ANGEL Malakas na boses ni Carter na nakikipag bangayan sa mommy at daddy nila ang parehong naririnig ni Angel at Casey. Dahan-dahan at paika-ika si Angel na bumababa sa hagdan. Nakahawak naman sa kanyang kamay si Casey at nakaalalay sa kanya. Halos hindi niya kasi maihakbang ang mga paa niya. Hanggang ngayon pakiramdam niya mayroon pa ring nakasalpak sa pagkababae niya. Kahit pati ang pag-ihi niya kanina ay hirap na hirap siya. Hindi niya akalain ganito pala ang mangyayari kapag first time. Daig pa niya ang binugbog sa sobrang sakit din ng katawan niya. Masama na ngayon ang kanyang pakiramdam at tila ba lalagnatin siya. Bawat hakbang niya kumikirot ang pagkababae niya. "No, dad! Hindi ko papakasalan ang babaeng 'yon! Si Alexa lang ang mahal ko at ang babaeng papakasalan ko," matigas na pagtutol ni Carter sa ama nito. Parang tinusok naman ng patalim ang dibdib ni Angel dahil sa mga narinig niya na sinabi ni Carter. Masakit na nga kagabi ang puso niya na habang inaangkin siya ng
āSeriously mom!? Gusto niyo na makasal ako sa lalaking hindi ko naman mahal!ā hindi makapaniwalang bulalas ni Coleen sa kanyang ina. āI told you that before honey, didn't I?ā mahinahong sagot ng mommy niya. āKaibigan namin ng dad mo ang parents ni Vince at kilalang kilala na namin sila kaya panatag kami ng daddy mo na mapupunta ka sa tamang lalaki. Isa pa, mabait at gwapo si Vince, bagay kayong dalawa kaya wala kang dapat ipag-alala anak,ā tila kinikilig na sabi ng mommy niya. Napahilot si Coleen sa sentido niyang bahagyang kumirot. Hindi siya makapaniwala na talagang ipagkakasundo siya sa lalaking āyon. Ilang beses naman na niya itong nakita at nakakasama sa tuwing may pa dinner or pa party ang mga magulang nila pero never niya itong nakakausap man lang. āPag-isipan mong mabuti ito anak, para din naman sayo ātong ginagawa namin ng dad mo, isa pa 25yrs old kana anak, dapat may asawa ka na, sabik na kami ng dad mo na magkaroon ng apo,ā masayang wika ng mom niya. āBut mom, hind
Late na pumasok si Vince sa opisina niya kinabukasan. Birthday kasi kagabi ng isang kaibigan niya. Hindi na nga siya nakauwe kagabi sa bahay nila kundi sa condo nya na lang sya dumeretso.Pagbukas niya sa pinto ng opisina niya sumalubong kaagad sa kanya ang Daddy nya. Nakaupo sa office chair niya at mukhang hinihintay ang pagdating niya."I've been waiting for you, son," bungad ng daddy niya. "Bakit ngayon ka lang?" dagdag pa nito. Actually kagabi pa kita hinihintay sa bahay pero hindi ka umuwe."I'm sorry, Dad, birthday kasi kagabi ng isang kaibigan ko kaya nagka inuman at hindi naku umuwe p sa bahay, dahil malapit lang naman ang condo ko kaya doon na ako tumuloy kagabi," paliwanag niya. Kahit kasi malaki na siya at nasa tamang edad na gusto pa rin ng mga magulang nyang sa bahay sila palaging umuwe.Katwiran kasi ng mga magulang nila magbubukod din sila kapag oras na magkapamilya na sila. Kaya habang wala pa gusto ng mga ito ang palagi silang magkakasama sa iisang bubong."By the way
Palakad lakad siya sa loob ng opisina niya at di mapakali, iniisip tuloy niya kong bakit siya pumayag na paakyatin ang lalaking yon sa opisina niya. Pero sa kabilang banda gusto nya din itong makausap. Baka tulad niya ayaw din nitong magpa kasal sa kaniya. Napangiti siya sa naisip na possibleng mangyari."Sana nga," bulong ng isip niya.Nakatalikod siya at nakaharap sa gawing bintana ng opisina niya ng marinig niya itong bumukas. Akala niya ang secretary niya ito kaya hindi muna siya humarap at hinintay itong magsalita. At ilang segundo lang ang lumipas ng marinig niya ang pag tikhim nito mula likuran niya.Doon niya napagtanto na boses lalaki iyon. Kaya naman unti-unti siyang pumihit paharap dito. Bumilis ang tibok ng puso niya.Nagtitigan muna sila at nagsukatan ng tingin, pero siya ang unang nagbaba ng tingin dito."SHOCKS!" totoo pala talaga ang sabi ng mommy niya na napaka gwapo nito at ang lakas pa ng dating. Ilang beses pa lang naman kasi niya itong nakikita at hindi naman niya
