Nagpatuloy si Frank, “Bakit di mo tawagan si Gus at tanungin siya kung kilala niya ang pangalang Frank Lawrence?”Nagduda si Blackfive sa sandaling iyon—kakilala lang siya ng pamilya at hindi niya kayang banggain si Gus. Kahit na isa lang siyang retainer, may timbang ang mga salita ni Gus kay Zico Sorano ang head ng Sorano family, kung kaya't isa siya sa pinakamahahalagang executive. At ang kahit na sinong bumangga sa kaibigan niya… sandali lang ang itatagal ng siyam na buhay. Habang nasa isip iyon, kinuha ni Blackfive ang phone niya. Kahit na nag-iingat siyang nakatitig kay Frank, nagbanta siya, “Patay ka kapag nalaman kong nagsisinungaling ka!”Pagkatapos ay tumawag siya ng isang numero. “Oo, oo, oo, si Blackfive ito… Pwede mo ba akong tulungang makausap si Mr. Zeller? Hindi, importante lang. Tungkol to sa kaibigan niya…”Naghintay nang matagal ang lahat, at nang nagsimulang mainip si Kat ay doon binaba ni Blackfive ang tawag. Nang ginawa niya noon, natulala siya nang mat
Nang nagmaneho si Frank, lumingon siya kay Kat sa upuan sa likuran. “Pumunta tayo sa malapit na ospital.”“Teka lang. Kailan mo naging kaibigan ang mga Sorano, Master Lawrence?” Tanong ni Kat na hindi nabahala sa mga sugat niya habang kilos pa rin siya nang kilos kahit na sinabihan siya ni Helen na huwag. “Pasyente ko ang isa sa mga retailer nila, yun lang,” sabi ni Frank. Sumipol si Kat na namangha. “Ang astig naman… Siguro dapat ko nang sukuan ang martial arts at matuto naman ng medisina!”“Bakit di ka muna mag-aral nang maayos?” Pinigilan siya ni Frank nang hindi nagtitimpi. “Nangangailangan ng espesyal na kaalaman ang medisina, habang wala ka namang kaalam-alam. Mayroon ka ba talagang matututunan?”“Hmph. Ayaw mo lang kamo akong turuan.” Sumimangot si Kat habang pinagpatong ang mga braso niya sa dibdib niya. Tumawa si Frank. “Sige, bigyan pala kita ng crash course. Una, kakabisaduhin mo ang mga pangalan at katangiang ng sampung libong halamang gamot, at ang mga epekto nito
“Maliit na bagay lang to… Wag kang mag-alala,” sabi ni Frank na nagpasyang hindi magsabi kay Helen. Ayaw niyang mag-aalala si Helen kay Nash dahil naging mabait si Nash sa kanya. “Sige,” hindi pinilit ni Helen si Frank dahil ayaw niyang magsabi, at sa halip ay tumango siya. “Kung ganun, babalik ako sa cottage ni Mr. Yego. Mag-ingat ka.”“Alam ko. Kita tayo mamaya.”Pagkatapos iwan si Helen, inabot ng ilang sandali si Frank para kumalma at naglakad papunta sa operating room nang nakatikom ang mga kamao. Sa sobrang tindi ng mga sugat ni Nash ay hindi siya makilala ni Frank—hindi lang ito pambubugbog, kundi marahas na pagpapahirap!“Nash…” Nakaramdam ng pagsisisi si Frank sa sandaling iyon—hindi sana ito nangyari kung hindi niya inutusan si Nash na ipadala ang mga pill. Natural na may ideya siya kung sinong may gawa nito. “Willy Soriano…” bulong niya, mabangis na kumislap ang mga mata niya habang nagliyab ang galit niya. “Hoy! Operating room to! Hindi ka pwedeng pumasok dit
