Pinagmasdan ko ang paa naming dalawa na dumuduyan habang nakalawit sa hood ng sasakyan. Nakatukod na ang dalawa naming braso sa magkabilang tagiliran. Ilang beses kong tinanong ang sarili kung kaya ko bang gawin ito? Kung kaya kong panindigan ang desisyon? At kung ano ang sagot ko noong una ay iyon pa rin ang sagot ko ngayon. Kakayanin ko. Kakayanin naming dalawa ni Chaeus nang magkasama. Binalot pa kami ng katahimikan. Ang tanging maririnig ay ang ingay lang sa paligid na nililikha ng kalikasan. Sigawan ng mga batang walang sawa sa pagtatampisaw sa dalampasigan. Nagpapahabol sa hampas ng alon. “How about you Chaeus? Anong kwento ng biglaang pag-alis mo?” basag ko sa katahimikan ng hindi siya nililingon, nang makitang hindi niya rin ako tiningnan ay nilingon ko siya. “Totoo bang naaksidente siya?”Hindi man banggitin ang pangalan ni Lailani ay paniguradong alam niya na kung sino ang tinutukoy ko. Umiling lang ito na sobrang ipinagtaka ko.“What do you mean?” Nilingon niya na ako n
Pagbalik kinabukasan sa school ay sinigurado kong malinaw sa lahat kung ano ang relasyon na mayroon kami ni Jared. At dahil alam ko na hindi siya makikipag-usap ng maayos na kami lang, ginawa ko iyon sa mismong araw ng championship game nila. Dahilan para matalo sila. Nakita ng lahat kung paano siya lumuhod sa harap ko at nagmakaawa pero hindi ko rin pinairal ang awa. Hindi pwede. Hindi ko siya gusto.Sinisi ako ng buong school namin sa pagkatalo. Kung anu-anong tinawag sa akin. Manggagamit lang. Malandi. Wala raw isang salita. Pokpok. Hitad. Nagsisi sila na hinangaan ako. At kung anu-ano pang masasakit pakinggan pero nanindigan pa rin ako. Wala kaming relasyon. Hindi kami kailanman nagkaroon nito. “I'm sorry for everything, Jared. Hindi talaga kita gusto at alam mo naman iyan. Huwag mong ipilit. Huwag mo akong pagmukhaing masama sa lahat. Ikaw ang gumawa niyan kaya pagdusahan mo. Mananatiling kaibigan lang ang turing ko sa'yo. Makakahanap ka rin naman ng iba.”Ang komosyon na iyon
Bago matapos ang araw na iyon ay hindi inaasahan ng lahat ang biglang pagdating ni Lailani. Feeling main character ang babaeta sa event ng dahil sa ginawa niyang pagpasok. Salamat na lang at wala na si Daddy at Azalea dahil sigurado akong mas mauungkat ang nakaraan ng dalawa. Hindi ko sure kung alam ni Daddy na wala na sila, pero si Azalea ay sure ako na alam niya. Nauna na silang umalis kanina dahil sa lakad na kailangan nila umanong puntahan. “Am I late? I guess, I'm not.”Abot-tainga ang ngiti nitong inilibot ang mga mata sa kabuohan ng resto. Hindi na ganun karami ang naiwang bisita ni Chaeus. Nakaalis na ang karamihan sa venue kanina pa lang. Ang mga natira na lang ay iyong mga kaibigan ni Chaeus at dating kaklase. Iyong mga investors ay wala na rin. Maaga silang nagpaalam. Ganundin ang mga friends ko na may sariling mga lakad pa raw. Nasa gilid lang ako nakaupo. Tahimik na hinihintay silang matapos na uminom para makauwi.“Oh? Bakit ganyan ang reaction niyo? Mukhang nakakita na
Akmang papatulan ko na siya dahil puno na ako sa mga akusasyon niya nang bigla na lang akong hilahin ni Chaeus palayo kay Lailani. Hindi ko iyon nagustuhan. Bakit parang mali ko pa? Siya naman ang nagpakita ng magaspang niyang ugali. Nauna siya!Humantong kaming dalawa sa labas ng restaurant. Galit kong binawi ang kamay sa kanya. Sobrang naiinis na. Muli niya iyong kinuha dahil akala niya siguro ay magwa-walk out ako. “Please, huwag mo na lang patulan. Lasing na siya. Nakikiusap ako sa'yo, Hilary. Ibalato mo na sa akin ang pagkakataong ito. Hmmn? Please.”Agad kong winaksi ang hawak niya. Tuluyang nakawala na ako sa kanya. “Pinatulan ko ba? Panay timpi na lang nga ako kahit inis na inis na sa kanya! Hindi mo ba iyon nakikita, Chaeus?” mataas ang boses na halos sigaw ko. “Hilary?”“Ano? Kinakampihan mo siya? E ‘di magsama kayong dalawa! Huwag mo akong pakialaman sa ginagawa ko.”“Hilary naman, please huwag ngayon. Huwag mo akong awayin. Pwede?”Napasabunot na siya sa kanyang ulo. An
