Maraming salamat po sa mga nagbibigay ng gems, comments, at nagfo-follow! Luvyuh~
“M-Madam,” natatakot na lumapit si Tami kay Chiarra sa loob ng silid nito. “Madam, may sulat po na dumating at nakapangalan sa inyo.”Nahinto ang pagsusuklay ni Chiarra ng mahaba niyang blonde na buhok sa harapan ng salamin nang sabihin iyon ni Tami. May nanlalaking mga mata siyang napalingon dito.“Sulat? Para sa akin?” Magmula nang dumating siya rito sa mansyon ay wala na siyang naging koneksyon mula sa labas ng mundo. Kaya't sino naman ang magpapadala sa kanya ng sulat? Wala naman siyang kaibigan kundi ang mga bakla't babae roon sa prostitusyon.Sa isiping iyon ay kumabog ang dibdib niya sa kaba. Hindi kaya'y pinaghahanap na siya? Pero imposible dahil binili na siya mula roon ni Priscilla!Kaya bakit?“Akin na!” may puwersa niyang kinuha mula sa kamay ni Tami ang magandang envelope na kinanginig pa nito. “Tsk!”Hindi niya pinansin si Tami at nagmamadaling binuksan ang maliit na envelope. Kaagad niyang naamoy ang mabangong aroma na nagmula sa papel na nasa loob. Dahil diyon ay gumaan
WEEKS Later…Galanteng mga tawanan ng kababaihan, pagtaginting ng mga baso, at malumanay na pagtugtog ng musika mula sa orchestra ang siyang namamayani sa loob napaka-espasyong silid.May pagmamalaki at puno ng antisipasyong pinapanood ni Valentina ang kasalukuyang nagaganap sa lugar na siya mismong naghanda at nagplano ng lahat bilang bridesmaid ni Celeste. Naglalakbay ang mga mata niya sa kumikinang na mga chandelier at sa mga eleganteng bihis ng mga bisita na nagpupuno sa malaking silid.Hindi niya lubos akalaing darating ang araw na ito, bilang ate ni Semion, kaya ganito na lang ang nararamdaman niyang kagalakan. Sa kabilang dako naman ng parehong venue, ay kasalukuyan na ring nagaganap ang groom's shower nito na pinangunahan ni Diego.Si Valentina, na bihis sa isang sleek na itim na dress na kinokortihan ng kanyang katawan, ay naglalakad sa gitna ng karamihan na may aura ng awtoridad. Ang kanyang mga takong ay nagkakalabog laban sa marmol na sahig, isang ritmikong echo na nagpapah
“Wait, w-wait!” ilang beses na napakurap si Veron, sinusuri ang kabuuan ng babaeng nasa harapan nila ngayon. Mahina niyang kinausap sina Rania at Anetta sa magkabila niyang gilid. “Come to think of it, girls. She's pregnant. Siya yata ‘yung nakita natin noon sa mall kasama ni Darson Allegra.”“Oh my god.” ‘di makapaniwalang bulong ni Rania. “Anong ginagawa ng kabit dito mismo sa bridal shower ng babaeng siniraan niya ng relasyon?”“I can't believe this. The audacity.” pasinghal ding bulong ni Anetta.Matagal na napaisip si Veron, paara baga may light bulb na umilaw sa kanyang ulo sa naisip. “No, wait. You know what, girls? This might be a good opportunity for all of us.”“What do you mean?”Samantalang nanatili namang nakangiti si Chiarra habang nakikinig sa mga bulungan ng tatlo. Hindi siya nagpakita ng hindi kaaya-ayang pag-uugali sa kabila ng mga narinig dahil sila ang daan niya para natunton si Celeste mamaya at para na rin hindi siya mukhang naliligaw sa party na ito.Nabigla siy
“Hanga rin ako sa kabit ng dati mong asawa, Cestie, talagang hindi siya umalis ng party. Makapal ba talaga ang mukha niya, o sadyang hindi niya lang talaga alam kung saan niya ilulugar ang sarili niya?” may inis na tanong ni Jett kay Celeste.“Jettie,” hinaplos ni Celeste ang kamay nito at ngumiti. “Hayaan mo na siya.”Marahas itong napabuntong hininga. “Yeah, I know. But still! Kumukulo lang talaga ang dugo ko sa mga kabit. Urgh! Kahit alam nilang may asawa na, hala sige! Kakabit kung kakabit dahil nangangati ang kiffy!”Napatawa si Celeste. “Ano naman ang kiffy?”“Edi ‘yung mani ng babae. Hindi ka na ba na-update sa wordings ng mga kabataan ngayon?” natawa rin ito.“Pasensya na at tumatanda na.” aniya.Nahampas siya sa braso ng kaibigan. “Cestie, mukha ka lang parte ng generation ngayon dahil sa laki ng binata ng itsura mo! Not gonna lie, huli nating kita sa isa't-isa, you shocked me because you looked like a depressed widower.” puno ng sensero itong ngumiti at hinawakan pabalik ang
