All Chapters of The Girlboss Begs for Remarriage: Chapter 981 - Chapter 990

1080 Chapters

Kabanata 981

“Ano….?”Hindi inasahan ni Nash na maging ang bodyguard ng mga Soriano ay ganito kayabang, at lalong hindi niya inasahang mamatahin siya rito.Nandito lang siya para magpadala ng pills!Higit pa roon, marami siyang alam na botika at apothecary, pero pinanatili niya ang katapatan niya at ngumiti habang nagsabing, “Pakiusap, sir—hindi ako magsisinungaling sa'yo. Nireseta ni Mr. Lawrence ang mga gamot na'to para kay Mr. Zeller. Pwede niyong tanungin si Mr. Zeller kung di kayo naniniwala sa'kin.”Sa kasamaang palad para kay Nash, may mga tao talagang abusado, wala silang pakialam sa mabuting pag-aasal at kakantiin nila ang kahit na sinong mukhang mahina. “Bingi ka ba?!” sigaw ng bodyguard na tumayo. “Sinabi ko na sa'yong hindi makakausap ng isang tauhang kagaya ko si Mr. Zeller—ako ang kahit kapag nandito ka lang para gumawa ng gulo! Pwede mong kausapin mismo si Mr. Zeller kung totoo ang sinasabi mo, pagkatapos ay sasabihan niya kaming papasukin ka. Ngayon, lumayas ka na rito!”Tinu
last updateLast Updated : 2024-11-07
Read more

Kabanata 982

“Teka, gamot ni Gus Zeller… mula sa isang Mr. Lawrence?” bulong ni Willy sa sarili niya, at di nagtagal ay lumitaw sa isipan niya ang mukha ng isang Lawrence. Nang lumamig ang ekspresyon ni Willy, nakita ni Nash ang mamahaling kotseng umandar papasok ng Sorano Estate at si Willy na nakaupo sa likuran. Matapos mapansing sumisipsip ang bodyguard kay Willy, nakikita ni Nash na malaking personalidad si Willy, at tiyak na tutulungan siya ng isang taong kagaya niya. Lumapit siya sa kotse ni Willy, kinakabahang yumuko, at mahiyaing nagtanong, “Mr. Sorano? Nandito ako para magpadala ng gamot kay Mr. Zeller, pero hindi ako pumapasok at di ko matawagan si Mr. Zeller. Pwede niyo po bang—”“Manahimik ka!” sigaw ng bodyguard sa kanya. “Talaga bang inutusan mo si Mr. Sorano na gawin ang kapritso mo?! Sino ka ba sa tingin mo?!”“Hindi! Hindi iyon ang ibig kong sabihin!” Tinaas ni Nash ang mga kamay niya sa pagkataranta. “Gamot ito, at sigurado akong kailangan ito kaagad ni Mr. Zeller para maw
last updateLast Updated : 2024-11-07
Read more

Kabanata 983

“Ano?!”Natigilan si Nash sa sigaw ni Willy. Ibig sabihin ba nito, sina Willy at Frank ay… magkaaway?Nagpatuloy na tumawa nang mabangis si Willy. “Ganito kasi yun… malaki ang kaguluhan sa'kin ng pangalang Frank Lawrence. Pinapatay ko siya sa panaginip ko bawat gabi, at babalatan ko siya nang buhay sa kinatatayuan niya! At ikaw! Ginagawa mo kong utusan para sa hayop na yun?! May problema ka ba sa utak?!”Natulala si Nash, at nakangiwing tumingin sa mga gamot na dinurog ni Willy sa ilalim ng paa niya. “Pakiusap, Mr. Soprano…” Katwiran niya, “Pwede ka namang tumanggi na lang kung ayaw mong tumulong! Paano mo nagawang sirain ang gamot na gawa ni Mr. Lawrence? Para ito sa isang miyembro ng pamilya niyo!”“Hahaha… Manahimik ka na lang!” Tumawa si Willy, sabay tinuro si Nash nang sumigaw siya, “Naiintindihan ko na ngayon… kaya pala pinoprotektahan ni Gus si Frank Lawrence, kahit na nangangahulugan itong pinapahiya niya ako! Kakampi siya ni Frank!” Habang nakaturo sa mga gamot sa ka
last updateLast Updated : 2024-11-08
Read more

