Sumigaw si Soren sa galit, “Sigurin niyo siya! Makakakuha kayo ng limampung libo!”“Limampung libo?!”Wala nang pakialam sa pagiging maginoo ang mga sipsip pagkatapos isigaw ni Soren ang gantimpala niya at lahat sila ay sumugod kay Kat. “Mga hayop… Bwisit!” Mura ni Kat, ngunit sumuko na siya. Kaagad siyang nadehado. Hindi niya lang kailangang labanan ang tatlong bodyguard na nasa likod niya, pati rin ang sarili niyang mga kaklaseng nakatayo sa pagitan nilang dalawa ni Soren. Alam niya rin ang hangganan ng kakayahan niya—ilang araw pa lang simula noong nagsimula siyang maging martial artist, at hindi sapat ang vigor niya para talunin ang lahat ng mga lalaking ito. Sa halip, nakaramdam siya ng hapdi sa pisngi niya at lumingon para sugurin si Mandy—babawi siya sa kanila, kahit na hindi niya maabot si Soren sa ngayon!"Argh!"Habang sumigaw si Mandy sa pagkataranta, pinabagsak siya ni Kat sa isang sampal at namaga ang pisngi niya nang parang tinapay. Nang matapos iyon, tumayo
"Hmph."Suminghal si Frank habang kumilos nang sobrang bilis ang mga paa niya na hindi makita ng mata. Naglaho siya sa mga paningin nila nang parang isang multo, at naiwan silang palinga-linga sa paligid. “Ano? Saan siya nagpunta?”“Paano niya nagawa yun?!”Nasa likuran na nila si Frank. Krak.Lumipad ang pure vigor mula sa daliri niya, pagkatapos ay bumagsak at sumigaw ang mga siga dahil nabarahan ang mga ugat at litid nila, at hindi sila makakatayo nang higit dalawang linggo.Si Brody lang ang natira, at nakaluhod siya sa takot. Hindi nagsayang ng oras si Frank sa kanya at lumingon kay Kat, na dinadaganan na sa lapag ng isa sa mga bodyguard. Nabalot ng mantsa ng dugo ang mukha niya, ngunit nagpatuloy siyang manlaban nang hindi sumusuko. Gayunpaman, mahina ang panlalaban niya at para lang itong kiliti para sa bodyguard. “Talagang sinusubukan niyo ko!” Sumigaw si Frank at sumugod sa bodyguard nang parang isang bagyo. Bago pa man siya nakatingala sa gulat, sinuntok si
Natural na nakatayo si Frank sa harapan niya at naghihintay. Pagkatapos siyang buhatin, sinampal niya siya nang dalawang beses at ibinato siya pabalik sa mga kaibigan niya. “Humingi kayo ng tawad!” Sigaw ni Frank habang nakatayo siya sa harapan ng nakaluhod na si Soren. Napaatras ang mga binata sa nakamamatay na tingin niya. “P-Patawad, Kat… Sumusunod lang kami sa utos… Patawad…”Isang pambihirang eksenang makita ang bawat isang binata at bodyguard na umatake kay Kat kanina na lumuhod at magmakaawa ngayon. Magsasalita sana si Pico, pero nagtago siya sa likod ng bar niya sa takot nang nakayuko habang tumawag siya sa isang numero. “Hello, Mr. Blackfive? May nanggugulo sa bar ninyo. Oo, oo, oo… Dapat kayong pumunta kaagad!”Sa kabilang banda, habang lumuhod ang bawat isang binata at bodyguard na umatake kay Kat, hindi ito ginawa ni Soren kahit na siya ang pinuno nila. Pinagngitngit niya ang panga niya at sinarang maigi ang kamao niya, hindi siya nagpakita ng intensyong sumuko.
