THIRD POV“Kuya, nasaan ka na naman ba?”Nailayo ni Gino ang cellphone sa kaniyang tainga nang sigawan siya ng kapatid na si Charlene. Isa ito sa dahilan kung bakit nagdadalawang isip siyang sagutin ang tawag ng kapatid. Alam na alam niyang hinahanap lang siya nito.“Pauwi na ako maya-maya,” mahinang sagot niya.“Wait, lasing ka na naman ba?” galit na tanong pa nito sa kaniya.Marahan siyang napangiti. “Don’t worry. I can go home. Bye.”Hindi na niya hinintay pa na makapagsalita si Charlene dahil agad niyang pinatay ang tawag. Ibinalik niya ang cellphone sa kaniyang bulsa at muling tinungga ang alak na kanina pa niya hawak. Nawalan na nga ito ng lamig kaya napangiwi siya nang malasahan kung gaano iyon kapait.“Kung alam ko lang na iyon na pala ang huli nating pag-uusap, sinulit ko na sana,” malungkot niyang sabi habang nakatitig sa lapida na halos araw araw na niyang pinupuntahan. Muli siyang uminom ng beer habang nagsimula na namang pumatak ang mga luha niya.GINO’S POV (FLASHBACK)No
EMERALD’S POV“Kuya.”Sabay kaming napalingon kay Audrey nang tinawag nito si Trevor. Katatapos lang naming kumain ng almusal. Hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi si Audrey sa kanila dahil sa nalaman niya tungkol sa kaniyang ina. Nakiusap na lamang siya sa kaniyang kapatid na ito na ang bahalang mag-cover sa kaniya upang hindi mag-alala si Tito Carlo.Kinakausap na rin kami ni Audrey ngunit hindi na katulad ng dati. Nagkaroon ng pader sa pagitan naming dalawa na naiintindihan ko naman. Hindi ko siya masisisi kung ganito man ang pakikitungo niya sa amin ni Trevor. Ang mahalaga sa ngayon ay pinagkakatiwalaan niya kami.“Pwede ba akong sumama sa ‘yo ngayon? Gusto ko lang makita si Papa.”Nagkatinginan kaming dalawa ni Trevor. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa gusto ni Audrey. Malaki naman ang tiwala ko sa kaniya na hindi niya ipagsasabi sa kahit na sino na buhay ako.“Kaya mo na bang makita si Mama?” seryosong tanong naman ni Trevor.Napatungo si Audrey at hindi nakatakas sa paningin ko a
THIRD POV“Hindi ko inaasahan na dito pa tayo magkikita.”Napalingon si Gino sa babaeng bigla na lamang nagsalita. Hindi na siya nagulat kung sino ito dahil hindi naman niya nakakalimutan ang boses ng babaeng nasaktan niya dahil sa labis na pagmamahal kay Emerald.“Chloe,” mahinang usal niya.Humakbang palapit sa lapida si Chloe at ipinatong dito ang dalang bulaklak para sa kaibigan. Mapait siyang napangiti dahil sa ilang taon na lumipas, sa puntod pa ng kaniyang bestfriend makikita ang lalaking unang minahal niya.“Maaari ko bang malaman kung bakit nandito ka?” hindi napigilang itanong ni Chloe.Napabuntong hininga naman si Gino. “Naging kaibigan ko rin si Emerald.”Huminga ng malalim si Chloe. Humarap siya kay Gino na malayo ang tingin. Hindi nakatakas sa paningin niya ang ilang bote ng beer sa tabi nito. Kapansin pansin din ang pag-iiba ng itsura nito, malayong malayo sa itsura nito sa mga social media accounts nito.“It’s been 8 years, right? Siguro naman ay hindi pa huli ang lahat
THIRD POVPunong puno ng tensyon ang opisina ni Trevor sapagkat naroon ang kaniyang ama at kapatid na si Audrey. Nakalatag sa kaniyang table ang mga ebidensya na nakalap niya upang idiin sa kasong isinampa niya laban sa kaniyang stepmother at sa karelasyon nito na si Haidee. Isa isa itong tiningnan ng kaniyang ama at silang magkapatid ay naghihintay lamang sa reaksyon nito.“Papa, I’m sorry kung sa ganitong paraan mo pa malalaman ang lahat,” pagbasag niya sa katahimikan.Lumapit sa kaniya si Audrey at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. Malaki ang pasasalamat niya sa kaniyang kapatid dahil kahit masakit para rito ang mga nangyayari, mas pinili nitong pumanig sa tama. Ang hinihiling na lamang niya ngayon ay sana’y ganoon din ang kanilang ama.Dahan dahang ibinaba ni Carlo ang mga papel at nagpakawala ng isang buntong hininga. “Hindi ko alam na aabot sa ganito ang asawa ko,” dismayadong sambit nito.Nagkatinginan ang magkapatid sapagkat kalmado ang kanilang ama. Hindi rin ito mababaka
