ANGEL Hindi umobra ang pakiusap ni Angel sa kanila mommy Coleen at daddy Vince niya. Biruin mo agad-agad ikinasal sila. Ganun kabilis, at ganun ka impluwensya ang daddy Vince niya. Lahat magagawa nito sa isang pitik lang. Wala rin naman siyang magawa para pigilan pa ang mga ito. Alam niya siya lang din ang inaalala ng mga kinikilalang magulang. Matapos isinagawa ang agarang kasal nina Angel at Carter ay bigla na lamang naglaho si Carter. Umalis na lamang ito ng walang paalam. Ni hindi nga siya nito tinapunan man lang ng tingin. Galit na galit ito sa kanya. "Saan naman kaya siya nagpunta?" aniya sa sarili. "Saan pa ba, Angel? Malamang sa Alexa niya," singit ng utak niya. Si Josh naman paglingon niya ay hindi na niya nakita. Alam niyang nasaktan niya ito, dahil hindi naman lingid sa kanya na may gusto ito sa kanya. At siya naman ang mali niya lang ay na inlove siya sa taong, hindi pala pwedeng maging kanya. Kasalukuyan ngayong nasa sariling silid si Angel. Nakahiga siya s
CARTER Kanina pa nakaalis si Josh pero parang naririnig pa ni Carter sa tainga niya ang mga sinabi niyo tungkol kay Angel. Bigla tuloy nawala ang pagkalasing niya. May sakit ang asawa niya. "Shit!" pagmumura niya habang naglalakad palabas ng exclusive bar. Asawa na nga pala nya ngayon si Angel. Ni hindi man lang sila binigyan ng chance ng mga magulang nila. Paano na sila ni Alexa? Kay Alexa siya nangako ng kasal pero sa iba siya ikinasal dahil lang sa isang gabing pagkakamali niya. Knowing his parents na mahal na mahal ng mga ito si Angel, kaya malamang wala siyang kawala sa mga ito. Alam niyang hindi lang si Angel ang dapat na sinisisi niya kundi pati na rin ang sarili niya. Kung hindi sana siya nagpakalasing dahil lang sa naging away nila ni Alexa, hindi sana nangyari to. Pero wala na siyang magagawa pa at nangyari na. Sa ngayon hindi pa niya nakakausap ang girlfriend niya. Ilang beses niya itong tinatawagn pero ayaw siya nitong kausapin, sa ngayon hayaan na muna niya ang babae.
ANGELKinabukasan nagising si Angel sa sinag ng araw na tumatama sa balat niya. Papikit-pikit ang mga mata na iminulat niya ito. Bahagyang siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Napatingin siya sa bintana at nakita niya ang mommy Coleen na inaayos ang pagkakagilid ng makapal na kurtina at binuksan ang sliding glass window."Good morning, mhie," bati niya sa mommy niya kahit nakatalikod pa ito sa gawi niya. Pero agad naman itong humarap sa kanya nang marinig ang boses niya."Oh, gising ka na pala anak. Kamusta na ang pakiramdam mo? Masakit pa ba ang ulo mo?" malambing na tanong nito at nakangiti na lumapit sa kanya.Hindi naman na masakit ang ulo niya, medyo maayos na rin ang pakiramdam niya. Hindi niya akalain na lalagnatin siya ng sobra dahil lang sa pagkawasak niya. Umangat pa siya ng pagkakaupo muli at pinakiramdaman kung kumikirot pa ba ang pagkababae niya. May nararamdaman pa naman siyang konting kirot pero hindi na kagaya noong kahapon na halos hindi siya makalakad. I