Bumuntong-hininga si Frank. “Dapat tigilan mo nang pumunta sa mga ganitong lugar.”“Oo,” sumagot si Kat at tumingin kay Helen na lumapit para tumulong nang may pagod na ngiti. “Tutugtog sana ako para sa'yo. Hindi ko inakalang mangyayari to.”“Ayos lang. Wag kang magsalita.” Ngumiti si Helen at pinunasan ang dugo sa pisngi ni Kat. “Tara na.” Tumingin si Frank sa paligid at tumango kay Lily bago nagsimulang umalis. “Sinong nagsabi sa'yong pwede kang umalis?!” Isang malakas na boses ng narinig mula sa likod ng bar at pumasok ang isang maskuladong lalaking dalawang metro kataas at nakasuot ng itim na sando. Pinangunahan niya ang isang grupo ng mga lalaki habang pumasok sila mula sa pinto sa likuran, at kaagad namang yumuko ang may-ari ng bar na si Pico. “Welcome, Mr. Blackfive.”“Uh-huh.” Tumango si Blackfive, pagkatapos ay tumingin sa magulong bar bago lumingon papunta kay Frank, “Hindi ka ba magbabayad sa mga pinsala rito pagkatapos ng kaguluhang ginawa mo? Hindi naman yata maka
"Frank…"Kumunot ang noo ni Helen nang napagtanto niyang siya na ngayon ang pakay ng Blackfive. Ayaw niyang lumaban si Frank, pero hindi niya rin hahayaang mapunta sa mga maduduming kamay ni Blackfive ang sarili niya. Tumango si Frank. “Wag kang mag-alala, ako nang bahala rito.”“Ano? Lalaban ba tayo, master?” Tanong ni Kat.Hindi niya pagdududahan ang lakas ni Frank—kahit na nabugbog siya ngayon, handa siyang lumusob.Mabilis silang pinalibutan ng mga tao ng Blackfive nang narinig nila si Kat habang binatukan siya nang mahina ni Frank. “Tigilan mo nang gumawa ng gulo.” Bumuntong-hininga siya. “Hindi pa ba sapat ang problemang dinala mo sa'kin?”“Kung ganun, anong dapat nating gawin?” Miserableng umangal si Kat. “Halatang hindi tayo palalampasin ng hayop na yan.”“P-Pa!”Bigla na lang, nagkamalay si Baldie pagkatapos siyang paliparin ni Frank sa isang mesa gamit ng isang sipa. Sa sandaling nakita niyang nakaupo ang tatay niya sa isang upuan, umiyak siya habang nagmadali
Nagpatuloy si Frank, “Bakit di mo tawagan si Gus at tanungin siya kung kilala niya ang pangalang Frank Lawrence?”Nagduda si Blackfive sa sandaling iyon—kakilala lang siya ng pamilya at hindi niya kayang banggain si Gus. Kahit na isa lang siyang retainer, may timbang ang mga salita ni Gus kay Zico Sorano ang head ng Sorano family, kung kaya't isa siya sa pinakamahahalagang executive. At ang kahit na sinong bumangga sa kaibigan niya… sandali lang ang itatagal ng siyam na buhay. Habang nasa isip iyon, kinuha ni Blackfive ang phone niya. Kahit na nag-iingat siyang nakatitig kay Frank, nagbanta siya, “Patay ka kapag nalaman kong nagsisinungaling ka!”Pagkatapos ay tumawag siya ng isang numero. “Oo, oo, oo, si Blackfive ito… Pwede mo ba akong tulungang makausap si Mr. Zeller? Hindi, importante lang. Tungkol to sa kaibigan niya…”Naghintay nang matagal ang lahat, at nang nagsimulang mainip si Kat ay doon binaba ni Blackfive ang tawag. Nang ginawa niya noon, natulala siya nang mat
Nang nagmaneho si Frank, lumingon siya kay Kat sa upuan sa likuran. “Pumunta tayo sa malapit na ospital.”“Teka lang. Kailan mo naging kaibigan ang mga Sorano, Master Lawrence?” Tanong ni Kat na hindi nabahala sa mga sugat niya habang kilos pa rin siya nang kilos kahit na sinabihan siya ni Helen na huwag. “Pasyente ko ang isa sa mga retailer nila, yun lang,” sabi ni Frank. Sumipol si Kat na namangha. “Ang astig naman… Siguro dapat ko nang sukuan ang martial arts at matuto naman ng medisina!”“Bakit di ka muna mag-aral nang maayos?” Pinigilan siya ni Frank nang hindi nagtitimpi. “Nangangailangan ng espesyal na kaalaman ang medisina, habang wala ka namang kaalam-alam. Mayroon ka ba talagang matututunan?”“Hmph. Ayaw mo lang kamo akong turuan.” Sumimangot si Kat habang pinagpatong ang mga braso niya sa dibdib niya. Tumawa si Frank. “Sige, bigyan pala kita ng crash course. Una, kakabisaduhin mo ang mga pangalan at katangiang ng sampung libong halamang gamot, at ang mga epekto nito
