ANGEL"C-Carter, bitawan mo'ko, lalabas—..." hindi naituloy ni Angel ang sasabihin ng takpan ng mga labi nito ang labi niya. Bagay ba siyang ikinalaki ng mga mata niya sa pagkabigla.Mas naging agresibo naman ang halik ni Carter at pilit nitong ibinubuka ang nakatikom niyang bibig.Ito ang unang beses na may lalaking humalik sa labi niya. NBSB siya na nakapagtapos ng pag-aaral na walang naging karelasyon. Nagulat naman si Angel ng biglang kagatin ni Carter ang pang-ibabang labi niya dahilan para maibuka niya ito. Agad na pumasok sa loob ng bibig niya ang mainit na dila ng lalaki, nalalasahan na rin niya ang alak sa bibig nito at nalalanghap niya ang mabangong hininga nito.Hindi alam ni Angel ang gagawin dahil bago sa kanya ang ganitong pakiramdam, pero isa lang ang masasabi niya. Magaling humalik si Carter at tila nahahalina siyang tugunin ito. Hindi niya alam kung paano, basta na lang niyang sinusundan ang bawat galaw ng bibig ng binata. Nahihibang siya at nawala sa katinuan na nag
Last Updated : 2024-07-02 Read more