“Why is he invited here again? Are we missing something?” tanong ni Damiano kay Semion kasama ng nagtatakang tingin ng dalawa pa niyang kaibigan.Inilapag ni Semion ang baso sa lamesa bago tumayo. Ngumisi pa siya rito. “Why not ask him why he even came?” saka siya naglakad patungo sa kinatatayuan ni Darson na ito ring naghihintay sa kanya.Sa katunayan ay inimbitahan niya si Darson para lamang sa insultuhin ito, pero hindi naman talaga niya inaasahang darating ito. After all, ang mga Allegra ay ma-pride. Suntok sa mukha dapat dito na dumalo sa bridal shower ng ex-wife nito, lalo na't nasa kalagitnaan ng giyera sa lupain ang pamilyang Allegra at Costa.Kasalukuyan paring humaharap sa korte ang ama nito na si Demetrio, kaya bakit naman gugustuhin ni Darson na dumalo ngayong gabi? Ano naman kaya ang nasa isipan ng bastardong ito?“So why are you here, Mister Allegra?” ngising tanong ni Semion, tumangkad sa harapan ni Darson.Nabawasan ang pagmamalaki sa mukha ng lalaki at kunot-noong naki
“I'm leaving.” tiim-bagang deklara ni Darson kay Semion bago pa lumalim ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.Masama ang timpla ng mukha ni Semion na napaasik habang pinapanood ang lalaki na halos kakapasok lang ay agad ding lumabas ng silid.Mukhang pumunta lang talaga rito si Darson para asarin siya. Ngayon ay nagtagumpay nga si Darson na guluhin ang isipan niya. Dahil kahit bumalik na siya sa kanyang mga kaibigan ay naiwan parin ang mga bakas ng sinabi ni Darson sa isipan niya kanina.Closure? Talagang naghahangad ito ng closure? ‘Kingina, mas makapal pa yata sa semento ang pagmumukha ng isang Darson Allegra.“Oh? Bakit mukha kang nalugi? Natalo ka ng lalaking ‘yon?” natatawang tanong sa kanya ni Damiano.“Tsk!!” hindi siya nakaalma. Lalo’t napagtatanto niya sa sarili kung gaano siya nanggigigil sa lalaking ‘yon ngayon.Naglalaro parin sa isapan niya kung totoo ba talagang sinusubukan ni Darson na makipag-usap kay Celeste at ang hindi nito pagtugon sa lalaki. Nakakaramdam siya ng in
“Bitawan mo ako, Darson! Ano ba?!” nagpupumiglas si Chiarra sa higpit ng pagkakakapit ni Darson sa siko niya habang siya’y kinakaladkad palabas ng lugar. Nahihirapan siyang sabayan ang paglalakad nito na mabibilis at malalaki ang hakbang. Ilang beses na siyang natapilok sa high heels niya ngunit hindi parin natutumba dahil halos buhatin na siya ni Darson. “Nasasaktan na ako!!” galit niyang pag-angal. “Pwede bang maghinay-hinay ka?!” “Damn it, Chiarra!!” hinagis siya ni Darson sa sasakyan. Tumama ang likod niya sa side mirror na agad niyang kinadaing. “Aray ko! A-Ano ba, Darson?!” napahawak siya sa kanyang tiyan, puno ng hinanakit itong tiningala. “May balak ka bang saktan ang anak natin?!” “Ikaw ba? Hindi ba ‘yun naman ‘yung gusto mong gawin sa batang nasa sinapupunan mo?!” umambang sasampalin siya ni Darson na kinagulat pa niya, ngunit hindi nito tinuloy. Pigil na pigil ang panggigigil. “Sa ginawa mo kay Celeste, ni wala ka ngang pakialam sa kalagayan mo, hindi ba?! Paano ka naka
Matagal na pinakatitigan ni Semion si Celeste habang ito’y kanina pa nakatulala sa harapan ng salamin. Tumutulo ang buhok nito marahil katatapos lamang maligo, at nakasuot na rin ng preskong pajama.Nakauwi na silang pareho sa mansyon at kasalukuyang nasa loob ng sariling kwarto upang sana’y mamahinga. Subalit kanina pa siya hindi pinapansin ni celeste, wari’y nagkaroon ito ng sariling mundo dahil sa nangyari kanina sa party.Kanina pa pinipigil ni Semion ang sama ng kanyang loob dahil diyon. Ang galit ay hindi mawala-wala sa dibdib niya dahil bumabakas sa alaala niya ang napanood na footage ng CCTV. Kung saan niyakap ni Darson si Celeste at hinalikan ito sa labi. Pagkatapos no’n ay saka dumating ang buntis na kabit ni Darson.Ang mga kuko ni Semion ay nakabaon na kanyang palad, nagsusugat at bahagyang nagdurugo. Apektadong-apektado siya sa nakita. At naiinis siya na nasa ganitong estado ngayon si Celeste. Kung hindi lang siya sanay na itago ang tunay na nararamdaman ay malamang napag