“Maliit na bagay lang to… Wag kang mag-alala,” sabi ni Frank na nagpasyang hindi magsabi kay Helen. Ayaw niyang mag-aalala si Helen kay Nash dahil naging mabait si Nash sa kanya. “Sige,” hindi pinilit ni Helen si Frank dahil ayaw niyang magsabi, at sa halip ay tumango siya. “Kung ganun, babalik ako sa cottage ni Mr. Yego. Mag-ingat ka.”“Alam ko. Kita tayo mamaya.”Pagkatapos iwan si Helen, inabot ng ilang sandali si Frank para kumalma at naglakad papunta sa operating room nang nakatikom ang mga kamao. Sa sobrang tindi ng mga sugat ni Nash ay hindi siya makilala ni Frank—hindi lang ito pambubugbog, kundi marahas na pagpapahirap!“Nash…” Nakaramdam ng pagsisisi si Frank sa sandaling iyon—hindi sana ito nangyari kung hindi niya inutusan si Nash na ipadala ang mga pill. Natural na may ideya siya kung sinong may gawa nito. “Willy Soriano…” bulong niya, mabangis na kumislap ang mga mata niya habang nagliyab ang galit niya. “Hoy! Operating room to! Hindi ka pwedeng pumasok dit
Ang mga babae ay nakaramdam ng paghamak kay Winter habang hindi nila alam kung saan sila dapat mag-intern.Nang marinig ni Frank ang kanilang pag-uusap, nakita siya ni Jessica at nag-double take. "Hey, hindi ba't kapatid ni Winter 'yan?"Gayunpaman, hindi nagtagal ay siya'y nagbiro. "Talagang ginawa mo ang lahat para lang makakuha ng trabaho ang kapatid mo!""Oo nga, ipinadala mo siya na parang regalo sa kama ng isang matandang lalaki… Wala nang hihigit pa sa iyong tiyaga."Ang pang-aasar ay nag-iwan kay Frank na nalilito, bagaman agad niyang napagtanto na nagkamali sila ng pagkakaintindi habang patuloy silang nagkukwentuhan.Si Winter ay talagang may kakayahang maging pinuno ng Zamri Hospital—sa katunayan, sapat na sapat ang kanyang kasanayan sa medisina, at hindi niya kailangang gumamit ng anumang hindi kanais-nais na paraan.Habang nanatiling nagdududa ang mga babae sa kabila ng mga sinabi ni Frank, hinila lang sila ni Frank para makita si Winter upang siya na mismo ang magsab
May isa lamang porsyentong tsansa si Gus na mabuhay, pero may isang bagong graduate na inakalang kasintahan ni Gene na nagtagumpay sa tsansang iyon?!Grabe, kaya na ngang makipag-usap ng lalaki ngayon!Pakiramdam ni Paco na parang gumuho ang kanyang mundo, na parang ang mga dekadang kaalaman niya sa medisina ay walang halaga sa ilang mga bata.Sa paligid niya, ang kanyang mga katulong ay nakatitig sa gulat.Hindi nagawa ni Paco! Ano ang nagbigay sa kanilang dalawa ng karapatan na magtagumpay?Posible bang mas magaling pa ang kanilang mga kasanayan sa medisina kaysa kay Paco kahit na mas kulang sila sa karanasan?"Alam mo ba ang pangalan na Frank Lawrence?"Si Gus ay sumagot kay Winter at Jean Zims, kahit na nakapikit pa rin ang kanyang mga mata."Frank Lawrence?"Nagpalitan ng tingin sina Winter at Jean."Siya ang kapatid ko," sagot ni Winter."Siya ang aking mentor," sabay na sinabi ni Jean.Tumango si Gus at huminga ng malalim. "Kung ganun siya nga talaga ‘yun… Muli niya
