Sobrang sumama ang loob ko sa maikling naging sagot ni Chaeus. Kaya magmula rin ng araw na iyon ay ibinalik ko ang dating ako. Isa na ang ugali ng pagiging maldita. Sinimulan ko iyon sa pagtigil na sumama pa sa kanya sa paglabas kada weekend. Marami akong dahilan na kahit pilitin niya ay palagi kong tinatanggihan. Patuloy na humahanap at gumagawa ng paraan para hindi niya makasama. Iyong tipong bago pa siya magising s umaga o makalabas ng silid ay lumalabas na ako ng bahay para lang hindi niya maabutan at makaladkad. Saka lang ako babalik once umalis na siya. Kapag susunduin niya naman ako sa school ay pinagtataguan ko siya hanggang sa kusang umalis na. Wala na rin akong ibang option kung hindi ang sabihin na lang sa mga kaibigan ang totoong dahilan sa biglang pagbabago ko. Paano ay nagtataka na naman sila sa mga ikinikilos ko, lalo na sa pagtatago ko kapag si Chaeus ang sundo ko. “Ano? Umamin si Chaeus na may gusto sa'yo?” gulantang na tanong ni Josefa, halatang hindi inaasahan.
Pag-uwi sa bahay ay patuloy kong inisip iyon. Pinagkumpara ko ang feelings ko sa tuwing kasama ko si Chaeus at si Jared. Sobrang laki ng pagkakaiba noon at alam ko naman kung bakit. Ginagawa ko lang tanga ang sarili. Pinipilit. Tapos magtataka. Nasa harapan ko na ang dahilan nito, malakas ng isinasampal sa akin iyon. Isang malaking katangahan lang ang pumayag ako at patuloy na gawin ito. “Tell me now, Hilary how's your first date with Jared?”Si Josefa iyon na tumawag na, dahil hindi na makapaghintay na tsumika ako sa group chat ng aming tropa. Siya na ang nagkusang maunang makaalam kung ano sa tingin ko. “Ayos lang naman, Josefa.”“May sparks ka bang naramdaman?”Marahang umiling lang ako. Hindi na nag-abalang mag-explain pa dito. “Mukhang hindi ka naman masaya. Sabagay, kung hindi mo naman kasi gusto. Don't worry Girl, baka naman ma-develop ka rin sa kanya, later on.”Pinanghawakan ko ang mga sinabing iyon ni Josefa. Nakailang beses na date pa kami ng pinsan niyang si Jared. Umab
Napaangat na ang mukha ni Azalea sa mga sinabi ko. Gulat na gulat ang mukha niya na para bang hindi niya ini-expect na kayang sabihin ko iyon.“Ah, hindi mo ba nakita? Friend ko kasi si Lailani.” sandal ko na sa counter, hinihintay na ibigay niya sa akin ang plate ng mga macarons. “Na-curious kasi ako anong nangyari kay Lailani noong narinig ko ang sinabi ni Daddy kanina kaya—”“Ano pang nakita mo bukod doon? May mga about ba doon sa third party ng misunderstanding, Hilary?”Wait lang, hindi ba sila friend? Bakit tinatanong niya sa akin ito? Meaning hindi niya nakita ang shared post.“Wala naman. About importance lang ng relasyon like trust, effort. Tagal ng relasyon nila. Pagmo-move on at iba pa. You should stalk her, makikita mo lahat.” suggestion ko na dahil ayoko ng mag-explain pa ng mga nakita rito.Hindi siya kumibo. Kinuha ko na ang plato ng mga macarons sa counter matapos ilagay sa ilalim ng kili-kili ang ilang lata ng soda. Nilingon ko ulit siya bago tuluyang umalis dito.“Th
Lumapad na ang ngiti niya sa labi nang magsimula akong maglakad palapit sa kanya. Na-miss ko siya. Hindi ko iyon maitatanggi. Kung wala nga lang kami sa labas, baka nayakap ko na siya upang mapawi lang iyon. Ngunit dahil nasa public place kami at may issue pa akong kailangang resolbahin kaya kailangang magpigil. Ang dami ‘ring mata sa paligid. “Long time no see, Hilary. Kumusta ka na?” Shit! Kahit ang boses niya namiss ko. Ilang hakbang na lang at tuluyan na akong nakalapit sa kanya ng huminto ako. Hindi alam ang mararamdaman kung nalulungkot ba ako o ano. Basta ang gumugulo sa utak ko nang mga sandaling iyon ay kung kakaripas ba ako ng takbo pabalik sa loob ng campus o magpapatuloy na lumapit.“H-Hi...” parang ayaw halos lumabas ng boses ko sa nanuyong lalamunan. Agad napawi ang mga ngiti niya ng mabaling ang tingin sa kung anong hawak ko. Noong una ay hindi ko pa agad makuha at maipaliwanag ang pagdilim ng kanyang mga mata. Nang ma-realize kong dahil iyon sa bouquet ay awtomati