THIRD POVMapait na napangiti si Brenna nang marinig niya ang boses ng lalaking paulit ulit siyang sinaktan. Nawala na ang malambing na boses nito na kailan lang ay kausap niya. Tila nagpapanggap lang talaga ang binata sa harap niya upang makakuha ng impormasyon tungkol sa kaniyang ina.“Relax. Hindi mo kailangang magalit, Trevor. Ligtas sila sa ngayon,” walang emosyong sabi niya sa binata.“Huwag na huwag mo siyang sasaktan,” tarantang sabi pa nito.Muling napangiti si Brenna at saka huminga ng malalim. “Ang lakas ng loob mong sabihin ‘yan sa akin ngayon. Niloko mo ako at pinaasa. Kung ano-ano pang kasinungalingan ang sinabi mo sa akin para ano? Para makakuha ka ng impormasyon?”“At bakit naman ako kukuha ng impormasyon mula sa ‘yo? May alam ka ba sa totoong nangyari sa sunog na nangyari sa condo ko noon?” deretsong tanong ni Trevor sa kaniya.Natigilan si Brenna habang nanggagalaiti pa rin sa galit. Napahinga siya ng malalim nang makita ang binatang tinawagan niya kani-kanina lamang
THIRD POVAabutin na sana ni Emerald ang kamay ni gino upang sumama rito ngunit kapwa sila natigilan nang biglang mag-ring ang cellphone ni Brenna. Sabay pa silang napalingon sa dalaga na kasalukuyan nang kinukuha ang cellphone sa bag nito. Biglang nakaramdam ng kaba si Emerald sa hindi niya malamang dahilan.“Yes, Charlene?” bungad ni Brenna nang sagutin nito ang tawag.“Gaga ka! Nasaan ka ngayon? Nakuha mo na ba si Emerald?” kinakabahang tanong naman sa kaniya ng kaibigan.“Bakit? Anong problema?” naguguluhang tanong naman niya.“My god, Brenna! Kung alam ko lang na mangyayari ito, hindi ko na sana pinahiram sa ‘yo ang mga tao ko. Baka madamay pa ako sa gulo ng pamilya mo,” naiinis na sagot pa sa kaniya ng dalaga.“Teka, teka, ano bang pinagsasabi mo?”“Hindi mo pa ba alam? Nasa kustodiya na ng pulis ang mama mo. Murder ang kaso niya.”Tila namutla si Brenna sa narinig. Bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa takot na naramdaman. Nagsimula na ring mamawis ang kaniyang mga kamay.“S-
EMERALD'S POV"Kuya!" Napalingon kami sa kapatid ni Gino nang dumating ito sa ospital. Siya kasi ang piniling tawagan ni Trevor upang ibalita ang mga nangyari. Ang alam din kasi ni Trevor ay nasa ibang bansa ang kanilang mga magulang."Huwag kang OA. Daplis lang 'to," pagpapakalma naman ni Gino sa kapatid."Kahit na! Sabihin mo, sino sa mga tauhan ko ang bumaril sa 'yo?" natatarantang tanong pa ni Charlene."Enough, Charlene. Hindi ako ang biktima dito. It's Emerald."Dahang dahang tumingin naman sa akin si Charlene. Hindi siya makatingin ng deretso sa akin at nilalaro laro pa niya ang mga daliri niya."Sorry. Ang sabi kasi sa akin ni Brenna ay ibibigay ka niya kay Kuya. Akala ko ay tama ang desisyon ko," mahinang sabi niya sa akin."No worries, Charlene. Alam kong si Kuya mo lang ang iniisip mo. But everything is fine now," seryosong sabi ko naman.Wala naman na kasi akong balak na idamay pa ang kapatid ni Gino. Oo't tauhan niya ang ginamit ni Brenna ngunit masyado nang magulo para
EMERALD'S POVNapaiwas ako ng tingin nang makita si Brenna na nakatayo malapit sa amin. Nakaposas pa rin ang mga kamay niya at may dalawang pulis ang nakabantay sa kaniya. Kung hindi ako nagkakamali ay dadalhin na siya sa isang Psychiatrist upang ipa-check up."Brenna, anak," umiiyak na sambit ni Papa habang papalapit ito sa kapatid ko."Anak? Itinuturing niyo pa po ba akong anak? Ni hindi niyo sinabi sa akin na magaling na kayo. Pinaniwala niyo ako na hindi pa kayo nakaka-recover," umiiyak na sabi naman ni Brenna.Naramdaman ko ang paghawak ni Trevor sa kamay ko. Tumingin ako sa kaniya at binigyan niya ako ng isang tipid na ngiti. Alam kong pinapalakas niya lamang ang loob ko ngayon."Ginawa ko iyon para sa ikabubuti ng lahat, Brenna.""Ikabubuti ng lahat o ikabubuti ng anak niyong si Emerald? Sabagay, hindi na ako magtataka dahil siya naman ang paborito niyo.""Hindi totoo 'yan. Pareho ko kayong anak. Kung tutuusin nga ay mas binigyan kita ng pansin noon dahil ayokong maramdaman mo