Bang!Sinipa ni Frank ang pinto papunta sa operating room. Napatalon ang lahat ng mga doktor at lumingon sa kanya sa gulat. “Hoy! Sino ka?! Anong ginagawa mo rito?!” “Gaano ka kakampanteng mailigtas ang pasyente, dok?” Diretsong tanong ni Frank habang pumasok siya sa loob. Tinitigan niya nang malamig si Dr. Brent nang tumayo siya malapit sa operating table. “Ano…” Nag-alangan si Dr. Brent. Nilumpo ang pasyente, pero hindi siya mamamatay, dahil… maparaan ang gumawa sa kanya nito. Alam nila kung paano patindihin ang sakit habang mananatiling buhay ang biktima. Pero kahit na walang tyansang mamatay ang biktima, malabo ring tuluyan siyang gumaling. Siniguro ng may gawa nito na permanente ang trabaho niya, binasag niya ang buto sa hita ng biktima at mauupo siya sa wheelchair habangbuhay. Bilang doktor, maging siya ay walang masyadong magagawa gamit ng buong kakayahan niya. Higit pa roon, mayroong utos sa kanya na panatilihing buhay at nasasaktan ang lalaki—hindi nila siya da
Kahit na nakasuot ng uniporme ang higit isang dosenang security guards, malinaw sa pananalita nilang mga siga lang sila sa kalye. Dahan-dahang tumingala si Frank sa kanila nang pumasok sila, “May limang segundo kayo. Lumayas kayo rito, kundi ay di ako magtitimpi.”“Puta, mayabang to ah!” Tumalon ang lider ng security guard sa kanya nang nakataas ang batuta. "Hmph."Wala talagang oras si Frank para magsayang ng oras sa mga sigang ito. Nasa operating table pa rin si Nash, mahinang umuungol sa sakit at nangangailangan ng panggagamot. Pagsugod niya, pinatulog ni Frank ang security guard gamit ng gilid ng palad niya at tumirik ang mata ng gwardya. Bzzt…Hinablot ni Frank ang batuta ng unang security guard bago siya tumalsik at itinutok niya ito sa pinakamalapit na security guard. Nangisay ito habang lumipad ang maitim na usok. “Labas!” Sigaw ni Frank at sinipa ang security guard papunta sa isa pa. Mas dumami pa ang sumugod, gayunpaman, hindi nagtimpi si Frank. Krak. Thu
Nagpatuloy na magyabang si Dr. Jomer. “Sa huli, ang Draconian traditional medicine ay isang mahinang kopya ng modernong medisina, ginagaya nila ang pagtatanggal ng patay na tissue at pagtatahi ng nakabukas na sugat. Kalokohan lang yun.”Habang tumango sa pagsang-ayon kay Dr. Jomer ang ibang mga doktor, kumunot ang noo ni Dr. Brent. “Manahimik ka na lang at panoorin ang binabalak ng batang ito.”Umiling si Dr. Jomer at pinatunog ang dila niya. “Baka may sama siya nang loob. Kasi, sasaktan niya pa ang kawawang lalaking yan pagkatapos ng lahat? Naaawa talaga ako sa lalaking ito…”-Samantala, nilapag ni Frank ang mga karayom niya sa tabi ni Nash sa operating table—nang nakalapit lang siya, doon niya nakita ang tunay na hangganan ng mga sugat ni Nash. Sirang-sira ang mukha ni Nash at halos nabasag ang buong tadyang niya. Wala sa mga braso't binti niya ang naiwang buo at may ilan pang litid na pinutol. Isa talaga itong kawalanghiyaan. Nakaramdam talaga si Frank ng kagustuhang sumu
Hindi talaga naging kasundo ni Ghent si Gus kahit pareho silang mga retainer ng Sorano family. Gayunpaman, kahit na sumunod si Ghent kay Gus dahil mas mataas si Gus sa kanya, hindi ibig sabihin nito ay takot si Ghent sa kanya. At ngayong pumasok si Frank sa teritoryo ng mga Sorano at gumawa ng gulo, isa talaga itong sampal sa mukha para sa mga Sorano. Sa kabaligtaran, sigurado siyang walang masasabi si Gus kapag pinatay niya si Frank ngayon mismo. Habang nasa isip iyon, naglakad siya at sumigaw nang malamig sa operating room, “May limang minuto ka para lumabas at humingi ng tawad, Frank Lawrence, kundi ay papatayin kita sa ngalan ng Sorano family!”"Hmph."Narinig siya ni Frank, pero tumingin lang siya sandali kay Ghent nang may pagkamuhi bago bumalik sa ginagawa niya. Nagising si Nash, tumingin sa paligid niya sa pagtataka ngunit di nagtagal ay nakita niya si Frank. Kaagad siyang humingi ng tawad. “P-Pasensya ka na, Mr. Lawrence. Nabigo akong gawin ang sinabi niyo sa'kin