“Gusto mo bang mapasma ang mga paa ko ha?!” bulyaw ko sa kanya ng ilang hakbang na doon ang tinalon.Kamuntikan pang ma-out of balance ako sa pagmamadaling makatakas. Pinandilatan ko siya ng mata. Tipong kung nakakamatay ay kanina pa siya nakabulagta. Sa halip na matakot ay malakas na tumawa lang ito. Hindi alintana ang mga taong naroon at panaka-naka kaming tinitiningnan. Agaw pansin siguro sa kanila ang suot namin o baka dahil sa hindi pamilyar sa lugar na iyon ang mukha namin. Noon ko lang nakita na hindi lang basta malawak na parang iyon. May mga kabahayan pala sa palibot, na hindi ko nagawang punahin noong magpunta kami ni Chaeus ng unang beses dito sa lugar. Para siyang maliit na village lang pero maraming bahay. “Plano mo pa talagang pabahuin ang mga paa ko!” akusa ko na patuloy sa pag-irap, palabas ko lang iyon lahat. Ang totoo niyan ay gustong-gusto kong naririto kami. Nabawasan ang pagkairitang nasa katawan ko kanina.“Sorry na, grabe ka naman kung sumigaw. Hindi ka naman
Pinagmasdan ko ang paa naming dalawa na dumuduyan habang nakalawit sa hood ng sasakyan. Nakatukod na ang dalawa naming braso sa magkabilang tagiliran. Ilang beses kong tinanong ang sarili kung kaya ko bang gawin ito? Kung kaya kong panindigan ang desisyon? At kung ano ang sagot ko noong una ay iyon pa rin ang sagot ko ngayon. Kakayanin ko. Kakayanin naming dalawa ni Chaeus nang magkasama. Binalot pa kami ng katahimikan. Ang tanging maririnig ay ang ingay lang sa paligid na nililikha ng kalikasan. Sigawan ng mga batang walang sawa sa pagtatampisaw sa dalampasigan. Nagpapahabol sa hampas ng alon. “How about you Chaeus? Anong kwento ng biglaang pag-alis mo?” basag ko sa katahimikan ng hindi siya nililingon, nang makitang hindi niya rin ako tiningnan ay nilingon ko siya. “Totoo bang naaksidente siya?”Hindi man banggitin ang pangalan ni Lailani ay paniguradong alam niya na kung sino ang tinutukoy ko. Umiling lang ito na sobrang ipinagtaka ko.“What do you mean?” Nilingon niya na ako n
Pagbalik kinabukasan sa school ay sinigurado kong malinaw sa lahat kung ano ang relasyon na mayroon kami ni Jared. At dahil alam ko na hindi siya makikipag-usap ng maayos na kami lang, ginawa ko iyon sa mismong araw ng championship game nila. Dahilan para matalo sila. Nakita ng lahat kung paano siya lumuhod sa harap ko at nagmakaawa pero hindi ko rin pinairal ang awa. Hindi pwede. Hindi ko siya gusto.Sinisi ako ng buong school namin sa pagkatalo. Kung anu-anong tinawag sa akin. Manggagamit lang. Malandi. Wala raw isang salita. Pokpok. Hitad. Nagsisi sila na hinangaan ako. At kung anu-ano pang masasakit pakinggan pero nanindigan pa rin ako. Wala kaming relasyon. Hindi kami kailanman nagkaroon nito. “I'm sorry for everything, Jared. Hindi talaga kita gusto at alam mo naman iyan. Huwag mong ipilit. Huwag mo akong pagmukhaing masama sa lahat. Ikaw ang gumawa niyan kaya pagdusahan mo. Mananatiling kaibigan lang ang turing ko sa'yo. Makakahanap ka rin naman ng iba.”Ang komosyon na iyon
