All Chapters of The Girlboss Begs for Remarriage: Chapter 961 - Chapter 970

1080 Chapters

Kabanata 961

Hindi nagtagal ay dumating si Frank sa likuran at pumasok sa nakahiwalay na bahay para makita ang pasyente mula sa makapangyarihang pamilya. Hindi nagtagal ay nakita niyang ang pasyente—na umiinom ng tsaa sa guest room—ay isang pamilyar na mukha. “Ang tagal na nating di nagkikita, Mr. Lawrence.” Tumango si Gus Zeller sa pagbati. Ang lalaki ay kasama ni Willy Sorano nang inatake nila ang Southstream Lanes, at ngayon ay hinihimas niya ang balbas niya habang nakangiti kay Frank. “Nagulat akong bumiyahe ka papunta rito si Morhen. Maaari ko bang matanong kung anong layunin ng pagpunta mo?”Kahit na ang pag-uugali niya ay ibang-iba sa una nilang pagkikita, umiling si Frank. “Personal na bagay lang.”Pagkatapos, lumingon si Frank kay Abel at mahinang nagtanong, “Siya ba ang pasyenteng nabanggit mo?”“Oo.” Tumango si Abel at ngumiti nang makitang magkakilala na sila. “Mukhang ito ang tinatawag nilang tadhana.”Walang sinabi si Frank—ang totoo ay masama ang impresyon niya kay Gus dah
last updateLast Updated : 2024-10-28
Read more

Kabanata 962

Tumawa si Gus. “Haha. Hinding-hindi ako magsisinungaling sa'yo, Mr. Lawrence.”Bigla na lang, napansin ni Frank na kakaiba ang pakikitungo sa kanya ni Gus. Lalo na't kakampi ng mga Sorano si Gus kung kaya't masama dapat ang trato niya kay Frank. Lalo na't kalahati sa dahilan kung bakit pinatay si Zam Sorano ay dahil kay Frank. At kahit na ganun, hindi nagpakita ng sama ng loob si Gus kay Frank ngayon—sa kabaliktaran, napakagalang niya, at mabait pa nga, na para bang isa lang siyang pangkaraniwang lalaki. “Paano mo nakuha ang pinsala sa katawan mo, Mr. Zeller?” tanong pa rin niya. Ngumiti si Gus. Nakikita niyang may laman ang tanong ni Frank at simple siyang umamin, “May umatake sa'kin isang gabi, na dumurog sa laman-loob at meridian nexus ko. Mabuti na lang, may nagligtas sa'kin mula sa mga gumuhong mga bato.”“May nagligtas sa'yo?” Ulit ni Frank. “Oo.” Para bang lumayo ang tingin ni Gus sa pag-alala niya. “Isa siyang dalaga… isang mabuting dalaga. Pinainom niya ako ng isang
last updateLast Updated : 2024-10-28
Read more

Kabanata 963

“Ganun pala.”Sa wakas ay naintindihan na ni Frank kung paano nakaligtas si Ciaran sa pag-atake sa Mystic Sky Sect mula sa kwento ni Gus—prinotektahan siya ni Gus mismo. Pero sa huli, tumakas si Ciaran papunta sa ibang bansa at natuto ng insect hex techniques ng Talnam, na ngayo'y mukhang dala ng trauma. Nag-alangan rin siya—paano kung malaman ni Gus na ang sikat na South Sea Crow ay ang mabait na babaeng nagligtas sa buhay niya? Ano kayang iisipin niya?“Kagaya ng sabi ko, utang ko sa Mystic Sky Sect ang buhay ko.” Bumuntong-hininga si Gus. “Isa itong utang na hinding-hindi ko mababayaran.”Naghintay sandali si Frank bago mahinang nagsalita, “Mukhang nahuli mo ako. Dapat din kitang pasalamatan at hindi mo ito pinagsabi sa iba, dahil mukhang wala sa Morhen ang nakakaalam.”Ngumiti si Gus at tinaas ang isang palad niya. “Wala lang yun.”Umamo rin ang mga mata ni Frank. “Kahit na magkaiba tayo ng pinapanigan, gagamutin kita para sa pagligtas mo sa kapwa ko apprentice. Pero kung
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 964