CARTER Mabilis na pinaharurot ni Carter ang sasakyan niya palayo sa condo. Namalayan na lamang niya na tinatahak na niya ang daan patungo sa SANTILLAN EMPIRE. Ang alam niya kapag ganitong may problema siya, dahil sa away nila ng dating girlfriend niya hindi sa kumpanya ang punta niya kundi sa bar. Mag-iinom at magpapakalango sa alak, pero ngayon hindi niya ginawa. Di ba dapat galit siya? Pero bakit imbes na galit ang maramdaman niya dahil sa panloloko rin ni Alexa sa kanya ay iba ang naramdaman niya. Hindi galit bagkus saya ang bumalot sa puso niya. Hindi niya rin maintindihan kung bakit, pero iyon ang totoo niyang nararamdaman. Mas naging pabor pa sa kanya itong ginawang pagloloko ni Alexa. Hindi makapag focus sa trabaho si Carter sa opisina. Bawat galaw niya si Angel ang nakikita niya. Ano ba itong nangyayari sa kanya. Bakit puro si Angel ang laman ng isip niya. Namamalayan na lang niya nakangiti siya nakikita sa isip ang magandang ngiti nito. Do he loved her now? Mamaya pa
ANGEL Kinabukasan maagang nagising si Angel. Papasok siya ngayong araw sa trabaho, ilang araw din siyang absent kaya naman ngayon ay aagahan niya sa pagpasok. Sa opisina na lang siya mag aalmusal. Baka mamaya makasabay pa niya sa pagpasok sa opisina ang mokong. Iniiwasan niya pa naman na makita si Carter kahit na napaka imposible naman na mangyari lalo pa ata magkasama sila sa iisang bahay. Tamang-tama at pagkababa niya sa hagdan ay tahimik pa ang buong sala ng mansion. Pero may mga gising na sa kusina na kasambahay. Marahil naghahanda na ang mga ito ng breakfast. Ang aga naman kasi niya six in the morning pa lang pero papasok na siya dapat eight ng umaga pa ang pasok niya. Pero dahil nga iniiwasan niya ang mokong ay siya na mag a-adjust. Deretso lang ang lakad niya at may pagmamadali hanggang sa makalabas siya ng pinto. Kita naman agad niyang naghihintay na si mang Rolan sa kanya. Tinawagan na kasi niya ito kanina na maaga siyang magpapahatid sa trabaho. Pagdating sa SANTILLA
ANGEL "What do you think you're doing Carter!?" Inis na bungad ni Angel sa asawa niyang CEO. Nakatalikod sa gawi niya ang lalaki at prenteng nakaupo sa swivel chair nito. Inikot nito ng dahan-dahan ang upuan at seryoso ang mukha na tumingin sa kanya. Maya-maya pa ay narinig niya itong nagsalita sa baritonong boses. "Is that how you greet your boss, my dear wife?" Carter' baritone voice said. "I'm asking you Mr. CEO," may iin niyang sambit sa huling salita. "Ano ang ibig sabihin nito?" ulit niyang tanong at iminuwestra sa harap nito ang hawak niyang papel na binigay sa kanya ni Mrs. Garcia, kanina. "Have you finished reading that?" kapagkuway patay malisya nitong tanong at itinuro ang hawak niyang papel. "Sa tingin mo Mr. CEO, nandito ba ako ngayon sa harapan mo para tanungin ka kung hindi ko pa ito nabasa?" napipikon na sagot ni Angel sa lalaking mokong na ito. Hindi naman kasi tama na bigla-bigla na lang siya nitong aalisin sa pwesto niya at hindi niya alam kung saan siya
ANGEL Matapos ang kabastusang ginawa ni Alexa sa loob n opisina ni Carter ay nanatiling tahimik si Angel sa kinauupuan niya. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit ganun na lang ang galit nito kay Alexa. Kung bakit bigla-bigla na lang siyang pinagtanggol ng lalaki sa kasintahan nito. Sinulyapan niya si Carter at busy ito na nakatutok ang mga mata sa laptop. "Ang gwapo talaga ng kumag na 'to," bulong ng isip niya. Mapaseryoso man ang mukha o nakangiti, litaw na litaw ang kagwapuhan at kakisigan nito. Kaya hindi na siya magtataka kung simula pa noon nahulog na ang puso niya rito kahit pa napakasungit nito sa kanya. Malas niya lang dahil hindi siya type ng lalaki. "Bakit kaya galit na glit ito kanina kay Alexa? May nagawa bang mali ang babae kaya nag-away sila. Pero di ba si Carter ang may kasalanan kay Alexa?" "Stop day dreaming, little kitten. You're drooling while staring at me," narinig niyang sambit ni Carter kaya bumalik siya sa wisyo. "Lintik! Hindi pala niya namal