“Ano….?”Hindi inasahan ni Nash na maging ang bodyguard ng mga Soriano ay ganito kayabang, at lalong hindi niya inasahang mamatahin siya rito.Nandito lang siya para magpadala ng pills!Higit pa roon, marami siyang alam na botika at apothecary, pero pinanatili niya ang katapatan niya at ngumiti habang nagsabing, “Pakiusap, sir—hindi ako magsisinungaling sa'yo. Nireseta ni Mr. Lawrence ang mga gamot na'to para kay Mr. Zeller. Pwede niyong tanungin si Mr. Zeller kung di kayo naniniwala sa'kin.”Sa kasamaang palad para kay Nash, may mga tao talagang abusado, wala silang pakialam sa mabuting pag-aasal at kakantiin nila ang kahit na sinong mukhang mahina. “Bingi ka ba?!” sigaw ng bodyguard na tumayo. “Sinabi ko na sa'yong hindi makakausap ng isang tauhang kagaya ko si Mr. Zeller—ako ang kahit kapag nandito ka lang para gumawa ng gulo! Pwede mong kausapin mismo si Mr. Zeller kung totoo ang sinasabi mo, pagkatapos ay sasabihan niya kaming papasukin ka. Ngayon, lumayas ka na rito!”Tinu
Pagkatapos pinadaan ni Frank ang room card at binuksan ang pinto, natulala siya nang makitang isa itong kwartong may deluxe bed. Naiilang siyang lumingon kay Helen, na umiling habang pumasok siya. “May nag-book ng presidential suite, kaya kailangan kong magtiyaga sa deluxe twin. Wag kang mag-alala, ang kondisyon ng hotel ay…”Natulala rin siya nang nakita niyang isang kama lang ang nasa loob ng malaking kwarto. “Heh. Kung ganun…” Kinamot ni Frank ang ulo niya at naiilang na tumawa. May nakita si Helen sa ngiti niya na nagpamula sa kanya at nagreklamo siya. “Hindi maaari to… Naalala kong sinabi ko kay Cindy na kukuha ng twin bed room…”Lumabas siya at nagtanong sa isa sa mga attendant sa labas, na humingi naman ng tawad. “Pasensya na, Ms. Lane, pero wala kaming oras para ipaalam ito sa'yo kanina. Dati kang nilagay sa Room 506, isang deluxe twin room. Gayunpaman, biglang nagkaroon ng biglaan government inspection, at kinailangan ka naming ilipat. Pumayag dito ang sekretarya mo ka
Nang bumalik sila sa mga mesa nila, gumawa ng palusot si Will na natumba siya at tumaga ang kamay niya sa tinidor na nasa lapag, na nagsanhi ng kahulugan kanina. Hindi nakayanan ni Cindy na manood na lang at maupo, at sinimulan niya siyang hilahin. “Halika na. Dadalhin kita sa doktor para linisin yan.”“Ayos lang,” naiilang na sabi ni Will habang sumilip kay Frank at umubo. “Tinulungan na ako ni Mr. Lawrence at hindi na'to masakit kaya…”Natural na hindi nagtiwala sa kanya si Cindy at suminghal sa ideyang kayang tumulong ni Frank. “Imposible! Sanggano lang siya—sinong mas papaniwalaan mo, siya o ang doktor?! Tara na, kundi baka maimpeksyon ka dahil sa kanya. Masama ito kapag nag-iwan yan ng peklat.”Sa huli, walang nagawa si Will kundi umalis dahil hinila siya ni Cindy paalis. Nang naiinis, tumango siya kay Frank bago umalis, ngunit umiinom si Frank ng kape at parang hindi siya sumagot. Nanood si Helen habang umalis sina Will at Cindy, pagkatapos ay kinakabahan siyang lumingon
