"Nay, 'tay, magandang umaga po. Nakaluto na po ako ng ulam" masiglang bati ni Marisse sa mga magulang ng makita nito na palapit ito sa kanila. "magandang umaga din anak" may ngiti sa labing tugon ng mga magulang nito. "Ah, sya nga pala 'nay, 'tay, susunod po ako mamaya sa inyo sa taniman, ipaghahanda ko po kayo ng meryenda at tanghalian, sabihan nyo na rin po na h'wag ng magbaon sina Mang Tomas, ako na po ang bahala sa kanila" dugtong ng dalaga. "napaka-sipag naman ng anak namin, kaya mahal na mahal kita e" usal ng ina ni Marisse sabay yakap sa kaniya. "Naku, Vanessa, dapat itong nakababata mong kapatid ang gayanin mo. Huwag puro ka diyan gala at inom, ano ba 'tong batang to" sermon ni Inay sa aking nakatatandang kapatid na si ate Vanessa. marami ang nagsasabi na magkasalungat daw kami ng ugali ng ate ko. kung ako ay raw ay mabait, masiyahin, walang arte at matulungin, si ate naman daw ay matapobre, laging nakasimangot, naglalakwatsa at nag iinom kasama ang mga kaibigan. "oh edi
Huling Na-update : 2024-01-07 Magbasa pa