ASHER Kanina pa hindi mapakali sa si Asher sa kinatatayuan niya. Nanlalamig ang kamay sa kaba kaya maya-maya niya itong ikinikiskis. Kinabakahan siya habang hinihintay ang pagbukas ng pinto ng malaking simbahan para sa grand entrance ng kanyang bride. "Relax, Kuya, darating yan si Ate Casey," nakangiting wika ni Aaron at tinapik siya sa balikat. Si Aaron ang kanyang kapatid na lalaki at siyang tumayong bestman niya. Kahit pa sabihing magrelax at darting ang bride niya at hindi niya pa ring iwasang kabahan. May lumapit na organizer sa kanya. Sinabi nitong nasa labas na raw ng malaking pinto ng simbahan ang bride niya. Kaya naman napaayos siya ng tayo at muling kumabog ang dibdib niya. Maya-maya pa nagsimula nang maglakad ang mga abay sa kasal. Napapangiti siya habang pinagmamasdan si Zoe ang kanilang flower girl. Napakaganda at napaka cute niyang prinsesa na naglalakad sa aisle. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib niya nang magsimulang tumugtog ang kantang on this day.
CASEY Pagkatapos ng kanilang kasal sa simbahan ay deretso na sila sa reception sa SANTILLAN GRAND MEGA HOTEL. Ngunit ang akala ni Casey na sa reception hall dederetso ay sumakay sila ng elevator. "Saan tayo pupunta, hubby?" nagtataka niyang tanong sa asawa niya dahil ang usapan ay sa reception hall sila pupunta tapos nandito sila sakay ng elevator at nilagpasan ang reception hall kung saan nandoon ang mga pamilya, bisita sa kanilang kasal at nagkakasiyahan. "To our honeymoon place, wifey," malanding sagit ng asawa niya at kinindatan pa siya. Para siyang teenager na kinilig sa ginawa nito. "Pero hubby teka lang, baka kasi hanapin nila tayo lalo na ng mga bisita natin," pigil niya sa asawa," pero alam naman ni Casey na kahit pigilan niya pa ito ay hindi papapigil ang asawa niya. "Hayaan mo sila, wifey. Isa pa nandoon naman ang mga family natin, sila na ang bahala ro 'n," sagot naman ng gwapo niyang asawa. Hanggang sa hindi niya napansin nakarating na sila sa pinakataas.
ASHER 8 months later. Humahangos nang takbo si Asher papasok sa loob ng hospital. Kahit ang sasakyan niya ay hindi man lang niya naipark ng maayos. Nasa kalagitnaan kasi siya ng meeting kanina sa board room nang tumawag ang mommy niya na manganganak na raw ang asawa niya. Dinala na raw ng mga ito si Casey sa hospital, kaya doon na siya pinapaderitso ng mommy niya. Dali-dali siyang umalis sa kumpanya at iniwan ang meeting upang puntahan ang asawa niya sa hospital. Mabuti na lang at nandoon palagi sa mansion ang mommy niya at mommy ni Casey. Laging nakabantay ang mga ito sa asawa niya sa tuwing nasa trabaho siya. Kinakabahan at nae-excite ang pakiramdam niya. Kinakabahan para sa asawa niya na manganganak dahil alam niyang hindi biro ang manganak. Lalo pa at kambal ang isisilang ng asawa niya. Nae-excite dahil sa wakas masisilayan na nila ang kanilang kambal na anak. Parang tinatambol sa lakas ang dibdib ni Asher pagkatapat niya sa kwartong kinaroroonan ng asawa niya. Pagb
COLEEN 1 Year later... "Happy anniversary, love," nakangiting bati ni Vince sa kanya pagkababa siya sa hagdan. Nakatayo roon ang asawa niya at mukhang hinihintay ang pagbaba niya. Malawak ang pagkakangiti nito at agad na iniabot sa kanya ang hawak nitong bouquet. Kahit may edad na ay hindi pa rin niya maiwasang kiligin dahil sa tuwing anniversary nila ay ganito ka sweet ang asawa niya. "Thank you, love," aniya at tinanggap ang bulaklak. Mabilis naman siyang hinalikan ni Vince sa mga labi na kanya ring tinugon ng buong puso. Ilang sandali pa silang naghalikan bago kumalas sa isa't-isa. Ganun pa rin ang asawa niya, walang kupas sa galing humalik. At kahit na hanggang ngayon na malalaki na ang mga anak nila at marami na silang mga apo ay hindi pa rin ito nagbabago. Palagi pa rin nitong pinapainit ang gabi nila sa ibabaw ng kama. Ayon sa asawa niya ay magandang ehersisyo raw iyon upang hindi agad na tumanda. Biniro naman niya ito na palusot lang nito iyon lagi para maka
