan kung bakit nangyayari sa kaniya ang lahat ng ito. Lahat ng tao na akala niya ay mapapagkatiwalaan niya ay niloloko pala siya. Ang buhay na akala niya ay mapalad siya ngunit tila mas masalimuot pa pala kaysa sa naging buhay ni Emerald.Wala sa sariling umuwi si Brenna at mapait siyang napangiti nang maabutan na kumakain sa bahay ang kaniyang ina at si Anna. Nang makita siya ni Anna ay agad itong tumayo.“Mabuti at nariyan ka na. Halika, sabayan mo kaming kumain,” nakangiting sambit sa kaniya ng ginang.“Nagluto si Tita Anna m
THIRD POV“Kuya, nasaan ka na naman ba?”Nailayo ni Gino ang cellphone sa kaniyang tainga nang sigawan siya ng kapatid na si Charlene. Isa ito sa dahilan kung bakit nagdadalawang isip siyang sagutin ang tawag ng kapatid. Alam na alam niyang hinahanap lang siya nito.“Pauwi na ako maya-maya,” mahinang sagot niya.“Wait, lasing ka na naman ba?” galit na tanong pa nito sa kaniya.Marahan siyang napangiti. “Don’t worry. I can go home. Bye.”Hindi na niya hinintay pa na makapagsalita si Charlene dahil agad niyang pinatay ang tawag. Ibinalik niya ang cellphone sa kaniyang bulsa at muling tinungga ang alak na kanina pa niya hawak. Nawalan na nga ito ng lamig kaya napangiwi siya nang malasahan kung gaano iyon kapait.“Kung alam ko lang na iyon na pala ang huli nating pag-uusap, sinulit ko na sana,” malungkot niyang sabi habang nakatitig sa lapida na halos araw araw na niyang pinupuntahan. Muli siyang uminom ng beer habang nagsimula na namang pumatak ang mga luha niya.GINO’S POV (FLASHBACK)No
EMERALD'S POV Hindi na maalis-alis sa labi ko ang mga ngiti ko habang pinagmamasdan ang mga gamit ni Trevor dito sa kwarto kung saan siya nag-propose sa akin. Anim na buwan na ang nakakaraan simula noon kaya anim na buwan na rin ang anak namin. Paminsan minsan ay tumatakas ako para makapuslit dito at balikan ang nakaraan namin noong high school pa lamang kami. Hindi ako makapaniwala na halos lahat ng gamit ay naitago pa niya, mula sa mga sulat na ibinigay ko sa kaniya, sa mga litratong sa studio pa namin kinuha, at pati mga resibo ng 7-11 kung saan madalas kaming mag-ice cream noon. Halos hindi na nga mabasa ang nakasulat sa mga resibo dahil nabubura na ang mga naka-imprenta dito. "Nandito ka lang pala." "Ay kabayo!" Napatawa si Trevor dahil sa naging reaksyon ko nang bigla siyang magsalita. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya mabilis siyang lumapit at hinalikan ako sa noo. "Ang cute mo talaga kapag nagugulat, Baby," sabi pa niya. "Paano mo nalaman na nandito ako?" pag-
EMERALD'S POV FLASHBACK (9 years ago) "Hoy, Emerald, sasama ka rin sa field trip natin, hindi ba? Kasi excited na ako!" Napatingin ako kay Chloe nakaupo na sa tabi ko. Lunch break namin ngayon at nakatambay lang kami sa loob ng classroom. Kakatapos lang din kasi naming kumain at mas pinili naming hindi na lumabas. Nag-aalala kasi siya na baka makasalubong namin sa labas si Brenna at maisipan na naman ng kapatid ko na bully-hin ako. "Oo. Nagsabi na ako kay Papa. Kasama si Brenna kaya kasama rin ako," seryosong sagot ko naman. "So, kapag pala hindi sumama si Brenna, hindi ka rin sasama? Hay naku, para ka namang anino ng bruha mong kapatid," nakangusong sabi naman niya sa akin. Mahina ko siyang hinampas sa braso. "Huwag ka ngang maingay diyan. Baka may makarinig sa 'yo. Makakarating 'yan panigurado kay Brenna," sabi ko naman. Napairap naman sa akin si Chloe. "Ewan ko ba sa 'yo. Pumapayag ka na ganyanin ka ng kapatid mo. Masyado ka nang naaapi," dismayadong sabi pa sa akin ng