“Ano?!” Nabigla si Frank. Nagpasya ang mga Lionheart na makipaggiyera laban sa mga Turnbull?!Pero sabi ni Glen Turnbull, ang plano laban sa mga Turnbull ay plinano at sinagawa ni Titus Lionheart nang mag-isa. Kung nasa paligid ang head ng mga Lionheart, hindi sila susugal nang ganito ka-delikado. Ngunit sa kung anong dahilan, nagbago ang isip ng mga Lionheart pagkatapos ng isang buwan at handa na silang umatake?!Metikuloso pa nga sila at binalak nilang sirain ang Lane family… Mukhang habol din siya ng mga Lionheart!“Ganun pala… Iyon pala ang nangyayari…” Tumawa nang malamig si Frank pagkatapos isipin ang mga pagpipilian niya at kumuha ng isang mabahong itim na pill at sinaksak ito sa bibig ni Will. “Dahil kilala ako ako, alam mo dapat kung gaano ako kagaling sa medisina. Ang pill na pinainom ko sa'yo ngayon ay tinatawag na Veinbreaker, at kailangan mo ng antidote bawat linggo, kundi ay mamamatay ka nang nagdurusa habang pumuputok ang bawat isang ugat na mayroon ka.”Habang
“Sir, anong—”“Tabi.” Tinulak ni Frank ang mga attendant na nakaharang sa daan niya at naglakad papunta kay Will. Hinablot niya ang lalaki sa kwelyo, pagkatapos ay tinulak ito sa men's room at sinara nang malakas ang pinto para i-lock ito. “Ano bang gusto mo?!” Sumigaw si Will habang nagngitngit ang ngipin. Nagsimulang mag-apoy ang mga mata niya sa galit kay Frank habang pinanood niyang dumugo nang matindi ang palad niya. “Anong gusto ko? Ikaw ang dapat kong tanungin niyan.”Tinulak ni Frank si Will sa lapag nang nakangisi habang inapakan niya ang butas na kamay ni Will. Napasigaw siya ulit. Habang malamig na naningkit ang mga mata, sumigaw si Frank, “Unang-una, magsimula tayo sa kung sino ka ba talaga… Lumapit ka sa Lanecorp mula kay Cindy, para saan? Para may manatiling aligaga?! Sino yun?! Magsalita ka!”“A-Anong sinasabi mo?! Wala akong alam!”Nataranta si Will sa mga tanong ni Frank. Hindi niya alam kung paano ito nalaman ni Frank. “Hindi ka magsasalita, ha? Kung gan
Mapagbantang sumagot si Helen, “Wag mo kong hawakan, Mr. Zeller, kundi ay baka hindi mo malaman ang mangyayari sa'yo.”“Talaga? Kilala mo ba kung sino ang mga kaibigan ko? Hehe… Aatakihin ka sa puso kapag sinabi ko sa'yo, pero iibahin ko ang usapan.”Madilim na ngumiti si Will, dinilaan niya ang mga labi niya habang hinarangan niya si Helen. “Samahan mo ko ngayong gabi, Ms. Lane, at nangangako ako sa karangalan ko na makukuha mo ang larawan at lahat ng files na kinopya ko… Kundi baka bukas, lumitaw sa mesa ng CEO ng karibal mong kumpanya ang lahat ng nasa larawan. Kaya ano ang pipiliin mo?”Pumikit si Helen sa kabila ng banta niya, at nanahimik sandali bago nagsabing, “Kung ganun, pwede ko bang isiping pinagbabantaan mo ko?”“Tama.” Nanatiling nakangiti si Will, na tuwang-tuwa dahil kumbinsido siyang sa kanya na si Helen. Nagsimula pa nga siyang magpantasya kung anong kayamanan ang nasa ilalim ng suit niya at tumindi ang init sa pagitan ng binti niya. Walang makakapigil dito, a
“Sige.” Tumango si Cindy at mabilis na bumalik sa mga dessert na nasa mesa. Sa kabilang banda, pinagpatong ni Frank ang mga braso niya sa dibdib niya habang pinanood niya si Will na pumunta sa banyo. Dumilim ang titig niya. “Hoy, anong tinitingin-tingin mo? Naiinggit ka lang, ano?”Nagmayabang si Cindy nang makitang nakatitig si Frank kay Will. “Iba ang boyfriend ko sa'yo—isa siyang tunay na department head na nagrereview ng bawat isang tender ng korporasyon. Alam mo ba kung gaano karaming tao sa Zamri ang kailangang sumunod sa kanya? Ang alam mo lang gawin ay masali sa away at kumapit kay Helen, para magmakaawang bigyan ka ng trabaho.”Hinampas niya nang paulit-ulit ang mesa habang tinawanan niya si Frank. “Walanghiya ka talaga—wala kang alam sa pagkakaroon ng trabaho, ano? At tinakda ka ni Helen bilang head ng health and safety department… Di ba ibig sabihin nun ay security guard ka lang? Oh, pinapatay mo ko sa kakatawa! Umaabot ba sa sampung libo ang buwanang sahod mo?!” Tum
