Nanibago man pinilit ni Nenita na maging pormal sa harap ng mag-ama. Tapos na silang maghapunan at ngayon dessert naman ang nakahain sa mesa. Hindi siya pamilyar sa pagkain ngunit nagustuhan niya ang lasa. Napansin iyon ni Enrico kaya nilagyan niya ulit ang platito ni Nenita. "Salamat po, " nahihiya na wika niya sa maliit na boses. "Marami pa iyan sa ref, wag kang mahiya na kumain, " kaswal na saad ni Enrico sabay ngiti sa kanya. Napayuko si Nenita upang itago ang mukha nang makaramdam ng init sa magkabilang pisngi. Kaagad niya ring sinaway ang sarili dahil baka makita nila iyon. "Mga gamit mo ba ang laman riyan sa bag mo? " tanong ni Ethan. Nag angat ng mukha si Nenita kay Ethan. "O-opo.""Ang liit ng bag mo, siguro kaunti lang iyang dala mo, " komento ni Javier. "A, opo. Kaunti lang po. "Malakas na sabay napabuga ng hangin sina Javier at Ethan na ipinagtaka ni Nenita at the same time ay kinabahan. "Magpahinga ka ng maaga, shopping tayo bukas, " nakangiti na sambit ni Ethan.
Last Updated : 2024-01-29 Read more