"Saka na natin iyan pag-usapan, " ginawaran ni Hernan ng magaan na ngiti si Nenita. Ayaw niya kasing biglain si Nenita na humarap sa katotohanan kahit alam niyang may nalalaman na si Nenita. Ibang usapan na kasi ito, dahil involve na ang kanyang ina, si Nenita, si Hernan at ang mga Montefalco. Natatakot si Hernan sa mangyayari lalong-lalo na sa nga anak niya at asawa na madadamay. Lumapit si Cathalea kay Nenita at marahang hinawi ang gahiblang buhok ni Nenita papunta sa likod ng tainga nito. "Oo nga, hija. Saka na natin iyan pag-usapan, " nakangiting wika niya. Bumaling siya kay Hernan. "By the way, ito pala ang asawa ko si Christof at, " lumingon siya ngunit wala si King. "Yung anak ko nandoon yata sa pinag iwanan namin. Halika, ipakilala kita sa kanya. " Mariing napalunok si Hernan. Nakaramdam siya ng hintatakot at pagkabalisa sa oras na magkaharap silang dalawa ni King. At natatakot rin siya kapag nalaman ni Cathalea na siya ang dahilan bakit nasa ganoong sitwasyon ang kanyang
Last Updated : 2024-09-20 Read more