Nagising si Coleen dahil sa ingay ng kaniyang alarm clock. Papikit pikit pa ang mga mata niyang kinapa ito sa kanyang bed side table at saka pinatay. Muli niyang tiningnan ang orasan na nakapikit ang isang mata. Nakita niyang alas sais pa lang ng umaga. Ibinalik niya ito sa bedside table at saka bumangon. Wala siya sa mood ngayon para pumasok sa kompanya at magtrabaho. Marahil magkakaroon yata siya ngayon dahil ganito ang pakiramdam niya kapag malapit na siyang magkaroon ng buwanang dalaw. Napag pasyahan niyang h'wag pumasok ngayong araw. Kaya naman nagpadala na lamang siya ng mensahe sa kaniyang sekretarya na hindi siya makakapasok ngayong araw, para hindi na ito tumawag sa kaniya mamaya. Binilinan na lang niya ito na kong meron man siyang schedule of meetings ay ipa resched na lamang sa ibang araw. Nilagay niya ang celphone sa ibabaw ng night stand saka muling nahiga sa kama. Pinikit niya ang mga mata dahil antok na antok pa siya. Muli naman siyang nakatulog ulit.Malakas na katok
Inis na inis si Coleen dahil naipit siya ngayon sa napakahabang traffic. Dagdag pa na nakikita niyang nagsisi uwian na ang mga estudyante at ilang mga empleyado kaya ganon na lang ang dulot ng traffic.Tumingin siya sa labas at tumingala dahil sa biglang pagdilim ng kalangitan. Mukhang aabutan pa ata siya ng ulan, kong hindi lang kasi siya naipit sa traffic edi sana kanina pa siya nakarating sa pakay niya. Sumasakit na ang ulo niya marahil dala ng stress at dagdag pa na hindi siya nakakain ng lunch kanina sa kakamadali na matapos ang trabaho niya, at puntahan ang taong gusto niyang makausap.Ilang minuto pa ang itinagal niya sa kalsada bago niya narating ang kompayang pagmamay ari nito. Napakali ng building na to at napaka ganda ng disenyo. Malayo pa lang makikita mo na ang pangalang nakaukit dito. "SANTILLAN EMPIRE." Talagang hindi basta-basta ang pamilyang kinabibilangan ng lalaki, pero hindi yon ang ipinunta niya dito wala siyang paki alam kahit pa ito ang may-ari ng buong mundo. Ma
Ayaw man niyang pagbuksan ang lalaki pero wala siyang choice dahil hindi din naman aandar ang kotse niya, para sana maka alis na siya.Agad sumalubong sa kaniya ang nakakunot noo ng binata, hindi niya mabasa ang emosyong nakapaloob rito. Marahil nagtataka ito kong bakit hindi pa siya nakaka alis eh, kanina pa siya lumabas ng restaurant. "Are you okay?" What's the problem?, sunod-sunod na tanong nito."Is it your car?" Tanong nito ng hindi pa rin siya nagsasalita. She just nodded her head, bilang tugon sa tanong ng lalaki. Without even looking at him."You can go with me, I'll drop you home." he offered her."Nah, it's okay, magta taxi na lang ako." Ayaw niyang mang abala rito at baka magkaroon pa siya ng utang na loob sa lalaki. Kahit pa gustong gusto na niyang umuwe. "Can't you see now, how heavy the rain is? At bihira na may dumadaang taxi dahil sa lakas ng ulan." Ani Vince, na bakas sa boses ang pagka irita sa kaniya. Well, wala siyang paki hindi naman niya inutusan ang lalaki n
Tahimik sila pareho habang binabaybay ang daan pauwe sa bahay niya. Napahilot si Coleen sa ulo niya dahil parang mas lalo itong sumakit.Ipinikit niya ang mga mata dahil naluluha siya parang may init na sumisingaw dito. Dagdag pang nilalamig na siya dala ng pagkabasa kanina ng ulan, dagdag pa na fully aircon ang loob ng sasakyan. Kaya naman hindi na niya nakayan pa at tuluyan ng nakatulog sa sasakyan.Tiningnan naman ni Vince ang dalaga at nakita niyang mahimbing itong natutulog pero mukhang giniginaw, kaya naman pinatay na niya ang aircon. Gigisingin na lamang niya ito mamaya pagkarating nila sa bahay nito."Coleen, wake up were here," bahagya pang niyugyog ni Vince ang balikat ni Coleen para magising. Agad namang dumilat ng mata si Coleen pero napadaing siya sa sakit ng ulo niya. Inikot niya ang mata sa paligid at nakitang nasa tapat na nang bahay nila ang sasakyan nito. Agad naman niyang inayos ang sarili, pero bago tuluyang bumaba ay nagpasalmat muna siya sa lalaki sa paghatid sa