All Chapters of Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother: Chapter 41 - Chapter 50

127 Chapters

Chapter 40: Low Energy

Ilang araw pa ang lumipas bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na magtanong ng about kay Chaeus. Hindi ko kasi ito nakikita sa breakfast at ganundin sa dinner. Bagay na imposibleng mangyari dahil kilala ko ang ugali ni Chaeus. Kung busy lang ito sa site, makikita ko pa rin sana. Unless nagtatago siya para magpa-miss sa akin. Ganun na lang ang gulat ko sa sagot ni Azalea.“Hindi mo alam na umalis siya ng bansa, Hilary?” puno ng pagtatakang balik-tanong ni Azalea. Umiling ako, magtatanong ba ako sa kanila kung alam kong umalis ang Tukmol? Ang bungol talaga. Magandang babae nga, kaso mukhang walang utak. Hindi niya ginagamit ang common sense.“Nagpaalam sa amin na susundan niya raw si Lailani. Isang araw after niyang umalis ng bansa. Hindi ko alam kung may pinag-awayan sila kaya hindi mapalagay ang Kuya Chaeus mo at sinundan na lang ito para suyuin. Niloko ko ngang magpakasal na sila para magkasama na.”Tumango-tango lang ako. Itinuloy ang pagkain. Medyo kampante na sa nalaman. Akala ko
last updateLast Updated : 2024-02-05
Read more

Chapter 41: Unang Halik

Lumipas pa ang mga araw hanggang sa naging buwan na ang bilang noon. Pinili kong huwag na lang siyang pansinin na hindi kalaunan ay nakasanayan ko na rin naman. Nalibang ako sa bagong batch ng mga manliligaw. Suportado ako dito ng mga kaibigan. Nang sumapit ang araw ng mga puso at magkaroon ng okasyon sa school namin ng araw na iyon ay ang dami kong natanggap na bouquet at box ng chocolates.“Ang famous ah? Pahingi naman kahit na isa.” pagbibiro ni Shanael habang nakatingin sa mga iyon na nakalagay lang naman sa aking upuan.Sa dami ay halos wala na akong mauupuan.“Pumili ka na, kung alin diyan ang gusto mo.” sakay ko na malakas lang ikinatawa ng gaga.To be honest ay hindi lang ako ang maraming natanggap. Mayroon din sila. Pati nga si Glyzel kaya naman panay ang sulyap ng class adviser namin sa pwesto nito kahit na mayroong klase. I could tell from his eyes ang selos na nadarama.“Utang na loob Hilary, huwag mong itatapon ang mga iyan. Please appreciate the effort ng mga nagbigay.”
last updateLast Updated : 2024-02-05
Read more

Chapter 42: Sundo

Kinabukasan ng gabing umamin ay muling sumabay si Chaeus sa amin ng breakfast. Alam kong tuloy-tuloy na iyon na parang walang nangyari. Pinili niya ang bumalik sa dati. Hindi ko sinabi sa kanya na narinig ko ang confession niya. Minabuti ko na lang ang magpanggap na walang alam sa nararamdaman niya. Mas okay na iyon, para hindi rin kami maging awkward. Naging talkative siyang muli. Makulit na ulit. Ganunpaman ang galaw niya ay halatang may nagbago sa kanya. Malaki iyon. Hindi masaya ang mga mata niya na sa tuwing tititigan ko iyon, nakikita ko ang kakaibang lungkot na bumabalot.“Ano na Chaeus? Wala pa rin bang balita? Kailan pa ang plano niyong magpakasal ni Lailani?” ungkat ni Azalea tungkol sa pag-aasawa nito.Nag-angat ng tingin si Chaeus. Lumapat iyon sa akin saglit. Nginitian ko siya bilang pagsuporta. Tama naman siya, kahit gaano namin kagusto ang bawat isa hindi pa rin kami pwede. Hindi pa rin kami pwedeng magmahalan ng lantad gaya ng ibang taong nagmamahalan ng wagas at tapa
last updateLast Updated : 2024-02-05
Read more