ANGEL Tahimik lamang siya habang nasa byahe pauwe sa mansion. Wala silang imikan mi Carter, gaya niya tikom din ang bibig nito na seryoso ang mukha sa pagmamaneho. Ibinaling niya ang tingin sa bintana ng sasakyan at inabala niya ang paningin sa mga nakikita niya sa labas. Kanina medyo humupa na ang ulan pero ngayon parang lumakas 'ata. Bigla tuloy siyang gininaw, idagdag pa ang malakas na aircon sa loob ng sasakyan. Idagdag pa ang traffic na halos hindi umuusad ang sasakyan nila. Ilang beses siyang napahikab kaya nakaramdam siya ng antok. Malamig pa naman at masarap ang matulog, kaya ipinikit niya ang mga mata. Hindi namalayan ni Angel na nakatulog na pala siya sa habang nasa byahe pauwe. Nagising na lamang siya sa mahihinang tapik sa kanyang balikat na ginigising siya. "Hey, wake up, little kitten. We're here already," dinig niyang sambit ni Carter na ginigising siya. Dumilat naman siya na humihikab pa at umayos ng upo. Mukhang ang haba ng tulog niya kaya inaantok pa siya.
AUTHOR'S NOTE Hello po sa lahat ng readers ng THE UNWANTED MARRIAGE. Maraming-maraming salamat po sa inyo, sa pagsubaybay at pagsuporta niyo sa storya nina Coleen at Vince. Taos-puso po akong nagpapasalamat sa inyong lahat. Ang kwento ng tunay na pag-ibig nina Coleen at Vince. At kwento ng pagmamahalan nina, Carter at Angel na ngayon ay mayroon ng tatlong anak ang kanilang triplets na sina, Caleb, Chase and Callie. Ganun din nina Casey at Asher na maryoon ding tatlong anak na sina, Zoe Ashvi at ang kambal na sina Ashton and Aisha. Ang kambal naman na sina Vayden at Vaden, baka gawan ko rin sila soon. Muli maraming-maraming salamat talaga sa inyo, my dear readers. Love you all! CIE JILLđź«°
COLEEN 1 Year later... "Happy anniversary, love," nakangiting bati ni Vince sa kanya pagkababa siya sa hagdan. Nakatayo roon ang asawa niya at mukhang hinihintay ang pagbaba niya. Malawak ang pagkakangiti nito at agad na iniabot sa kanya ang hawak nitong bouquet. Kahit may edad na ay hindi pa rin niya maiwasang kiligin dahil sa tuwing anniversary nila ay ganito ka sweet ang asawa niya. "Thank you, love," aniya at tinanggap ang bulaklak. Mabilis naman siyang hinalikan ni Vince sa mga labi na kanya ring tinugon ng buong puso. Ilang sandali pa silang naghalikan bago kumalas sa isa't-isa. Ganun pa rin ang asawa niya, walang kupas sa galing humalik. At kahit na hanggang ngayon na malalaki na ang mga anak nila at marami na silang mga apo ay hindi pa rin ito nagbabago. Palagi pa rin nitong pinapainit ang gabi nila sa ibabaw ng kama. Ayon sa asawa niya ay magandang ehersisyo raw iyon upang hindi agad na tumanda. Biniro naman niya ito na palusot lang nito iyon lagi para maka
ASHER 8 months later. Humahangos nang takbo si Asher papasok sa loob ng hospital. Kahit ang sasakyan niya ay hindi man lang niya naipark ng maayos. Nasa kalagitnaan kasi siya ng meeting kanina sa board room nang tumawag ang mommy niya na manganganak na raw ang asawa niya. Dinala na raw ng mga ito si Casey sa hospital, kaya doon na siya pinapaderitso ng mommy niya. Dali-dali siyang umalis sa kumpanya at iniwan ang meeting upang puntahan ang asawa niya sa hospital. Mabuti na lang at nandoon palagi sa mansion ang mommy niya at mommy ni Casey. Laging nakabantay ang mga ito sa asawa niya sa tuwing nasa trabaho siya. Kinakabahan at nae-excite ang pakiramdam niya. Kinakabahan para sa asawa niya na manganganak dahil alam niyang hindi biro ang manganak. Lalo pa at kambal ang isisilang ng asawa niya. Nae-excite dahil sa wakas masisilayan na nila ang kanilang kambal na anak. Parang tinatambol sa lakas ang dibdib ni Asher pagkatapat niya sa kwartong kinaroroonan ng asawa niya. Pagb
