Akmang papatulan ko na siya dahil puno na ako sa mga akusasyon niya nang bigla na lang akong hilahin ni Chaeus palayo kay Lailani. Hindi ko iyon nagustuhan. Bakit parang mali ko pa? Siya naman ang nagpakita ng magaspang niyang ugali. Nauna siya!Humantong kaming dalawa sa labas ng restaurant. Galit kong binawi ang kamay sa kanya. Sobrang naiinis na. Muli niya iyong kinuha dahil akala niya siguro ay magwa-walk out ako. “Please, huwag mo na lang patulan. Lasing na siya. Nakikiusap ako sa'yo, Hilary. Ibalato mo na sa akin ang pagkakataong ito. Hmmn? Please.”Agad kong winaksi ang hawak niya. Tuluyang nakawala na ako sa kanya. “Pinatulan ko ba? Panay timpi na lang nga ako kahit inis na inis na sa kanya! Hindi mo ba iyon nakikita, Chaeus?” mataas ang boses na halos sigaw ko. “Hilary?”“Ano? Kinakampihan mo siya? E ‘di magsama kayong dalawa! Huwag mo akong pakialaman sa ginagawa ko.”“Hilary naman, please huwag ngayon. Huwag mo akong awayin. Pwede?”Napasabunot na siya sa kanyang ulo. An
Sa pagsisimula ng panibagong taon namin sa pag-aaral ay hindi nagbago ang trato sa akin ni Josefa. Naging hangin pa rin ako. Dinadaanan at hindi niya nakikita. Masakit iyon dahil expected ko na napatawad na niya ako after ng bakasyon, pero hindi. “Josefa, let's talk—”Iwinaglit niya ang kamay kong inihawak sa kanya. Galit akong hinarap. Nanlilisik ang mga mata. “Anong kailangan nating pag-usapan? Wala. Our friendship is over, Hilary.”“Josefa?”“What?”“Ang unfair mo! Kasalanan ko ba na hindi ko magustuhan ang pinsan mo? Bakit ginaganyan mo ako? Hindi ba at ikaw naman ang nag-suggest nito sa akin di ba? Pinagbigyan lang kita. Sinikap ko naman eh. Ang siste hindi ko mapilit ang aking sarili!”Kailangan ko ng ilabas ang lahat. Ilang buwan ko na rin kinimkim iyon kaya kailangan niya ‘ring malaman. “Dahil lang doon itatapon mo ang relasyon natin bilang magkaibigan?” puno na ng pait ang boses ko. Naiiyak na ako. Kaunting tulak pa at babaha na ang luha ko. Wala akong pakialam sa mga nak
Nagawa naming maitago ni Chaeus ang relasyon sa lahat hanggang sa makatungtong ako ng grade 12. Hindi rin alam iyon kahit ng isa sa mga kaibigan ko. Ni hindi sumagi sa isipan kong i-open up iyon sa kanila. Naging lowkey lang kami nito. Hindi naman sa natatakot akong mahusgahan, ayoko lang gumawa ng problema at ma-stress sa sasabihin ng iba sa bawal naming relasyon ni Chaeus. Literal na kaming dalawa lang ang nakakaalam ng lahat ng mga iyon. “Okay lang ba sa'yo Hilary na ganito lang tayo? Hindi natin kayang maging proud at ipakita sa iba kung anong klaseng relasyon mayroon tayo?”To be honest, ilang beses sumagi ito sa isip ko. Naiinggit ako kay Glyzel na kahit na bawal ang relasyon nila ay sobrang proud pa rin ng dalawa. Hindi namin pwedeng gawin iyon ni Chaeus, unless nasa loob kami ng room at walang ibang makakakita. “Ayos lang naman, naniniwala ako n isang araw ay pu-pwede na rin tayo.”Malabo at hindi ko alam kung kailan pero pinanghahawakan ko pa rin ito. “I'm sorry Baby, ipin
Napahawak ako sa dibdib at halos lumuwa ang mga mata. Ilang beses kong kinusot-kusot iyon na kulang na lang ay mahulog sa lupa nang makita kung sino ang katagpo ni Josefa. Si Vaughn lang naman iyon. Kaibigan ni Chaeus. Hindi lang iyon. Ang mas nakakagulantang ay nag-kiss sa lips ang dalawa na naging dahilan upang magkumahog na akong lumapit sa kanila. Hindi pa rin makapaniwala. “A-Anong ginagawa niyong dalawa dito?!” bulalas kong salitan silang itinuro ng daliri, magkasabay silang napalingon. “Anong ibig sabihin ng ginawa mo kay Josefa, Vaughn?”“H-Hilary?” hindi makapaniwalang duet nilang tanong na para bang nakakita ng multo sa katauhan ko. “Anong ginagawa mo dito?”“Ako nga!” mataray kong sagot na nameywang pa doon, ibinaling na ang tingin kay Vaughn. Hindi pinansin ang katanungan ni Josefa. “Tinatanong kita Vaughn. Anong ibig sabihin ng ginawa mo kanina sa best friend ko?”Aha! Kaya ba makulit na kinuha niya ang phone number nito sa akin noon? Ito ba ang purpose niya? Bet si J