"Oh! Dumating sila para kay Winter." Ngumiti ang katulong."Siguro balak nilang hingin sa kanya ang internship, dahil bagong talagang siyang pinuno ng ospital natin at lahat."Pumihit si Paco kay Winter noon din, ang kanyang titig malamig habang malamig na sumagot, "Ano bang akala mo sa ospital namin?! Hindi ito lugar para sa mga batang nagmamadaling umakyat sa ranggo. Lumayas ka dito!""Ano? Humihingi ba kami ng pahintulot na manatili?" Tina ay nagmaktol sa paghamak at lumingon muli upang umalis matapos magbigay ng malamig na titig kay Winter."Sandali…"Sinubukan ni Winter na magsalita, pero sobrang pagod niya mula sa operasyon na halos hindi siya makapagbigkas ng isang pantig.Patuloy na nagalit si Paco sa kanya noon, "Sabi ko, chief, sapat na ang binigay mong gulo sa akin para sa isang araw, kaya ipaalam mo sa utak mo—ospital ito, hindi lugar para kay Gene Pearce na magtago ng mga kalaguyo!"Pagkatapos, itinuturo si Gus Zeller sa trolley bed, sumigaw si Paco, "Tingnan mo ang
"Phew…"Matapos ang mahigit apat na oras na operasyon, bumagsak si Winter sa isang upuan, ang kanyang mga kamay ay puno ng dugo."Okay ka lang ba, Winter?" tanong ni Jean habang pinupunasan ang pawis sa noo ni Winter.Umiling si Winter. "Ang laki ng pagkadismaya ko…""Oo nga…" buntong-hininga ni Jean, nilingon ang lalaki sa surgical table na kakatatapos lang operahan, habang nilingon siya at si Winter. "Okay lang—ginawa mo ang lahat ng makakaya mo.""Alam ko." Nagsalita si Winter nang may lungkot.Di nagtagal, si Gus Zeller ay inilipat sa isang wheel bed at itinulak palabas ng silid ng operasyon."Hahaha! Ang sakit na nito… Tingnan mo lang ang mukha niya, parang nabigo siya.""Hehe. Mga batang mayabang, sabi ko sa'yo. Ayos lang, isang tagapaglingkod ng Soranos ang namatay sa kanilang surgical table… talagang magagalit ang mga Sorano.""Eh, hindi naman kasalanan natin 'yan. Abangan na lang natin kung paano ito magiging."Nagkunot-noo si Winter nang marinig niya ang mga tao, pe
At kapag nalaman ng mga Sorano na babae ni Gene Pearce ang nag-opera sa kanilang retainer, mas mabilis na babagsak si Winter.Ito ang patibong na inihanda ni Paco para kay Winter—katapusan na niya, gawin man niya ito o hindi.Ngumisi siya, dahil naniniwala siya na imposible para kay Winter na mailigtas ang buhay ni Gus Zeller.Bago dumating si Winter, sinuri na niya si Gus—bali-bali ang mga buto sa buong katawan niya at naputol ang isang braso niya, habang dumudugo naman ang mga organs niya.Maging ang pagtibok ng puso niya ay lubhang napakahina.Para kay Paco, kahit na marami na siyang karanasan, dinaig pa ni Gus yung nasagasaan ng tren.Isa siyang patay na naglalakad, at hindi magiging maganda ang mga bagay para sa sinumang tatanggap sa kaso niya.At nagkataon namang magagamit ito ni Paco laban sa bago niyang chief, na kasisimula pa lang ng kanyang unang araw sa trabaho.“Gaano man kakakaiba ang sitwasyon, ang pagliligtas sa buhay ng pasyente ang prayoridad natin,” sabi ni Wi
Bagaman nangangahulugan iyon na hindi kayang hawakan ni Winter ang mga komplikadong kaso at hindi niya kayang linangin ang mga pill, ang kanyang kaalaman sa mga acupoint, masahe, at kasanayan sa acupuncture ay kayang hawakan ang karamihan sa lahat, kahit na hindi ito kasing epektibo ng kay Frank.Pagkatapos ng lahat, ang mga tao tulad ni Frank na nagmaster sa parehong martial arts at medisina ay isang pambihira.Sa kabilang banda, nagulat si Paco na kinuha ni Winter ang scalpel nang walang kaalam-alam, ngunit hindi nagtagal ay tumatawa na siya kasama ang kanyang mga katulong.Ang surgical wing ay isang lugar ng kaseryosohan, at sinisira nila ito."Sandali, chief." Ngumisi si Paco habang lumalapit kay Winter."Hindi ko naman sinasadyang maliitin ka, pero kakagraduate mo lang sa unibersidad at hindi ka pa nakapag-internship. Ito ang unang beses mong humawak ng scalpel, tama ba?"Tumango si Winter nang mahinahon at hindi nagalit."Pfft…"Pinigilan ni Paco ang pagtawa, habang ang kany
