All Chapters of The Remarried Perfect Housewife: A Mafia Boss Proposal: Chapter 61 - Chapter 70

95 Chapters

Kabanata 61

“Celeste…”Matatamlay at mapupulang mga mata na animo hindi nakatulog ng ilang linggo, nakatitig si Darson sa larawan ng dati niyang asawa noong ito'y dalaga pa lamang.Nasa larawan ang malaking pagkakangiti sa labi ng labing limang taong gulang na si Celeste habang nakatingin sa camera. Sa suot nitong simpleng kulay rosas na dress ay nagliliwanag ang kutis nito. Ang buhok pa ni Celeste noon ay paalon na umaabot hanggang sa baywang nito.Napakagandang babae… na dapat ay si Darson lang ang makaka-angkin.“Celeste,” muli niyang hinaplos ang ang picture frame gamit ang kanyang hinlalaking daliri. “You're a lying bitch. Sabi mo ako lang ang mamahalin mo. Nasaan ka na ngayon? Sa piling ng ibang lalaki?”Nanggagalaiti niyang tinungga ang bote ng alak sa hindi mabilang na pagkakataon. Nakakalat mismo sa dating kama nila ni Celeste ang iba pang mga mamahaling bote ng alak na ngayon ay wala nang kalaman-laman, habang nakaupo siya roon.Sa sakit na nadama ay kinuyom ni Darson ang matigas niyang
Read more

Kabanata 62

“Madam! Maraming salamat po, Madam!”“Madam Celeste! Hulog kayo ng langit sa amin!”“Nabawi na namin ang aming sakahan!”“Nakakaligo na ulit kami sa ilog!”“Madam Celeste!”Nagugulat si Celeste sa mga taong sumalubong sa kanya pagkababa pa lamang niya mula sa kanilang van sa probinsya matapos ang tatlong linggong pag-alis niya rito. ‘Di niya inaasahang dudumugin siyang bigla ng mga tao roon at lahat sila'y tuwang-tuwa sa pagdating niya.“Paki-kalma po mga nanay at tatay!” pagpapakalma niya pa bagaman hindi mapigilang matuwa sa mga tao. Pilit nilang kunukuha ang kamay niya at yakapin siya. “Ginawa ko lamang po ang tama para sa ating lahat!”“Madam! Salamat po at nagbalik kayo!”“Unti-unti nang nagsisipaglayasan ang sugo ng mga Allegra!”“Madam Celeste, mabuhay ka!”Labis na napukaw ang damdamin ni Celeste sa mainit na pagsalubong sa kanya ng mga tao. Emosyonal niyang kinausap isa-isa sa kabila ng pagdumog nila para lamang makita at mawahakan siya.Batid nga niyang unti-unti nang naibab
Read more

Kabanata 63

“Hmm~ nanana, nana, hmm mhmm~” Habang kumkanta-kanta si Chiarra ay marahan niyang hinahaplos ang malaki niyang tiyan.Kung titingnan ay napakaganda ng mood niya ngayon. Mukha siyang maselan na babaeng buntis na tahimik na nakaupo sa malambot na sofa ng sala. Tila'y masaya niyang inaalagan ang sarili para sa batang nasa loob ng kanyang sinapupunan.Subalit sa likod niya ay nakaluhod ang isang babaeng katulong na mayroong namamagang mukha at palihim na humihikbi. Iyon ay dahil katatapos lamang ni Chiarra na ibuhos ang lahat ng galit niya sa babeng iyon na si Tami.Paano ba naman? Buong dalawang linggo siyang hindi pinag-iintindi ni Darson. Hindi na niya kaya pang magtimpi ng galit kung kaya’t binaling niya iyon sa tatanga-tangang si Tami na hindi magawa ng maayos ang paglingkuran siya.“Tami, buksan mo nga ang TV, gustong manood ni baby ng cartoons.”“O-Opo, madam!” nanginginig na tumayo ang babae. Nanlalambot ang mga tuhod na naglakad patungo sa TV upang kunin ang remote at buksan iyon
Read more