Kinabukasan, bagama't puyat pa sa hangover ng party ay napilitan pa rin akong bumangon. Ito ang araw ng usapan namin ni Chaeus na pupunta ng bundok para mag-date camping. Ang paalam ko kay Daddy ay kasama ko ang mga kaibigan kaya pinayagan ako, pero ang totoo noon ay si Chaeus lang ang kasama ko dito. Ginawa ko lang alibi ang mga ito. At dahil busy din naman sila ni Azalea sa mga bagay-bagay ay hindi naging mahirap para sa amin ang makaalis. Overnight doon ang plano namin. “Chaeus, wala ba ditong gumagalang mabangis na mga hayop sa gabi?” tanong ko habang nililibot ang mata sa paligid. Kakarating lang namin dito. Medyo worried ako though hindi lang naman kami ang naroroon. May ibang mga tao pa. “I mean baboy ramo or ibang mga ligaw na hayop?”Bundok ang lugar kaya hindi malabo. Marami ‘ring nagtatayugang mga puno kaya naman hindi maalis sa isip ko ang mga napapanood sa movies. Iyong tipong magca-camping ang mga bida tapos in the middle of the night ay bigla na lamang may sumasalakay
Marahas na tinanggal ko ang kumot sa katawan. Ipinapakita sa kanya ang frustration ko. Ginawa ko lang naman ito para pagtakpan ang hiyang nararamdaman. Ilang beses ko ng pa-simpleng tinanong ang sarili kung ano ang pumasok sa isip ko para maging ganito kainit sa bagay na ito. Dahil ba malamig ang panahon? O dahil uminom kami ng wine kanina right after ng aming dinner? Hindi naman kami lasing, pero hindi ko alam kung bakit gusto ko ng kiss. Sobrang clingy ko namang girlfriend. “Baby, I'm really sorry. Ayokong isipin mo na kaya kita dinala sa lugar na ito ay para mag-take ako ng advantage sa kahinaan ng katawan mo.” aniyang agad na pinapungay na ang mata. Gamit ang nanliliit na mga mata ay nilingon ko na siya. Actually, nahihiya na ako ngayon hindi ko lang maamin. Nagtatampo pa rin ako kahit humingi na siya ng sorry sa akin. Ang sa akin lang ay pwede naman niyang maayos na e-explain. Tatanggapin ko naman. Hindi niya kailangang bigla na lang manlamig at iparamdam ito sa akin.“Hindi k
Marahan akong tumango-tango. Oo nga naman, ano bang pinapag-alala ko? Kasama ko siya kaya dapat akong magtiwala. Naging panatag na ang kalooban ko gaya ng hiling niya. Lumalim pa ang paghinga ni Chaeus. Hindi na alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Niyakap ko na lang ang dalawa niyang braso. “Gusto mo bang mahiga muna tayo?”Tumango ako bilang pagpayag dito. Nakita ko rin kasi na ngalay na siya. Nahihiya lang siguro siyang aminin. “Sige.” “Kapag tumila ang ulan mamaya, saka tayo lumabas.” dagdag niyang inayos ang kumot sa aking katawan. “May mga bituin pa kaya mamayang makikita? Baka madilim pa rin ang langit.” sambit kong patagilid na humarap sa kanya, pilit hinuhuli ang mga mata niyang malikot na naman. “Tingnan natin mamaya.”Tumabi siya sa aking mahiga. Hindi naman ako umarte pa. Malamig ang panahon, advantage sa akin ang init ng katawan niya. Mula sa aming pagkakahiga ay tanaw pa rin ang mas lumakas na buhos ng ulan sa labas. Hindi ito tumigil. Parang galit na galit n
Umaapaw at halos walang pagsidlan ang masayang emosyon ko sa mga sinabing iyon ni Chaeus. Kaya naman hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari dahil lunod na lunod ako dito. Natagpuan ko na lang ang sarili na wala na ni isang saplot sa katawan na nasa ilalim ng kumot. Nagawa ng hubarin iyon ni Cheus. Parang luluwa sa gulat ang mga mata ko nang bumulaga sa akin ang hubad niya na ‘ring katawan. First time na makakita ako ng hubad na katawan in real life. Hindi lang basta hubad, katawan iyon ni Chaeus. Sinuyod ko siya ng tingin. Nahinto ang mga mata ko sa six-pack abs niya na noon ko lang nakitang mayroon pala. Parang ang sarap na nitong haplus-haplusin. Nang ngumiti siya ay mabilis lumipad ang mga mata ko sa pagitan ng mga hita niya. Hindi ko alam kung kaya ba iyong tanggpin ng katawan ko pero alam ko na hindi ko ito magagawang tanggihan at bawiin. Walang ganun in real life. Binuhay ko na ang dugo niya. Oo, virgin pa ako pero hindi na ako inosente pagdating sa bagay na ito. Nah