Malamig na tumingala si Frank sa kanya. “Ano? Di ba ako pwedeng umupo rito?”Kaagad na nagalit si Will—matapang siya para sa isang hamak na bodyguard!“Hinanda kong maupo rito si Ms. Lane, dahil mayroon kaming malaking business deal na pag-uusapan.” Malamig na sabi ni Will. “Kaya bang akuin ng isang pinabangong security guard na kagaya mo ang mangyayari kapag sinira mo to para sa kanya?!”“Syempre naman.” Tinaas ni Frank ang mukha niya nang mukhang sinasadyang nagtataka. “Ano…” Nanggalaiti si Will. “Tama na yan.” Tinaas ni Helen ang isang kamay niya at pinigilan ang dalawang lalaki habang umupo siya sa tabi ni Frank. Habang nakatingin nang seryoso kay Will, sabi niya, “Kinuha ng pinsan kong si Cindy ang laptop ko. Pakibalik ito sa'kin kung nasa’yo pa rin ito.”Ito ang prayoridad niya dahil maraming sensitibong dokumento at papeles ng Lanecorp na naka-save sa laptop na iyon. Hindi ito dapat makita ng iba at masasaktan ang kumpanya kapag nalaman ito ni Will at ibenta niya ang
Namutla si Kallum habang nilamon siya ng kawalan ng pag-asa. Dumulas ang phone niya sa mga daliri niya at bumagsak ang malakas sa lapag. Talagang nakakatakot ang pagkamatay ni Cid, kagaya kung paanong hindi inasahan ni Kallum na aatakihin ni Victor ang anak niya nang hindi man lang siya binigyan ng tyansang manlaban.“Frank Lawrence… ang bodyguard ni Helen Lane? Ang head ng health and safety department?! S-Sino ba siya?!”Nakatulala niyang bulong bago nanahimik. -Samantala, nagmadaling bumalik sina Helen at Frank sa Lanecorp. Mananatili sila dapat sa labas, ngunit nakatanggap ng tawag si Helen mula kay Cindy, sinabi niyang dumating na ang bagong nobyo niya kasama ng laptop ni Helen. Gayunpaman, sa sandaling nakabalik sina Helen at Frank, lumapit sa kanila ang kalilipat lang na sekretaryang naghihintay sa pintuan at naiilang na nagsabi, “Ms. Lane, umalis ang pinsan mo kalahating oras ang nakaraan. Nag-iwan sila ng address at pinapapunta kayo sa kanila.”Kinuha ni Helen ang
"Hehe…"Nakangiti si Victor habang nilapitan niya si Frank, inabutan siya ng tasa ng tsaa, at nagtanong, “Mr. Lawrence, nakausap ko mismo si Tito Emilio at pinapasabi niya ang pagbati niya.”“Ganun ba.”Tumango si Frank—hindi talaga siya takot kay Victor, ininom pa niya kaagad ang tsaa at tumango. “Masarap ang tsaang to.”“Hehe… Kung gusto mo, pwede ko tong ipadala sa'yo, Mr. Lawrence.”“Hindi kailangan yan.” Tumanggi si Frank, iniunat ang likod niya, at lumingon kay Helen. “Pag-usapan natin ang utang mo sa Lanecorp. Kung tama ang pagkakaalala ko, 200 milyong investment funds ito, at tungkol naman sa interes…”“Oh, wag mong alalahanin yun.” Ngumiti si Victor at pinigilan si Frank sa pagbibilang—matalino siya para maintindihan ito. “Kumuha na lang kayo ng 300 milyon mula sa'kin, nang may interes na 100 milyon. Isipin niyo na lang itong regalo para sa Lanecorp. Pwede na ba yun?”“Oo.” Tumango si Frank. Gayunpaman, kumunot ang noo ni Helen. “Hindi tama yun. Tumagal na ang utang,