EMERALD'S POV Hindi na maalis-alis sa labi ko ang mga ngiti ko habang pinagmamasdan ang mga gamit ni Trevor dito sa kwarto kung saan siya nag-propose sa akin. Anim na buwan na ang nakakaraan simula noon kaya anim na buwan na rin ang anak namin. Paminsan minsan ay tumatakas ako para makapuslit dito at balikan ang nakaraan namin noong high school pa lamang kami. Hindi ako makapaniwala na halos lahat ng gamit ay naitago pa niya, mula sa mga sulat na ibinigay ko sa kaniya, sa mga litratong sa studio pa namin kinuha, at pati mga resibo ng 7-11 kung saan madalas kaming mag-ice cream noon. Halos hindi na nga mabasa ang nakasulat sa mga resibo dahil nabubura na ang mga naka-imprenta dito. "Nandito ka lang pala." "Ay kabayo!" Napatawa si Trevor dahil sa naging reaksyon ko nang bigla siyang magsalita. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya mabilis siyang lumapit at hinalikan ako sa noo. "Ang cute mo talaga kapag nagugulat, Baby," sabi pa niya. "Paano mo nalaman na nandito ako?" pag-
EMERALD'S POV FLASHBACK (9 years ago) "Hoy, Emerald, sasama ka rin sa field trip natin, hindi ba? Kasi excited na ako!" Napatingin ako kay Chloe nakaupo na sa tabi ko. Lunch break namin ngayon at nakatambay lang kami sa loob ng classroom. Kakatapos lang din kasi naming kumain at mas pinili naming hindi na lumabas. Nag-aalala kasi siya na baka makasalubong namin sa labas si Brenna at maisipan na naman ng kapatid ko na bully-hin ako. "Oo. Nagsabi na ako kay Papa. Kasama si Brenna kaya kasama rin ako," seryosong sagot ko naman. "So, kapag pala hindi sumama si Brenna, hindi ka rin sasama? Hay naku, para ka namang anino ng bruha mong kapatid," nakangusong sabi naman niya sa akin. Mahina ko siyang hinampas sa braso. "Huwag ka ngang maingay diyan. Baka may makarinig sa 'yo. Makakarating 'yan panigurado kay Brenna," sabi ko naman. Napairap naman sa akin si Chloe. "Ewan ko ba sa 'yo. Pumapayag ka na ganyanin ka ng kapatid mo. Masyado ka nang naaapi," dismayadong sabi pa sa akin ng
EMERALD'S POV Hindi ko na napigilan ang mga luha ko nang makita ko ang kabuuan ng kwarto. Punong puno ito ng mga stolen pictures ko simula noong highschool pa lamang ako hanggang sa nagtatrabaho na ako. Napakarami nito na halos mapuno na ang buong kwarto. Sa kisame naman ay may mga maliliit na ilaw na siyang nagbibigay liwanag sa buong kwarto. At sa sahig naman ay punong puno ito ng mga petals ng iba't ibang klase ng bulaklak. At nang mapunta ang tingin ko sa lalaking nakaluhod sa may gitna ng kwarto ay napatakip na lamang ako sa aking bibig. Lumuluha na rin siya habang may hawak siyang isang maliit na kulay pulang box at kapag tinatamaan ng ilaw ang laman niyon ay kumikinang ito. "Hi, Baby," nakangiting sambit niya kahit patuloy ang pagpatak ng luha niya. "Trev," ang tanging nasabi ko na lamang. "Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na itatama ko ang lahat sa oras na maging maayos na ang mga gulo. And this is the right time to do it. Emerald, please marry me again." Sasagot na sana ako n
EMERALD'S POVMabilis na lumipas ang mga buwan. Nanalo kami sa mga kasong isinampa namin kina Tita Haidee at Tita Anna at nahatulan sila ng habambuhay na pagkakabilanggo. Si Brenna naman ay tuluyan nang nawala sa tamang pag-iisip kaya nasa isang mental institution na siya upang doon ay magpagaling. Marami na ring nagbago simula nang matapos ang mga gulo.Ako na ulit ang nagma-manage ng kumpanya ni Papa. Si Papa naman ay nagpapahinga na lamang sa bahay dahil ipinamana na niya ng tuluyan sa akin ang kumpanya. Si Audrey ay bumalik na ulit sa US kasama si Lola Mirasol upang tapusin ang pag-aaral doon. Kami naman ni Trevor ay sa mansion ng mga Carter pansamantalang tumutuloy habang pinapagawa pa namin ang bahay namin. Mas malapit kasi ang bahay nila sa mga trabaho namin kaya doon na rin kami nagpasyang pansamantalang mag-stay.Si Trevor na ang namamahala sa TAC dahil nag-retired na rin si Papa Carlo. Pabalik balik na lamang siya sa US at Pilipinas upang aliwin ang sarili. Malaki na rin an