Sa pagsisimula ng panibagong taon namin sa pag-aaral ay hindi nagbago ang trato sa akin ni Josefa. Naging hangin pa rin ako. Dinadaanan at hindi niya nakikita. Masakit iyon dahil expected ko na napatawad na niya ako after ng bakasyon, pero hindi. “Josefa, let's talk—”Iwinaglit niya ang kamay kong inihawak sa kanya. Galit akong hinarap. Nanlilisik ang mga mata. “Anong kailangan nating pag-usapan? Wala. Our friendship is over, Hilary.”“Josefa?”“What?”“Ang unfair mo! Kasalanan ko ba na hindi ko magustuhan ang pinsan mo? Bakit ginaganyan mo ako? Hindi ba at ikaw naman ang nag-suggest nito sa akin di ba? Pinagbigyan lang kita. Sinikap ko naman eh. Ang siste hindi ko mapilit ang aking sarili!”Kailangan ko ng ilabas ang lahat. Ilang buwan ko na rin kinimkim iyon kaya kailangan niya ‘ring malaman. “Dahil lang doon itatapon mo ang relasyon natin bilang magkaibigan?” puno na ng pait ang boses ko. Naiiyak na ako. Kaunting tulak pa at babaha na ang luha ko. Wala akong pakialam sa mga nak
Nagawa naming maitago ni Chaeus ang relasyon sa lahat hanggang sa makatungtong ako ng grade 12. Hindi rin alam iyon kahit ng isa sa mga kaibigan ko. Ni hindi sumagi sa isipan kong i-open up iyon sa kanila. Naging lowkey lang kami nito. Hindi naman sa natatakot akong mahusgahan, ayoko lang gumawa ng problema at ma-stress sa sasabihin ng iba sa bawal naming relasyon ni Chaeus. Literal na kaming dalawa lang ang nakakaalam ng lahat ng mga iyon. “Okay lang ba sa'yo Hilary na ganito lang tayo? Hindi natin kayang maging proud at ipakita sa iba kung anong klaseng relasyon mayroon tayo?”To be honest, ilang beses sumagi ito sa isip ko. Naiinggit ako kay Glyzel na kahit na bawal ang relasyon nila ay sobrang proud pa rin ng dalawa. Hindi namin pwedeng gawin iyon ni Chaeus, unless nasa loob kami ng room at walang ibang makakakita. “Ayos lang naman, naniniwala ako n isang araw ay pu-pwede na rin tayo.”Malabo at hindi ko alam kung kailan pero pinanghahawakan ko pa rin ito. “I'm sorry Baby, ipin
Napahawak ako sa dibdib at halos lumuwa ang mga mata. Ilang beses kong kinusot-kusot iyon na kulang na lang ay mahulog sa lupa nang makita kung sino ang katagpo ni Josefa. Si Vaughn lang naman iyon. Kaibigan ni Chaeus. Hindi lang iyon. Ang mas nakakagulantang ay nag-kiss sa lips ang dalawa na naging dahilan upang magkumahog na akong lumapit sa kanila. Hindi pa rin makapaniwala. “A-Anong ginagawa niyong dalawa dito?!” bulalas kong salitan silang itinuro ng daliri, magkasabay silang napalingon. “Anong ibig sabihin ng ginawa mo kay Josefa, Vaughn?”“H-Hilary?” hindi makapaniwalang duet nilang tanong na para bang nakakita ng multo sa katauhan ko. “Anong ginagawa mo dito?”“Ako nga!” mataray kong sagot na nameywang pa doon, ibinaling na ang tingin kay Vaughn. Hindi pinansin ang katanungan ni Josefa. “Tinatanong kita Vaughn. Anong ibig sabihin ng ginawa mo kanina sa best friend ko?”Aha! Kaya ba makulit na kinuha niya ang phone number nito sa akin noon? Ito ba ang purpose niya? Bet si J
Kinabukasan, bagama't puyat pa sa hangover ng party ay napilitan pa rin akong bumangon. Ito ang araw ng usapan namin ni Chaeus na pupunta ng bundok para mag-date camping. Ang paalam ko kay Daddy ay kasama ko ang mga kaibigan kaya pinayagan ako, pero ang totoo noon ay si Chaeus lang ang kasama ko dito. Ginawa ko lang alibi ang mga ito. At dahil busy din naman sila ni Azalea sa mga bagay-bagay ay hindi naging mahirap para sa amin ang makaalis. Overnight doon ang plano namin. “Chaeus, wala ba ditong gumagalang mabangis na mga hayop sa gabi?” tanong ko habang nililibot ang mata sa paligid. Kakarating lang namin dito. Medyo worried ako though hindi lang naman kami ang naroroon. May ibang mga tao pa. “I mean baboy ramo or ibang mga ligaw na hayop?”Bundok ang lugar kaya hindi malabo. Marami ‘ring nagtatayugang mga puno kaya naman hindi maalis sa isip ko ang mga napapanood sa movies. Iyong tipong magca-camping ang mga bida tapos in the middle of the night ay bigla na lamang may sumasalakay