Pinigilan ni Abel si Frank at kampanteng ngumiti. “Nasa Morhen tayo, Mr. Lawrence, at maraming dekada na akong nagtratrabaho rito sa Morhen. Hindi ko maipapangako na makakakuha ako ng nakakamangha para sa'yo, pero hindi problema ang natural wonders na nasa ilang dekada o ilang siglo. Ako nang bahala!”Ang totoo, nag-aalangan sina Abel at Jim dahil masyadong simple ang pakiusap ni Frank at natulala sila. Lalo na't handa silang manghihingi si Frank ng pambihirang bagay. “Magaling.” Tumango si Frank. Pumayag siya sa alok at nakahinga siya nang maluwag. Habang umalis siya, pinanood siya ni Abel at bumuntong-hininga nang nakangiti. “Marangal siya at mapagbigay…”“Oo nga.” Tumango si Jim, ngunit hindi nagtagal ay nag-aalala siyang lumingon sa lolo niya nang nakakunot ang noo. “Paano naman ang mga Sorano, Lolo?”Tumawa si Abel. “Wag mong isiping hindi ko nakikita ang mga binabalak mo, bata. Yun ang dahilan kung bakit gusto mong ilista ni Mr. Lawrence ang pangalan niya sa'tin, tama?”L
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 965

Namukhaan ni Frank ang ilan sa mga binata sa paligid ni Helen bilang mga utusan ni Soren, at karamihan sa kanila ay tinititigan ang mukha at katawan ni Helen nang may pagnanasa. Kahit nakaupo siya sa malayo, magkapatong ang mga braso ni Mandy Doncic sa dibdib niya habang tinitingnan nang masama si Helen. Lalo na't nakaupo si Soren sa tabi niya, ngunit nakatuon ang mga mata niya sa mahahabang binti ni Helen. Para bang nanakawan ng itim na thigh highs niya ang mga kaluluwa nila. Lumapit si Frank sa kanila at sumigaw nang malamig sa mga binata sa paligid ni Helen, “Layas!”“Puta, sino ka ba para palayasin kami?!”“Di mo ba alam na nirentahan ni Soren ang buong lugar na'to para sa'min?!”“Anong—eh?”Nagsimulang magalit ang mga binata ngunit sa sandaling nakita nila ang mukha ni Frank—ito ang lalaking sinasamba ni Hux Darman, at kaya niyang lumaban!Hinawakan ni Frank ang kamay ni Helen nang nakakunot ang noo habang umupo siya sa tabi niya. “Anong kalokohan yan?”“Mga kaklase la
last updateLast Updated : 2024-10-30
Read more

Kabanata 966

"Sige." Maamong tumango si Helen.“Hoy bata, bingi ka ba? Hindi mo ba ko narinig?” Lumapit si Brody at tinulak si Frank. “Ayos lang yan, boss. Baka bingi at bulag siya.” Nagmadaling lumapit ang isa sa mga tao niya para panatilihin ang kapayapaan. “M-Manahimik ka!” Sinampal siya ni Brody sa mukha at galit na sumigaw, “Hindi ako bulag o bingi! Hindi mo ko kailangang sabihan!”Sa kabilang banda, hindi umatake kaagad si Frank kahit na tinulak siya, malamig lang siyang nagsabing, “Umalis na kayo bago ako magalit, kundi ay mamamatay kayong lahat dito.”Natawa si Brody sa banta niya at tinuro niya ang sarili niya nang napasinghal. “Hoy, bulag ka ba talaga? Ang dami-dami namin, tapos sinasabihan mo kaming umalis? Dapat umalis ka na ngayon—pero maiiwan ang kasintahan mo!”“Urgh, nakasalubong pa natin tong mga tangang to.” Bumuntong-hininga si Frank habang sinara ang kamao niya. “Huling pagkakataon niyo na'to. Umalis na kayong lahat.” Habang dahan-dahan siyang tumingala nang kumikisla
last updateLast Updated : 2024-10-30
Read more

Kabanata 967

Mahinahong nagtanong si Helen, "Pwede ba kitang tapatin?"Nabigla si Frank, ngunit kaagad siyang sumagot, “Sige lang.”“Na-miss talaga kita… Kaya gusto kong magpaiwan. Ayaw kong iwan ka,” sabi ni Helen at nahihiyang tinago ang mukha niya sa dibdib niya. Tumingin nang masama sa inggit ang mga lalaking kaklase ni Kat, pero wala silang nagawa—nasa ibang lebel lang talaga si Frank. Maging ang kotseng minamaneho niya ay bihirang makita ng karamihan sa kanila, at wala silang pag-asang tatakbo sa mga bisig nila ang isang magandang babae. Suminghal si Soren habang tinitigan nang masama si Frank sa inggit, ngunit kaagad siyang nagkaideya. Kasabay nito, tumatawa si Frank at inaasar si Helen. “Tsk, tsk… Nakakagulat naman! Si Ms. Helen Lane, ang CEO ng Lane Holdings na tinatawag na ice queen ng bawat Rivertonian, ay magsasabi ng ganun sa isang batugang kagaya ko. Sinong makakapaniwala roon? Naantig ang damdamin ko… Talagang biniyayaan ako…”Namula si Helen hanggang sa leeg niya, pagkata
last updateLast Updated : 2024-10-31
Read more