AUTHOR'S NOTE Hello po sa lahat ng readers ng THE UNWANTED MARRIAGE. Maraming-maraming salamat po sa inyo, sa pagsubaybay at pagsuporta niyo sa storya nina Coleen at Vince. Taos-puso po akong nagpapasalamat sa inyong lahat. Ang kwento ng tunay na pag-ibig nina Coleen at Vince. At kwento ng pagmamahalan nina, Carter at Angel na ngayon ay mayroon ng tatlong anak ang kanilang triplets na sina, Caleb, Chase and Callie. Ganun din nina Casey at Asher na maryoon ding tatlong anak na sina, Zoe Ashvi at ang kambal na sina Ashton and Aisha. Ang kambal naman na sina Vayden at Vaden, baka gawan ko rin sila soon. Muli maraming-maraming salamat talaga sa inyo, my dear readers. Love you all! CIE JILLš«°
āSeriously mom!? Gusto niyo na makasal ako sa lalaking hindi ko naman mahal!ā hindi makapaniwalang bulalas ni Coleen sa kanyang ina. āI told you that before honey, didn't I?ā mahinahong sagot ng mommy niya. āKaibigan namin ng dad mo ang parents ni Vince at kilalang kilala na namin sila kaya panatag kami ng daddy mo na mapupunta ka sa tamang lalaki. Isa pa, mabait at gwapo si Vince, bagay kayong dalawa kaya wala kang dapat ipag-alala anak,ā tila kinikilig na sabi ng mommy niya. Napahilot si Coleen sa sentido niyang bahagyang kumirot. Hindi siya makapaniwala na talagang ipagkakasundo siya sa lalaking āyon. Ilang beses naman na niya itong nakita at nakakasama sa tuwing may pa dinner or pa party ang mga magulang nila pero never niya itong nakakausap man lang. āPag-isipan mong mabuti ito anak, para din naman sayo ātong ginagawa namin ng dad mo, isa pa 25yrs old kana anak, dapat may asawa ka na, sabik na kami ng dad mo na magkaroon ng apo,ā masayang wika ng mom niya. āBut mom, hind
Late na pumasok si Vince sa opisina niya kinabukasan. Birthday kasi kagabi ng isang kaibigan niya. Hindi na nga siya nakauwe kagabi sa bahay nila kundi sa condo nya na lang sya dumeretso.Pagbukas niya sa pinto ng opisina niya sumalubong kaagad sa kanya ang Daddy nya. Nakaupo sa office chair niya at mukhang hinihintay ang pagdating niya."I've been waiting for you, son," bungad ng daddy niya. "Bakit ngayon ka lang?" dagdag pa nito. Actually kagabi pa kita hinihintay sa bahay pero hindi ka umuwe."I'm sorry, Dad, birthday kasi kagabi ng isang kaibigan ko kaya nagka inuman at hindi naku umuwe p sa bahay, dahil malapit lang naman ang condo ko kaya doon na ako tumuloy kagabi," paliwanag niya. Kahit kasi malaki na siya at nasa tamang edad na gusto pa rin ng mga magulang nyang sa bahay sila palaging umuwe.Katwiran kasi ng mga magulang nila magbubukod din sila kapag oras na magkapamilya na sila. Kaya habang wala pa gusto ng mga ito ang palagi silang magkakasama sa iisang bubong."By the way
Palakad lakad siya sa loob ng opisina niya at di mapakali, iniisip tuloy niya kong bakit siya pumayag na paakyatin ang lalaking yon sa opisina niya. Pero sa kabilang banda gusto nya din itong makausap. Baka tulad niya ayaw din nitong magpa kasal sa kaniya. Napangiti siya sa naisip na possibleng mangyari."Sana nga," bulong ng isip niya.Nakatalikod siya at nakaharap sa gawing bintana ng opisina niya ng marinig niya itong bumukas. Akala niya ang secretary niya ito kaya hindi muna siya humarap at hinintay itong magsalita. At ilang segundo lang ang lumipas ng marinig niya ang pag tikhim nito mula likuran niya.Doon niya napagtanto na boses lalaki iyon. Kaya naman unti-unti siyang pumihit paharap dito. Bumilis ang tibok ng puso niya.Nagtitigan muna sila at nagsukatan ng tingin, pero siya ang unang nagbaba ng tingin dito."SHOCKS!" totoo pala talaga ang sabi ng mommy niya na napaka gwapo nito at ang lakas pa ng dating. Ilang beses pa lang naman kasi niya itong nakikita at hindi naman niya