Tulala parin si King hanggang ngayon sa mga rebelasyong narinig. Hindi parin ma proseso ng lubos ng kanyang isipan ang mga nalaman. Gulong-gulo parin ang isipan niya. Hindi niya alam kung anong hakbang ang susunod na gagawin pagkatapos malaman ang katotohanan.Pabagsak na sumandal siya sa headboard ng kama niya. Hindi na niya kailangang mabasa ang librong iyon dahil alam na niya. Isang mabigat na paghinga ang kanyang pinakawalan. "Pero ano ang puno't dulo bakit sa amin naghihigante si Hernan kung walang kinalaman si mama sa ambush na sinasabi ni dad?"Nagmadali siyang bumangon upang pumunta sa kabilang bahay. "Si Tito Emmanuel lang ang makasagot ng mga katanungan ko. Kung bakit si Ashnaie ang tinuturo ni mama na salarin sa lahat."Kung totoong walang kinalaman si Hernan sa nangyari sa pamilya ni Emmanuel, kinakailangan ni King humingi ng tawad kay Nenita sa pambibintang nito kay Hernan. Naintindihan niya ngayon kung bakit ganoon nalang ang reaksyon ni Nenita sa sagutan nilang dalawa
Huli na para awatin ni King ang sarili. Kusang lumabas sa bibig niya ang salitang hindi niya dapat bitawan dahil wala siyang karapatan. Sa galit niya, hindi na niya namalayang lumabas iyon sa bibig niya. Ngunit hindi na nito mabawi dahil narinig na ng lahat. "Totoo iyong narinig niyo." Halos hindi nila malaman kung ano ang maramdaman nila sa puntong ito. Nakatulala lang silang lahat kay King pagkatapos maging malinaw sa kanilang pandinig ang narinig. "Narinig ko lang rin yan sa mismong bibig ni Nenita. Pero hanggang doon lang ang pwede kong sabihin. Alam ko wala ako sa posisyon para banggitin ang bagay na ito sa inyo, para ipaalam sa inyo. Kaso kusang lumbas sa bibig ko dahil sa galit na naramdaman ko, " dugtong niya. Naguguluhan, nalilito ang mag ama paanong naging ina ni Nenita si Ashnaie gayong hindi naman ito ang magulang kinagisnan niya. "So ibig sabihin nagka anak si Ashnaie at Hernan? " Hindi makapaniwalang tanong ni Alfred. Magkasalubong ang kilay na binalinga
Nagulat ang mga kapatid ni Nenita nang maabutan nila ang kanilang ate sa kanilang bahay pagka uwi galing eskwela. Nag iyakan sila sa pinaghalong emosyon dahil matagal rin nilang hindi nakita at nakasama si Nenita. Na kontento lang ang mga ito sa balita ni King sa kanila tungkol sa kanilang ate. Nang makita ang mga gamit ni Nenita napalundag sila sa tuwa dahil makasama na nila ulit sa bahay ito. Ang saya ng puso ni Nenita na makita na ganito ka tuwa ang mga kapatid niya sa kanyang pagbalik. Akala niya magagalit ang mga ito. Sumbatan kung bakit matagal siyang hindi nagparamdam sa kanila at pinabayaan pa. Pero wala siyang narinig. Bagkus, tuwang-tuwa pa ang mga ito na nandito na ngayon si Nenita kasama nila. Nanibago si Nenita. Hindi niya alam kung paano siya aakto ng normal sa loob ng kanilang tahanan pagkatapos ng komprontasyon nila ng ama. Hindi niya alam kung saan siya lulugar. At pakiramdam niya ang sikip sikip ng bahay kapag magkasama na silang lahat. Ngunit kahit ganoon, panind
"Saka na natin iyan pag-usapan, " ginawaran ni Hernan ng magaan na ngiti si Nenita. Ayaw niya kasing biglain si Nenita na humarap sa katotohanan kahit alam niyang may nalalaman na si Nenita. Ibang usapan na kasi ito, dahil involve na ang kanyang ina, si Nenita, si Hernan at ang mga Montefalco. Natatakot si Hernan sa mangyayari lalong-lalo na sa nga anak niya at asawa na madadamay. Lumapit si Cathalea kay Nenita at marahang hinawi ang gahiblang buhok ni Nenita papunta sa likod ng tainga nito. "Oo nga, hija. Saka na natin iyan pag-usapan, " nakangiting wika niya. Bumaling siya kay Hernan. "By the way, ito pala ang asawa ko si Christof at, " lumingon siya ngunit wala si King. "Yung anak ko nandoon yata sa pinag iwanan namin. Halika, ipakilala kita sa kanya. " Mariing napalunok si Hernan. Nakaramdam siya ng hintatakot at pagkabalisa sa oras na magkaharap silang dalawa ni King. At natatakot rin siya kapag nalaman ni Cathalea na siya ang dahilan bakit nasa ganoong sitwasyon ang kanyang
Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa pagmamahal mo sa isang tao? Hindi na muna bumalik si King. Hinayaan niya munang mag-usap ang mga magulang niya at si Hernan. Naniniwala na siya sa kasabihang 'In God's Perfect Time' dahil nawalan na siya ng pag-asa noon na gagaling pa ang ina niya. Pero sa hindi inaasahang pangyayari biglang nagbago ang lahat. Na sa subrang pag-iingat nila kay Cathalea, aksidente lang pala ang magpabalik ng alaala nito. Napaka imposible. Ngunit paglaan pa ba nila ng oras iyon para kuwestiyunin kung ang himala ay nasaksihan ng kanilang mga mata? Tirik na tirik ang araw ngunit dahil maraming halaman at puno ang nakapalibot sa bakuran presko parin at mahangin. A smile plastered on King's lips. He look up the sky and close his eyes. I God's perfect time; the truth will be revealed, justice will be obtained, the situation will be easier, and happily ever after will happen. Marahan niyang iminulat ang mata. "I trust in you. " Marami siyang galit at hin
The misunderstanding between Hernan, Emmanuel and Cathalea has been resolved. Hindi parin makapaniwala si Hernan na ganoon lang kadali sa mga ito na siya ay patawarin, maging kaibigan at maging parte ng kanilang mga buhay. Kaya napapatanong siya, na sa kabila ng ginawa niya deserve niya ba ang magandang pakitungo ng mga ito sa kanya? Matalim ang tingin sa isa't-isa, tahimik na ang tatlong magkapatid matapos silang paghampasin ng ama. Nagsisihan sila gamit ang tingin kung sino ang may kasalanan. "Magsitigil kayong tatlo! Para kayong mga bata, " konsumisyong wika ni Don Emmanuel. Ibinalik ni Emmanuel ang atensyon kay Hernan. "May agahan pa ba kayo?" Nahihiya na tumango si Hernan. "Oo mayroon pa pero, " tumingin siya kay Nenita " May ulam pa bang natira? " "Nilagang mga gulay nalang ang natira at saka pritong dilis. " "May bagoong ba? " natatakam na sabat ni Ethan. Tumango si Nenita bilang sagot. "Yun, sarap! " pumapalakpak pang usal niya. Tumulong ang magkapatid sa paghanda ng
Madilim ang paligid. Nakabibinging katahimikan. Iyan ng sumalubong kay Ashnaie sa kanyang pag uwi sa safe house. Hindi na siya nag abala pang magbukas ng ilaw dahil kabisado na niya ang bawat sulok ng bahay na ilang taon niyang ginawang taguan. Pasalampak siyang sumadal sa sofa. Ang mga paa ay ipinatong sa center table at ipinikit ang mata. Makatulog na siya ng payapa sa gabing ito dahil nagtagumpay siya sa kanyang plano kay Cathalea.Ngunit hanggang doon na lang ba siya? Ang patayin sila sa takot habang siya pisikal na nahihirapan noon sa mga nangyari sa kanya? Ngunit nangako na siya sa kanyang sarili na hinding hindi na niya dudungisan ang kanyang mga kamay pagkatapos ng gabing binalak niyang patayin ang sariling anak.Ngunit hindi sapat. She wanted a war. She wanted a bloody reavenge. To make them all suffer until to their death. Hindi siya papayag na magtapos na lang ang lahat na hindi nila maranasan ang dinanas na hirap ni Ashnaie sa mahabang panahon na pagtatago.Nagising si Ash
Tahimik, walang kibo si Nenita na nakatanaw sa kabilang table. Simula nang makarating sila hanggang sa malapit ng matapos ang party ay tahimik siya. Walang emosyon na mababakas sa kanyang mukha ngunit ang mga mata niya ay kanina pa humahapdi sa pagpigil na huwag umiyak. Ang damdamin niya kanina pa naninikip sa sakit na nadarama. At nang dahil iyon sa lalaking kanina niya pa tinititigan. Na kahit nakatagilid ang gwapo niya parin tingnan. Ang perpekto ng pagkahulma ng panga niya. Ang matangos niyang ilong. At ang makinis nitong leeg.Kaagad siyang nagbaba ng tingin at pa simpleng pinunasan ang butil ng luha na hindi na napigilan ang pagpatak. Mabuti nalang at wala sa kanya ang atensyon ng mga kasamahan. Si Nemfa busy sa pagkulikot sa cell phone nito. Si Javier ay ayaw mawalay ang tingin kay Janice. Si Ethan ay nakikipagbangayan sa mga pinsan na pinagdiskitahan ang kambal niya. Si Enrico na nasa kanyang tabi ay parang linta na nakakapit sa braso ni Nadia. Kanina niya pa gustong umalis