Kabanata 968

“Tama si Soren. Walang maganda sa hayop na yun!” Mabilis na sumang-ayon ang mga binata sa malapit. “Nakikita mo na ngayon ang tunay niyang ugali, di ba, Kat?” Mayabang na ngumiti si Soren—ito ang gusto niyang mangyari—ang dungisan ang imahe ni Frank habang isinasalba ang impresyon ni Kat tungkol sa kanya. Gayunpaman, hindi niya naintindihang nakita na ni Kat ang binabalak niya. Habang pinalo ang kamay niya paalis, malamig siyang sumigaw, “Wala ka nang pakialam kung anoman si Master Lawrence. Hindi mo siya pwedeng siraan!”“Kat!” Halos hindi naitago ni Soren ang galit niya at sumigaw siya, “Nag-aalala lang ako sa'yo at ayaw kitang maloko, lalo na sa mga kagaya niya!”Nang matapos siya, lumingon siya kay Frank. “Oh, talaga?!” Ngumisi si Kat sa pagkamuhi. “Kung kaya dapat sa'yo pala ako magpaloko? Oras na para maintindihan mo kung anong ginawa mo—nakakadiri talaga kung kailangan pa itong ipaliwanag sa'yo. At mabuti nga mabait si Master Lawrence at hindi siya nagtanim ng galit sa
last updateLast Updated : 2024-10-31
Read more

Kabanata 969

Sumigaw si Soren sa galit, “Sigurin niyo siya! Makakakuha kayo ng limampung libo!”“Limampung libo?!”Wala nang pakialam sa pagiging maginoo ang mga sipsip pagkatapos isigaw ni Soren ang gantimpala niya at lahat sila ay sumugod kay Kat. “Mga hayop… Bwisit!” Mura ni Kat, ngunit sumuko na siya. Kaagad siyang nadehado. Hindi niya lang kailangang labanan ang tatlong bodyguard na nasa likod niya, pati rin ang sarili niyang mga kaklaseng nakatayo sa pagitan nilang dalawa ni Soren. Alam niya rin ang hangganan ng kakayahan niya—ilang araw pa lang simula noong nagsimula siyang maging martial artist, at hindi sapat ang vigor niya para talunin ang lahat ng mga lalaking ito. Sa halip, nakaramdam siya ng hapdi sa pisngi niya at lumingon para sugurin si Mandy—babawi siya sa kanila, kahit na hindi niya maabot si Soren sa ngayon!"Argh!"Habang sumigaw si Mandy sa pagkataranta, pinabagsak siya ni Kat sa isang sampal at namaga ang pisngi niya nang parang tinapay. Nang matapos iyon, tumayo
last updateLast Updated : 2024-11-01
Read more

Kabanata 970

"Hmph."Suminghal si Frank habang kumilos nang sobrang bilis ang mga paa niya na hindi makita ng mata. Naglaho siya sa mga paningin nila nang parang isang multo, at naiwan silang palinga-linga sa paligid. “Ano? Saan siya nagpunta?”“Paano niya nagawa yun?!”Nasa likuran na nila si Frank. Krak.Lumipad ang pure vigor mula sa daliri niya, pagkatapos ay bumagsak at sumigaw ang mga siga dahil nabarahan ang mga ugat at litid nila, at hindi sila makakatayo nang higit dalawang linggo.Si Brody lang ang natira, at nakaluhod siya sa takot. Hindi nagsayang ng oras si Frank sa kanya at lumingon kay Kat, na dinadaganan na sa lapag ng isa sa mga bodyguard. Nabalot ng mantsa ng dugo ang mukha niya, ngunit nagpatuloy siyang manlaban nang hindi sumusuko. Gayunpaman, mahina ang panlalaban niya at para lang itong kiliti para sa bodyguard. “Talagang sinusubukan niyo ko!” Sumigaw si Frank at sumugod sa bodyguard nang parang isang bagyo. Bago pa man siya nakatingala sa gulat, sinuntok si
last updateLast Updated : 2024-11-01
Read more
PREV
1
...
9596979899
...
108
DMCA.com Protection Status