Chapter 43: Chaeus Invitation

Saglit akong nanigas at napayakap sa sarili paglabas ko ng gate ng campus. Nanindig na ang mga balahibo ko. Sleeveless pa naman ang suot ko. Sinalubong lang naman ako ng malamig na ihip ng hangin na samahan pang galing iyon ng dagat. Doon ko pa lang naalalang nakalimutan ang cardigan na kunin sa bag ni Shanael. Ayoko naman ng bumalik sa loob. Baka matagalan pa ako, tiyak maiinip na si Chaeus sa paghihintay.Sa sarili mismong covered court ng aming school ginanap ang party, sa may bandang likod iyon malapit sa principal office kaya medyo tago ito sa hangin. Sa banda doon ay hindi dama. Idagdag pa na pinagpawisan kami kakasayaw at marami ang student sa loob kaya mainit. At ngayong nakalabas na ako, nanunuot ito sa aking buto. Nagpalinga-linga na ako sa mga naka-park na kotse. Hinahanap ang pamilyar na sasakyan. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap. Kinuha ni Chaeus ang atensyon ko sa pagtaas ng kanyang isang kamay hindi kalayuan sa aking banda. Nasa labas siya ng kotse. Gaya ng naka
last updateLast Updated : 2024-02-06
Read more

Chapter 44: Gusto rin kita

Kulang na lang ay mapunit ang labi ko sa lapad ng ngiti. Halos umaabot ito sa magkabilang tainga ng marinig iyong sabihin niya. Paano ko ba mae-explain sa salita lang ang feeling na para akong nakalutang sa alapaap ng mga sandaling iyon? Kulang ang salitang kinikilig ako at masaya para mailarawan ang totoong kahulugan. “Oo na, magdadahan-dahan na ako. Grabe! Sobrang ganda naman dito!” pasigaw na sagot ko, nagpaikot-ikot na habang nakadipa. “Ang daming mga bituin sa langit, oh! Tingnan mo sila Chaeus. Ilang milyon kaya ang bilang nila? Mukhang hindi milyon, baka sobra pa sa bilyon. Para silang mga buhay na perlas na nasisinagan ng liwanag ng buwan!” tingala kong hindi na maitago ang kilig at saya sa boses ko ng mga sandaling iyon.Kung sinabi niya lamang sa akin ng maaga na plano niya pa lang pumunta dito, mas pipiliin ko pang sumama sa kanya patungo dito kasama siya keysa umattend ako ng party sa school. Mahaba pa ang panahong magkasama kami. Sayang!“What time is the meteor shower,
last updateLast Updated : 2024-02-07
Read more

Chapter 45: Walang ibang plano

Nanlambot na ang dalawang tuhod ko sa narinig. Parang na-blangko bigla ang utak ko at ayaw na nitong mag-function. Hiniling ko rin naman na magustuhan niya ako, pero hindi naman iyong ganitong tipo ang bilis.Ano iyon? Sobrang lakas ko sa itaas at nagkaroon ako agad ng answered prayer? Ganun ako kalakas kay Lord?Teka lang naman. Hinay-hinay naman ang revelation ay hindi ko pa ma-take.Baka mamaya imagination ko lang ang lahat ng ito. Nakakahiya, Hilary! So iyong pagiging assumera ko ay di pala masama, kasi nag-manifest agad. Dapat masaya ako dahil iyong nararamdaman ko para sa Tukmol ay nasuklian. Kaso, paano ba maging masaya? Kahit naman pareho kami ng nadarama, hindi rin kami pwede. Kasal ang parents namin. Oras na malaman nila ito, baka atakehin sila. Oo, masama akong anak. Pasaway. Pero never sumagi sa isip kong aabot sa ganito. Sabi ko dati ay aagawin ko ang atensyon ng anak ni Azalea para makaganti ako sa pang-aagaw niya sa akin kay Daddy pero ‘di ko naman intended pati ang pu
last updateLast Updated : 2024-02-07
Read more

Chapter 46: Tensyon sa hapag

Dilat ang mata ko buong magdamag. Paano pagkauwi namin ay hindi rin naman ako agad nakatulog. Medyo nagkaroon pa nga ako ng regrets na nag-aya na agad umuwi. Dapat pala ay hindi na muna. Dapat sinulit ko ng kasama siya tutal wala ‘ring pasok sa school kinabukasan. Saka ko lamang iyon naisip ng nasa bahay na. “Ayan Hilary, padalus-dalos ka kasi ng desisyon! Hindi ka nag-iisip muna.”Habang pabalandrang nakahiga sa kama ay binalik-balikan ko sa isip ang ginawang paghalik ni Chaeus sa akin. Ni hindi pa ako nakakabihis ng damit. Parang sinisilaban ang mukha ko ng maalala na ang mga sandaling iyon. Itinaas ko sa ere ang dalawang paa at isinipa-sipa sa hangin. Kilig na kilig na naman ngayon ang buong katawan. Dapat talaga ay sinulit ko na iyon eh! Niyakap ko pa siya nang mahigpit. Pagkakataon ko na iyon. Pinalagpas ko pa. Dangan lang at hindi ako marunong humalik. Kung nagkataon ay baka mas tumagal pa ang halikan. Kainis, hindi ko rin iyon nasuklian. “Paano ka naman matututo, Hilary ay w
last updateLast Updated : 2024-02-08
Read more