Pareho nang higit-kumulang na napagtanto nina Vicky at Helen na ang pagpapanatili ng spiritron vein ay hindi naman talaga mabuti para sa kanila, lalo na't nagdudulot ito ng walang katapusang mga problema.Ang pagkaligaw sa oras ay, mula sa isang pananaw, ang matalinong hakbang.Naiintindihan ni Frank kung ano ang iniisip ni Silverbell.Tanging isang malaking organisasyon tulad ng Martial Alliance at ang kanilang mga tagasuporta ang may lakas na mapanatili ito—ang pagbibigay kay Frank sa kanyang kasalukuyang estado ay makakasama sa kanya sa halip."Ano ang gagawin natin ngayon, Frank?" tanong ni Vicky nang may pag-aalala."Umupo at huwag gumawa ng kahit ano," sabi ni Frank matapos mag-isip ng matagal tungkol dito, lumingon sa pagitan nina Vicky at Helen."Kung may makakahanap ng eksaktong lokasyon ng spiritron vein, problema na nila iyon at hindi natin. Ang lungsod ng Zamri ay gulo na dahil sa spiritron vein, kaya hindi pa panahon para tayo ang magpakita. Sa puntong ito, ang pinakama
Samantala, sa isang conference room sa tuktok ng Lanecorp Tower, nakasimangot sina Vicky at Helen.Pagkatapos ng lahat, pareho silang may mga espada na nakatutok sa kanilang mga makikinis na leeg."Ano'ng ginagawa mo, Silverbell?!" sigaw ni Helen."Heh. Nagulat ako... may isang malapit na tao na nakapagpalusot sa akin." Tumatawa si Vicky, pero ang kanyang mga mata ay kumikislap ng malamig."Pasensya na, ladies," si Silverbell ay nakadamit ng puti tulad ng dati, hawak ang kanyang espada sa isang kamay at isang nagniningning na alahas na kahawig ng isang anting-anting sa kanyang kabila.Iyon ang spiritron vein na binanggit ni Helen sa phone.Nang bumalik sila, Vicky, at Silverbell sa Lanecorp Tower, isang grupo ng mga lalaking nakasuot ng itim na nag-aabang ang sumugod sa kanila.At nang kinuha ng mga lalaking nakasuot ng itim ang spiritron vein at ibinigay ito kay Silverbell, napagtanto nina Vicky at Helen na sila ay niloko.Kahit na siya ang kaibigan ni Frank mula pagkabata at l
Sa isip na iyon, tumingin si Frank pataas at sumigaw, "Sir, wala sa akin ang spiritron vein, pero alam ko kung nasaan ito. Hinihiling ko ang iyong pag-unawa bilang aking senior na bigyan ako ng pabor na palayain ang aking pamilya, at dadalhin kita kung nasaan ito!"Tumahimik ang paligid ng sirang templo sa mga salita ni Frank, habang nag-iisip ang taong nagkukubli sa mga anino.Di nagtagal, muling nagsalita ang kanyang matandang boses."Sige. Dahil isa kang tao ng mga prinsipyo, may tiwala ako sa iyo."Lumabas siya mula sa mga anino, isang matandang lalaki na may kulay-abong buhok at may bakal na maskara na tumatakip sa kalahati ng kanyang mukha ang naglakad palabas.Ang kanyang ekspresyon ay malamig, at may dala siyang kwintas ng mga butil ng dasal sa isang kamay.Tumigil ang tibok ng puso ni Frank nang makita niya siya—ang nakakatakot na presyon na ipinapakita ng lalaking iyon ay malinaw na nagpapakita na siya ay Transcendentrank!Hindi niya maiwasang maalala ang sinabi sa kanya ni