Kabanata 984

Nagkataong naroon rin si Frank sa ospital na iyon. Nang mapansin ang duguang si Nash, sumugod siya sa operating room para iligtas si Nash at pinalayas ang lahat ng mga doktor. Kung wala si Frank, hindi masasabi kung anong pagpapahirap ang pagdadaanan pa ni Nash, ngunit duguan pa rin siya—tinanggal ang lahat ng kuko niya at bali ang bawat isang buto sa katawan niya. Hindi napigilan ni Frank na makaramdam ng pagsisisi at galit—mukhang tumanda ng isang dekada si Nash ngayon!Kung sana hindi na lang niya pinadala si Nash sa Sorano Estate!"Willy Sorano!" Nang nalaman ni Frank ang pangalan ng salarin pagkatapos sabihin sa kanya ni Nash ang lahat, tinawagan niya ang Loggins Apothecary para ipadala si Nash doon nang mas maalagaan nang maayos. Kasunod nito, lumabas siya ng operating room, at nakipagharapan kina Ghent Loeb at ang maraming Sorano bodyguards na dala niya. Dahil galit na galit na siya, hindi nagpakita ng galang si Frank, pero nanatili siyang kalmado. “Lumayas ka rito
last updateLast Updated : 2024-11-08
Read more

Kabanata 985

Malamig na suminghal si Ghent. “Ang kapal ng mukha mo, Frank Lawrence! Pinatay mo ang isang tao ng Sorano family!”Tumalon siya sa ere, sabay tumakbo sa pader habang sumugod siya sa pasilyo papunta kay Frank nang parang isang agila. Nakaunat ang mga daliri niya nang may pulang pure vigor na umiikot rito na parang mga kuko. Maingay itong dumaraan sa hangin. Kinailangang takpan ng Sorano bodyguards ang mga tainga nila!Hindi nakakagulat na kampante si Ghent sa sarili niya dahil nasa Ascendant rank siya. Gayunpaman, nasa early phase pa lang siya—hindi talaga ito sapat laban kay Frank!“Hmph. Talagang ito ang hanap mo…”Hindi lumingon si Frank—alam na niyang sumusugod si Ghent papunta sa kanya. Pinakalma niya ang sarili niya at huminga nang malalim bago lumingon. Pagkatapos, nagpakawala siya ng isang suntok na nababalot ng gintong pure vigor na bumangga sa claw attack ni Ghent. Nagbanggaan ang kamao sa kamao, sumunod naman ang isang malakas na shockwave na mabilis na nagpaw
last updateLast Updated : 2024-11-09
Read more

Kabanata 986

Bago pa man nakakibo ang dalawang bodyguard sa harapan, nakatalon na si Frank. Pagkatapos, hinawakan niya sila sa leeg at dinurog ito nang may malutong na tunog!“Sugod! Patayin niyo siya!”Nang makitang umatake si Frank, alam na ng mga bodyguard na katapusan na nila. Dahil hindi naman makakatakas, binunot nila ang mga machete at pamalo nila habang sumugod sila papunta kay Frank. "Hmph!"Ibinato ni Frank ang dalawang patay na bodyguard sa kanila at tumakbo sa pader habang sumugod sila sa hallway at kaagad siyang tumalon sa likuran nila. “Sinusubukan niyong tumakas? Wala kayong magagawa,” sabi ni Frank sa bodyguard na handa nang tumakas. Ito ang huling narinig ng bodyguard. Sumigaw rin ang bodyguard na iyon sa iba para sugurin si Frank, balak niyang gamitin sila bilang pain habang tumatakas siya. Thud!Sinuntok siya ni Frank sa leeg at nabali ito. Nanood siya habang bumagsak siya sa lapag sa takot nang hindi na humihinga. Nang makitang hinarangan ni Frank ang daan nila
last updateLast Updated : 2024-11-09
Read more

Kabanata 987

Tama ang ideya ni Jim—nagpunta si Frank sa Sorano Estate para maghiganti. Sa tuwing naaalala niya ang paghihirap na pinagdaanan ni Nash, napapalakas lang nito ang kanyang galit, kagustuhang pumatay, at ang malalim na pagsisisi niya. Hindi lang siya pinatuloy ng lalaking iyon sa bahay niya, nasaktan pa siya nang dahil sa kanya. Kapag nalaman ito ni Kat, tiyak na maging siya ay hindi magiging maganda ang reaksyon sa kanya. “Mamamatay ka na, Willy Sorano!” Sigaw ni Frank, hinigpitan niya ang kamao niya habang kumislap ang mga mata niya sa galit. Pagbabayarin niya silang lahat sa ginawa nila kay Nash, si Willy man o kahit na sinong sangkot sa pagpapahirap kay Nash!Hindi siya magpipigil, kahit na mangangahulugan ito ng isang giyera laban sa mga Sorano!Lumabas siya ng ospital at sumakay sa isang taxi na nagdala sa kanya diretso sa Sorano Estate dahil umalis si Helen sakay ng kotse niya. Nagkataon lang na nakasalubong niya ang bodyguard na nakwento ni Nash. “Anong ginagawa m
last updateLast Updated : 2024-11-10
Read more