EMERALD'S POV Hindi ko na napigilan ang mga luha ko nang makita ko ang kabuuan ng kwarto. Punong puno ito ng mga stolen pictures ko simula noong highschool pa lamang ako hanggang sa nagtatrabaho na ako. Napakarami nito na halos mapuno na ang buong kwarto. Sa kisame naman ay may mga maliliit na ilaw na siyang nagbibigay liwanag sa buong kwarto. At sa sahig naman ay punong puno ito ng mga petals ng iba't ibang klase ng bulaklak. At nang mapunta ang tingin ko sa lalaking nakaluhod sa may gitna ng kwarto ay napatakip na lamang ako sa aking bibig. Lumuluha na rin siya habang may hawak siyang isang maliit na kulay pulang box at kapag tinatamaan ng ilaw ang laman niyon ay kumikinang ito. "Hi, Baby," nakangiting sambit niya kahit patuloy ang pagpatak ng luha niya. "Trev," ang tanging nasabi ko na lamang. "Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na itatama ko ang lahat sa oras na maging maayos na ang mga gulo. And this is the right time to do it. Emerald, please marry me again." Sasagot na sana ako n
EMERALD'S POVMabilis na lumipas ang mga buwan. Nanalo kami sa mga kasong isinampa namin kina Tita Haidee at Tita Anna at nahatulan sila ng habambuhay na pagkakabilanggo. Si Brenna naman ay tuluyan nang nawala sa tamang pag-iisip kaya nasa isang mental institution na siya upang doon ay magpagaling. Marami na ring nagbago simula nang matapos ang mga gulo.Ako na ulit ang nagma-manage ng kumpanya ni Papa. Si Papa naman ay nagpapahinga na lamang sa bahay dahil ipinamana na niya ng tuluyan sa akin ang kumpanya. Si Audrey ay bumalik na ulit sa US kasama si Lola Mirasol upang tapusin ang pag-aaral doon. Kami naman ni Trevor ay sa mansion ng mga Carter pansamantalang tumutuloy habang pinapagawa pa namin ang bahay namin. Mas malapit kasi ang bahay nila sa mga trabaho namin kaya doon na rin kami nagpasyang pansamantalang mag-stay.Si Trevor na ang namamahala sa TAC dahil nag-retired na rin si Papa Carlo. Pabalik balik na lamang siya sa US at Pilipinas upang aliwin ang sarili. Malaki na rin an
EMERALD'S POVNapaiwas ako ng tingin nang makita si Brenna na nakatayo malapit sa amin. Nakaposas pa rin ang mga kamay niya at may dalawang pulis ang nakabantay sa kaniya. Kung hindi ako nagkakamali ay dadalhin na siya sa isang Psychiatrist upang ipa-check up."Brenna, anak," umiiyak na sambit ni Papa habang papalapit ito sa kapatid ko."Anak? Itinuturing niyo pa po ba akong anak? Ni hindi niyo sinabi sa akin na magaling na kayo. Pinaniwala niyo ako na hindi pa kayo nakaka-recover," umiiyak na sabi naman ni Brenna.Naramdaman ko ang paghawak ni Trevor sa kamay ko. Tumingin ako sa kaniya at binigyan niya ako ng isang tipid na ngiti. Alam kong pinapalakas niya lamang ang loob ko ngayon."Ginawa ko iyon para sa ikabubuti ng lahat, Brenna.""Ikabubuti ng lahat o ikabubuti ng anak niyong si Emerald? Sabagay, hindi na ako magtataka dahil siya naman ang paborito niyo.""Hindi totoo 'yan. Pareho ko kayong anak. Kung tutuusin nga ay mas binigyan kita ng pansin noon dahil ayokong maramdaman mo