Kabanata 64

Inabot ng gabi ang sana'y munting pagsasalo-salo nila Celeste, kasama ang mga magsasaka. Naging malaking selebrasyon iyon, animo piyesta ng isang buong barangay. Naglabasan ng malalakas na musika, mga matatapang na alak at pulutan, na agad nauwi sa nakakaaliw na sayawan.“Malamig ba?” pagtatanong ni Semion kay Celeste kasabay ng pagpatong ng malaking itim na jacket sa magkabilang balikat ni Celeste.Ang kaninang nanlalamig na mga braso ni Celeste dala ng simoy ng hangin ay natabunan ng mainit-init na pakiramdam. Nabawi ang atensyon niya mula sa mga taong nagsasayaw at nabaling sa tabi niya kung saan naupo si Semion.“Salamat.” napangiti siya ng malaki. “Tapos ka na makipag-usap sa mga tauhan mo?”“Tapos na.” inayos pa ni Semion ang pagkakalagay ng kanyang jacket sa katawan ni Celeste. “Wear this properly, or you'll catch a cold.”“Okay po.” natatawang sinuot ni Celeste ang malaking jacket. Naamoy niya ang masarap sa ilong na lalaking pabango ni Semion. Inamoy-amoy niya pa iyon at mapa
Read more

Kabanata 65

Hindi mapakali si Felip habang tinatanaw sa malayo si Celeste na nakaupo sa tabi ni Semion. Halos mag-iisang oras na siya sa kinalalagyan, humahanap ng tiyempo na maghiwalay ang dalawa nang sa gayon ay makausap niya si Celeste.Nagliwanag ang mukha niya nang makitang tumayo si Semion hawak-hawak ang cellphone nito at inilagay sa tainga, saka niya pinanood na maglakad papalayo si Semion, malayong-malayo kay Celeste. Seryoso ang mukha nitong may kinakausap sa cellphone bago tuluyang nawala sa paningin niya.“Tskk!” Hindi ba't kahina-hinala ang ganoong galawan? Bakit pa ito lalayo ng gano’n dahil lang sa may tumawag? Maliban na lang kung may tinatago ito mula kay Celeste at ayaw nito iparinig!Pero dahil do'n ay nakahanap na ng tiyempo si Felip na makapunta kay Celeste.“Celeste!” inagaw niya ang pansin nito at naupo sa tabi nito sa kaninang puwesto ni Semion.“Oh, Felip!” magiliw siyang pinansin ni Celeste. “Saan ka nagpunta? Mukhang kanina ka pa nawala, ah?”Matagal niyang pinakatitigan
Read more

Kabanata 66

Si Semion ay masamang tao at pumapatay kagaya na lang ng mga Allegra?Ang akusasyon na iyon ay hindi matatanggap ni Celeste. Kahit na hindi niya pa lubos na kilala si Semion ay wala naman talaga dapat itong maging masamang pakay mula sa kanya.Noong nag-offer si Semion ng kontrata ay nakita niya ang sinseridad nito. Kung tutuusin ay walang-wala na nga si Celeste noon hanggang ngayon. Hindi pa nakukuha ni Celeste ang lahat ng yaman niya, pero kahit makuha niya iyon ay hindi parin iyon makukumpara sa yaman ni Semion, kaya aanhin nito iyon?Syempre hindi rin naman uto-uto si Celeste para hindi isipin ng komplikado ang sitwasyon, kaya nga't paisa-isang hakbang niyang binubuo ang sariling reputasyon at impluwensya niya sa tulong ni Semion na maaari niya ring magamit na sandata. Kagaya na lamang ng pagkuha niya ng sariling mga tauhan na aamo lang sa kanya. Isa pa, kapag tuluyan niyang nabawi ang mga lupain dito sa probinsya ay mas lalakas pa ang pangalan niya sa mga tao na paniguradong makak
Read more

Kabanata 67

Sunod-sunod na paglabasan ng mga articles tungkol sa naging relasyon ng pamilyang Costa at Allegra ang namayani matapos ng naging interview kay Celete at dokumentaryo sa sinapit ng buhay ng mga magsasaka.Kaliwa't kanan paring mga batikos ang kinakaharap ngayon ni Governor Demetrio na mas lalong kinaiipit nito sa gulo. Paulit-ulit itong hinihingian ng panig ukol sa mga isyu, subalit ang spokesperson lamang nito ang nagsasalita para dito.““Naniniwala ako na makakabangon ang mga inaping magsasaka at residente sa aming acienda. Makakamit nila ang hustisyang ipinaglalaban nila, dahil ako mismo ang gagawa ng paraan para mangyari iyon.””Naka-ilang ulit nang pinapanood ni Darson ang kaninang interview ni Celeste sa balita mula sa malaking screen ng TV sa kanyang kwarto.Ngunit kahit na ilang beses niyang ulit-ulitin na halos makabisado na niya ang mga linya, hindi parin nababago ang nakikita niyang nakakahalinang kagandahan at katapangan sa itsura ng dati niyang asawa.Hindi maiwasang maala
Read more