CASEY Pagkatapos ng kanilang kasal sa simbahan ay deretso na sila sa reception sa SANTILLAN GRAND MEGA HOTEL. Ngunit ang akala ni Casey na sa reception hall dederetso ay sumakay sila ng elevator. "Saan tayo pupunta, hubby?" nagtataka niyang tanong sa asawa niya dahil ang usapan ay sa reception hall sila pupunta tapos nandito sila sakay ng elevator at nilagpasan ang reception hall kung saan nandoon ang mga pamilya, bisita sa kanilang kasal at nagkakasiyahan. "To our honeymoon place, wifey," malanding sagit ng asawa niya at kinindatan pa siya. Para siyang teenager na kinilig sa ginawa nito. "Pero hubby teka lang, baka kasi hanapin nila tayo lalo na ng mga bisita natin," pigil niya sa asawa," pero alam naman ni Casey na kahit pigilan niya pa ito ay hindi papapigil ang asawa niya. "Hayaan mo sila, wifey. Isa pa nandoon naman ang mga family natin, sila na ang bahala ro 'n," sagot naman ng gwapo niyang asawa. Hanggang sa hindi niya napansin nakarating na sila sa pinakataas.
ASHER Kanina pa hindi mapakali sa si Asher sa kinatatayuan niya. Nanlalamig ang kamay sa kaba kaya maya-maya niya itong ikinikiskis. Kinabakahan siya habang hinihintay ang pagbukas ng pinto ng malaking simbahan para sa grand entrance ng kanyang bride. "Relax, Kuya, darating yan si Ate Casey," nakangiting wika ni Aaron at tinapik siya sa balikat. Si Aaron ang kanyang kapatid na lalaki at siyang tumayong bestman niya. Kahit pa sabihing magrelax at darting ang bride niya at hindi niya pa ring iwasang kabahan. May lumapit na organizer sa kanya. Sinabi nitong nasa labas na raw ng malaking pinto ng simbahan ang bride niya. Kaya naman napaayos siya ng tayo at muling kumabog ang dibdib niya. Maya-maya pa nagsimula nang maglakad ang mga abay sa kasal. Napapangiti siya habang pinagmamasdan si Zoe ang kanilang flower girl. Napakaganda at napaka cute niyang prinsesa na naglalakad sa aisle. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib niya nang magsimulang tumugtog ang kantang on this day.
CASEY Napapangiti na pinagmamasdan ni Asher ang fiancee na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Naghihilik pa ito at halatang pagod na pagod sa ginawa niyang pag-araro rito kanina. After ng proposal niya kanina ay nagpaiwan sila rito sa Mega Grand Hotel na pagmamay ari ng mga Santillan. At nandito sila sa presidential unit ngayon. Ang anak nila ay sinama na pauwe ng mommy Coleen nila kanina. Sobrang saya niya nang makita kanina ang mukha nito dahil sa surpresa niya. Hindi nga ito makapaniwala kanina habang kinukwento niya rito na kasama niya ang buong pamilya nito, at pamilya niya sa plano niyang surpresa para rito. At tuwang-tuwa siya sa magandang kinalabasan kahit pa natakot rin siya na baka magalit ito dahil natakot ito ng sobra lalo pa at kasama ang anak nila. Ginawa niya kasi iyon para talagang mapaniwala ito na totoo ang nangyayaring pagkidnap. At ngayon hindi na siya makakapaghintay pa na tuluyan na itong maging asawa niya. Wala na itong magiging kawala pa sa kanya.