Bago matapos ang araw na iyon ay hindi inaasahan ng lahat ang biglang pagdating ni Lailani. Feeling main character ang babaeta sa event ng dahil sa ginawa niyang pagpasok. Salamat na lang at wala na si Daddy at Azalea dahil sigurado akong mas mauungkat ang nakaraan ng dalawa. Hindi ko sure kung alam ni Daddy na wala na sila, pero si Azalea ay sure ako na alam niya. Nauna na silang umalis kanina dahil sa lakad na kailangan nila umanong puntahan. “Am I late? I guess, I'm not.”Abot-tainga ang ngiti nitong inilibot ang mga mata sa kabuohan ng resto. Hindi na ganun karami ang naiwang bisita ni Chaeus. Nakaalis na ang karamihan sa venue kanina pa lang. Ang mga natira na lang ay iyong mga kaibigan ni Chaeus at dating kaklase. Iyong mga investors ay wala na rin. Maaga silang nagpaalam. Ganundin ang mga friends ko na may sariling mga lakad pa raw. Nasa gilid lang ako nakaupo. Tahimik na hinihintay silang matapos na uminom para makauwi.“Oh? Bakit ganyan ang reaction niyo? Mukhang nakakita na
HILARY EL FUENTE POV Minabuting gugulin ko na lang sa pamamasyal sa mga lugar na na-miss kong puntahan sa bansa ang isang Linggong ibinigay na palugit sa akin ni Daddy. Kilala ko siya. Kapag sinabi niya, kailangang sundin ko 'yun kahit labag pa sa kalooban ko. Naging routine na namin ni Zaria ang maagang pag-alis ng bahay at gabi na halos umuwi. Hinayaan lang naman kami ni Azalea na gawin ang bagay na iyon. Hindi ito nakialam at komontra. Palagi niya lang akong tinatanong kung may kailangan ba kaming mag-ina, o kung nag-enjoy daw ba kami sa gala. “Sobra, Mommy, na-miss ko talaga ang Pilipinas.” “Mabuti naman kung ganun, tama iyan anak, sulitin niyong mag-ina ang bakasyon nito dito.” Nakipagkita rin ako sa mga kaibigan ko, tanging si Glyzel ang hindi ko nakita dahil kasalukuyang wala ito sa bansa. Sa kabila ng mga busy schedules nina Shanael at Josefa ay nagawa ko silang bulabugin na hindi rin inaasahan ang biglang desisyon na pag-uwi ng bansa.“Nasaan ang pasalubong?” si Josefa na
ZACCHAEUS PARKENSON POVHindi ako mapalagay habang nasa trabaho. Patuloy na umuukilkil sa aking isipan ang ddahilan ng madalas na pinag-awayan namin ni Hilary. Hindi niya ako tinatabihan matulog at sa anak namin siya sumisiping magmula ng araw na iyon. Hinayaan ko lang siya. Binigyan ng space dahil baka iyon ang kailangan niya upang makapag-isip nang matino. Pasasaan ba at magiging kalmado rin siya at hihintayin ko na lang ang araw na iyon. Mabilis lang naman mawala ang mood niya. Sa araw na ito, mamaya pag-uwi ko ng bahay ay plano ko na siyang kausapin dahil mas lumalawig pa ang galit niya na hindi ko na gusto ang ginagawang pagtatagal. Baka mamaya sa halip na mawala ang galit niya ay mas nadadagdagan pa iyon kung kaya naman ako na ang magpapakumbaba. Ako na ang mag-a-adjust. Lilinawin ko na wala na si Lailani, ang babaeng pinagseselosan niyan nang malala. Subalit, bago iyon ay kailangan kong pumunta ng school ng aming anak upang kumpirmahin kung totoo nga ba ang ikinakagalit ng akin
Natuloy ang biyahe namin nang walang naging anumang aberya. Itinaon namin ni Zaria na nasa trabaho si Chaeus nang umalis kami nang sa ganun ay walang maging sagabal. Malamang pag-uwi ni Chaeus ng bahay at nalaman niyang wala na kaming mag-ina ay mararamdaman niyang seryoso ako sa aking plano at hindi lang iyon pagpababanta upang takutin siya. Dapat siyang maturuan ng aral. Kasalanan niya. Ano ang akala niya sa akin maduduwag? Hindi ko kayang gawin ang pagbabanta kong pag-uwi? Ibahin niya ako. Sabi nga ng iba, kapag nasusugatan ay lalong mas tumatapang.“Mama, hindi ba talaga natin tatawagan si Papa para sabihing aalis tayo? Baka mabaliw iyon sa kakahanap sa atin mamaya after ng work niya dahil hindi niya alam kung saan tayo pumunta. Hindi ka ba naaawa sa kanya?” sunod-sunod na tanong ni Zaria na wala akong planong sagutin kahit na isa, “Bakit po ba kayo nag-aaway na dalawa? Maghihiwalay na ba kayo? Paano naman po ako, Mama? Huwag kayong maghiwalay…”“Will you shut your mouth, Zaria?!”