EMERALD'S POV"Kuya!" Napalingon kami sa kapatid ni Gino nang dumating ito sa ospital. Siya kasi ang piniling tawagan ni Trevor upang ibalita ang mga nangyari. Ang alam din kasi ni Trevor ay nasa ibang bansa ang kanilang mga magulang."Huwag kang OA. Daplis lang 'to," pagpapakalma naman ni Gino sa kapatid."Kahit na! Sabihin mo, sino sa mga tauhan ko ang bumaril sa 'yo?" natatarantang tanong pa ni Charlene."Enough, Charlene. Hindi ako ang biktima dito. It's Emerald."Dahang dahang tumingin naman sa akin si Charlene. Hindi siya makatingin ng deretso sa akin at nilalaro laro pa niya ang mga daliri niya."Sorry. Ang sabi kasi sa akin ni Brenna ay ibibigay ka niya kay Kuya. Akala ko ay tama ang desisyon ko," mahinang sabi niya sa akin."No worries, Charlene. Alam kong si Kuya mo lang ang iniisip mo. But everything is fine now," seryosong sabi ko naman.Wala naman na kasi akong balak na idamay pa ang kapatid ni Gino. Oo't tauhan niya ang ginamit ni Brenna ngunit masyado nang magulo para
THIRD POVAabutin na sana ni Emerald ang kamay ni gino upang sumama rito ngunit kapwa sila natigilan nang biglang mag-ring ang cellphone ni Brenna. Sabay pa silang napalingon sa dalaga na kasalukuyan nang kinukuha ang cellphone sa bag nito. Biglang nakaramdam ng kaba si Emerald sa hindi niya malamang dahilan.“Yes, Charlene?” bungad ni Brenna nang sagutin nito ang tawag.“Gaga ka! Nasaan ka ngayon? Nakuha mo na ba si Emerald?” kinakabahang tanong naman sa kaniya ng kaibigan.“Bakit? Anong problema?” naguguluhang tanong naman niya.“My god, Brenna! Kung alam ko lang na mangyayari ito, hindi ko na sana pinahiram sa ‘yo ang mga tao ko. Baka madamay pa ako sa gulo ng pamilya mo,” naiinis na sagot pa sa kaniya ng dalaga.“Teka, teka, ano bang pinagsasabi mo?”“Hindi mo pa ba alam? Nasa kustodiya na ng pulis ang mama mo. Murder ang kaso niya.”Tila namutla si Brenna sa narinig. Bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa takot na naramdaman. Nagsimula na ring mamawis ang kaniyang mga kamay.“S-
THIRD POVMapait na napangiti si Brenna nang marinig niya ang boses ng lalaking paulit ulit siyang sinaktan. Nawala na ang malambing na boses nito na kailan lang ay kausap niya. Tila nagpapanggap lang talaga ang binata sa harap niya upang makakuha ng impormasyon tungkol sa kaniyang ina.“Relax. Hindi mo kailangang magalit, Trevor. Ligtas sila sa ngayon,” walang emosyong sabi niya sa binata.“Huwag na huwag mo siyang sasaktan,” tarantang sabi pa nito.Muling napangiti si Brenna at saka huminga ng malalim. “Ang lakas ng loob mong sabihin ‘yan sa akin ngayon. Niloko mo ako at pinaasa. Kung ano-ano pang kasinungalingan ang sinabi mo sa akin para ano? Para makakuha ka ng impormasyon?”“At bakit naman ako kukuha ng impormasyon mula sa ‘yo? May alam ka ba sa totoong nangyari sa sunog na nangyari sa condo ko noon?” deretsong tanong ni Trevor sa kaniya.Natigilan si Brenna habang nanggagalaiti pa rin sa galit. Napahinga siya ng malalim nang makita ang binatang tinawagan niya kani-kanina lamang
THIRD POVPunong puno ng tensyon ang opisina ni Trevor sapagkat naroon ang kaniyang ama at kapatid na si Audrey. Nakalatag sa kaniyang table ang mga ebidensya na nakalap niya upang idiin sa kasong isinampa niya laban sa kaniyang stepmother at sa karelasyon nito na si Haidee. Isa isa itong tiningnan ng kaniyang ama at silang magkapatid ay naghihintay lamang sa reaksyon nito.“Papa, I’m sorry kung sa ganitong paraan mo pa malalaman ang lahat,” pagbasag niya sa katahimikan.Lumapit sa kaniya si Audrey at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. Malaki ang pasasalamat niya sa kaniyang kapatid dahil kahit masakit para rito ang mga nangyayari, mas pinili nitong pumanig sa tama. Ang hinihiling na lamang niya ngayon ay sana’y ganoon din ang kanilang ama.Dahan dahang ibinaba ni Carlo ang mga papel at nagpakawala ng isang buntong hininga. “Hindi ko alam na aabot sa ganito ang asawa ko,” dismayadong sambit nito.Nagkatinginan ang magkapatid sapagkat kalmado ang kanilang ama. Hindi rin ito mababaka