Chapter 47: Tamang hinala

Mabilis akong sumubo ng pagkain at umiwas ng tingin nang lumingon na si Chaeus. Napansin siguro nito ang paninitig ko sa kanya. Kung gusto niya ako, paano na si Lailani? Mahal pa rin niya ba ang babae? Normal rin ba na dalawa ang magustuhan? Wala lang, biglang naisipan ko lamang. “I'm done. Since wala namang pasok at puyat pa ako, matutulog ako ulit.” anunsyo kong tumayo na, ini-atras ang upuan upang umalis na sana. Pagak na tumawa si Daddy. Ang bilis magbago ng mood niya. Lumabas siya kanina. Sinagot niya lang naman ang tawag sa phone kanina matapos ng tensyon ng mag-ina. Malamang ay nagbilad siya sa araw. Tumatagaktak na ang pawis niya sa noo at mukha. Ilang minuto lang siyang nawala ah. Narinig yata ang sinabi ko sa kanila. “Tama iyan anak, matulog ka pa tutal wala ka namang pasok para lumaki ka agad.” akbay na ni Daddy sa akin.“Dad, ang lagkit mo naman!” alis ko ng braso niya sa aking balikat, kainis.“Ang arte mong bata ka. Hindi ka pa rin naman naliligo.” iling lang nito.“M
last updateLast Updated : 2024-02-08
Read more

Chapter 48: What if?

Mula ng araw na iyon ay naging regular ang pagsundo ni Chaeus sa akin sa school kahit na may driver naman kami. Hindi ko nga rin alam kung may basbas ba iyon ni Daddy. Malamang magtataka ito kung bakit palaging si Chaeus ang sundo ko. Bilang gusto ko naman si Chaeus ay hindi na ako nag-inarte. Siya na nga iyong nalapit sa akin, aarte pa ako? Ganundin ang naging set up sa mga paglabas namin ng weekend. Naging normal na araw iyon na sa tingin ko ang alam ni Azalea at Daddy ay para mas maging close kami ni Chaeus. Hindi ko alam hanggang saan kami aabot pero gusto ko ang atensyon na nakukuha mula sa Tukmol. Walang explanation kung bakit ginagawa niya ito, nais pa yatang tanggalan ng trabaho ang driver namin. At ang bagay na ito ay napansin na ng mga kaibigan ko. Kung ayos lang ito kina Daddy sa kanila ay hindi naging okay. “Nak's hatid at sundo ka na palagi ni Chaeus? Anong meron sa inyong dalawa?” puna ni Shanael na tunog nagseselos, hindi naman siguro sila manhid. Nagbubulag-bulagan l
last updateLast Updated : 2024-02-08
Read more

Chapter 49: First Date

Sobrang sumama ang loob ko sa maikling naging sagot ni Chaeus. Kaya magmula rin ng araw na iyon ay ibinalik ko ang dating ako. Isa na ang ugali ng pagiging maldita. Sinimulan ko iyon sa pagtigil na sumama pa sa kanya sa paglabas kada weekend. Marami akong dahilan na kahit pilitin niya ay palagi kong tinatanggihan. Patuloy na humahanap at gumagawa ng paraan para hindi niya makasama. Iyong tipong bago pa siya magising s umaga o makalabas ng silid ay lumalabas na ako ng bahay para lang hindi niya maabutan at makaladkad. Saka lang ako babalik once umalis na siya. Kapag susunduin niya naman ako sa school ay pinagtataguan ko siya hanggang sa kusang umalis na. Wala na rin akong ibang option kung hindi ang sabihin na lang sa mga kaibigan ang totoong dahilan sa biglang pagbabago ko. Paano ay nagtataka na naman sila sa mga ikinikilos ko, lalo na sa pagtatago ko kapag si Chaeus ang sundo ko. “Ano? Umamin si Chaeus na may gusto sa'yo?” gulantang na tanong ni Josefa, halatang hindi inaasahan.
last updateLast Updated : 2024-02-10
Read more
PREV
1
...
34567
...
13
DMCA.com Protection Status