Walang imik na humigpit ang yakap niya sa akin. Hinalikan niya ako sa noo. Puno ng pagmamahal na pinunasan niya ng manggas ng suot na polo ang mga luha kong nakabalot sa mga matang sobrang hapdi na sa pamamaga. Habang biyahe kasi ay umiiyak na ako. Nag-freaked out na ako. Mabuti nga at hindi ako naaksidente sa bilis ng pagpapatakbo ko upang makarating agad dito. “Kailangan mong kumalma, Hilary. Paano natin mare-resolba ang problema natin kung ganito ka-tense ang katawan mo?” puno ng pag-aalalanv tanong niya sa akin, “Hindi na lang ako papasok sa trabaho ngayon. Hindi kita pwedeng iwan sa ganitong sitwasyon. Hindi rin ako makakapagtrabaho ng ayos kung ganito ka. Wala ka pa namang kasama kung aalis ako.”Ilang oras pa ang lumipas bago ako tuluyang kumalma at tumigil sa pag-iyak. Hindi niya ako binitawan. Pinaramdam niya sa akin na kahit na posibleng na-resurrect ang ex-fiance niya, nungkang ito ang pipiliin niya. Tahasang pinapadama niya sa akin ngayon na ako na. Kami na ni Zaria ang b
Kagaya ng inaasahan ay sinulit ng mag-ama ang muling pagkikita. Bumawi si Chaeus sa amin pagsapit ng weekend. Sobrang sinulit din namin ang mga araw na iyon. Walang pagsidlan ng saya ang nararamdaman ko nang mga sandaling iyon dahil feeling ko ay sobrang halaga naming dalawa ni Zaria kay Chaeus. Saya na hindi ko alam na mayroon rin palang kapalit. Babawiin iyon at papalitan nang mas mabigat na problema na hindi ko alam paano lagpasan.“Chaeus, niloloko mo ba ako?!” pagwawala ko na agad pagpasok pa lang ng pintuan ng bahay naman, kagagaling ko lang ng school at inihatid ko si Zaria. May nadiskubre kasi ako na hindi ko na dapat pang nakita. “Ang sabi mo sa akin ay…” hindi ko magawang maituloy pa iyon.“Baby, ano na naman bang pinagsasabi mo at ikinakainit ng ulo mo?” tugon ni Chaeus sa pabirong tono na kakalabas pa lang ng kusina, inaayos niya ang suot na necktie sa leeg. “Ang aga-aga na naman niyang pagiging moody mo ha? Ano na naman bang problema natin, ha?” Kakatapos lang niyang ku
Hanggang makalulan kami sa sasakyan ay kinukulit pa rin ako ni Zaria kung ano ang dahilan at sinundo ko siya. Pilit niya akong pinapaamin kung bakit daw ba ako biglang nanundo sa kanya eh gayong wala naman iyon sa napag-usapan namin kanina. Kilala niya ako na hinahayaan ko lang siyang gumala at maging malaya hanggang anong oras niya gusto'hin. Wala rin naman akong limitadong oras na binibigay sa kanya lalo na kapag weekend kinabukasan noon at isa pa ay hindi rin ako mahigpit pagdating sa kanya. Hindi ko ginaya ang mga panenermon noon at paghawak sa leeg na naranasan ko kay Daddy. Ayokong maging iyon ay maranasan ng anak. Tama na ‘yong ako lang. "Mama? Hindi mo ako sasagutin? Bakit nga po? Sabihin mo na sa akin. Nararamdaman kong may kakaiba sa mga ikinikilos mo. Remember, connected tayo? Di ba ang sinabi naman po nila sa'yo kanina ay ihahatid kami sa mga bahay namin after the party? Hindi ba po? Bakit sinundo mo ako? What is your reason, Mama?" tunog maldita nitong tanong, ‘di na gu