CASEY Nagising si Casey dahil sa lamig na bumabalot sa katawan niya. May nauulinigan din siyang mga boses na tila nagsasalita sa paligid niya, nakapiring pa ang mga mata niya kaya hindi niya makita ang nasa paligid. Pinakiramdaman niya ang sarili at ramdam niyang nakaupo siya sa isang upuan. Pasimple niyang ginalaw ang mga kamay at paa, nakatali ang mga kamay niya pero hindi ang mga paa niya. Naalala niya ang nangyari kanina na pagdukot sa kanila ng anak niyang si Zoe kaya muling sumalakay ang matinding kaba sa dibdib niya. Tinawag pa siyang mommy ng anak niya bago siya nawalan ng malay kanina. Kailangan niyang makaalis dito at hanapin ang anak niya. Kailangan siya ni Zoe ngayon. "Lord, please help me find my daughter," piping dasal ni Casey. Hanggang sa matigilan siya nang makirinig siya ng boses ng bata na ka boses ni Zoe. "Zoe! Baby!" sigaw ni Casey at tumayo mula sa kinauupuan niya. "Mommy!" ganting sigaw naman ng anak niya. "Zoe, anak nasaan ka? Ayos ka lang ba?" na
CASEY Isang buwan na ang matulin na lumipas na hindi namamalayan ni Casey. Masyado siyang nag-eenjoy kasama si Asher at ang anak nila. Sigurado ka ba love na hindi ka sasama sa akin?" tanong sa kanya ni Asher habang inaayos niya ang necktie nito. Aalis kasi ngayon ang lalaki para magtungo sa Amerika dahil sa business trip sa dadaluhan nito. "Huwag na love, and, saka di ba tatlong araw ka lang naman doon at babalik ka kaagad," aniya at iniyakap ang mga braso sa leeg ni Asher. Bumaba ang mukha nito sa kanya at agad na siniil ng halik ang labi niya na agad din naman niyang tinugon ng buong puso. Hinapit ni Asher ang katawan niya at lalo pang idinikit sa katawan nito, kaya ngayon ramdam na ramdam niya matigas na bagay na tumutusok sa puson niya. Naging mapusok ang halikan nila hanggang sa maalala niya na aaalis pala ang asawa niya at ngayon ang flight papuntang US. Humiwalay ang labi niya rito dahilan para magtaka si Asher. "Why?" tanong nito na tila nabitin sa halikan nil
CASEYPagkapasok nila sa condo unit ay may agad na nilock ni Asher ang pinto. Habang si Casey naman ay nilibot ang tingin sa buong unit. Naka dim lang din ang ilaw kung kaya kita niya pa rin ang ganda ng unit. Malinis at lalaking-lalaki ang style. "So, dito ka nakatira at hindi sa mansion ng parents mo?" baling ni Casey kay Asher na ngayon ay nakapulupot na ang mga braso sa beywang niya."Hmmn, sa mansion pa rin ako umuuwe, at minsan dito," sambit nito."C'mon, baby, huwag na muna natin pag-usapan 'yan. Let's make love now," bulong ni Asher na tainga niya at dinilaan iyon. Bagay na naghatid sa kanya ng libo-libong boltahe ng kuryente sa katawan.Pinihit siya nito paharap at agad na siniil ng halik ang mga labi niya. Naglubid ang mga dila nila at nagpalitan ng laway sa isa't-isa. Kinarga siya ni Asher at agad naman niyang ipinulupot ang dalawang binti sa beywang nito. Pati ang mga braso niya ay nakakawit nang mahigpit sa leeg ng lalaki. Narating nila ang kwarto na hindi napuputol ang