Kabanata 68

Dahil sa mga tagumpay na nangyari nitong mga nakaraang linggo ukol sa kinahaharap na isyu, halos kada-araw na nakakatanggap ng mga regalo at mensahe mula sa iba't-ibang pamilya sa upper class si Celeste.Madalas sa mga iyon ay wala naman talagang pakialam sa mga nangyayari at gusto lamang maki-isyuso at ipakitang nasa panig sila ng pamilyang Lombardi. Samantalang may iilang pamilya naman ang mukhang nagpapakita ng senseridad sa mga nangyayari.Iyon ang kasalukuyan niyang tinatrabaho sa mansyon---ang kilalanin kung sinong mga pamilya ang talagang may mabuting intensyon sa kanya at sa mga Lombardi, na dapat niya ring kaibiganin.Sa kabilang banda, natatawa siya na makita ang mga sulat at regalo sa kanya nila Veron, Anetta, at Rania. Mga plastic! Gusto nila ulit makipagkaibigan sa kanya at kalimutan na lang daw ang nangyari noon.“Hmm…” Pinag-isipan niya pa ang pwede nilang maging gamit sa kanya sa hinaharap. Hindi na masama ang magkaroon ng mga alipores. Isa pa, sa tabas ng dila nila, pa
Read more

Kabanata 69

Kabanata 69“Ehem,” pekeng umubo si Diego sa likod ng kanyang boss kasunod ang bulong niya. “Boss, tulo mo lumalaway. Mukha kang tanga.” sarkastikong aniya.Nakita niya ang pag-igtad ni Semion sa kinatatayuan nang matauhan. Lihim nitong pinunasan ang invisibe na laway na sinasabi niya bago mabagal na gumawi sa kinatatayuan ni Celeste.Napalabi pa siya sa isiping hindi man lang siya sinamaan ng tingin ng kanyang boss dahil sa sinabi niya. Sa halip ay gano'n na lang kaganda ang pagkakangiti sa labi nito na hindi naaalis ang paningin kay Celeste.Nalaglag ang balikat ni Diego. ‘Wala na, tinamaan na.’Mukha ring napansin ng tatlong maids ang inaasal ni Primo Semion dahil kanina pa umiimpit na tumitili ang mga ito at nagsisikuhan pa habang pinapanood sa dalawa. “Y-You're, um, you’re gorgeous, Celeste.” nauutal pang puri ng kanyang boss kay Celeste. “Very, very gorgeous.”“...”Aminado si Diego na talaga namang napakaganda ni Celeste. Para sa kanya, may iba't-ibang klase ng ganda ang mga ba
Read more

Kabanata 70

“M-Madam,” natatakot na lumapit si Tami kay Chiarra sa loob ng silid nito. “Madam, may sulat po na dumating at nakapangalan sa inyo.”Nahinto ang pagsusuklay ni Chiarra ng mahaba niyang blonde na buhok sa harapan ng salamin nang sabihin iyon ni Tami. May nanlalaking mga mata siyang napalingon dito.“Sulat? Para sa akin?” Magmula nang dumating siya rito sa mansyon ay wala na siyang naging koneksyon mula sa labas ng mundo. Kaya't sino naman ang magpapadala sa kanya ng sulat? Wala naman siyang kaibigan kundi ang mga bakla't babae roon sa prostitusyon.Sa isiping iyon ay kumabog ang dibdib niya sa kaba. Hindi kaya'y pinaghahanap na siya? Pero imposible dahil binili na siya mula roon ni Priscilla!Kaya bakit?“Akin na!” may puwersa niyang kinuha mula sa kamay ni Tami ang magandang envelope na kinanginig pa nito. “Tsk!”Hindi niya pinansin si Tami at nagmamadaling binuksan ang maliit na envelope. Kaagad niyang naamoy ang mabangong aroma na nagmula sa papel na nasa loob. Dahil diyon ay gumaan
Read more
PREV
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status