Nang kumalma ang aking paghinga ay tumagilid akong humarap sa banda ni Chaeus. Iniyakap ko ang braso sa kanyang tiyan. Isiniksik ko pa ang mukha ko sa gilid ng kanyang kili-kili. Hindi ko alintana ang nanlalagkit niyang katawan bunga ng dami ng pawis na inilabas kanina. Hinaplos niya ang ulo ko ng marahan. Ilang minuto akong pumikit. Ninamnam ang bawat sandaling 'yun. "Chaeus, may gusto sana akong itanong sa'yo." kapagdaka ay sambit ko.Naramdaman ko ang ginawa niyang pagbaling ng tingin sa akin. Hindi pa rin ako dumilat doon."Hmmn, tungkol saan iyon, Baby?" Kapwa hubad pa ang katawan namin sa ilalim ng kumot. Sanay na ako sa tanawing ito. Kung noong una ay nakakahiya, ngayon ay balewala na lang. "Nakita mo na ba sa personal ang teacher ni Zaria?" "Teacher ni Zaria? Hindi pa, Baby. Bakit mo naman natanong ang tungkol sa kanya?" Tumagilid siya sa akin at niyakap ako. Hindi pa siya nakuntento, muli niyang inabot ang labi ko. Wala na akong choice kundi ang idilat ang mga mata para
Ilang gabi akong hindi pinatulog ng sampalok candy na 'yun. Sa tuwing naiisip ko ay napupuno ako ng guilt at nananaginip din ng masasama. Syempre, feeling ko ay ang laki ng kasalanan ko kay Zaria at hindi ko tahasang maamin ang lahat. Nakaka-stress. Gusto kong e-open na rin sana ito kay Chaeus subalit kada tatangkain kong sabihin ang about dito ay palagi na lang 'yung nauudlot. Parang sinasadya ng panahong pigilan ako."Hindi ka ba talaga marunong gumawa, Glyzel?"Nakailang ulit na akong tanong kahit pa nauna na niyang sinabi na hindi nga siya marunong nito."Hindi nga Hilary, ano ka ba? Bingi ka ba girl?" masungit na umikot ang mata nito sa ere, medyo natawa ako sa katarayan niya. "Bakit ba? Naglilihi ka na sa pangalawa? Utusan mo kaya si Chaeus!" Nasamid na ako nang banggitin nito ang asawa ko. Hindi naman dahil natatakam ako kung kaya ako naghahanap. Kung sasabihin ko naman ang totoo, malamang ay pagtatawanan ako ng mga bruhang 'to. Sabihin na napaka-isip bata ko pa rin kahit ilan
Ang buong akala ko ay hindi na makakarating pa 'yun kay Zaria. Subalit, after school niya the following day ay 'yun agad ang hinanap niya sa akin pag-uwi namin ng bahay."Ma, ang sabi ni Teacher Leana may pinapabigay daw siya sa'yo sa akin? Asan na po?" sahod nito ng dalawa niyang palad. Kunwa'y nangunot ang noo ko. Dito naman ako magaling ang umarte. Hindi ko kayang aminin sa kanya na tinapon ko. Baka ikagalit 'yun sa akin ng bata. At saka anong alibi ang sasabihin ko? Wala."Pinapabigay?"Iniiwas ko na ang tingin sa kanya. Dumeretso ako sa kusin pero bumuntot siya. Binuksan ko ang ref at kumuha doon ng tubig upang ma-preskuhan. Hinintay niya munang maubos ko ang laman ng baso at humarap, bago siya muling nagsalita."Opo, Mama. Pinapabigay niya po sa akin. Di po ba may meeting kahapon? Tamarind candy po."Shit naman! Bakit kailangan pang banggitin ng teacher niya 'yun sa kanya? Pambihira naman, oo!Natutop ko na ang bibig. Nag-isip ako kung ano ang magandang alibi. Ipinakita ko sa a