Kabanata 988

Tiyak na walang kailangang sabihin si Frank sa basurang iyon at dinurog niya ang leeg nito nang may malutong na lagatok. Binagsak niya ang bodyguard sa sarili niyang dugo. Nakadilat ang mga mata niya habang namatay siya at wala siyang ideya kung paano iyon nangyari. Paanong may nagtangka talagang gumawa ng gulo sa Sorano Estate?"Phew…"Nang matapos iyon, naglakad si Frank papunta sa front gates ng Sorano Estate at huminga nang malalim bago ito sinipa. Bumagsak ang mataas na bakal na gate kasama ng isang bahagi ng pader na kinakabitan nito.“Ano? Ano yun?”“Lindol?”Mabilis na nagtipon ang Sorano bodyguards sa gate at napatitig sila sa gulat sa binatang lumabas mula sa alikabok nang may malamig na ekspresyon. Pagkatapos ay nanigas sila nang nakita nilang nakahandusay ang bangkay ng kasamahan nila sa sarili niyang dugo. “A-Ano to?”“I-Inaatake ba tayo?”“Imposible, totoo ba'to?”Kahit na nagkatinginan ang mga bodyguard dahil sa kalabuan ng buong sitwasyon, nagsalita an
last updateLast Updated : 2024-11-10
Read more

Kabanata 989

Seryoso ang batang ito!Nataranta ang lahat ng Sorano bodyguards habang tinitigan nila ang kalmadong pagkilos ni Frank. Pinatay niya ang bodyguard captain sa isang atake, at naging vigor wielder pa naman siya nitong nakaraan…Kasing lakas siya ng Sorano retainers, at hindi siya isang taong kaya nilang labanan!“Dali… tawagin niyo ang mga retainer!”Mabilis na tumalikod ang isa sa mga bodyguard para tumakas at pinanood lang siya ni Frank nang walang sabi-sabi. Sa sandaling iyon, may sumigaw sa kanya, “Wag kang masyadong mayabang, walanghiya ka! Patay ka na sa sandaling nagpunta ka rito!”Isa iyon sa mga bodyguard, na hindi napigilang sumigaw habang pinanood niyang bumagsak nang walang buhay ang bodyguard captain sa lapag. "Hmm…?"Lumingon si Frank sa bodyguard, tinitigan siya sa mata, at nagtanong kalahating metro lang ang layo sa kanya. “Sinabi mo bang patay na ako?”Lumunok ang bodyguard, pinagsisihan niyang nagsalita siya roon. Lumingon siya sa higit isandaang Sorano b
last updateLast Updated : 2024-11-11
Read more

Kabanata 990

Nanatiling walang pakialam si Frank habang tinitigan niya ang nanginginig na Sorano bodyguard. “Tapos na ang limang minuto mo. Dahil hindi mo dinala sa'kin si Willy Sorano, pwede mo kong dalhin sa kanya.”Pinili niya lang ang bodyguard na iyon dahil halatang duwag siya—habang mas takot silang mamatay, mas madali silang kontrolin. Masasayang lang lalo ang oras niya sa matatapang. “Ano? Kay Mr. Sorano?” Lumingon ang duwag na Sorano bodyguard sa iba ang bodyguards. Gayunpaman, malinaw na takot silang baka patayin lang ni Frank ang duwag nilang kasama, pagkatapos ay lumipat sa kanila. Nagtatrabaho lang sila rito, at tiyak na ayaw nilang mamatay! At habang ang opinyon lang ni Frank sa lalaki ay isa siyang ‘duwag’, hindi masisisi ang lalaking ito. Ang mga Sorano ay hindi isang dinastiya ng mga martial artist hindi kagaya ng mga Lionheart, at ang tunay na lakas lang nila ay ang mga retainer. At habang ang trabaho ng mga Sorano bodyguard ay ang pagiging bodyguard, mga pinagandan
last updateLast Updated : 2024-11-11
Read more
PREV
1
...
979899100101
...
108
DMCA.com Protection Status